๐๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐
, ๐ข๐ฌ๐๐ง๐ ๐ค๐ฐ๐๐ง๐ญ๐จ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฅ๐๐ ๐จ ๐๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ฅ๐๐ญ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐๐!
Kilalanin ang Tao Management Service and Multipurpose Cooperative (TAO MSMPC), isa sa mga benepisyaryo ng Cooperative Development Loan Fund (CDLF), na patuloy na nagpapatunay kung paano nagiging daan ang kooperatibismo sa pag-unlad ng kabuhayan at pagpapalakas ng komunidad.
Sa likod ng bawat tagumpay ay ang dedikasyon ng mga miyembro, mahusay na pamamahala, at mga programang nagbibigay ng oportunidad upang higit pang mapalago ang kanilang mga serbisyo at mapabuti ang kalagayan ng kanilang mga kasapi.
Isang kuwento ng pagtitiyaga, pagkakaisa, at pag-asenso โ patunay na sa kooperatiba, walang pangarap na napakalayo kapag sama-sama itong pinagtutulungan.
Tao Management Service and Multipurpose Cooperative: Kaagapay sa pag-unlad, katuwang sa pag-abot ng mas matatag na kinabukasan.
Pasig City Cooperative Development Office
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Pasig City Cooperative Development Office, Government Organization, Caruncho Avenue, Pasig.
29/05/2026
๐๐๐ ๐๐ก๐๐ฆ๐ฉ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐ ๐ญ๐ก๐ ๐๐จ๐ง๐ญ๐ก: ๐๐๐ ๐๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐จ๐ฒ๐๐๐ฌ ๐๐ซ๐๐๐ข๐ญ ๐๐จ๐จ๐ฉ๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐ฏ๐ โ ๐๐ข๐ง๐๐ฅ๐๐ค๐๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐๐๐ซ ๐๐๐ง๐ฌ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐ ๐
Noong ika-27 ng Mayo 2026, isang makabuluhang hakbang tungo sa pagsusulong ng gender equality at inclusivity ang isinagawa ng URC Employees Credit Cooperative (URCEMPCO) sa pamamagitan ng kanilang Gender Sensitivity Training para sa mga miyembro mula sa Cabuyao, Laguna. Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, muling ipinakita ng kooperatiba ang kanilang malasakit at dedikasyon sa paglikha ng isang ligtas, patas, at gender-responsive na komunidad para sa lahat.
Pinangunahan ang pagsasanay ni G. John Troy Sunga, Officer-in-Charge ng Pasig City Cooperative Development Office (CDO), kasama sina Bb. Cassandra Gabrielle A. Salangsang at Gng. Raquel Dela Cruz. Tinalakay sa programa ang kahalagahan ng gender sensitivity, paggalang sa karapatan ng bawat isa, at ang papel ng bawat miyembro sa pagsusulong ng inklusibo at makataong pakikitungo sa loob ng kooperatiba at komunidad.
Naging makabuluhan ang aktibidad dahil sa aktibong pakikilahok ng mga miyembro na nagbahagi ng kanilang mga karanasan at pananaw tungkol sa gender awareness at equality, gayundin sa mga workshop na isinagawa sa programa. Sa pamamagitan ng bukas na talakayan at palitan ng ideya, higit na napalawak ang kaalaman at napagtibay ang pagkakaisa ng mga kalahok tungo sa mas inklusibo at maayos na samahan.
Isang taos-pusong pagbati sa URC Employees Credit Cooperative (URCEMPCO) bilang GAD Champion of the Month! Patuloy kayong nagsisilbing huwaran sa pagtataguyod ng gender responsiveness, inclusivity, at people-centered service sa loob ng kilusang kooperatiba ๐
๐๐๐ ๐ญ๐๐ง๐ข๐ฆ ๐ง๐ ๐ฉ๐ฎ๐ง๐จ, ๐ง๐๐ ๐๐ข๐ ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ -๐๐ฌ๐;
๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ฅ๐ข๐ค๐๐ฌ๐๐ง, ๐ฉ๐๐ ๐ค๐๐ค๐๐ข๐ฌ๐โ๐ฒ ๐ฆ๐๐ก๐๐ฅ๐๐ ๐!
