Kabataan Partylist - Pasig

Kabataan Partylist - Pasig

Share

Ang natatanging boses ng Kabataan sa Kongreso, na sa Pasig na! Laban Kabataang Pasigueño! Tara na at sumali na! bit.ly/KPL-PasigMassOrye

Photos from Kabataan Partylist - Pasig 's post 21/03/2026

Presyo ng langis, ibaba, irollback! Kabataan, makiisa sa laban ng tsuper!

Patuloy tayong naninindigan at nagpapanawagan para sa karapatan ng bawat tsuper sa isang nakakabuhay na kita. Hindi na makatao ang sunod-sunod na oil price hikes na lalong nagpapahirap sa ating mga drayber. Kaya naman, kaisa ang Kabataan Partylist - Pasig sa panawagang ibasura ang Oil Deregulation Law, pati na ang VAT at Excise Tax sa produktong petrolyo na siyang nagpapalobo sa presyo ng bilihin.

Sa gitna ng krisis, kailangan ng masa ang tunay na pagtaas ng sahod at mabilis na pagbaba ng presyo ng mga batayang pangangailangan. Ang kilos-protestang ito sa Mendiola ay patunay na ang laban ng tsuper ay laban din ng komyuter—isang kolektibong pagkilos para sa katarungang panlipunan at kagalingan ng sambayanan!





Photos from Kabataan Partylist - Pasig 's post 01/12/2025

GISING NA ANG MAMAMAYAN, GISING NA ANG MGA KABATAAN‼️‼️

Ngayong Araw ni Bonifacio, nanawagan ang kabataan mula Pasig Palengke hanggang Luneta na panagutin ang lahat ng kurap! Pagod na ang mga kabataan at mamamayan sa harap-harapang panloloko ng mga opisyal sa gobyerno. Hindi mawawala ang korapsyon kung hindi kasama si Marcos sa pananagutin. Hindi dapat tayo mamili sa dalawang mukha na Marcos at Duterte; there’s no lesser evil!

Kaya ating ipagpatuloy ang pag-ingay upang maipakita na hindi tayo tatahimik. Hindi tayo uurong at hindi tayo magpapasakal sa gobyernong pumapatay ng kinabukasan. Hanggang makamit ang hustisya para sa mga dugong inutang ng ating pasistang rehimen!



.0

29/11/2025

📣 𝗧𝗔𝗬𝗢 𝗡𝗔! 𝗦𝗘𝗖𝗢𝗡𝗗 𝗪𝗔𝗩𝗘 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗘𝗧𝗔!

Hindi tayo papasok sa klase na parang walang mali, habang tuloy-tuloy ang pagkalat ng kurapsyon sa mga institusyong dapat naglilingkod sa atin. Kung may sira sa sistema, tungkulin ng KABATAAN na magsalita. Ganito palagi dapat noon pa, ganito dapat hanggang ngayon.

Halina at makibaka! Panawagan ito para sa tapat na pamamahala, makatarungang edukasyon, at pamumunuang hindi bulok. Kapag binaha ng KABATAAN ang Luneta, hindi lang basta hiyaw ang dala natin, kundi paninindigan.

Mula sa ating mga barangay hanggang sa mga kampus, maging sa mga kalsada hanggang komunidad, may lugar tayo sa laban. Kahit tahimik, basta't malinaw ang paninindigan, sama-sama tayong susulong. At kung sama-sama tayo, mas hindi nila kayang balewalain.

🗓 November 30
• 8:30 March to Luneta
• 9:00 Luneta Program
• 12:00 March to Mendiola
• 1:00 Mendiola Program

Hindi tayo titigil hangga’t hindi nalilinis ang bulok na sistema, dahil ang LAHAT ng SANGKOT, DAPAT MANAGOT!



.0

03/10/2025

ALERT: RED-TAGGING SA PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG!

