PESO - PASAY

Directions Contact the organization

PESO - PASAY This is the Official page of the Public Employment Service Office (PESO) of the Pasay City Government.

TURISMO, TRABAHO, SERBISYONG LEGAL, ATBP. PARA SA MGA PASAYEÑO!Hatid ng Pamahalaan ng Lungsod ng Pasay, sa pangunguna ni...
25/09/2026

TURISMO, TRABAHO, SERBISYONG LEGAL, ATBP. PARA SA MGA PASAYEÑO!

Hatid ng Pamahalaan ng Lungsod ng Pasay, sa pangunguna ni Mayor Emi Calixto-Rubiano, sa pamamagitan ng Pasay City Tourism and Cultural Development Office (PCTCDO) at Public Employment Service Office (PESO), katuwang ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) PPLM Chapter at SM Supermalls, ang isang araw ng iba’t ibang serbisyo at oportunidad para sa mga Pasayeño.

Gaganapin ito sa Martes, Setyembre 29, 2026, mula 8:00 A.M. hanggang 3:00 P.M. sa SM Mall of Asia – Music Hall Activity Area, Pasay City.

Tampok sa aktibidad ang Job Fair na mayroong 2,160 job vacancies, Travel and Art Exhibit, Libreng Serbisyong Legal, at iba pang One-Stop Shop Government Services.

Mangyaring mag register sa QR Code at magdala lamang ng mahigit sa limang (5) resume, sariling ballpen at magsuot ng angkop na damit para sa interview at posibleng maging isa sa ating mga Hired On The Spot (HOTS).

Sumangguni sa larawan sa ibaba para sa listahan ng mga serbisyong handog at bakanteng trabaho na naghihintay sa inyo. Kaya naman mag-register na gamit ang QR o ang link na ito: bit.ly/4yeCROp

See you!




PESO PASAY, GINAWARAN NG PAGKILALANagtamo ng pagkilala ang Public Employment Service Office (PESO) ng Lungsod Pasay sa g...
24/09/2026

PESO PASAY, GINAWARAN NG PAGKILALA

Nagtamo ng pagkilala ang Public Employment Service Office (PESO) ng Lungsod Pasay sa ginanap na 2026 DOLE-NCR Kabuhayan Awards na may temang “Kabuhayang Matatag, Mamamayang Umaangat: Sama-samang Pagkilos Tungo sa Bagong Pilipinas” sa Kalakhang Maynila, Setyembre 23, 2026.

Iginawad sa PESO ng lungsod ang Best Local Government Unit Implementing DOLE Integrated Livelihood Program.

Ang pagkilalang ito ay bunga ng pagsisikap ng Ina ng Lungsod, Mayor Emi Calixto-Rubiano katuwang ang PESO - PASAY at DOLE Makati-Pasay Field Office na bigyan ng suportang pangkabuhayan ang mga kwalipikadong Pasayeño sa ngalan ng Tapat at Higit sa Sapat na Paglilingkod.

22/09/2026
HANDOG NG PANGULO: SERBISYONG SAPAT PARA SA LAHAT — TRABAHO AGAD JOB FAIR 2026Kaisa ang Pamahalaang Lungsod Pasay, katuw...
11/09/2026

HANDOG NG PANGULO: SERBISYONG SAPAT PARA SA LAHAT — TRABAHO AGAD JOB FAIR 2026

Kaisa ang Pamahalaang Lungsod Pasay, katuwang ang Public Employment Service Office (PESO) Pasay at Department of Labor and Employment (DOLE), sa gaganapin na Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat Para sa Lahat – Trabaho Agad Job Fair 2026 ngayong Setyembre 14, 2026, 8:00AM sa Pasay Astrodome, Pasay City.

Tampok sa aktibidad ang mga job vacancies mula sa iba't ibang participating employers, kasama ang One-Stop Shop Government Services na magbibigay ng iba't ibang serbisyo mula sa mga katuwang na ahensya ng pamahalaan.

Magdala lamang ng mahigit sa limang (5) resume, sariling ballpen at magsuot ng angkop na damit para sa interview at posibleng maging isa sa ating mga Hired On The Spot (HOTS).

Sumangguni sa larawan para sa listahan ng mga serbisyong handog at bakanteng trabaho na naghihintay sa inyo.
Kaya naman mag-register na gamit ang QR o ang link na ito: https://tinyurl.com/jobfairhnp

See you!


