29/05/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐๐-๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ โ ๏ธ๐ค
Maging mapanuri sa mga nakikita online. Sa panahon ngayon, mabilis nang makagawa ng AI-generated images at videos na mukhang totoo ngunit maaaring edited, manipulated, o tuluyang gawa lamang ng artificial intelligence.
Nakababahala rin na ginagamit ang AI upang gumawa ng maling content na maaaring makapanira ng reputasyon, magpalaganap ng misinformation at disinformation, o magsamantala sa iba.
Walang pinipiling biktima ang AI deepfakes at online scams. Maaaring mabiktima ang kababaihan, mga bata, senior citizens, persons with disabilities (PWDs), at iba pang vulnerable sectors sa pamamagitan ng fake photos, deepfake videos, cyberbullying, harassment, online scams, at iba pang uri ng panloloko.
Ayon sa Facebook post ni Mayor Vico Sotto, mas lumalala at mas nagiging sopistikado ang online financial crimes at AI-generated scams. Kumakalat na rin ang mga fake at AI-generated videos na minsan ay halos hindi na matukoy kung totoo o hindi dahil maging ang audio ay tunog totoo na rin. May mga investment scam, love scam, at iba pang mapanlinlang o ilegal na online activities tulad ng gambling website referrals.
Dagdag pa ni Mayor Vico, habang patuloy na umuunlad ang AI technology, mas lalo pang gagaling at magiging kapani-paniwala ang mga scam na ito , kabilang na ang posibilidad ng video calls gamit ang mukha at boses ng kakilala natin upang manloko.
Kaya mahalagang magtulungan tayo sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon at awareness, lalo na para maprotektahan ang ating pamilya at mga mahal sa buhay na maaaring mas vulnerable sa ganitong uri ng panloloko.
Bago mag-react, mag-share, o maniwala sa isang post:
โ๏ธ I-check ang source ng impormasyon;
โ๏ธ Tingnan kung may inconsistencies o kakaibang detalye sa larawan o video;
โ๏ธ Maghanap ng official confirmation mula sa mapagkakatiwalaang news outlets o government agencies;
โ๏ธ Huwag agad magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon;
โ๏ธ I-report ang mga mapanlinlang o kahina-hinalang content online.
Tandaan: Hindi lahat ng nakikita online ay totoo. Ang pagiging responsable at mapanuri sa social media ay mahalagang hakbang upang maprotektahan ang ating mga sarili, pamilya, at komunidad laban sa fake news, misinformation, disinformation, at online exploitation. ๐ฑ๐ก๏ธ
READ: https://www.facebook.com/share/v/1EFz1TfXzj/
28/05/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐ ๐๐๐! ๐ต๐ญ
Ngayong National Flag Day, ating balikan at bigyang pagkilala ang tatlong kababaihang Pilipina, sina Doรฑa Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo, at Delfina Herbosa de Natividad, na buong pusoโt giting na tumahi ng kauna-unahang watawat ng Pilipinas, sagisag ng ating kalayaan at pagkakaisa.
Nawaโy magsilbing inspirasyon sa ating lahat ang kwento sa likod ng ating watawat, isang paalala ng kabayanihan, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan.
28/05/2026
GADictionary | ๐๐๐ฆ๐๐๐๐๐ฌ๐ญ๐จ๐ฌ? ๐๐๐ฐ๐๐ฅ โ๐ฒ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฉ๐๐๐๐ฌ. โผ๏ธ๐ซ
Ang Public Space ay tumutukoy sa mga lugar na bukas at maaaring ma-access ng publiko, regardless of ownership. Kabilang dito ang mga kalsada, bangketa, parke, paaralan, terminal, pampublikong sasakyan, tanggapan, establisyimento, malls at restaurants, recreational areas, at maging mga online spaces kung saan naroroon at nakikipag-ugnayan ang mga tao.
Sa ilalim ng City Ordinance No. 16, s. 2024 o ang Safe Spaces Ordinance ng Lungsod ng Pasig, mahigpit na ipinagbabawal sa mga pampublikong espasyo ang anumang anyo ng gender-based sexual harassment tulad ng catcalling, sexist, homophobic, transphobic, biphobic remarks, panghihipo, pambabastos, stalking, at iba pang mapang-abusong kilos o pananalita.