Noong ika-26 ng Mayo 2026, matagumpay na isinagawa ng Central Labor Service Cooperative ang Tree Planting Initiative sa Maybunga Rainforest Park katuwang ang Pasig City Environment and Natural Resources Office (CENRO) at Pasig City Cooperative Development Office (CDO) โ isang makabuluhang pagkilos na may layuning magbigay-buhay sa kalikasan at pag-asa sa kinabukasan.
Sa bawat punlang naitanim, may pangakong iingatan; sa bawat kamay na nagtulungan, may mundong mas luntian.
Dahil ang simpleng pagtatanim ngayon, ay hakbang tungo sa mas maaliwalas na bukas para sa susunod na henerasyon.
27/05/2026
๐๐๐ฌ๐ข๐ ๐๐๐ ๐๐ญ ๐๐
๐๐๐-๐๐๐, ๐ค๐๐ญ๐ฎ๐ฐ๐๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐๐ฌ ๐ฆ๐๐ฅ๐ข๐ง๐๐ฐ ๐๐ญ ๐ฆ๐๐ฌ ๐๐ฉ๐๐ค๐ญ๐ข๐๐จ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐ก๐๐ฅ๐: ๐๐ซ๐๐๐ข๐ญ ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ฌ๐ค ๐๐๐ง๐๐ ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐๐ฆ๐ข๐ง๐๐ซ, ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ค๐จ๐จ๐ฉ๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐๐
Naging makabuluhan at puno ng bagong kaalaman ang isinagawang seminar na โCredit and Risk Management for Cooperativesโ noong ika-26 ng Mayo 2026 sa Pasig Creative Arts Academy, bilang bahagi ng partnership ng Pasig City Cooperative Development Office (CDO) at Philippine Federation of Credit Cooperatives - NCR.
Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa ibaโt ibang kooperatiba upang higit na mapalawak ang kanilang kaalaman sa wastong pamamahala ng credit at panganib sa kanilang mga organisasyon.
Pormal na binuksan ang programa ni G. Zymoun Delos Reyes bilang Master of Ceremony, na sinundan ng welcome remarks ni G. Troy Sunga, Officer-in-Charge ng Pasig CDO. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng patuloy na paglinang sa kakayahan ng mga kooperatiba upang manatiling matatag, responsable, at handa sa ibaโt ibang hamon sa larangan ng pananalapi at pamamahala.
Naging sentro ng seminar ang talakayan ni Resource Speaker na si G. Roy Raian Joson, CPA mula sa PFCCO-NCR, kung saan kanyang ibinahagi ang mahahalagang konsepto ukol sa risk assessment, loan evaluation, responsableng pagpapautang, at mga epektibong paraan ng credit management para sa mga kooperatiba. Naging mas interaktibo rin ang aktibidad sa pamamagitan ng workshop activities na nagbigay pagkakataon sa mga kalahok na mailapat ang kanilang mga natutunan sa mga praktikal na sitwasyon.
Samantala, nagbigay naman si Gng. Ma. Lourdes Benavides Cabuntas ng isang maikling coopmercial na nagtatampok sa mga programa, serbisyo, at benepisyong hatid ng PFCCO-NCR para sa mga kooperatiba.
Nagtapos ang seminar sa closing remarks ni G. Nathaniel Andre I. Cadampog, kung saan kanyang pinasalamatan ang mga kalahok at partner organizations sa matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad. Sa kabuuan, naging mahalagang hakbang ang seminar upang higit pang mapalakas ang kaalaman at kakayahan ng mga kooperatiba tungo sa mas epektibo at napapanatiling serbisyong pampinansyal para sa kanilang mga miyembro.
