02/06/2026
DENGUE AWARENESS MONTH | BARANGAY SAN MIGUEL
Ngayong buwan ng Hunyo, nakikiisa ang Barangay San Miguel sa paggunita ng Dengue Awareness Month upang palawakin ang kamalayan ng ating komunidad tungkol sa dengue at ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos upang maiwasan ang pagkalat nito.
Ang dengue ay isang seryosong sakit na dala ng kagat ng lamok na Aedes Aegypti. Kaya mahalaga ang pagiging mapagmatyag, pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran, at maagap na pagkonsulta kapag may sintomas.
๐ 4S Kontra Dengue:
โ
Search and Destroy โ Hanapin at alisin ang mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok.
โ
Self-Protection Measures โ Gumamit ng proteksyon laban sa kagat ng lamok.
โ
Seek Early Consultation โ Magpakonsulta agad kapag may sintomas ng dengue.
โ
Support Fogging and Spraying โ Makiisa sa mga programa ng pamahalaan laban sa dengue.
Ang pag-iwas sa dengue ay responsibilidad ng bawat isa. Sa pamamagitan ng pagkakaisa, disiplina, at aktibong pakikilahok ng mamamayan, mapapanatili nating ligtas, malinis, at malusog ang ating pamayanan.
Maging mapagmatyag. Makialam. Makiisa.
Sama-sama nating sugpuin ang dengue!
02/06/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Muling nagpulong ang ating Sangguniang Barangay sa isinagawang 11th Regular Session of the Barangay Council na pinangunahan ng ating Presiding Officer Kapitan Manny Alba upang talakayin ang mahahalagang usapin at programang nakatuon sa kaayusan, kalinisan, at patuloy na kaunlaran ng ating komunidad.
Kabilang sa mga naging pangunahing agenda ang Peace and Order Situation Update, pagpapatuloy ng Oplan Kaayusan, pagpapalakas ng Zero Waste Campaign, pagbibigay ulat ukol sa pagdalo sa Liga ng mga Barangay National Congress, at paghahanda sa mga upcoming seminars at trainings para sa buwan ng Hunyo.
Sa pamamagitan ng bukas na talakayan, maayos na pagpaplano, at sama-samang pagkilos, patuloy nating isinusulong ang isang mas ligtas, disiplinado, malinis, at progresibong pamayanan para sa lahat.
Serbisyong tapat, Mabilis na Aksyon
02/06/2026
๐๐๐ฅ๐ฆ๐๐ฌ ๐๐๐ฆ๐ง๐ฅ๐๐๐จ๐ง๐๐ข๐ก | ๐ฆ๐๐ก ๐ ๐๐๐จ๐๐ ๐ฎ๐ก๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐ง๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐จ๐
Players, get ready! Claim your official team jerseys and gear up for the much-awaited opening.
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐:
โ
Jersey claiming is STRICTLY INDIVIDUAL
โ No representative or proxy claiming allowed
๐ชช Please bring your VALID ID for verification
๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ๐ ๐๐ถ๐๐๐ฟ๐ถ๐ฏ๐๐๐ถ๐ผ๐ป
June 5, 2026 | 6:00 PM โ 10:00 PM
๐ San Miguel Function Hall
๐ข๐ฝ๐ฒ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฑ๐ฒ
Barangay San Miguel 2nd Basketball League
๐
June 07, 2026 (Sunday)
๐ 1:30 PM Assembly Time | 2:00 PM Parade
See you on the court! ๐๐ฅ
02/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-๐๐๐: ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐-๐๐
๐
๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ซ
Matagumpay na isinagawa ang Brigada Eskwela 2026 Kick-Off Program sa San Miguel Elementary School sa pangunguna ng ating butihing Punong G**o, Joewell M. Armas, bilang paghahanda para sa ligtas, maayos, at makabuluhang pagbubukas ng panibagong taon ng pag-aaral.
Lalo pang naging makabuluhan ang programa sa pamamagitan ng pormal na turn-over ng mga donasyong kagamitan tulad ng pintura mula sa Davies Paint Philippines, cleaning materials, office supplies, at iba pang mga kinakailangang suporta na ipinagkaloob nina Kap. Manny Alba at ng Sangguniang Barangay.
