09/10/2026
๐ธ USAPANG BUNTIS 2026 ๐ธ
Gabay ni Nanay sa Unang 1,000 Araw ni Baby ๐
๐
Petsa: October 9, 2026
โฐ Oras: 9:00 AM โ 12:00 PM
๐ Lugar: Napico Multi-Purpose Hall
๐ MARAMING SALAMAT PO SA LAHAT NG
NAKIISA AT NAKIBAHAGI SA ATING PROGRAMA!
Isang makabuluhan at matagumpay na programa ang ating isinagawa upang mapalawak ang kaalaman ng ating mga nagdadalang-tao tungkol sa wastong pangangalaga sa panahon ng pagbubuntis, tamang nutrisyon, at pag-aalaga sa ating mga sanggol sa kanilang unang 1,000 araw ng buhay. ๐คฑ๐ป๐ถ๐ป
Taos-puso rin po kaming nagpapasalamat sa ating mga Resource Speakers sa pagbabahagi ng kanilang kaalaman at mahahalagang impormasyon na magsisilbing gabay ng ating mga ina sa pagkakaroon ng ligtas na pagbubuntis at malusog na panganganak.
Maraming salamat din po sa ating BNC Members, Nutritionist, BNAO, at sa lahat ng naging bahagi ng programang ito. Ang inyong oras, dedikasyon, at pakikiisa ay malaking tulong sa patuloy na pagsusulong ng kalusugan at wastong nutrisyon sa ating komunidad. ๐
Lubos din po ang aming pasasalamat sa ating Acting Punong Barangay Gloria S. Lualhati at sa buong Sangguniang Barangay sa kanilang patuloy na suporta sa mga programang pangkalusugan para sa kapakanan ng ating mga kabarangay.
๐คฐ๐ MABUHAY ANG ATING MGA MOMMY-TO-BE!
Nawa'y maging ligtas at maayos ang inyong pagbubuntis at maisilang ninyo ang mga sanggol na malusog at malakas. Patuloy na alagaan ang inyong sarili at ang inyong mga munting anghel, sapagkat ang unang 1,000 araw ay mahalagang pundasyon para sa kanilang malusog na kinabukasan. ๐๐ถ๐ป
Sama-sama para sa malusog na ina, malusog na sanggol, at mas malusog na Barangay Manggahan! ๐ธ๐