26/05/2026
๐๐ ๐๐ข๐ญ๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ฌ๐๐๐, ๐๐๐ฒ ๐๐๐๐ ๐๐ฉ๐๐ฒ: ๐๐๐๐๐ ๐
๐ฎ๐๐ฅ ๐๐ฎ๐๐ฌ๐ข๐๐ฒ, ๐๐๐ญ๐ข๐-๐๐ข๐ง๐ก๐๐ฐ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐-๐๐๐
Isang makabuluhan at makataong inisyatiba ang isinagawa sa pamamagitan ng Fuel Subsidy Assistance Program ng ASA Philippines Employees Credit Cooperative (APECC) para sa Pasig Mandaluyong Quiapo Transport Service Cooperative (PMQ-TSC), bilang patuloy na suporta sa kabuhayan ng mga miyembro ng sektor ng transportasyon.
Ginanap ang turnover sa Caltex Sandoval Avenue, Pinagbuhatan, Pasig noong ika-23 ng Mayo 2026, kung saan maayos at maaliwalas ang naging daloy ng programa mula sa pagbubukas haanggang sa pag-abot ng tulong sa mga benepisyaryo.
Sa kabuuan, nagkaloob ang APECC ng Fuel Subsidy Assistance para sa 30 modern jeepney units, sa halagang โฑ3,000 kada unit, o kabuuang โฑ90,000, bilang direktang tulong sa gastusin sa araw-araw na biyahe at operasyon ng mga tsuper.
Binuksan ni G. Zymoun Benedict Delos Reyes mula sa Pasig City Cooperative Development Office, ang maikling programa bilang Master of Ceremony. Sinundan naman ito ng welcome remarks ni G. Ferdinand U. Jikiri, Chairperson ng APECC, kung saan binigyang-diin niya ang layunin ng APECC na maipagkaloob ang Fuel Subsidy Assistance bilang konkretong suporta sa mga tsuper ng PMQ-TSC, na naglalayong magbigay-ginhawa sa kanilang araw-araw na operasyon at makatulong sa patuloy na pagtaas ng gastusin sa kabuhayan at biyahe.
Nagpahayag rin ng pasasalamat si G. Benjamin Alvares Jr., Vice Chairperson ng PMQ-TSC, na binigyang-diin ang agarang epekto ng tulong sa kanilang mga tsuper, na araw-araw na lumalaban para sa kabuhayan ng kanilang pamilya.
Sa mensahe ni Bb. Cassandra Gabrielle A. Salangsang na mula rin sa Pasig CDO, kanyang pinasalamatan ang APECC sa patuloy na suporta sa PMQ-TSC. Binigyang-diin niya na ang ganitong programa ay malinaw na sumasalamin sa diwa ng Cooperation Among Cooperatives, kung saan ang pagkakaisa ng mga kooperatiba ay nagbubunga ng konkretong tulong at tunay na benepisyo para sa mga miyembro ng sektor ng transportasyon.
Habang ipinaabot naman ni Engr. Maricel R. Pansoy, Operations Adviser at Officer-in-Charge ng APECC, ang patuloy na suporta ng kooperatiba sa mga programang naglalayong palakasin ang sektor ng transportasyon. Aniya, ang ganitong inisyatiba ay patunay ng buhay na diwa ng Cooperation Among Cooperatives, kung saan ang pagtutulungan ay nagiging konkretong aksyon para sa kapakanan ng mga miyembro at komunidad.
Gayunpaman, dahil 24 lamang ang aktwal na modern jeepney units na kasalukuyang tumatakbo sa PMQ-TSC, nagkaroon ng kakulangan para sa 6 na benepisyaryo, na katumbas ng halagang โฑ18,000.00, na kinilala upang maayos na maitugma ang assistance sa aktwal na bilang ng mga units.
Ang naturang programa ay muling nagpatunay na sa bawat biyahe, sa bawat kalsada, at sa bawat kooperatiba โ may kaagapay na handang umalalay at maghatid ng pag-asa.
#
๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐-๐๐๐ ๐
Nagkaisa ang Pasig City Cooperative Development Office, Pasig CSWDO, at ibaโt ibang kooperatiba sa Lungsod ng Pasig upang maghatid ng tulong, saya, at malasakit para sa mga benepisyaryo ng Kanlungan sa Pasig โ Pinagbuhatan.
