04/04/2026
𝐒𝐢 𝐊𝐫𝐢𝐬𝐭𝐨 𝐚𝐲 𝐌𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐍𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲!
𝐀𝐥𝐞𝐥𝐮𝐢𝐚! 𝐀𝐥𝐞𝐥𝐮𝐢𝐚!
Narito ang mga Banal na Misa sa ating Parokya ngayong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon:
Regular Sunday Mass Schedule
7:00AM, 9:00AM, 4:00PM, 6:00PM
O Reyna ng Langit, magalak ka!
03/04/2026
𝕾𝖆𝖇𝖆𝖉𝖔 𝕾𝖆𝖓𝖙𝖔 | Ang paanyaya sa lahat ngayong Sabado Santo, narito ang mga gawain sa ating parokya:
7:00 AM | Pagdadasal ng Pitong Hapis ni Maria
8:00 AM | Ikalawang Araw ng Nobena sa Divine Mercy
8:00 PM | Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay o Easter Vigil
11:00 PM | Prusisyon ng Salubong sa harap ng Barangay Hall
Muli, ang paanyaya sa lahat na makiisa sa mga gawain ngayong Sabado Santo. Ang Salubong ay gaganapin sa harap ng Barangay Hall, maaaring magtungo doon upang saksihan ang Salubong ni Jesus at Maria.
02/04/2026
𝕭𝖎𝖞𝖊𝖗𝖓𝖊𝖘 𝕾𝖆𝖓𝖙𝖔 | Ang Araw ng Pagkamatay ng Panginoon sa Krus
Ang paanyaya sa lahat ngayong Biyernes Santo, narito ang mga gawain sa ating Parokya:
7:00 AM | Panalangin sa Umaga (Tenebrae)
8:00 AM | Unang Araw ng Nobena sa Divine Mercy
3:00 PM | Pagsamba sa Krus
5:00 PM | Prusisyon ng Paglilibing sa Panginoon
8:00 PM | Pagtatanod sa Santo Entierro
Ang ating Parokya ay bukas hanggang alas dose ng hatinggabi para sa mga nagnanais magdasal, manalangin at magnilay sa harap ng Santo Entierro.
01/04/2026
Prusisyon ng Pagpapakasakit ng Panginoon
Sa araw na ito ng pagninilay, ginugunita natin ang pagpapakasakit ng Panginoon kung paano Siya ipinagkanulo, hinatulan, hinamak, at pinasan ang krus alang-alang sa ating kaligtasan. Sa kabila ng sakit at pagdurusa, pinili Niya ang magmahal at magpatawad hanggang sa huli.
Bagamat may mga krisis tayong kinakaharap ngayon, ang Kanyang sakripisyo ang paalala na hindi tayo nag-iisa. Patuloy tayong manalig at magtiwala sa Kanya.
01/04/2026
𝕳𝖚𝖜𝖊𝖇𝖊𝖘 𝕾𝖆𝖓𝖙𝖔 | Ngayong Huwebes Santo, narito ang mga gawain sa ating Parokya:
6:00 AM | Misa ng Krisma sa Katedral ng Pasig
5:00 PM | Misa ng Huling Hapunan ng Panginoon
(Paanyaya: Magdala at Mag-alay ng mga Tinapay sa Banal na Misa upang basbasan at ipamamahagi pagkatapos ng Misa o CARIDAD)
Matapos ang Misa ng Huling Hapunan, ay isusunod ang Pagtatanod sa Santisimo Sacramento hanggang Alas Dose ng Hatinggabi.
Bukas ang ating parokya para sa mga nagnanais magdasal ng Stations of the Cross o para sa Visita Iglesia hanggang hatinggabi.
Ang paanyaya sa lahat na makiisa, makibahagi at manalangin ngayong mga Mahal na Araw.