Barangay Santa Lucia Pasig City

Barangay Santa Lucia Pasig City

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Santa Lucia Pasig City, Government Organization, Camia Street, De Castro Subdivision, Pasig.

02/06/2026

Mga ka-barangay, anunsyo tungkol sa Tulong At Pampuhunang Aagapay sa Taga-Pasig (TAPAT) Loan Program ng ating Pamunuang Panlungsod.

Sa mga may planong mag-negosyo o kaya naman ay nais palaguin ang inyong existing business, maaari itong makatulong sa inyo.

💼 May negosyo o nais magsimula ng sariling pagkakakitaan?

Alamin kung paano makakuha ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng TAPAT Loan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig!

📢 Inaanyayahan namin ang lahat ng interesadong Pasigueño na dumalo sa TAPAT Loan Orientation upang malaman ang mga benepisyo, kwalipikasyon, at proseso ng aplikasyon.

📍 Barangay Sto. Tomas

✅ Mag-register sa pamamagitan ng link na ito: https://tinyurl.com/TAPATOrientation

📩 Ang mga kwalipikadong kalahok ay makakatanggap ng CONFIRMATION EMAIL kasama ang buong detalye ng orientation dahil limitado lamang ang slot.

📝May ipapamahaging TAPAT Loan Application Form para sa mga interesadong mag-apply sa programa.

Huwag palampasin ang pagkakataong mapalago ang inyong kabuhayan.

Mag-register na!

Photos from Barangay Santa Lucia Pasig City's post 02/06/2026

TRIMMING OF TREE BRANCHES

Location: Camia Street, Everlasting Street, and Maxville X

Bilang tugon sa request ng ating ka-barangay, isinagawa kamakailan ang pagpuputol ng mga sanga ng puno sa mga lugar na nabanggit. Kasama ang mga ito sa nabigyan ng pahintulot ng Pasig City Environment and Natural Resources Office (CENRO) matapos magpadala ng request letter para dito.

Gaya ng naunang pagpuputol ng mga sanga, sinunod natin ang mga itinakdang alituntunin upang masiguro na ang prosesong ginagawa ay alinsunod sa tamang pamantayan sa pangangalaga ng kalikasan.

Maraming salamat sa mga masisipag na kasama natin sa Barangay Maintenance Team, sa pamumuno ni Clean and Green Committee Chairperson Kagawad Shirley Morante, OIC Kuya Mario Alayon, at sa buong suporta ng ating Barangay Council sa pamumuno ni Kap Aldwin Ilagan.

Photos from Barangay Santa Lucia Pasig City's post 01/06/2026

Tignan: Mga kuhang litrato mula sa ating Flag Raising Ceremony ngayong umaga na pinangunahan ng mga kasama natin mula sa Santa Lucia Health Center.

Naganap din ang kick off ng Ligtas Tigdas Measles - Rubella Supplemental Immunization Activity (SIA). Ang activity na iyo ay gaganapin sa buong buwan ng Hunyo 2026.

30/05/2026

📢 PAALALA PARA SA MGA PASIGUEÑONG MAGULANG:

Isang mahalagang paalala at mensahe ng suporta mula kay Mayor Vico Sotto para sa kalusugan ng ating mga anak!

Magsisimula na ngayong June 1-14, 2026 ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) sa ating lungsod. Ligtas, epektibo, at libre ang bakunang ito upang matiyak na protektado ang ating mga chikiting laban sa tigdas.

📍 Paano ang proseso?

✔️ Magha-house-to-house ang mga health center staff upang gabayan ang mga vaccinee papunta sa mga temporary fixed site.

✔️ Abangan din po natin ang schedule ng vaccination team na aming ipopost sa mga susunod na araw.

Pabakunahan ang ating mga anak para sa isang Ligtas Tigdas na Pasigueño.

Photos from Barangay Santa Lucia Pasig City's post 28/05/2026

Tignan: Ilan sa mga kuhang litrato mula sa Clean Up Drive activity kamakailan sa Hugo Compound kasama ang mga masisipag na kawani ng Barangay Maintenance/Clean and Green department sa pangunguna ni Chairperson Kagawad Shirley Morante at OIC Mario Alayon, at sa suporta ng buong Barangay Council sa pamumuno ni Kap Aldwin Ilagan.

Photos from Barangay Santa Lucia Pasig City's post 28/05/2026

TRIMMING OF TREE BRANCHES

Location: Riverside

Bilang tugon sa request ng ating ka-barangay, isinagawa kamakailan ang pagpuputol ng mga sanga ng puno sa lugar na nabanggit. Kasama ang mga ito sa nabigyan ng pahintulot ng Pasig City Environment and Natural Resources Office (CENRO) matapos magpadala ng request letter para dito.

Gaya ng naunang pagpuputol ng mga sanga, sinunod natin ang mga itinakdang alituntunin upang masiguro na ang prosesong ginagawa ay alinsunod sa tamang pamantayan sa pangangalaga ng kalikasan.

Maraming salamat sa mga masisipag na kasama natin sa Barangay Maintenance Team, sa pamumuno ni Clean and Green Committee Chairperson Kagawad Shirley Morante, OIC Kuya Mario Alayon, at sa buong suporta ng ating Barangay Council sa pamumuno ni Kap Aldwin Ilagan.

27/05/2026

Si Judith, pwede na matanggap sa inyong email!📩

Mga ka-barangay, magkakaroon na tayo ng option na matanggap ang ating Manila Water bills online! Mas convenient, mas safe, at eco-friendly!

Make the switch to Paperless Billing today!

Scan QR or click the link to enroll: t.ly/eNEaA

27/05/2026

📚🎉 Isang pagbati sa mga mag-aaral ng Humanities and Social Sciences (HUMSS) mula sa National University East Ortigas Campus sa matagumpay nilang pagtatapos ng kanilang Work Immersion Program dito sa ating Barangay Hall!

Nawa’y magsilbi itong mahalagang hakbang sa inyong paghubog bilang mga responsableng kabataan at magiging lider ng kinabukasan.

Maraming salamat sa inyong sipag, dedikasyon, at magandang pakikitungo sa ating komunidad.

27/05/2026

Sa pagdiriwang ng banal na Eid al-Adha, taos-puso pong nakikiisa ang Pamahalaang Barangay Santa Lucia sa ating mga kapatid na Muslim. Nawa’y maging makabuluhan ang araw na ito bilang simbolo ng pananampalataya, sakripisyo, pagmamahalan, at pagkakaisa.

Eid Mubarak sa inyong lahat! 🌙✨

27/05/2026

ANTI ILLEGAL DRUGS Campaign ng ating Barangay

Ang mga nahuling indibidwal ay dadaan sa due process of law.

Sa pakikipagtulungan ng Pasig City Anti Drug Abuse Office (PCADAO), Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), patuloy ang pagtugis natin sa mga gumagamit at nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot.

Kung may nalalaman kayong illegal drug activity sa inyong lugar, maaaring i-report ito dito sa ating barangay.

Want your business to be the top-listed Government Service in Pasig?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Camia Street, De Castro Subdivision
Pasig
1608