Mula sa pagkain, hygiene kits, diapers, infant milk, electric fan, at iba pang pangunahing pangangailangan, bawat donasyon ay naging simbolo ng pagkakaisa at tunay na diwa ng bayanihan.
Higit pa sa simpleng outreach program, isa itong paalala na sa pagtutulungan ng komunidad at kooperatiba, mas maraming buhay ang naaabot at nabibigyan ng pag-asa.
Sama-sama, umaagos ang malasakit para sa bawat Pasigueรฑo.
25/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐! ๐ข
Hindi pa huli ang lahat โ extended hanggang ๐๐๐ฒ ๐๐, ๐๐๐๐ ang pagsusumite ng FY 2025 Reports nang walang penalty, alinsunod sa CDA Memorandum Circular No. 2026-07.
Kasama rin sa extension ang validity ng mga Certificate of Compliance (COC) na nag-expire noong April 30, 2026.
Kung hindi pa kumpleto ang inyong requirements, maaari pa itong habulin at ayusin sa loob ng extension period.
Samantalahin na natin ang dagdag na panahon upang makapagpasa nang maayos at kumpleto.
Huwag nang hintayin ang last minute!
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ข
Upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga kooperatiba sa pagsunod sa mga kinakailangang ulat, pinalawig ng Cooperative Development Authority, sa ilalim ng CDA Memorandum Circular No. 2026-07, ang submission ng FY 2025 reports hanggang May 31, 2026 na walang penalty.
Pinalawig din ang bisa ng mga Certificate of Compliance (COC) na nakatakdang mag-expire sa April 30, 2026, kayaโt mananatili itong valid hanggang May 31, 2026.
Ito ay kaugnay ng Executive Order No. 110 at aprubado sa ilalim ng Board Resolution No. 161, s. 2026.
Para sa mga kooperatibang hindi pa nakakapagsumite, hinihikayat silang agad na i-adjust ang kanilang internal schedules at tapusin ang kinakailangang requirements sa loob ng itinakdang bagong deadline.
โ
Sanggunian / Basahin ang buong anunsyo ng CDA dito: https://www.facebook.com/share/p/1DucnHMVN2/
22/05/2026
๐๐๐ ๐ญ๐๐ญ๐๐ ๐ฉ๐จ ๐ง๐ ๐ฅ๐๐ฒ๐ฎ๐ง๐ข๐ง ๐๐ญ ๐ฌ๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ: ๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐ญ ๐๐๐ฌ๐ข๐ ๐๐๐, ๐ง๐๐ ๐ค๐๐ข๐ฌ๐ ๐ฌ๐ ๐ข๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐ฑ๐ฉ๐ฅ๐จ๐ซ๐๐ญ๐จ๐ซ๐ฒ ๐๐๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐๐ฌ ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ง๐๐๐ง๐ ๐ฌ๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ
Isang kapana-panabik na pagtutulungan ang kasalukuyang binubuo sa pagitan ng akademya at pamahalaang lokal. Noong ika-21 ng Mayo 2026, matagumpay na nagdaos ng isang exploratory meeting ang RTU Extension and Community Services Office (RTU ECSO) at ang Pasig City Cooperative Development Office (CDO) upang pag-usapan ang paggawad ng mga magkatuwang na programa para sa capacity building at community development.
Sa nasabing pagpupulong, nagpalitan ng mga karanasan at inisyatiba ang dalawang institusyon. Ipinakilala ng RTU ECSO ang kanilang mga Extension Services na naglalayong magbahagi ng kaalaman at teknolohiya upang mapabuti ang lokal na produksyon at kalidad ng pamumuhay ng iba't ibang sektor.
Kasabay nito, nagbahagi naman ang Pasig CDO ng ulat ukol sa kasalukuyang sitwasyon ng mga kooperatiba sa lungsod at ang kanilang mga umiiral na programa sa technical assistance at capacity building. Sa pamamagitan nito, nakita ng dalawang panig kung paano maaaring magkatugma ang galing ng unibersidad at ang mga pangangailangan sa komunidad.