Kanina lamang ay nagsagawa ng Red-Tagging forum sa pamamagitan ng subject na “National Security” ang Pamantasan ng Lungsod ng Pasig, kung saan hayagang pinaratangang NPA recruiters ang mga progresibong grupo sa iba’t ibang espasyo sa lipunan — kabilang dito ang Kabataan Partylist, Gabriela Women’s Partylist at ACT Teachers Partylist. Kasabay nito ang mapanlinlang na pag-uugnay ng aktibismo sa terorismo.

Mariing kinukundena ng Kabataan Partylist Pasig ang red-tagging at desperadong taktika ng estado upang takutin at patahimikin ang mga kabataang kumikilos laban sa krisis at kapabayaan ng rehimeng Marcos-Duterte. Isa pa ngang kailangan kwestiyunin ay bakit may espasyo ang red-tagging sa mga paaralan ng Pasig gayong ito ay for good governance? Hindi ba dapat ang mga ahensya kagaya ng NTF-ELCAC ay walang puwang sa mga paaralan dahil sila ay bumubulsa rin ng milyong-milyong confidential funds na mula sa pera ng taumbayan. Kasing-sahol lang din sila ng mga politiko at kontraktor na kagaya nila Zaldy Co at Sarah Discaya.

Ang pangyayaring ito sa Pamantasan ng Lungsod ng Pasig, kasama ng daan-daang red-tagging forums sa iba’t ibang institusyon, ay dagdag na patunay kung bakit dapat nang buwagin ang NTF-ELCAC. Karapatan ng mga kabataan ang magmulat at mag-organisa sa kanilang mga paaralan.

Nananawagan ang Kabataan Partylist Pasig sa pamahalaan ng Pasig na tumugon at tumindig laban sa nakamamatay na red-tagging. Hindi krimen ang maging mulat at manindigan kasama ang mga biktima ng nabubulok na sistema. Wala dapat espasyo ang red-tagging sa lungsod ng Pasig!




Photos from Kabataan Partylist - Pasig 's post 23/09/2025

𝐏𝐀𝐋𝐀𝐘𝐀𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐈𝐋𝐈𝐆𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐈𝐍𝐀𝐑𝐄𝐒𝐓𝐎—𝐈𝐊𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐍𝐀𝐍𝐀𝐊𝐀𝐖 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐀𝐍!

𝗕𝗔𝗧𝗖𝗛 1 | Kasalukuyan pa ring nakakulong ang isa sa mga brutal na inaresto ng mga kapulisan na si Alexis "Chokoy" Lasic; isang hamak na kabataang parte ng Person With Disability (PWD) na nakilahok sa malawakang protesta sa Luneta at sa Ayala Bridge.

Kasama si Chokoy sa humigit DALAWANDAANG mamamayang lumaban at naghahangad lamang ng kalayaan mula sa sistemang mapang-abuso at ubod ng korap. Walang pakundangang inaresto at brinaso ng PNP si Chokoy, na wala namang kinalaman sa pambabatong insidente sa naganap na rally sa Ayala Bridge sa gitna ng kaguluhang naganap.

Tahasang ikinukundena ng Kabataan Partylist - Pasig ang iligal na pag-aresto ng sangkapulisan kay Chokoy at sa iba pang kabataan at PWD na ginamitan nila ng bakal na kamay sa nagdaang protesta nitong Setyembre 21, 2025.

Hindi matatapos ang protesta sa Luneta o sa EDSA, patuloy na lalaban ang mga tulad ni Chokoy para sa kinabukasang para sa kabataan at para sa bayan. Makatwiran ang mag-protesta!

