04/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
Sa pagtatapos ng ARAL Program at Brigada Eskwela 2026 sa Santolan Elementary School at Santolan High School naipakita natin na higit na napapalakas ang edukasyon kapag nagkakaisa ang komunidad.
Para sa pagsisimula ng klase, naglaan ang Barangay Santolan ng tig-โฑ50,000.00 para sa Santolan Elementary School at Santolan High School mula sa pondo ng Safe Opening of Classes. Para naman sa pagtatapos ng ARAL Program, Tara Basa at Pasig Learning Camp, namahagi tayo ng 700 nutritious packs para sa mga nagsipagtapos.
Munting ambag ito ng barangay upang makatulong sa paghahanda ng ating mga paaralan at sa patuloy na pagsuporta sa edukasyon ng ating mga kabataan.
-
Nagpapasalamat tayo sa ating mga gurong bayani na patuloy na nagbibigay ng panahon, kaalaman at dedikasyon para sa kabataang Santoleรฑo. Maraming salamat din sa mga magulang, volunteers, partner organizations, at iba pang sektor na nakiisa.
Maraming salamat din sa ating mga kawani, Brgy. Personnel, Events Team, Ecowaste Team, Maintenance Team, Santolan Traffic Unit, at Santolan Fire & Rescue, sa pangunguna ni Kag. Zandro Cruz, Committee on Education.
Sa pamamagitan ng bayanihan at pagtutulungan, sama-sama nating hinuhubog ang kinabukasan para sa bawat batang Santoleรฑo!
03/06/2026
BUSINESS DEVELOPMENT TRAINING FOR BUSINESS OWNERS IN BARANGAY SANTOLAN
Inaanyayahan sa June 4, 2026 (Huwebes), 1:00 PM - 4:00 PM sa 2/F ng Santolan Barangay Hall ang lahat ng kasalukuyang may-ari ng mga negosyo sa Barangay Santolan na lumahok sa Business Development Training na pangungunahan ng Pasig City Local Economic Development and Investment Office.
Layunin nito na ibahagi sa bawat negosyante ang mga stratehiya sa pagnenegosyo at matukoy ang mga oportunidad para sa paglago ng kabuhayan.
29/05/2026
Basahin po ang Update sa monitoring ng Meralco sa post ni Kap. Gab Bayan.
Sa kasalukuyan, restored na po ang kuryente sa Pinagbuklod, Tawiran matapos mapalitan ang transformer. Samantala, ang mga sumusunod na lugar ay wala pa ring kuryente sa ngayon:
โข M. De Leon West cor. Concepcion St.
โข Concepcion cor. Evangelista
โข Matahimik, Tawiran
โข Christ the King, Tawiran
โข M. Cruz / Cruzada
Para po sa mga may vulnerable members sa bahay tulad ng senior citizens, PWDs, at mga bata, maaari po munang pansamantalang tumuloy o makisaksak sa Ilaya Multipurpose Hall.
27/05/2026
Maging Alisto, Maging Handa para sa Ligtas na Santolan!
Ang kaligtasan laban sa sunog ay responsibilidad ng bawat isa. Bilang bahagi ng patuloy na pagsulong ng kahandaan ng ating komunidad, pinangunahan ng Santolan Fire & Rescue ang Fire and Life Safety Seminar para sa mga Homeowners Associations (HOA), partikular sa mga lugar na nangangailangan ng mas masusing pag-iingat at pagsunod sa Fire Code of the Philippines.
Kasabay nito, bumisita rin ang DENR-NCR MEO EAST para sa kanilang Dalaw Turo sa mga HOA kaugnay ng pagpapalawak ng kaalaman hinggil sa pagpapatupad ng R.A. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Tinalakay ang kahalagahan ng wastong segregasyon, tamang pagtatapon ng basura, at aktibong pakikilahok ng komunidad sa pagpapanatili ng malinis at maayos na kapaligiran.
Bilang suporta, nabigyan ang mga HOA ng mga fire extinguishers bilang paunang kagamitan sa pagtugon sa maliliit na insidente ng sunog. Nagkaroon din ng pagsasanay sa basic fire fighting skills upang mas mapalakas ang kakayahan ng ating mga komunidad sa agarang pagresponde sa oras ng pangangailangan.
Tingnan ang post ni Kap. Gab Bayan dito tungkol sa distribution ng 200+ Fire Extinguishers: https://www.facebook.com/share/p/1ETYdYoFPr/?mibextid=wwXIfr.
Para sa agarang tulong sa oras ng emergency, makipag-ugnayan sa mga sumusunod na hotline:
๐ Pasig Command Center: (02) 8643 0000
๐ Santolan Fire & Rescue: +63 910 450 0133
๐ Brgy. Security Force: +63 966 064 1882
๐ Santolan Ambulance: +63 951 335 7000
27/05/2026
KADIWA NG PANGULO PROGRAM
Mamili sa mas abot-kayang presyo ngayong May 28, 2026 (Thursday) sa 1/F ng Ilaya Multipurpose Hall, mula 6:00 AM - 4:00 PM sa pakikipagtulungan ng Pasig City Local Economic Development and Investment Office (LEDIO) at ng Department of Agriculture.