Naging masigla ang palitan ng ideya nang talakayin ang mga konkretong proyekto na maaari nilang pagtulungan sa hinaharap bilang mga partner. Lumitaw sa usapan ang magkasanib na pagpapatupad ng bookkeeping support at financial literacy sessions, pati na rin ang mga enterprise development initiatives gaya ng product development, branding, packaging, at digital media training para sa mga lokal na kooperatiba. Bukod dito, binigyang-pansin din ang "Silid Aralan Program" ng RTU sa Tanay na tumutulong sa mga underprivileged youth bilang isang magandang oportunidad para sa partnership sa sektor naman ng kabataan.
Ang mahalagang simulain na ito ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa parehong tanggapan. Dumalo para sa RTU ECSO sina Dr. Robelyn Bautista (Head, Extension Community Linkages Unit), Bb. Abigail Plaza Mendoza-Morite, at G. John Luis Martinez, habang naging kabahagi naman mula sa Pasig CDO sina G. John Troy Sunga (Officer-in-Charge, CDO), Bb. Cassandra Gabrielle A. Salangsang, Bb. Raquel S. Dela Cruz, at G. Bernard Jason De Real.
Ang pagtatapos ng pulong ay nag-iwan ng malinaw na direksyon para sa isang mas matatag, inklusibo, at magkatuwang na paglilingkod sa mamamayan.
22/05/2026
๐๐จ๐จ๐ฉ ๐๐๐ฉ๐๐ญ๐ข๐ ๐๐๐ซ๐ญ๐ง๐๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐๐ฎ๐ซ๐ง๐จ๐ฏ๐๐ซ ๐๐๐ซ๐๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ | ๐๐๐ ๐๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐จ๐ฒ๐๐๐ฌ ๐๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ข๐ฉ๐ฎ๐ซ๐ฉ๐จ๐ฌ๐ ๐๐จ๐จ๐ฉ๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐ฏ๐ (๐๐๐๐๐๐๐๐) ๐๐ญ ๐๐๐ฆ๐-๐๐๐ฆ๐ ๐๐จ๐ฅ๐๐๐ง ๐๐ ๐ ๐๐ฅ๐ฅ๐ข๐๐ง๐๐ ๐๐ซ๐๐๐ข๐ญ ๐๐จ๐จ๐ฉ๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐ฏ๐ (๐๐๐๐๐๐๐)!
Isa na namang matagumpay na partnership ang nabuo sa ilalim ng Koop Kapatid Program matapos pormal na isagawa noong ika-21 ng Mayo 2026 ang turnover ceremony sa pagitan ng URC Employees Multipurpose Cooperative (URCEMPCO) at Sama-Sama Golden Age Alliance Credit Cooperative (Ssgaac coop.) sa tanggapan ng URCEMPCO.
Sa pamamagitan ng partnership na ito, ipinagkaloob ng URCEMPCO sa SSGAACC ang isang Computer Set with Printer at Complete Microsoft Office System bilang suporta sa pagpapalakas ng operasyon at administratibong kakayahan ng beneficiary cooperative.
Nakiisa rin ang Pasig City Cooperative Development Office (CDO) upang saksihan ang makabuluhang gawaing nagpapakita ng tunay na diwa ng kooperatibismo โ ang pag-angat ng kapwa kooperatiba sa pamamagitan ng malasakit, paggabay, at pagbabahaginan ng oportunidad.
Sa kaniyang mensahe, ibinahagi ni G. Romeo Naga, Chairperson ng URCEMPCO, na mahalagang mapanatili ang kultura ng pagtutulungan sa loob ng kilusang kooperatiba. Buong puso rin nilang tinanggap ang SSGAACC bilang kanilang โsmall brotherโ cooperative at tiniyak na bukas ang kanilang kooperatiba sa patuloy na paggabay at suporta.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si G. Jess Viray, Chairperson ng SSGAACC, para sa ipinakitang tiwala at tulong ng URCEMPCO na malaking bagay umano sa patuloy na pagpapatatag ng kanilang kooperatiba.