Taos-pusong pasasalamat sa San Miguel Elementary School, sa mga g**o, magulang, volunteers, at sa lahat ng mga katuwang na nagkaisa at nakiisa sa diwa ng bayanihan para sa kapakanan at kinabukasan ng ating mga kabataan.
Patuloy nating patatagin ang pagtutulungan at malasakit para sa mas maliwanag na kinabukasan ng bawat Batang San Migueleรฑo.
Sama-sama, tulong-tulong para sa edukasyon at pag-unlad ng ating komunidad!
01/06/2026
๐ PRIDE MONTH 2026 | LOVE, EQUALITY & ACCEPTANCE
Ngayong Pride Month, ating ipinagdiriwang ang tapang, pagkakapantay-pantay, at kalayaan ng bawat isa na maging tunay sa kanilang sarili.
Ang pagmamahal ay walang kasarian, walang kulay, at walang hangganan. Sama-sama nating itaguyod ang isang komunidad na may respeto, pagkakaunawaan, at pagtanggap para sa lahat.
Maging Proud. Maging Ikaw. Maging Inspirasyon.
Happy Pride Month! ๐โจ
29/05/2026
๐ข KADIWA NG PANGULO ๐๐พ
Halinaโt mga ka-San Migueleรฑo tayo ay Makisama at makiisa sa programang naglalayong magbigay ng abot-kayang presyo at de-kalidad na produkto direkta mula sa ating mga magsasaka!
๐
Petsa: May 29, 2026
๐ Lugar: In-front of BARANGAY HALL
๐ฐ๏ธ Oras: 9am Onwards
Ang mga stall ay nakahanda na para sa maraming pagpipilian na produkto at ang BIGAS naman ay iaanunsyo mamaya kung anong oras ang dating para hnd na po muna kayo pumila at maghintay nang matagal.
Bilang bahagi ng ating suporta sa lokal na agrikultura, ang KADIWA ay nagdadala ng sariwa at murang bilihin para sa bawat pamilyang Pilipino.
26/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ร๐
Malugod naming iniimbitahan ang lahat ng mamamayan ng Barangay San Miguel na magtungo sa ating Barangay Hall bukas, ganap na 2:40 PM o 3:00 PM, upang sama-samang saksihan ang pagdaan at pansamantalang paghinto ng Our Lady of the Most Holy Rosary of Manaoag sa harap ng ating barangay.
Ang makabuluhang pagbisitang ito ay bahagi ng pagdating ng Mahal na Birhen sa ating parokya kaugnay ng pagdiriwang ng Ika-31 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng San Agustin Parish, kung saan magkakaroon tayo ng pagkakataong maipagkaloob at matanggap ang Kanyang banal na pagpapala.
๐ Ruta ng Pagdaan:
Mula Sagad, daraan ang motorcade sa Dr. Pilapil St. patungong Market Ave., pansamantalang hihinto sa harap ng Barangay Hall, at magpapatuloy sa Mercedes Ave., papasok ng Teachers Village, lalabas sa Bedaรฑa/Ilaya โ Dr. Pilapil, at magtutuloy patungong Palatiw.
Inaanyayahan po namin ang bawat isa na makiisa, makipag-ugnayan, at taimtim na makibahagi sa espesyal at makasaysayang okasyong ito bilang isang nagkakaisang komunidad.
Sama-sama nating salubungin ang Mahal na Birhen at tanggapin ang Kanyang biyaya at pagpapala.
26/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐โจ
Taos-pusong pagbati mula sa Barangay San Miguel, Lungsod ng Pasig sa ating napakagandang kinatawan, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐, sa pagkamit ng titulong โ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐.โ ๐๐
Ang iyong kagandahan, talino, kumpiyansa, at dedikasyon ay tunay na nagbigay inspirasyon at karangalan sa ating komunidad. Patuloy kang magsilbing huwaran ng kababaihang may puso, layunin, at malasakit sa kapwa.
Nawaโy magsilbi itong tagumpay bilang inspirasyon sa marami upang patuloy na ipakita ang kahalagahan ng pagkakaisa, talento, at pagmamahal sa komunidad.
Muli, isang taos-pusong pagbati at pagpupugay!