20 pesos per kilo ng bigas para sa mga:
โข Senior Citizens
โข 4Ps Beneficiaries
โข TODA Members
โข Solo Parents
โข PWD Members
Paalala lamang po na ito ay reserved para sa first 500 beneficiaries. Ito po ay first come, first serve at maximum of 10 kilo ng bigas para sa bawat beneficiaries.
Magdala lamang ng valid ID bilang patunay.
Mayroon ding fresh produce tulad ng gulay at prutas sa abot-kayang halaga na bukas naman para sa lahat ng Santoleรฑo!
26/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐
๐๐
๐
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Noong May 25-26, 2026, matagumpay na nakapagbahay-bahay ang ating mga Evaluators upang maitala ang mga residenteng kabilang sa ๐๐๐ ๐๐๐ o ๐๐ข๐ ๐ก ๐
๐ฅ๐จ๐จ๐ ๐๐ข๐ฌ๐ค ๐๐ซ๐๐๐ฌ. Naipamahagi na rin po ang FACED Card forms para sa profiling ng mga household.
๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ง๐๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐๐๐ (๐๐ข๐ ๐ก ๐
๐ฅ๐จ๐จ๐ ๐๐ข๐ฌ๐ค ๐๐ซ๐๐):
Ang deadline ng pagsusumite ng accomplished forms sa Barangay Hall ay sa May 27โ29, 2026 (WednesdayโFriday) mula 8:00 AM hanggang 3:00 PM. Pumunta lamang sa GAD Team.
๐๐๐ซ๐ข๐ญ๐จ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฅ๐ฎ๐ ๐๐ซ ๐ง๐ ๐ค๐๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐จ ๐๐ข๐ ๐ก ๐
๐ฅ๐จ๐จ๐ ๐๐ข๐ฌ๐ค ๐๐ซ๐๐๐ฌ:
โข Doroteo
- Villa Doroteo, Doroteo Ext. 4th Alley, 5th Alley & 6th Alley
โข Sto. Tomas
- Sto. Tomas Ext. 5th Alley, 6th Alley & 7th Alley
โข Victorino
- Victorino Ext. 5th Alley, 6th Alley & 7th Alley
โข Gabriel
- Gabriel Ext. 4th Street & 5th Street
โข Sgt. De Leon
- Lower Camia, Mayana, Natasha & Orchids
โข Sgt. De Leon โ HBO
- Mahogany, Buko & Lawahan
โข Evangelista โ Tago
- House No. 167 โ 171 D & 175 โ 173 E-F
โข M De Leon West
- Blk. 8, Blk. 9, Blk. 10 & Blk. 11
โข Concepcion โ Pasig Square Garden
- Lower Concepcion 5th Alley
โข Evangelista - Glass Garden
- Backstreet
โข Tawiran โ Blk 1
- House No. 13 to 17
โข Tawiran โ Marcelino Blk 2
- House No. 115 to 116
โข Tawiran โ Marcelino Blk 3
- House No. 213 to 219
โข Tawiran โ Masikap
- 2nd Alley
โข Tawiran โ Masinop
- 1st Alley House House no. 214-219
- 2nd Alley House No. 231-236
- 3rd Alley
โข St. Michael
- House No. 114
โข San Pedro Compound
- House No. 109 - 113
โข Raymundo โ From the Revetment
- 12th House to 20th House
โข Dado - From the Revetment
- 16th House to 23rd House
โข Rafael Cruz Compound
- Road 3
โ ๐๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ง๐๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐๐๐ , ๐ฉ๐๐๐ง๐จ ๐ค๐ฎ๐ง๐ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐๐ค๐จ ๐ง๐๐๐ข๐ ๐ฒ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐จ๐ซ๐ฆ ๐จ ๐ง๐๐ฅ๐๐ ๐ฉ๐๐ฌ๐๐ง ๐๐ง๐ ๐๐ค๐ข๐ง๐ ๐๐๐ก๐๐ฒ?
Maaari pong ibigay ang inyong Buong Pangalan, Address, Contact Number sa Barangay Hall (puntahan lang ang GAD Team), o i-text sa numerong: 0961 603 7764. Ang inyong impormasyon ay daraan pa rin sa verification process.
โ ๐๐ง๐จ ๐๐ง๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ง๐จ๐ ๐ง๐ ๐ก๐๐ค๐๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฉ๐๐ ๐ง๐๐ข๐ฉ๐๐ฌ๐ ๐ค๐จ ๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐จ๐ซ๐ฆ ๐ฌ๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ?
Maghintay lamang ng opisyal na anunsyo sa Brgy. FB Page tungkol sa distribution ng forms kung saan nakatalaga na rin ang evacuation center ng bawat household.
โ ๐๐๐ฒ ๐ค๐๐ฌ๐ฎ๐ง๐จ๐ ๐ฉ๐ ๐๐ ๐ฉ๐๐ ๐ค๐๐ญ๐๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ?
