MAKIALAM!
LABAN Konsyumer
We are the country’s ONLY National Consumer Organization duly-recognized by the DTI
22/11/2023
So the Public may know
Senior citizen files suit after being denied discounts on ‘promo’ with no DTI approval MANILA, Philippines — Commercial establishments cannot tell senior citizens and Persons with Disabilities (PWDs) that they are not entitled to twenty percent discounts, just because the products
18/08/2023
TILA yata nagiging insensitibo ang ilan sa ating mga opisyal sa mga panahon ngayong patuloy ang pagtaas ng mga bilihin lalo na ng bigas.
At ang pinaka ayaw marinig nating mga Konsyumer ang mga katagang, “mag iba kaya tayo ng diet?”, “kumain naman tayo ng camote o ng white corn?”.
Batid din po ng mga tunay na namamalengke kung gaano kamahal ang per kilo ng camote at mais ngayon.
Halos o kadalasan ay mas mahal pa kaysa sa bigas. Maging ang saging na makakapag palakas sana ng ating mga tuhod, ngayon ay manghihina ka na rin sa presyo.
Ang gusto po sana natin sa LKI, ay marinig ang mga ahensya ng gobyerno na;
- Sila ay nangunguna na para payapain ang umiiral na mataas na presyo ng ilang mga pangunahin bilihin para kahit papaano ay hindi sumabay sa mataas na presyo ng bigas.
- Hulihin at tunay na papapanagutin ang mga nananamantala at ‘profiteers’ (May nabalitaan na ba kayo?
- Patuloy na maghanap at tumulong sa mga raw materials producers at maipasok sila sa food supply chain na direktang bibilhin ng gobyerno para mapamura ang cost of production ng mga pagkain.
Ilan lamang po yan sa suhestiyon natin.
SANA pakinggan!
In the meantime, as of August 18, ang presyo po ng;
Camote - 60 pesos / kilo mula sa source = 70-80 pesos na sa sa pamilihan
Camoteng kahoy - 40 pesos / kilo mula sa source = 50-60pesos sa pamilihan
Puting Mais - 45 - 65pesos per kilo mula sa source = halos 80 na sa pamilihan
(As of 5:am, August 18, 2023 sa Divisoria at Polo Market LKI monitor)
25/07/2023
ILAGAY natin sa tamang konteksto.
Ang binabanggit po ng Pangulong BBM sa kanyang SONA na bumaba na ang presyo ng mga pangunahing bilihin ay nakabase lamang sa mga presyo ng mga ibinebenta sa mga KADIWA stores.
Subalit ang mga Kadiwa Stores ay iilan lamang at karaniwang nakikita lamang kung saan bumibisita ang Pangulo.
Ang PAYO po ng LABAN Konsyumer, kung mapapanatili ang murang presyo sa mga Kadiwa Stores, mas maganda na tapatan ng gobyerno at magkaroon ng mas maraming Kadiwa Stores sa mga palengke at iba’t ibang pamilihan.
Sa ganitong pagkakataon, magkakaroon ng mas malawak na ‘access’ sa murang pagkain ang mga Konsyumer.
Kapag may kumpetisyon sa mga pribadong mangangalakal, mapapanatag din nito ang presyo sa pangkalahatang pamilihan sa bansa.
Subalit, maaaring KULANG pa ang ginagawang pag aaral ng administrasyon patungkol sa tunay at umiiral na presyo ng mga pangunahing bilihin.
Hindi biro para sa mga Konsyumer lalo na ang mga maliliit lamang ang kinikita ang mataas pa ring presyo sa pamilihan.
Ito ang tunay na hamon at tunay estado ng bansa.
21/06/2023
SUPORTADO po ng inyong LABAN Konsyumer ang House Bill 1058 na naglalayong imbestigahan ang mga car dealers at motorcycle dealers na nag gigiit na pawang ‘Installment Basis’ lamang ang paraan ng pagbili ng kanilang mga sasakyan.
ALINSUNOD po sa Department of Trade and Industry Administrative Order 21-03, mahigpit na ipinagbabawal ang pamumwersang ito ng mga car at motorcycle dealers.
Nasa atin po bilang mga Consumer ang karapatan kung cash, installment o bank financing ang ating opsyon sa pagbili ng sasakyan.
MAGKOMENTO, MAKIALAM!
—————
20/06/2023
LABAN Konsyumer HAILS this Congressional bill of Rep. Margarita Nograles.
Sa pamamagitan po ng panukalang iyan, umaasa po tayo na maipasa ito, dahil binibigyan nito ng dagdag-karapatan tayong mga Consumer na buksan muna at i-verify ang mga item na ating binibili bago ito bayaran.
Suportahan po natin.
——
14/06/2023
Online selling platforms na Lazada at Shoppee mananagot na sa mga deceptive at defective na produkto na bibilhin sa pamamagitan ng kanilang platform.
Bilang bahagi ng Technical Working Group na bumabalangkas ngayon sa Revised Consumer Welfare Act, masigasig pong isinulong ng LABAN Konsyumer na maparusahan din ang mga online selling platform na ito.
Para mismong ang mga provider ng digital platform na ito ay magkaroon ng obligasyon sa consumer na siguraduhing tama at akma sa kanilang mga ipinopost ang mga produktong ipinopost sa kanila ng mga seller.
_________
MAKIPAG UGNAYAN lang po o di kaya ay magpadala ng mensahe dito sa FB Page ng Laban Konsyumer sa anumang reklamong may kaugnayan sa tangkang panloloko ng mga abusadong seller gamit ang Lazada at Shoppee.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
Greenwoods Executive Village
Pasig
1900
Opening Hours
| Monday | 9am - 5pm |
| Tuesday | 9am - 5pm |
| Wednesday | 9am - 5pm |
| Thursday | 9am - 5pm |
| Friday | 9am - 5pm |
