07/07/2026
PASAY COOPERATIVES' TECHNICAL ASSISTANCE SESSION] π€β¨
Matagumpay na naisagawa ngayong araw, July 7, 2026, ang Pasay Cooperatives' Technical Assistance Session na may temang "Cooperative Inspection Findings: Strengthening Policy Formulation" sa Kabayan Hotel, Pasay City.
Ang mahalagang programang ito ay pinangunahan ng Pasay City Government at Pasay Cooperative Development Office, katuwang ang Cooperative Development Authority - NCR (CDA-NCR), na naglalayong mas mapatibay pa ang pamamalakad at mga polisiya ng mga lokal na kooperatiba sa ating lungsod.
Taos-pusong pasasalamat ang aming ipinaabot sa ating iginagalang na Resource Speaker, na si Ms. Flordeliza M. Chu, sa pagbabahagi ng kanyang malawak na kaalaman, mahahalagang gabay, at ekspertis na tiyak na magagamit ng ating mga kooperatiba sa kanilang patuloy na pag-unlad.
Ganoon din, lubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga kinatawan at pamunuan ng mga kooperatiba na dumalo at aktibong nakiisa sa sesyong ito. Ang inyong presensya at dedikasyon ay patunay ng inyong nagkakaisang layunin na itaguyod ang tapat at mahusay na paglilingkod.
Sama-sama nating isulong ang mas matatag, maunlad, at matagumpay na sektor ng kooperatiba sa Lungsod ng Pasay! π΅ππΌ
07/07/2026
π’ INVITATION: USAPANG AGRIBIZ INVESTMENT FORUM πΎπ
Isang pagpupugay sa ating mga lokal na kooperatiba at negosyante!
Malugod kayong inaanyayahan ng Department of Agriculture - Agribusiness and Marketing Assistance Service, sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasay at Pasay Cooperative Development Office, sa gaganaping Usapang AgriBiz Investment Forum.
Layunin ng programang ito na magbahagi ng kaalaman at magbukas ng mas maraming oportunidad sa pagnenegosyo sa sektor ng agrikultura. Narito ang mga paksang tatalakayin:
π± Mushroom Farming (Potensyal at Pag-ani)
π Sustainable Bangus Production at Processing
π Oportunidad sa Industriya ng Turmeric (Luyang Dilaw)
π Ang Proseso at Paggawa ng Banana Chips
π
Petsa: Hulyo 30, 2026 (Huwebes)
π Oras: 1:00 PM - 4:00 PM
π Lugar: World Trade Center, Pasay City
Bukas po ito para sa lahat ng mga Kooperatiba at Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs). Dahil LIMITADO LAMANG ANG MGA SLOT, magrehistro na nang maaga upang matiyak ang inyong upuan.
Maaaring mag-register sa pamamagitan ng pag-scan sa QR code na nasa larawan o i-click ang link sa ibaba:
π https://forms.gle/tqDEHxJbSfGML7mGA
01/07/2026
π’ATTENTION: MICRO & SMALL COOPERATIVES IN PASAY CITY!
Inaanyayahan po ng Pasay City Government at Pasay Cooperative Development Office, sa pakikipagtulungan kasama ang Cooperative Development Authority - NCREO, ang lahat ng ating mga Micro and Small Cooperatives na dalo sa gaganaping:
TECHNICAL ASSISTANCE FOCUSING ON POLICY FORMULATION
Mahalaga ang pagkakaroon ng malinaw at maayos na mga patakaran para sa tuluy-tuloy na paglago at tagumpay ng inyong kooperatiba. Huwag palampasin ang pagkakataong ito na matuto mula sa mga eksperto!
Petsa: Hulyo 7, 2026 (Martes)
Oras: 1:00 PM β 5:00 PM
Lugar: Kabayan Hotel, EDSA, Pasay City
π¨ PAALALA:
β οΈ LIMITED SLOTS ONLY! Kaya naman mag-register na bago pa maubusan ng slot.
π Mag-patala sa link na ito:
π https://forms.gle/HfCMZoeW1McXPeNn8
Sama-sama nating patatagin at paunlarin ang sektor ng kooperatiba sa Pasay! See you there! ππ
30/06/2026
2nd Quarter PCCDC Meeting
June 30, 2026 - 1:00PM - 5:00PM
24/06/2026
π’ NOTICE TO ALL PASAY CITY COOPERATIVES π’
Isang malugod na pagbati mula sa Pasay City Cooperative Development Council (PCCDC)!
Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga kinatawan (representatives) ng mga kooperatiba sa Pasay City para sa gaganaping PCCDC 2nd Quarter Council Meeting. Napakahalaga po ng inyong dalo at partisipasyon upang talakayin ang mga mahahalagang adyenda para sa patuloy na pag-unlad ng ating sektor.
Magsisilbi rin itong gabay at paalala para sa lahat ng dadalo.
ποΈ Kailan: June 30, 2026
π Oras: 1:00 PM β 5:00 PM
π Saan: Kabayan Hotel, Pasay City
π Paano Mag-register:
Mag-patala na po kayo nang maaga sa pamamagitan ng link na ito:
π https://forms.gle/dL96m2bp6s26J1oH9
Ang pagdalo ng mga kinatawan ng bawat kooperatiba ay labis na inaasahan. Magkita-kita po tayo para sa mas matatag na ugnayan ng mga kooperatiba sa Pasay! π€β¨
23/06/2026
PASAY KOOP BALITAAN
Hunyo 23, 2026
Kabayan Hotel, Pasay City
Naging matagumpay ang isinagawang Pasay Koop Balitaan na nakatuon sa Ugnayan sa Kooperatiba Program at BIR Updates, kung saan maraming kooperatiba ang nagtipon-tipon upang makiisa at makibahagi sa talakayan.
