14/07/2026
๐๐ข๐ข๐ | Pasig City Launches 1st Batch of Emergency Medical Responder Training
Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kahandaan ng mga komunidad sa panahon ng sakuna at iba pang emergency, matagumpay na isinagawa ng Pasig City Government, sa pamamagitan ng Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Office (PCDRRMO), ang 1st Batch ng Emergency Medical Responder (EMR) Training and Emergency Medical Service NC II Assessment (EMR-EMS NC II).
Layunin ng competency-based training na ito na higit pang mapaunlad ang kaalaman, kasanayan, at kakayahan ng ating mga Barangay Responders sa pagbibigay ng agarang medical response at episyenteng pagtugon sa ibaโt ibang uri ng emergency sa kanilang mga nasasakupan.
Ang pagsasanay na ito ay bahagi ng patuloy na programa ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig upang matiyak na ang bawat barangay ay may mga responder na handa, mahusay, at may sapat na kakayahan sa paglilingkod sa oras ng pangangailangan.
Ang isinagawang aktibidad ay ang unang batch lamang ng programa, at inaasahan ang pagsasagawa ng ikalawang batch upang mas marami pang barangay responders ang mabigyan ng parehong pagsasanay at pagkakataong makamit ang Emergency Medical Service NC II Assessment.
Sa pamamagitan ng mga programang tulad nito, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang isang mas ligtas, mas matatag, at mas handang komunidad para sa lahat.
12/07/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐
July 11, 2026
Bilang bahagi ng patuloy na paghahanda sa banta ng Bagyong Inday, nagsagawa ang Community Relations and Information Office (CRIO) ng pagbisita sa mga barangay na nagbukas ng kanilang mga evacuation centers upang masiguro ang kahandaan at kaligtasan ng mga residenteng maaaring maapektuhan ng masamang panahon.
Kasama sa isinagawang monitoring ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO), City Health Department (CHD) Peace and Order (POD) Bantay Pasig Department (BPD), at ang mga opisyal at kawani ng mga barangay, na sama-samang nagsagawa ng inspeksyon at koordinasyon upang matiyak na ang mga evacuation centers ay may sapat na pasilidad, serbisyo, at agarang tulong na maibibigay sa mga evacuees kung kinakailangan.
Patuloy pa rin na nakikipag-ugnayan ang ibaโt ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa bawat barangay upang matiyak ang mabilis na pagtugon, maayos na koordinasyon, at kaligtasan ng bawat Pasigueรฑo.
01/07/2026
Mahalagang Paalala para sa mga Empleyado ng Pasig City Hall at Barangay Hall na nais humingi ng Financial assistance sa tanggapan ng CRIO, maaring magsumite ng nasabing mga requirements, paalala na magkaiba po ang requirements ng mga empleyado mula s local na pamahalaan (cityhall) at sa mga nanunungkulan sa Barangay.
Ang maari nyo pong hingian ng tulong pinansyal ay ang inyong sarili kung kayo po ay kawani ng City o ng Barangay, kung ang inyong immidieate family nmn po ang inyong hihingian ng Medical Assistance o Burial Assistance, maaari po kayong magsumite ng aplikasyon sa pamamagitan ng pag-comply sa mga kinakailangang dokumento.
Hinihiling po namin na tiyaking kumpleto at maayos ang mga dokumentong isusumite upang maging mas mabilis at maayos ang pagproseso ng inyong aplikasyon.
Kung mayroon po kayong mga katanungan o nangangailangan ng karagdagang impormasyon, malugod po kayong inaanyayahang makipag-ugnayan sa aming tanggapan.
CRIO Office 3rd floor, Temporary Pasig City Hall.
Narito po ang mga kailangang Requirements
Maraming salamat po, at nawa'y makatulong ang programang ito sa mga nangangailangan.
30/06/2026
๐จ Barangay Security Force, mas pinatibay pa laban sa ilegal na droga!