📌 Hindi pa tayo nagtatapos! Maaari pa rin kayo sumali sa coordinating gc: https://m.me/j/AbbsqrX-kHnCqdVj/

👉 Makibahagi, makiisa, makibaka! Sumali na rin sa 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆𝗹𝗶𝘀𝘁 - 𝗣𝗮𝘀𝗶𝗴: https://bit.ly/KPL-PasigMassOrye






Photos from Kabataan Partylist - Pasig 's post 22/09/2025

𝗧𝗮𝗼 𝗮𝘁 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗠𝗮𝗽𝗶𝗽𝗶𝗴𝗶𝗹! 🔥

TINGNAN | Kaisa ang Kabataang Partylist – Pasig at iba’t ibang sektor ng lipunan sa pagkilos at pagtindig. Mahigit limang dekada na ang lumipas mula nang ipataw ang Batas Militar, ngunit nananatiling mailap ang hustisya. Patuloy ang panawagan ng mamamayan para papanagutin ang mga may sala—ang mga mandarambong at pinunong patuloy na nagdudulot ng kahirapan at pang-aapi.

Ngayong araw, ginugunita natin ang Martial Law—isang madilim na kabanata sa kasaysayan na nagmarka ng pasismo, pandarambong, at malawakang paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng diktadurang Marcos Sr. Ngunit hindi natapos sa pagbagsak ng batas militar ang panunupil; malinaw na nananatili ang anino ng pasismo sa ilalim ng kanyang anak na si Marcos Jr., habang pasan ng mamamayan ang walang patid na pagtaas ng presyo, nananatiling mababang sahod, at tuluy-tuloy na panunupil at panggigipit.

𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢, 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗔𝗬 𝗟𝗨𝗠𝗔𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡!

📌 Hindi pa tayo nagtatapos! Maaari pa rin kayo sumali sa coordinating gc: https://m.me/j/AbbsqrX-kHnCqdVj/

👉 Makibahagi, makiisa, makibaka! Sumali na rin sa 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆𝗹𝗶𝘀𝘁 - 𝗣𝗮𝘀𝗶𝗴: https://bit.ly/KPL-PasigMassOrye







21/09/2025

𝗠𝗔𝗥𝗖𝗢𝗦 𝗗𝗜𝗞𝗔𝗧𝗔𝗗𝗢𝗥! 𝗣𝗔𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔! 𝗧𝗨𝗧𝗔!

𝟓𝟑 taon na ang nakalipas mula nang ideklara ang Martial Law, ngunit ang mga sugat na iniwan ng diktadurya—libu-libong biktima ng paglabag sa karapatang pantao, pangungurakot, at pambubusabos sa mamamayan—ay patuloy na nararamdaman hanggang sa kasalukuyan.

Ang pamana ng rehimeng Marcos ay hindi natapos sa pagbagsak ng diktadura noong 1986. Sa halip, nagpatuloy ito sa pamamagitan ng administrasyon ng kaniyang anak na si Marcos Jr., na tangan ang mga pagtatangkang baluktutin ang kasaysayan at tabunan ang mga krimen ng nakaraan.

Sa ika-53 anibersaryo ng Martial Law, sama-sama nating ipanawagan "MARCOS SINGILIN, DUTERTE PANAGUTIN" —isang talakayang magsisilbing paalala na ang kasaysayan ay hindi dapat kalimutan, balewalain, o palitan ng kasinungalingan.

𝗔𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘀𝗮𝘆𝘀𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗮𝘆 𝗮𝗿𝗮𝗹 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝗹 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗻𝗱𝗮𝗿𝗮𝗺𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗼𝗹𝗶𝘁𝗶𝗸𝗼.

📌 Sa mga dadalo, sumali sa coordinating gc: https://m.me/j/AbbsqrX-kHnCqdVj/

👉 Makibahagi, makiisa, makibaka! Sumali na rin sa 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆𝗹𝗶𝘀𝘁 - 𝗣𝗮𝘀𝗶𝗴: https://bit.ly/KPL-PasigMassOrye






Photos from Kabataan Partylist - Pasig 's post 21/09/2025

𝗠𝗔𝗞𝗜𝗕𝗔𝗞𝗔! '𝗪𝗔𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗞𝗢𝗧!✊

Noong nakaraang Biyernes, September 19, nagsama-sama ang iba’t ibang organisasyon at sektor sa Pasig Palengke upang iparating ang malinaw na panawagan laban sa korapsyon at kapabayaan ng pamahalaan.