Oo. Matapos ang profiling ng Red Tag / High Flood Risk Areas, susunod namang bibisitahin ang mga lugar na kabilang sa ๐๐ซ๐๐ง๐ ๐ ๐๐๐ o ๐๐จ๐๐๐ซ๐๐ญ๐ ๐
๐ฅ๐จ๐จ๐ ๐๐ข๐ฌ๐ค ๐๐ซ๐๐. Mayroon ding mga tarpaulin na nakapaskil sa mga flood-prone streets bilang gabay sa ating komunidad.
-
๐Mga Hakbang para sa Epektibong Tagging at Profiling:
1. Tagging, Profiling, and Distribution of Forms
2. Collection of Forms
3. Evacuation Center Assessment
4. Sorting of Forms and Tagging per Evacuation Center
5. Encoding of Forms
6. Return of Forms
7. Community Drill
Ang layunin ng Barangay Santolan Tagging ay gawing mas maayos, epektibo, at episyente ang evacuation management sa panahon ng sakuna. Isinasagawa ang profiling upang matukoy ang mga tunay na bulnerable sa sakuna at maitugma ang angkop na evacuation center para sa bawat household.
๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐๐๐ง๐ญ๐จ๐ฅ๐๐ง ๐๐๐ ๐ ๐ข๐ง๐ ๐๐ฒ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ฅ๐ข๐ ๐ญ๐๐ฌ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฉ๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ง๐๐ก๐จ๐ง ๐ง๐ ๐ฌ๐๐ค๐ฎ๐ง๐ ๐๐ญ ๐๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฒ๐ฎ๐๐.
Hinihingi po namin ang kooperasyon ng bawat mamamayan upang maging mas maayos, epektibo, at episyente ang ating pagtugon sa panahon ng kalamidad.
24/05/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ร๐: ๐ ๐๐๐ ๐
๐๐๐ & ๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐
Suportado ng Sangguniang Barangay ng Santolan ang programang Handog Santoleรฑo: A Job Fair & One-Stop Opportunity Hub ng SK Santolan, katuwang ang Pasig City Employment Service Office, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Paggawa.
Inaanyayahan ang mga Santoleรฑo na naghahanap ng trabaho na samantalahin ang pagkakataong ito upang makahanap ng posibleng trabaho at makapagbukas ng panibagong landas para sa inyong kinabukasan.
๐
May 25, 2026 (Lunes)
๐ 9:00 AM โ 4:00 PM
๐ Ilaya Multipurpose Building
Dalhin ang inyong updated resume/CV, ballpen, at ihanda ang inyong sarili para sa mga bagong oportunidad.
Tingnan ang buong detalye sa post ng SK Santolan sa ibaba.
22/05/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐! ๐พ
Salamat sa mga taga Dado-Rafael dahil 91 na alagang a*o at pusa ang nabakunahan, na-microchip, at nabigyan ng leash!
Kamakailan, nagtala tayo ng animal cruelty case sa ating Barangay. Agad na nahuli ang suspek at kasalukuyang nakakulong at sinampahan ng ka*o sa ilalim ng Animal Welfare Act o RA 8485.
Ang Purok-Based Free Anti-Rabies Vaccination, Microchipping Program, at Leash Distribution ng Barangay Santolan at Santolan Animal Welfare Society ay bahagi ng pagpapalakas ng ating adbokasiya para sa animal welfare at responsableng pag-aalaga ng hayop.
Panawagan po ito sa lahat na maging responsable at tratuhin nang tama ang ating mga alaga. Ang animal cruelty ay may kaukulang parusa at pagkakakulong.
Abangan po ang Purok-Based Anti-Rabies Vaccination sa inyong lugar. Ang susunod ay sa Paseo De Animales muli. Antabayanan po ang announcement sa Brgy. page.
21/05/2026
FINANCIAL EMPOWERMENT AND PURPOSE SEMINAR
Naganap noong May 17, 2026 ang ikalawang batch ng Financial Literacy Seminar ng Barangay Santolan sa pakikipagtulungan ng Sun Life Financial para sa mga professionals at mga may propesyonal na hanapbuhay.
Sa paksang โMoney for Life,โ nagkaroon ng pagkakataon ang mga ka-barangay na mapalawak ang kaalaman tungkol sa tamang paghawak ng pera, pagpaplano para sa kinabukasan, at mga paraan upang magkaroon ng mas maayos na financial management.
Lubos ang ating pasasalamat kay Kagawad Zandro Cruz, Committee Chairperson on Labor, Livelihood, and Employment, sa kanyang pangunguna sa programang ito, at kay Ms. Gemma T. De San Jose ng Sun Life para sa patuloy na partnership sa Barangay.
21/05/2026
๐๐๐๐. ๐๐๐๐๐๐๐๐ x ๐๐. ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Magandang balita, mga ka-barangay! Maaari nang makapag-avail muli ang mga Santoleรฑo ng 10% discount sa ibaโt ibang healthcare services ng St. Camillus Medical Center.
Tingnan ang buong detalye sa post ni Kap. Gab Bayan.