Ang nasabing programa ay pinangunahan ng Pasay Cooperative Development Office sa pakikipagtulungan ng Cooperative Development Authority at ng Bureau of Internal Revenue.
Taos-pusong pasasalamat kay Mss. Maria Jovenal Tinio, Cooperative Development Specialist II ng Cooperative Development AuthorityβNCR, sa kanyang malinaw at komprehensibong pagtalakay tungkol sa CDA Inspection Findings. Gayundin, maraming salamat kay Mr. Michael Felipe at sa kanyang mga kasamahan mula sa Bureau of Internal Revenue sa pagbabahagi ng mahahalagang impormasyon hinggil sa mga pinakabagong Revenue Regulations for Cooperatives at iba pang mahahalagang update na may kaugnayan sa pagbubuwis ng mga kooperatiba.
Dahil sa mga makabuluhang presentasyon at aktibong partisipasyon ng mga dumalo, naging kapaki-pakinabang at matagumpay ang nasabing Koop Balitaan. Nagbigay ito ng mas malinaw na pag-unawa sa mga patakaran, programa, at regulasyong may kaugnayan sa maayos na pagpapatakbo, pagsunod sa mga itinakdang alituntunin, at patuloy na pagpapaunlad ng mga kooperatiba.
Ang pagtitipong ito ay patunay ng matibay na pagtutulungan ng mga kooperatiba at mga katuwang na ahensiya ng pamahalaan sa pagsusulong ng isang mas matatag, responsable, at maunlad na sektor ng kooperatiba para sa kapakinabangan ng mga kasapi at ng komunidad.
βSama-samang pagkilos at patuloy na ugnayan tungo sa mas matatag at maunlad na kilusang kooperatiba.β
18/06/2026
FINANCIAL MANAGEMENT FOCUSING ON INTERNAL CONTROL πΌπ
Isang matagumpay at makabuluhang araw ang naganap ngayong araw, June 18, 2026, sa ginanap na "Training on Financial Management Focusing on Internal Control" na idinaos sa Kabayan Hotel, Pasay City.
Ang mahalagang programang ito ay naisakatuparan sa pamumuno ng Pasay City Government at ng Pasay Cooperative Development Office, katuwang ang Metro Manila Association of Cooperative Development Officers.
Taos-pusong pasasalamat ang aming ipinapaabot sa ating napakahusay na Resource Speaker, Ms. Lucy G. Furo. Maraming salamat sa pagbabahagi ng iyong malawak na kaalaman, ekspertis, at mahahalagang gabay na tiyak na makatutulong sa mas maayos at transparent na pamamahala ng pananalapi ng ating mga kooperatiba.
Gusto rin naming pasalamatan at bigyang-pugay ang lahat ng mga kinatawan mula sa iba't ibang kooperatiba na aktibong dumalo at nakibahagi sa training na ito. Ang inyong patuloy na dedikasyon na mapalago at mapatibay ang inyong mga kooperatiba ay isang malaking hakbang tungo sa mas matatag na lokal na ekonomiya.
Mabuhay ang mga Kooperatiba sa Pasay City! π€β¨
17/06/2026
Orientation on GAD Mainstreaming in Cooperative Using GAD Tool π€β¨
Isang malaking tagumpay ang isinagawang "Orientation on GAD Mainstreaming in Cooperative Using GAD Tool" ngayong araw, June 17, 2026, sa Kabayan Hotel, Pasay City.
Taus-pusong pasasalamat sa ating Resource Speaker na si, Ms. Flordeliza M. Chu, sa pagbabahagi ng kanyang mahalagang kaalaman at gabay upang mas mapalakas ang Gender and Development (GAD) sa ating sektor.
Lubos din nating pinasasalamatan ang lahat ng mga kooperatiba sa Pasay City na nakiisa at nagpakita ng suporta sa programang ito. Ang inyong aktibong partisipasyon ay patunay ng ating iisang mithiin para sa mas inklusibo at maunlad na pamayanan.
Lubos din ang aming pasasalamat sa Cooperative Development Authority - NCR (CDA-NCR) sa kanilang mahalagang pakikipagtulungan sa training na ito. Ang inyong patuloy na suporta at gabay ay napakalaking bahagi sa tagumpay ng mga kooperatiba dito sa Pasay City.
15/06/2026
MATAGUMPAY NA NAISAGAWA: Pasay Cooperativesβ Technical Assistance Session ukol sa Gap Analysis at FCPAMS Guidelines!
Isang malaking pasasalamat sa lahat ng mga dumalo at nakiisa sa ginanap na Pasay Cooperativesβ Technical Assistance Session ngayong araw, June 15, 2026, sa Kabayan Hotel, Pasay City!
Naging napakaproduktibo ng ating hapon sa pagtalakay sa mahahalagang paksa tulad ng Preparation and Submission of Gap Analysis and Board Approved Action Plan at ang Guidelines on the Establishment of Financial Consumers Protection Assistance Management System (FCPAMS).
Maraming salamat po, Ms. Prima Sarah Parangue, sa napakalinaw at makabuluhang pagtalakay sa FCPAMS! Napakalaking tulong po ng inyong gabay at kadalubhasaan upang mas maprotektahan ang ating mga miyembro at mas mapatibay ang ating kooperatiba.
Isang taos-pusong pasasalamat din sa AXA Philippines - Metrobank sa kanilang pagbisita at pagbabahagi ng mga kapaki-pakinabang na produkto at serbisyong pinansyal na tiyak na makatutulong sa paglago at proteksyon ng ating mga kooperatiba.
Sulong sa mas matatag, maalam, at progresibong kooperatiba sa Pasay! πβ¨