Layunin ng ordinansa na mapanatili ang ligtas, magalang, at inklusibong kapaligiran para sa lahat anuman ang kasarian, sexual orientation, gender identity and expression (SOGIE), o katayuan sa buhay.
Kaukulang multa at parusang pagkakakulong ang ipapataw sa sinumang mapapatunayang lumalabag sa Ordinansang ito, alinsunod sa mga parusang nakasaad sa Republic Act No. 11313 o ang Safe Spaces Act (Bawal Bastos Law).
Scan the QR Code to read the copy of the Safe Spaces Ordinance, or you may access it through this link:
https://assets.pasigcity.gov.ph/storage/city_ordinance/2024/03/11/663db0018e08f1715318785Ord%2016-2024.pdf
27/05/2026
๐๐ข๐ ๐๐ฎ๐๐๐ซ๐๐ค ๐ฌ๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ค๐๐ฉ๐๐ญ๐ข๐ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฌ๐ฅ๐ข๐ฆ! ๐โจ
Tayo ay nakikiisa sa ating Muslim brothers and sisters sa pagdiriwang ng Eid al-Adha!
Nawaโy ang banal na okasyong ito ay magdala ng kapayapaan, pagmamahalan, pagkakaisa, at masaganang biyaya sa bawat pamilya at komunidad. Maging paalala rin ito ng kahalagahan ng pananampalataya, sakripisyo, kabutihan, at malasakit sa kapwa.
Sa diwa ng Eid Al-Adha, nawaโy lalo pa nating palakasin ang pag-unawa, respeto, at pagkakaisa sa kabila ng ating pagkakaiba-iba bilang isang komunidad. Sama-sama nating isulong ang kapayapaan, malasakit, at pagkakapatiran para sa mas inklusibo, ligtas, at makataong lipunan para sa lahat.
26/05/2026
Letโs understand and respect that every person has their own timeline in life, and that fulfillment is not defined by marital status.
WRONG TANONG โ โ๐๐๐ค๐ข๐ญ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ค๐ ๐ฉ๐ ๐ง๐๐ -๐๐๐ฌ๐๐ฐ๐?โ ay maaaring maging sensitibo o hindi naaangkop dahil maaari itong magdulot ng hindi sinasadyang pressure, paghuhusga, o mga palagay tungkol sa buhay at personal na sitwasyon ng isang tao. Ipinapahiwatig nito na ang pag-aasawa ay isang inaasahang yugto sa buhay na dapat marating ng lahat sa takdang panahon.
Sa realidad, ang bawat tao ay may kanya-kanyang prayoridad, karanasan, at pinagdaraanan. May ilan na mas inuuna ang kanilang career, responsibilidad sa pamilya, financial stability, o kaya naman ay may pinipiling ibang landas sa buhay. May iba rin na may pribadong dahilan na hindi nila kailangang ipaliwanag o ibahagi.
Ang ganitong tanong ay maaaring magdulot ng pressure na umayon sa inaasahan ng lipunan, at pakiramdam na hinuhusgahan dahil sa pagiging single o walang asawa/partner.
Manatiling sensitibo at maingat sa ating pamamaraan ng pagtatanong. Mas makabubuti ang isang magalang na pananaw na hindi itinuturing ang pag-aasawa bilang obligasyon o sukatan ng tagumpay, kundi kinikilala at nirerespeto ang magkakaibang desisyon, oras, at landas ng bawat isa sa buhay.
Ano mang oras, saan man naroroon, .
26/05/2026
๐๐ ๐๐๐๐๐๐ | DSWD-NRLMB Lead-Their-Shift Training Program
Nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa inisyatiba ng Department of Social Welfare and Development โ National Resource and Logistics Management Bureau (DSWD-NRLMB) upang higit pang mapataas ang kamalayan at kaalaman ng kanilang mga kawani hinggil sa mga prinsipyo at konsepto ng Gender and Development (GAD).