Isang capacity-building seminar para sa Barangay Drug Clearing Program (BDCP) ang matagumpay na isinagawa sa pangunguna ng Community Relations and Information Office (CRIO) sa pamumuno ni OIC Maria Gonzales. Katuwang din sa aktibidad na ito ang ating Pasig City Anti-Drug Abuse Office (PCADAO) sa pamumuno naman ni OIC Zenaida Concepcion, upang masigurong lalong handa at protektado ang bawat barangay sa ating lungsod! ๐ก๏ธ
โจ Full Support mula sa Pamahalaan
Naghatid ng isang inspiring message ang ating dynamic Councilor of Peace and Order, Hon. Mark Gil "Volta" De Los Santos, na nagpasalamat sa walang-sawang serbisyo at sakripisyo ng ating mga frontline responders sa komunidad.
๐ง Powerhouse Panel of Speakers & Experts:
Santaner T. Iray โ Chief Trainer, Drug Philippines Inc.
Atty. Balsy Battala โ Legal Officer, PDEA
Berlin Ornales โ Investigation Agent III, PDEA
Zenaida Concepcion โ OIC, Pasig City Anti-Drug Abuse Office (PCADAO)
๐ ๏ธ Hindi lang basta nakinig, nag-workshop din!
Para talagang ma-apply ang mga teorya sa aktuwal na serbisyo, sumalang ang ating BSF sa dalawang solid na workshops:
๐ญ Drug-Clearing Role Playing Nag-simulate sila ng mga totoong community scenariosโmula sa tamang koordinasyon nina Kap at Kagawad hanggang sa pagresponde ng ating mga Tanod. Ang bawat eksena ay mismong kinritiko at ginabayan ng mga opisyal mula sa PDEA para siguraduhing swak at sunod sa RA 9165.
๐ Incident Report Writing Plenary Dito naman hinasa ang kanilang husay at talas sa pagdodokumento. Dahil sa paggawa ng ulat, mahalagang laging kumpleto ang detalyeโWhat, Where, When, Who, at Actions Taken!
Isang malaking salamat sa ating BSF sa inyong walang-sawang dedikasyon para sa isang ligtas, tahimik, at drug-free community! ๐คโค๏ธ
27/06/2026
SABAY-SABAY SA HEALTHY AT HAPPY NA KOMUNIDAD!
Ginanap kahapon (JUNE 26, 2026 | BIYERNES)
ang "Mental Health Awareness and Holistic Wellness" Program para sa ating masisipag na fitness coordinators mula sa 71 groups na nagpapasiklab ng Zumba activities sa buong Pasig.
Ang espesyal na programang ito ay inisyatibo ng CRIO (Community Relations and Information Office) sa pamumuno ni Maria Lourdes Gonzales, kilala natin bilang "Direk Mash," katuwang ang Pasig City Health Office!
Kasama rin sa nag-lead ng hatawan ang ating mahuhusay na Pasig City Physical Fitness Instructors.
Para sa ating serye ng talakayan, nagbahagi ng kanilang mahalagang kaalaman at expertise ang ating mga inimbitahang speakers:
Pinag-usapan ang pagkilala sa stress triggers at mental resilience kasama sina Ms. Pamela Denise S. Muรฑoz, RPsy, RPm, MAPsy at Mr. Marco Ernesto Ferrer, RN mula sa City Health Department.
Hinihimay naman ang tamang pagpili ng pagkain para iwas-sakit kasama si Ms. Joyce B. Tejada, RND, CHD - Nutritionist Dietitian II.
Mas naging inspiring pa ang araw dahil nakiisa at nagbigay ng kanyang mensahe si Pasig City Mayor Vico Sotto! Ayon kay Mayor, habang ginagawa nating fit ang ating katawan sa pagsasayaw, napakahalaga rin na alagaan natin ang ating mental health.
17/06/2026
Happy Birthday, Mayor Vico Sotto!