Samantala, binigyang-diin ni G. John Troy Sunga, Officer-in-Charge ng Pasig CDO, na hindi tunay na nagiging makabuluhan ang pag-unlad kung hindi naisasama ang mas maliliit na kooperatiba. Aniya, nagsisilbing tulay lamang ang CDO sa pagbuo ng mga partnership habang ang tunay na pagbabago ay nagmumula sa mga kooperatibang handang tumulong at magbahagi.
Ibinahagi rin ni G. Nathaniel Durias, General Manager ng URCEMPCO, na hindi lamang sa turnover ceremony nagtatapos ang kanilang suporta dahil bukas din sila sa pagbibigay ng technical assistance at paggabay sa paggamit ng ipinagkaloob na computer system.
Patunay ang partnership na ito na mas lumalakas ang kilusang kooperatiba kapag sama-samang umaangat at nagtutulungan ang bawat kooperatiba.
21/05/2026
๐๐๐ญ๐๐ญ๐๐ ๐ง๐ ๐๐จ๐จ๐ฉ๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐๐, ๐๐๐ ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐๐๐ฒ๐จ๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ญ๐๐ญ๐๐ฅ๐: ๐๐๐ฌ๐ข๐ ๐๐๐, ๐ง๐๐ ๐ฌ๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ ๐๐จ๐จ๐ค๐ค๐๐๐ฉ๐ข๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐
Bilang bahagi ng pagpapatibay ng partnership sa pagitan ng Pasig City Cooperative Development Office (CDO) at Cooperative Development Authority, patuloy na pinalalakas ang kaalaman at kakayahan ng mga kooperatiba sa lungsod sa pamamagitan ng matagumpay na pagsasagawa ng Training on Basic Bookkeeping for Cooperatives noong ika-19 ng Mayo 2026 sa Astoria Plaza. Dinaluhan ito ng mga opisyal at kinatawan ng ibaโt ibang kooperatiba na nagnanais mapalawak ang kanilang kaalaman sa wastong pamamahala ng financial records at bookkeeping system.
Nagsilbing Master of Ceremony si G. Zymoun Benedict Delos Reyes mula sa CDO, habang naging resource speaker naman si Bb. May Q. Pacleb, Senior Cooperative Development Specialist mula sa CDA NCR Extension Office. Sa kaniyang talakayan, ibinahagi niya ang mahahalagang pundasyon ng Accounting at Bookkeeping, kabilang ang kahulugan at pagkakaiba ng dalawang konsepto, gayundin ang kahalagahan ng maayos na financial recording sa pagpapatakbo ng isang kooperatiba.
Mas pinalalim pa ang diskusyon sa pamamagitan ng pagpapaliwanag sa limang pangunahing accounts โ Assets, Liabilities, Equity, Income, at Expensesโna nagsisilbing batayan sa pagsusuri ng kalagayang pinansyal ng isang organisasyon. Tinalakay rin ang Rules of Debit and Credit, Accounting Equation, at Chart of Accounts na mahalagang bahagi sa tamang proseso ng bookkeeping.
Bukod sa lecture discussions, naging masigla at interaktibo rin ang buong pagsasanay dahil sa ibaโt ibang activities at workshops na isinagawa sa pagitan ng mga talakayan. Nagkaroon ng mga situational exercises, group activities, at practical applications kung saan aktibong nakilahok ang mga dumalo upang mas maunawaan at maisabuhay ang mga konseptong itinuro.
Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, nagkaroon ang mga kalahok ng pagkakataong subukan ang wastong pagtatala ng transaksyon, pag-aanalisa ng accounts, at pagbuo ng simpleng bookkeeping entries na maaari nilang magamit sa kanilang mga kooperatiba.
Sa pagtatapos ng programa, hindi lamang dagdag kaalaman kundi mas pinatibay ring kumpiyansa at kakayahan sa financial management ang naiuwi ng mga kalahok โ isang hakbang tungo sa mas organisado, episyente, at matatag na pamamahala ng kanilang mga kooperatiba. Patunay ito sa patuloy na pagtutulungan ng CDO at CDA sa paghahatid ng mga programang magpapalakas sa sektor ng kooperatiba at magsusulong ng inklusibo at sustenableng pag-unlad sa lungsod.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the business
Website
Address
Caruncho Avenue
Pasig
1600