Sa isinagawang Lead-Their-Shift: Ladderized Leadership Training Program noong ika-21 ng Mayo 2026 sa DSWD Pasay City, tinalakay ang mahahalagang paksa kaugnay ng basic concepts and principles of GAD, mga paraan ng muling paghubog sa pananaw ukol sa masculinity, pagsusulong ng women empowerment, at mahahalagang kasaysayan at polisiya na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay at nagbibigay proteksyon sa karapatan ng kababaihan laban sa ibaโt ibang anyo ng pang-aabuso at karahasan.
Layunin ng programa na palakasin ang gender sensitivity at inclusivity sa lugar ng trabaho, gayundin ang paghubog sa mga lingkod-bayan na may mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng patas, ligtas, at makataong pagbibigay-serbisyo sa publiko.
Nagsilbing Resource Persons sina Jose Rey Q. Espina, GAD Department Head; Gigie Barnedo, Division Chief ng GAD Learning and Development Division; at Norben V. Gomez, Administrative Officer V, na nagbahagi ng kanilang kaalaman at karanasan upang higit na mapalalim ang pag-unawa ng mga kalahok sa kahalagahan ng GAD mainstreaming sa pamahalaan at komunidad.
Maraming salamat at congratulations sa DSWD-NRLMB, sa pangunguna ni Atty. Jun T. Eso, ECE, Director III and Concurrent Officer-in-Charge, para sa matagumpay at makabuluhang aktibidad na patuloy na nagsusulong ng inklusibo at gender-responsive na pamamahala.
25/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐ | Mensahe ni Mayor Vico Sotto sa idinaos na 48th Moving Up Ceremonies ng Early Childhood Care and Development Program ng Lungsod ng Pasig
Sa mensahe ni Mayor Vico, nagpaabot siya ng taos-pusong pasasalamat sa mga g**o para sa kanilang mahalagang papel sa buhay ng bawat mag-aaral. Aniya, ang mga aral, values, at pag-aarugang ibinibigay ng mga g**o ay mananatiling baon ng mga bata hanggang sa kanilang paglaki at hindi kailanman malilimutan.
Hinimok din ni Mayor Vico ang mga batang movers na pagbutihin ang kanilang pag-aaral at patuloy na magpakabuti, sapagkat ang moving up ceremony ay simula pa lamang ng mas mahaba nilang paglalakbay sa edukasyon. Tiniyak din ni Mayor Vico na katuwang ng mga bata ang kanilang mga barangay officials at ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pagsuporta sa kanilang mga pangarap at kinabukasan.
Dagdag pa ni Mayor Vico, mananatiling prayoridad ng lokal na pamahalaan ang edukasyon dahil ito ang isa sa pinakamahalagang pundasyon para sa kinabukasan ng bawat bata.
Sa huli, binigyang diin ni Mayor Vico na isa sa mga layunin ng Pasig LGU ay matulungan ang bawat batang Pasigueรฑo na maabot ang kanilang buong potensyal.
READ: https://www.facebook.com/share/p/1BRZAWPc8B/
-
Ang 48th Moving Up Ceremonies ng ECCD ay isinagawa noong May 18 to 22, 2026 sa Tanghalang Pasigueรฑo at pinangasiwaan ng Pasig City Social Welfare and Development Office.
25/05/2026
Every child deserves the freedom to grow, learn, and discover their potential without being limited by harmful gender stereotypes and expectations.
Letโs commit to #๐๐ข๐ฌ๐๐๐๐ญ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐ข๐๐ฌ๐๐ฌ and promoting a culture where every child feels valued, heard, respected, and empowered to grow into who they aspire to be.
24/05/2026
๐๐ข๐ง๐๐ข ๐ค๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ฆ๐๐ง ๐ฆ๐๐ ๐ข๐ ๐ข๐ง๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ข ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ซ๐๐ก๐๐ฌ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ค๐๐ฆ๐ข๐ญ ๐ง๐ ๐ญ๐ฎ๐ง๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ค๐๐ฉ๐๐ฒ๐๐ฉ๐๐๐ง ๐๐ญ ๐ฉ๐๐ ๐ค๐๐ค๐๐ฉ๐๐ง๐ญ๐๐ฒ-๐ฉ๐๐ง๐ญ๐๐ฒ.
