Konsi Engr. Noel "Buboy" Agustin

Konsi Engr. Noel "Buboy" Agustin

Share

Taga-Pasig, kung saan umaagos ang pag-asa.

Photos from Konsi Engr. Noel "Buboy" Agustin's post 14/04/2026

April 13, 2026

Maaga po tayong nagtipon para sa ating Flag Ceremony na pinangunahan ng Social Sector sa ilalim ng LYDO, bilang simbolo ng ating patuloy na pagkakaisa at dedikasyon sa paglilingkod sa bawat Pasigueño.

Sa simpleng pagtitipon na ito, muli nating pinagtibay ang ating paninindigan na maglingkod nang may malasakit, integridad, at responsibilidad—habang binibigyang-pugay din ang mga mahahalagang pagdiriwang ngayong buwan. Sama-sama po nating ipagpatuloy ang tapat at makabuluhang serbisyo para sa ating lungsod.

09/04/2026

Ngayong Araw ng Kagitingan, April 9, 2026, buong puso po nating ginugunita ang kabayanihan at sakripisyo ng ating mga bayani na nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan ng ating bansa. 🇵🇭

Bilang lingkod-bayan, patuloy ko pong isasabuhay ang kanilang diwa ng tapang, malasakit, at pagmamahal sa bayan sa bawat serbisyong inihahatid natin sa mga Pasigueño. Nawa’y magsilbi itong paalala na ang tunay na kagitingan ay makikita sa araw-araw na pagkilos para sa kapwa at sa bayan.

Photos from Konsi Engr. Noel "Buboy" Agustin's post 07/04/2026

March 30, 2026 Flag Ceremony

Pinangunahan ng Institutional Sector sa ilalim ng City Treasurer’s Office—isang paalala ng ating patuloy na disiplina, pagkakaisa, at dedikasyon sa paglilingkod sa bawat Pasigueño. 🇵🇭

Sa naturang programa, naibahagi rin ang mahahalagang anunsyo para sa nalalapit na Lenten Week activities sa lungsod, kasabay ng pagkilala sa mga natatanging empleyado sa pamamagitan ng PRAISE Awarding. Patunay ito na pinahahalagahan natin hindi lamang ang serbisyo, kundi pati ang mga taong patuloy na nagsisilbi nang may integridad at malasakit.

Patuloy po tayong magtulungan para sa isang mas maayos at progresibong Pasig.

Photos from Konsi Engr. Noel "Buboy" Agustin's post 30/03/2026

Naimbitahan po tayo upang magbigay ng mensahe sa matagumpay na HOA Community Talks 2026 na ginanap noong March 14 sa Brgy. Kapitolyo—isang mahalagang hakbang para palakasin ang kaalaman at kapasidad ng ating mga Homeowners Association. 🤝🏡

Kasama ang ating mga barangay leaders, city officials, at resource speaker mula sa DHSUD, napag-usapan natin ang mga polisiya at programang magbibigay-daan sa mas maayos, organisado, at progresibong komunidad. Maraming salamat sa lahat ng HOA officers at members na aktibong nakiisa—ang inyong partisipasyon ang susi sa mas matatag na barangay.

26/03/2026

𝗠𝗮𝗿𝗰𝗵 𝟮𝟱, 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐭𝐭𝐞𝐞 𝐇𝐞𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐧 𝐈𝐧𝐟𝐫𝐚𝐬𝐭𝐫𝐮𝐜𝐭𝐮𝐫𝐞

Masusing tinalakay natin ang Proposed Ordinance No. 101-2026 na layong i-waive ang fees para sa Special Electrical Permit. Layunin po nating mapagaan ang gastusin ng ating mga kababayan at masigurong ligtas, legal, at maayos ang bawat koneksyon ng kuryente sa ating lungsod. ⚡🏡

Katulong ng ibang ahensya ng lokal na pamahalaan, tuloy-tuloy po ang ating pakikipag-ugnayan at pagbalangkas ng mga polisiya para sa mas maayos na serbisyo para sa bawat Pasigueño.


Photos from Konsi Engr. Noel "Buboy" Agustin's post 25/03/2026

MARCH 23, 2026 | MONDAY

Maaga po tayong nagsimula ngayong March 23, 2026 para sa ating Flag Ceremony na pinangunahan ng Environmental & Infrastructure sector (CEO)—isang patunay ng ating patuloy na pagkakaisa at dedikasyon sa paglilingkod sa bawat Pasigueño.