Kahit na may ₱56.66B na inilaan para sa flood control projects sa ilalim ni Marcos Jr. at $415.2M na inutang ni Duterte para sa Metro Manila Flood Management Project, hindi pa rin nalulutas ang problema sa baha. Sa halip, may panibagong ₱274.9B sa NEP 2026 na malamang ay mauuwi lamang sa bulsa ng mga tiwaling opisyal.

Habang pinapahirapan ng baha ang maralita, bilyon-bilyong nakaw naman ang pinaglalamangan ng mga kawatan sa DPWH at MMDA, na lantaran namang kinakanlong nina Marcos at Duterte.

𝗟𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗼𝗿𝗮𝗽𝘀𝘆𝗼𝗻!
𝗧𝗮𝘆𝗼 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗶𝗸𝗶𝗹𝗼𝘀, 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝘀𝗶𝗹𝗮!

👉 Makibahagi, makiisa, makibaka! Sumali na rin sa 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆𝗹𝗶𝘀𝘁 - 𝗣𝗮𝘀𝗶𝗴: https://bit.ly/KPL-PasigMassOrye






16/09/2025

𝗜𝗧𝗜𝗚𝗜𝗟 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗥𝗔𝗣𝗦𝗬𝗢𝗡! 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗚𝗨𝗧𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗔𝗟𝗔𝗥𝗜𝗡!

Kung ating susuriin ang noon at ngayon, mapapansin natin na tila'y walang nagbago—patuloy pa rin ang paghahari ng bulok na sistema, pinangungunahan ng iilang makapangyarihang pamilya at kanilang mga kaalyado.

Bitbit ni Marcos Jr. ang mga aral ng kanyang diktador na ama, sa pagpapatuloy ng pamumunong puno ng katiwalian, kasinungalingan, at pagpapahirap sa mamamayan.

Sa darating na Setyembre 21, magsama-sama tayong manindigan para sa hustisya at pananagutan! Hindi na sapat ang pananahimik—panahon na para maningil!

📍 9:00 𝗔𝗠 | 𝗟𝘂𝗻𝗲𝘁𝗮 𝗣𝗮𝗿𝗸

Kabataan, huwag tayong mag-atubiling kumilos!
Sama-sama tayong magpakita ng lakas ng sambayanan!
Ang tunay na pagbabago ay nagmumula sa bayan—hindi sa Malacañang!

Ang pagkilos na ito ay panawagan para sa:
✅ 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗴𝘂𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗻𝗮𝘀𝗮 𝗽𝗼𝗱𝗲𝗿
✅ 𝗜𝘁𝗶𝗴𝗶𝗹 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗼𝗿𝗮𝗽 𝘀𝗮 𝗯𝘂𝘄𝗶𝘀 𝗻𝗴 𝘁𝗮𝘂𝗺𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻
✅ 𝗪𝗮𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝘀𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗴 𝗴𝗼𝗯𝘆𝗲𝗿𝗻𝗼
✅ 𝗣𝗮𝗴𝘄𝗮𝘄𝗮𝗸𝗮𝘀 𝘀𝗮 𝘀𝗶𝘀𝘁𝗲𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗯𝗼𝗿 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗶𝗶𝗹𝗮𝗻

📌 Sa mga dadalo, sumali sa coordinating gc: https://m.me/j/AbbsqrX-kHnCqdVj/

👉 Makibahagi, makiisa, makibaka! Sumali na rin sa 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆𝗹𝗶𝘀𝘁 - 𝗣𝗮𝘀𝗶𝗴: https://bit.ly/KPL-PasigMassOrye






15/09/2025

"Dito sa Pasig, hindi mo alam kung pag-asa ba talaga ang umaagos obang bulsa ng mga magnanakaw eh."

PANOORIN: Pahayag ni Rainier Paragas, Coordinator ng Kabataan Partylist - Pasig patungkol sa mga naisiwalat na korapsyon at katiwalian ng mga politiko at kay Discaya na isa sa mga sangkot sa nangyayaring katiwalian sa gobyerno. Ani ni Rain, hindi lang si Discaya ang dapat managot, kung di pati si Bongbong Marcos na siyang numero unong pumapayag sa mga ganitong katiwalian.