-
Tayo sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig ay nakikiisa sa buong mundo sa pagdiriwang ng International Womenโs Day for Peace and Disarmament ngayong ika-24 ng Mayo, isang mahalagang paalala na ang kapayapaan, pagkakaisa, at pag-unawa ang tunay na susi sa pagharap sa mga hamon ng mundo, at hindi ang karahasan o digmaan.
Layunin ng pagdiriwang na ito na maipakita na ang bawat tinig, adbokasiya, at hakbang ng kababaihan tungo sa kapayapaan at pagkakaisa ay may mahalagang ambag sa paghubog ng isang lipunang mas makatao, makatarungan, at ligtas para sa lahat.
Nawaโy magsilbi itong inspirasyon upang higit nating pairalin ang malasakit, respeto, at pagkakaisa sa ating mga komunidad, para sa isang mas ligtas, makatarungan, at mapayapang kinabukasan.
-
The International Women's Day for Peace and Disarmament is observed annually on May 24th. Established in 1982 by European feminist and pacifist groups, to honor the historic and ongoing role of women in anti-militarism, nuclear disarmament, and global peacebuilding.
21/05/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐
๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐
Members of the Pasig City Gender and Development (GAD) Focal Point System (GFPS) Executive Committee convened for their Second Quarter Regular Meeting on May 19, 2026, at the Temporary Pasig City Hall, presided over by GFPS Executive Committee Chairperson, Mayor Vico Sotto.
The meeting highlighted the presentation and review of the Cityโs Gender and Development accomplishments for the first quarter of 2026, including updates on the implementation and utilization of various GAD programs, projects, and activities (PPAs). As of March 30, 2026, out of the 31 target PPAs for the first quarter, 10 projects have been fully implemented, 12 are currently ongoing, while 9 are scheduled for implementation in the succeeding quarter.
For the whole year, the City targets the implementation of 166 GAD PPAs designed to address emerging gender issues and strengthen programs and services responsive to the needs of women, children, LGBTQIA+ individuals, senior citizens, persons with disabilities, solo parents, and other vulnerable and marginalized sectors.
Also presented during the meeting was the DILG NCR Advisory dated April 28, 2026, titled โSafeguarding GAD Implementation Amid Mandatory Austerity and the National Energy Emergency.โ The advisory reiterates the directive for all local government units to ensure that the implementation of GAD PPAs remains uninterrupted amid the ongoing crisis, particularly programs addressing gender-based violence, health and social protection services, and interventions for vulnerable sectors.
The City GFPS Executive Committee likewise approved the proposed โฑ2 Billion 2027 City GAD Plan and Budget, which was previously reviewed and endorsed by the Department of the Interior and Local Government โ National Capital Region (DILG NCR) in compliance with existing rules, guidelines, and procedures on gender-responsive planning and budgeting.
Among the other matters discussed during the meeting were the reconstitution of the City GAD Focal Point System to include the Anti-Sexual Harassment Sub-Committee pursuant to Republic Act No. 11313, or the Safe Spaces Act (Bawal Bastos Law), as well as updates on the establishment of a Responsibility Center (RC) Code for all GAD-related expenditures of the City Government.
Before the meeting officially adjourned, City Councilor Boyie Raymundo announced that the proposed rationalization of the Pasig City GAD Department had been officially approved and passed by the 12th Sangguniang Panlungsod of Pasig City, on May 11, 2026, during their regular session.
The Second Quarter GFPS Executive Committee Meeting was attended by members of the Pasig City GAD Focal Point System, represented by Vice Mayor Dodot Jaworski, City Councilor Boyie M. Raymundo, Liga ng mga Barangay President Kap. Jeronimo Alba, DILG Pasig Director Visitacion C. Martinez, heads of local departments and offices, representatives from national government agencies, and partner Civil Society Organizations.
โ
The Second Quarter Regular Meeting was facilitated by the Pasig City GAD Office, serving as the Secretariat of the City Gender and Development Focal Point System, ensuring the smooth coordination and documentation of the proceedings.
๐ท Pasig City Public Information Office