Ang Pamahalaang Lungsod Pasay, sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO), ay malugod na binabati ang laha...
07/09/2026

Ang Pamahalaang Lungsod Pasay, sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO), ay malugod na binabati ang lahat ng Hired On The Spot (HOTS) sa In-house Job Interview ng SM Hypermarket, ngayong araw September 7, 2026 💗



Matagumpay na nagtapos ang 103 beneficiaries sa JobStart Philippines Program ng Department of Labor and Employment (DOLE...
07/09/2026

Matagumpay na nagtapos ang 103 beneficiaries sa JobStart Philippines Program ng Department of Labor and Employment (DOLE) katuwang ang Public Employment Service Office (PESO) noong Setyembre 4, 2026, na ginanap sa DoubleDragon Plaza, Pasay City.

Isinagawa ang 10-araw na Soft/Core Skills Training upang malinang ang mahahalagang kasanayan at maihanda ang mga kabataan sa mundo ng trabaho.

Patuloy na sinusuportahan ng PESO Pasay ang mga programang nagbibigay sa kabataan ng kaalaman, kasanayan, at kumpiyansa tungo sa mas magandang oportunidad sa trabaho.

Matagumpay na isinagawa ang 2026 Annual Employers Forum noong September 2, 2026 sa Heritage Hotel, Pasay City, na nagsil...
07/09/2026

Matagumpay na isinagawa ang 2026 Annual Employers Forum noong September 2, 2026 sa Heritage Hotel, Pasay City, na nagsilbing mahalagang pagkakataon upang higit pang mapalakas ang ugnayan at pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasay at mga employers mula sa pribadong sektor.

Sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO), tinalakay ang mahahalagang programa at oportunidad para sa trabaho. Taos-puso ang aming pasasalamat sa lahat ng employers sa kanilang aktibong pakikiisa at patuloy na suporta sa pagsusulong ng mas maraming oportunidad para sa bawat Pasayeño.

TRABAHO PARA SA PASAYEÑO Inaanyayahan ng Public Employment Service Office (PESO) ang mga Pasayeño na makilahok sa IN-HOU...
06/09/2026

TRABAHO PARA SA PASAYEÑO

Inaanyayahan ng Public Employment Service Office (PESO) ang mga Pasayeño na makilahok sa IN-HOUSE JOB INTERVIEW ng SM HYPERMARKET MOA sa Lunes, Setyembre 7, 2026 mula 9:00 AM hanggang 2:00 PM, na gaganapin sa Islas Pinas DoubleDragon, Pasay City.

Available Positions:

✔️ Customer Assistant
✔️ Cashier
✔️ Bagger
✔️ Clerk

Age qualification 18 to 28 years old.

Mangyaring magdala ng isang (1) kopya ng resume, sariling ballpen, at magsuot ng angkop na kasuotan para sa interview. Maaaring kayo ay mapabilang sa ating mga Hired On The Spot (HOTS).

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring magpadala ng mensahe sa aming opisyal na page.

TRABAHO PARA SA PASAYEÑOPara sa mga interesadong magkaroon ng disente at permanenteng trabaho, bukas ang tanggapan ng PE...
03/09/2026

TRABAHO PARA SA PASAYEÑO
Para sa mga interesadong magkaroon ng disente at permanenteng trabaho, bukas ang tanggapan ng PESO para tumulong sa inyong JOB SEARCH.

Katuwang ang ating 2026 PESO ACCREDITED EMPLOYERS, na may iba't-ibang job vacancies na ang aming handog para sa inyo.
Ang mga aplikante ay kinakailangang mag-register muna sa Google Form link: https://forms.gle/eZx7jM3MZdKSgqF8A
o i-scan ang QR Code at i-screenshot bilang patunay ng kanilang pag-register.

Magtungo lamang sa tanggapan ng PESO para sa inyong Job Referral at Employment Coaching.
Sumangguni sa larawan sa ibaba para sa karagdagang impormasyon.




Address

Rm. 310 3rd Flr. Pasay City Hall
Pasay City
1300

Opening Hours

Monday 7am - 4pm
Tuesday 7am - 4pm
Wednesday 7am - 4pm
Thursday 7am - 4pm
Friday 7am - 4pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PESO - PASAY posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PESO - PASAY:

Shortcuts

Share