Kabataang Pasigueño, panagutin ang mga kurakot!

Sumali sa Kabataan Partylist - Pasig!
bit.ly/KPL-PasigMassOrye




Photos from Kabataan Partylist - Pasig 's post 15/09/2025

"BURUKRATA-KAPITALISMO, IBAGSAK!" ✊

Nagtipon ngayong Lunes, Setyembre 15, ang iba't ibang progresibong grupo upang magsagawa ng militanteng kilos-protesta sa harap ng bahay at opisina ng mag-asawang Sarah at Curlee Discaya sa Pasig City. Kabilang sa mga lumahok ang 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆𝗹𝗶𝘀𝘁 - 𝗣𝗮𝘀𝗶𝗴, 𝗚𝗮𝗯𝗿𝗶𝗲𝗹𝗮 𝗡𝗖𝗥, 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗖𝗥, 𝗔𝗻𝗮𝗸𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗤𝗖, 𝗞𝗮𝗱𝗮𝗺𝗮𝘆 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗴𝗯𝘂𝗵𝗮𝘁𝗮𝗻, 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗣𝗮𝘀𝗶𝗴, 𝗚𝗮𝗯𝗿𝗶𝗲𝗹𝗮 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗣𝗮𝘀𝗶𝗴, 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗠𝘂𝗻𝗮 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗸𝗶𝗻𝗮, 𝗮𝘁 𝗣𝗲𝗼𝗽𝗹𝗲 𝗔𝗰𝘁 𝗡𝗼𝘄

Mariing kinokondena ng mga grupo ang diumano’y maanomalyang paggamit ng pondo sa mga flood control projects sa iba’t ibang panig ng bansa—mga proyektong kinakatawan ng St. Gerrard Construction, kumpanyang pag-aari ni Sarah Discaya. Ayon sa mga ulat, lumalabas na umaabot sa higit P200 bilyon ang napunta sa mga kaduda-dudang kontrata na konektado kay Discaya.

Sa tala ng Commission on Audit (COA), tinatayang P1.7 trilyon ang inilaan ng gobyerno para sa flood control mula 2017 hanggang 2022. Sa halip na maging solusyon sa lumalalang pagbaha, naging daluyan ito ng korapsyon at pagpapataba ng bulsa ng iilang naghaharing-uri. Mariing kinundena ng mga grupo ang mga "ghost project" at ang pagpapayaman ng iilan sa likod ng salot na burukrata-kapitalismo.

Ang pagkilos ngayong gabi ay panawagan ng taumbayan para sa pananagutan, hustisya, at tunay na pagbabagong panlipunan.







📌 Be part of the movement!
👉 Join Kabataan Partylist - Pasig: https://bit.ly/KPL-PasigMassOrye

15/09/2025

MGA KABATAANG PASIGUENO, PANAGUTIN ANG MGA MANDARAMBONG AT KURAKOT!✊🤘

Mamayang 5:00 PM ay gaganapin natin ang protesta sa harap ng St. Gerrard Construction upang muling ipakita ang galit ng mga mamamayan sa mga kurakot na waldad ng waldas sa pera ng taumbayan.

Bilang mga kabataan, tayo ay dapat na makiisa dahil isa rin tayo sa mga biktima ng mga kurakot na ito, na sana ang perang kinurakot nila ay napunta na sa pagpapasa-ayos ng ating mga paaralan at pagpapadagdag sa mga klasrums at equipment.

TARA NA AT MAKIISA SA PROTESTA NG TAUMBAYAN!✨

Sa mga dadalo, sumali sa coordinating gc: https://m.me/j/AbbsqrX-kHnCqdVj/

Sa mga interesado maging miyembro, magsign-up lamang sa link na ito:
bit.ly/KPL-PasigMassOrye



Want your business to be the top-listed Government Service in Pasig?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Pasig