Wishing you a day filled with happiness, good health, and countless blessings. Thank you for your dedicated service, inspiring leadership, and genuine commitment to the people. May you continue to be guided with wisdom, strength, and integrity as you lead and serve with excellence.
May this new year of your life bring you greater success, fulfillment, and joy. Have a wonderful and blessed birthday!
Happy Birthday, Mayor Vico!
15/06/2026
๐CRIO ON THE MOVE | June 15, 2026
Suportado ng Community Relations and Information Office (CRIO) ang ibaโt ibang mahahalagang aktibidad sa mga barangay at proyekto ng Lungsod ng Pasig.
Barangay Kapasigan
Nakiisa ang CRIO sa Inauguration of the Barangay Sports Center and Multi-Purpose Building sa pangunguna ni Kapitana Jennifer Marcelo. Isang mahalagang proyekto na magsisilbing sentro ng sports, community activities, at iba pang programa para sa mga residente.
Barangay Sagad
Nagkaroon ng surprise visit ang CRIO sa kanilang 2nd Barangay Nutrition Committee Meeting kung saan tinalakay ang evacuation preparedness at mga updates ukol sa kalusugan at nutrisyon ng barangay. Kabilang sa mga napag-usapan ang:
โ๏ธ 2026 Operation Timbang (OPT) Plus
โ๏ธ 2nd Quarter Nutrition Program Accomplishments
โ๏ธ 2026 Nutrition Month Theme
โ๏ธ Proposed Nutrition Month Activities
Barangay Manggahan
Dumalo rin ang CRIO sa Committee Review of the 2027 Barangay GAD Plans and Budget kasama si Councilor Maro Martirez. Layunin ng pagpupulong na masiguro ang maayos na pagpaplano at paglalaan ng pondo para sa mga programang nagtataguyod ng inclusive at development sa barangay.
New Pasig City Hall
Nakibahagi rin ang CRIO sa Topping-Off Ceremony and Inspection ng kasalukuyang construction site ng New Pasig City Hall sa Caruncho Avenue. Isa itong mahalagang milestone tungo sa mas moderno, episyente, at mas maayos na serbisyong pampubliko para sa bawat Pasigueรฑo.
Patuloy ang CRIO sa pakikiisa at pagbibigay ng impormasyon sa mga programang naglalayong mapabuti ang kalidad ng buhay ng ating mga kababayan.
13/06/2026
๐๐ ๐ ๐๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ฉ๐๐ค๐ญ๐ฎ๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ง๐จ๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐โ๐ญ ๐๐๐๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ, ๐๐๐ค๐๐ญ๐๐ง๐ ๐ ๐๐ฉ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐๐ก๐๐ฅ๐๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐
Ipinamahagi nitong June 11, 2026 sa Westbank Community Center sa Brgy. Maybunga ang tulong pinansyal ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa mga pamilyang naapektuhan ng magkakahiwalay na insidente ng sunog mula sa ibaโt ibang barangay sa lungsod.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang 8 pamilya mula sa Brgy. Manggahan, 92 pamilya mula sa Brgy. Maybunga, at 5 pamilya mula sa Brgy. Sumilang.
Matapos ang isinagawang validation ng City Social Welfare and Development Office at ng Pasig Urban Settlements Office, ipinagkaloob ang financial assistance sa mga kwalipikadong benepisyaryo alinsunod sa Pasig City Ordinance No. 11, s. 2025. Ang halaga ng natanggap ng bawat pamilya ay nakabatay sa uri ng kanilang paninirahan at lawak ng pinsalang natamo.
Sa panahon ng pagsubok, patuloy na nakaalalay ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig upang matiyak na agarang naaabot ng tulong ang mga residenteng nangangailangan at masuportahan sila sa kanilang pagbangon.
08/06/2026
nasa SCHOOL na ba ang Lahat? ๐ซถ๐ผ
Have a Fresh day of School PASIGUEรOs ๐ค
BRIGADA ESKUWELA last week report of BARANGAYS ๐ค