Sa naturang programa, kinilala rin natin ang natatanging galing ng ating mga atleta mula sa NCR Palaro 2026, katuwang ang Schools Division Office, na tunay na nagbibigay ng karangalan sa ating lungsod. Kasabay nito, ating ginugunita ang nalalapit na pagtatapos ng UNESCO-ITI World Theater Week ngayong March 27—isang pagpupugay sa sining at kultura na patuloy nating sinusuportahan. Pagkatapos ng Flag Ceremony ay sinimulan din ang Blessing and Turnover of City Electric Bus.

Photos from Konsi Engr. Noel "Buboy" Agustin's post 20/03/2026

Ikinagagalak ko pong ibahagi na nitong March 16, 2026 ay inihain natin ang Proposed Ordinance No. 101-2026, na naglalayong i-waive ang mga bayarin na nakasaad sa Section 211.1 ng 2017 Pasig City Revised Revenue Code kaugnay ng aplikasyon para sa Special Electrical Permit. Sa pamamagitan ng panukalang ordinansang ito, nais nating makatulong na mapagaan ang gastusin ng ating mga kababayan habang hinihikayat ang mas ligtas, maayos, at legal na electrical connections sa ating lungsod. Patuloy po nating isinusulong ang mga programang tunay na makakatulong at magbibigay ng proteksyon sa bawat Pasigueño.

Photos from Konsi Engr. Noel "Buboy" Agustin's post 16/03/2026

MARCH 16, 2026 | Patuloy po tayong nagbabahagi ng mahahalagang updates para sa ating mga Pasigueño. Ngayong umaga, ang Pasig HOPE Medical Center ang host department ng ating flag ceremony. Sa kasalukuyan, pansamantalang sarado ang kanilang Emergency Department dahil sa isinasagawang upgrading at renovation, ngunit patuloy namang bukas ang Outpatient, Physical Medicine, at Rehabilitation Departments mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 AM hanggang 5:00 AM upang magbigay ng serbisyo sa ating mga kababayan.

Samantala, magandang balita rin mula sa Nasyonal na Pamahalaan at DSWD dahil ilulunsad na ang AICS (Assistance to Individuals in Crisis Situations) program para makatulong sa mga tricycle drivers, jeepney drivers, at iba pang PUV drivers na naapektuhan ng kasalukuyang krisis. Nakipag-ugnayan na rin ang lokal na pamahalaan sa TORO, LTFRB, at TPMO upang masigurong maayos ang implementasyon ng programang ito para sa ating mga tsuper.

Photos from Konsi Engr. Noel "Buboy" Agustin's post 13/03/2026

Every day is People’s Day. 🫡

Nung nakaraang araw binista tayo ni Former Ilocos Sur Governor Chavit Singson at nakapasyal sa ating opisina...

Patuloy din na bukas ang aking tanggapan para makinig, umaksyon, at maglingkod sa iba’t ibang concerns ng ating mga kababayan—mula HOA matters hanggang basic services.

Serbisyong may malasakit, para sa Pasigueño.





Photos from Konsi Engr. Noel "Buboy" Agustin's post 11/03/2026

Nitong nagdaang araw, Personal po akong nakipag-ugnayan sa Barangay Palatiw upang matulungan ang ating mga kababayan na makapagpakabit ng legal at sariling metro ng kuryente at tubig. ⚡

Layunin nating wakasan ang mga delikadong ilegal na koneksyon na maaaring magdulot ng overload, sunog, at iba pang sakuna. Tuloy-tuloy po ang ating pag-aksyon para sa mas ligtas na komunidad ng bawat Pasigueño. 🔥🏠

Photos from Konsi Engr. Noel "Buboy" Agustin's post 07/03/2026

Nung nakaraan linggo nagkaroon tayo ng ugnayan sa Brgy. Hall ng Malinao patungkol sa mga residente na mga wala pang sariling metro ng kuryente. Ngayon ay muli tayo bumalik para personal na mainspekyun ang kanilang lugar.

Layunin nating matulungan silang makapagpakabit ng legal at sariling metro upang maiwasan ang delikadong ilegal na koneksyon na nagdudulot ng overload, sunog at iba pang uri ng sakuna.

Photos from Konsi Engr. Noel "Buboy" Agustin's post 03/03/2026

Buong puso kong binabati ang ating mga batang atletang lalahok sa NCR Palaro 2026! 🏅🔥

Kahapon, sa send-off ceremony kasama ang kanilang coaches, ipinakita natin ang buong suporta ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ng ating mayor. Proud ako sa sipag, disiplina, at dedikasyon n’yo—dalhin n’yo ang galing ng Pasig sa laban! 💪💙

Laban, Pasigueño athletes!

Want your business to be the top-listed Government Service in Pasig?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Caruncho Avenue
Pasig
1600