31/10/2026
Pormal nang sinimulan ng SK Kalawaan ang serye ng pakikipag-ugnayan at pagbaba sa bawat purok upang direktang kausapin ang mga kasapi ng Homeowners Associations (HOA) at ibaβt ibang youth organizations sa ating komunidad.
Sa pamamagitan ng inisyatibong KalawenKNOWS: The SK and Barangay Budget Cycle and Procurement Process, layunin ng SK Kalawaan na buksan ang pintuan ng kaalaman ukol sa tamang paglalaan at paggasta ng pampublikong pondo. Naniniwala ang pamunuan na ang sapat na pag-unawa sa pananalapi ng barangay ay hindi lamang dapat nakalaan sa mga nakaupong opisyal; nararapat ding maging mulat ang bawat KalaweΓ±o sa kung saan eksaktong nanggagaling ang pondo, paano ito pinaplano, paano ito ginagastos sa mga proyekto, at kung paano ito masusubaybayan nang may kabatiran.
Ang kaalaman ng ating mga ka-barangay ay nagsisilbing pinakamalakas na sanggalang laban sa maling paggamit ng pondo, sapagkat kapag mas maraming mamamayan ang nakakaalam at nagtatanong, mas magiging mahirap para sa sinuman ang magtago ng iregularidad, pang-aabuso, o korapsyon sa pera ng Barangay Kalawaan.
Sa pamamagitan ng patuloy na diyalogong ito, inihahain ng SK Kalawaan ang isang pamamahalang tapat, bukas, at tunay na naglilingkod para sa kaunlaran ng bawat KalaweΓ±o.
Para sa Kabataan. Para sa Kalawaan.