31/05/2026
Session on the Move. Simula ng ating pagbisita sa mga Barangay! ❤️
Sa huling session ng Sangguniang Bayan, tinalakay at binigyang-solusyon natin ang mga mahahalagang usapin, mula sa pagtaas ng allowance ng ating mga Barangay PWD Presidents, pag-apruba sa SK Budget ng Brgy. Sto. Niño, pagpapatayo ng pampublikong Crematorium, paglalagay ng mga streetlights sa mga komunidad, hanggang sa panukalang ordinansa para sa kalinisan at pagbabawal ng pag-ihi/pagdumi sa mga pampublikong kalsada.
28/05/2026
Matagumpay na idinaos ang regular na buwanang pagpupulong ng Philippine Councilors League (PCL) - Rizal Chapter.
Layunin ng pagtitipong ito na mas mapagtibay ang mga programa, sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagpapalitan ng mga makabagong ideya, upang mas mapabuti ang serbisyo para sa mga taga Rizal.
27/05/2026
Sa ating mga kapatid na Muslim, Kaisahan at kapayapaan para sa lahat ngayong Eid al-Adha.🕌🙏🏻
25/05/2026
Sa ginanap na Regular Session ng Sangguniang Bayan Ng Angono, Rizal, ay pinagtibay na sa pamamagitan ng aking Committee Report ang mga Akreditasyon ng mga NGO.
Ang mga tinalakay din ay kinabibilangan ng mga resolusyon para sa mga kasunduan ukol sa internship, paglilibing, donasyon ng lupa para sa kalsada, proyektong pang-enerhiya, programang pampamumuhunan (AIP), at pagpapatibay ng mga lokal na patakaran alinsunod sa mga kautusan ng pambansang pamahalaan.
21/05/2026
Masusing pag-aaral at talakayan ng iba’t ibang Komite, para sa mas epektibong pagpapatupad ng mga programa at ordinansa.
☑️ Accreditation of NGOs /CSO
-DOMSA Federation
-Lake Ragun Bay Association Inc.
-Kapisanan ng May Bahayan sa Purok 6 at 7 Inc.
☑️ Ordinance Prohibiting the Act of Being Topless or Half Naked in Public Places
☑️ Resolution Authorizing the LCE to Assume Payment for the Installation of Streetlights in Duraville Homes Ph1
☑️ Resolution Authorizing the LCE to Assume Payment for the Consumption of Electric Water Pump and Streetlights in Sitio Pinagpala, Brgy. Kalayaan
☑️ Resolution Granting an Increase of Monthly Allowance to 10 Barangay PWD Presidents
20/05/2026
📢PARA SA KABATIRAN NG ATING MGA MANANAKAY AT PASAHERO
🛺 Sa pinagtibay nating ordinansa ukol sa Tricycle Fare o Taripa, may nakasaad pong “parameter system” kung saan ang magiging minimum na pamasahe ay nakabatay sa kasalukuyang presyo ng gasolina.
Ibig sabihin, anumang pagtaas o pagbaba ng fuel price ay may kaukulang basehan sa pamasahe upang maging patas para sa parehong pasahero at mga tricycle driver.
ito ang link para sa ating opisyal na Taripa
https://www.facebook.com/share/p/18DYxMsaYK/
Gabay po natin ito para sa iwas-overcharging at para na rin sa makatwirang kita ng ating mga magigiting na tricycle drivers. I-save o i-share po natin ito para sa kaalaman ng lahat!
18/05/2026
Sama-samang paninindigan para sa kapayapaan at kaayusan ng Angono. Sa pagpirma ng panata ng pagkakaisa, pinagtitibay natin ang ating suporta sa kapayapaan, seguridad, at kaunlaran ng ating bayan.
17/05/2026
🎉 CONGRATULATIONS SA ATING MGA WINNERS! 🎉
Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at sumali sa ating Back-to-School Supplies Giveaway! Nawa’y maging munting tulong ito para sa paghahanda ng ating mga kabataan sa panibagong taon ng pag-aaral. ❤️
📩 Hintayin po ang aming message/post para sa schedule at detalye ng distribution.
16/05/2026
🎉 BACK-TO-SCHOOL GIVEAWAY 🎉
Ito ang mga school supplies na naghihintay sa ating mga maswerteng raffle winners, na siguradong makakatulong sa pag-aaral ng ating mga kabataan! 📚