Angelu De Leon

Directions

Angelu De Leon Official Page of Angelu De Leon
TV & Movie Actress
Pasig City 2nd District Councilor To all Angelunians out there please support Angelu de Leon!
(1)

15/09/2026

Hindi mo mapupuno ang isang balde nang hindi mo muna inaayos ang mga butas nito! 😔

May PROMO!!! 🤗
15/09/2026

May PROMO!!! 🤗

This is what our 1999 promo looks like. Send us a message for full details and appointments :)

15/09/2026

Kahapon ay Flag Raising Ceremony with our Junior City Officials.

Sa huling araw ng kanilang programa, nagbahagi sila ng mga natutunan at karanasan bilang batang public servants.

Nakakatuwang makita ang mga kabataang natututo hindi lang kung paano maglingkod, kundi pati kung paano kilalanin kung ano ang tama at mali, para balang araw, sila naman ang makapagtama.






- (A)

Angelito 🥰Ilang taon na ba tayong magkasama? Who’s counting? 😅 Ang alam ko lang, sa tagal ng panahon, hindi ka na lang b...
15/09/2026

Angelito 🥰

Ilang taon na ba tayong magkasama? Who’s counting? 😅 Ang alam ko lang, sa tagal ng panahon, hindi ka na lang basta Handler/Manager ko. Pamilya na ang turing ko sa’yo. ❤️

Salamat sa Diyos dahil inilagay ka Niya sa buhay ko. Isa ka sa mga taong hindi lang nandiyan kapag maayos ang lahat, kundi nananatili kahit sa mga panahong mahirap akong intindihin.

Alam kong naging pasaway ako, minsan sakit sa ulo mo lalo na noong kabataan. 😂 Pero kahit ganoon, hindi ka bumitaw. Patuloy mo akong ipinaglaban, inunawa at sinuportahan. Hindi ko man palaging nasasabi, pero sobra kong pinahahalagahan ang lahat ng ginawa at patuloy mong ginagawa para sa akin.

Minsan, habang abala tayo sa buhay, nakakalimutan nating sabihin sa mga taong laging nandiyan kung gaano sila kahalaga. Kaya ngayon, gusto kong malaman mo na grateful ako na ikaw ang kasama ko sa journey na ito.

Thank you for staying, for believing, and for never giving up on me. Mahal kita, Angelito. ❤️🙏

Huling araw ng ating mga Junior City Officials kahapon!Masaya tayong nakasama sila nitong mga nakaraang araw at nakita k...
15/09/2026

Huling araw ng ating mga Junior City Officials kahapon!

Masaya tayong nakasama sila nitong mga nakaraang araw at nakita kung paano nila sinubukang unawain ang trabaho at responsibilidad ng isang lingkod-bayan.

Lalo na kay Stacey, ang ating Junior City Councilor, salamat sa pakikisama, sa mga tanong, at sa mga ideyang ibinahagi mo sa Konseho. Sana baunin mo ang mga natutunan mo rito at gamitin sa patuloy mong paglilingkod sa kapwa.

Hindi lang kayo naging “Junior Officials” sa loob ng isang linggo. Sana naging simula rin ito para mas makilala ninyo ang halaga ng serbisyo publiko.

Good luck, Stacey and to all our Junior City Officials! See you around!






- (A)

Ganito talaga kami mag usap, ayaw namin masyadong close 🤣
15/09/2026

Ganito talaga kami mag usap, ayaw namin masyadong close 🤣

Thank You, Lord, for a productive Monday! 🙏 Ending the day grateful for all the blessings.  💙
14/09/2026

Thank You, Lord, for a productive Monday! 🙏

Ending the day grateful for all the blessings. 💙

14/09/2026

BREAKING: Aprubado na sa ikatlong pagbasa, sa botong 13-5-0, ang Senate Bill No. 2387 o ang panukalang batas na naglalayong gawing limang taon ang termino ng mga barangay officials at mga miyembro ng Sangguniang Kabataan (SK).

Kasabay nito, ipagpapaliban din ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nobyembre 2026. | DZRH News

Ngayong session, binigyan natin ng pagkakataon ang ating Junior City Official na iharap at iulat ang mga Committee Repor...
14/09/2026

Ngayong session, binigyan natin ng pagkakataon ang ating Junior City Official na iharap at iulat ang mga Committee Reports mula sa mga pagdinig na isinagawa natin noong nakaraang linggo.

Hindi lang ito tungkol sa pag-upo sa session hall. Mahalaga rin na makita at maranasan nila kung paano ginagawa ang trabaho sa Konseho—mula sa pagdinig, pagtalakay ng mga isyu, hanggang sa pag-uulat sa harap ng buong Sanggunian.

Isang magandang pagkakataon para matuto, makinig, at mas maunawaan kung paano tayo naglilingkod sa mga Pasigueño.






- (A)

Sa huling araw ng programa ng ating mga Junior City Officials, naging bahagi sila ng ating Flag Raising Ceremony ngayong...
14/09/2026

Sa huling araw ng programa ng ating mga Junior City Officials, naging bahagi sila ng ating Flag Raising Ceremony ngayong umaga.

Sa ngalan ni Mayor Vico Sotto, nagbigay ng mensahe ang isa sa ating Junior City Officials at ibinahagi ang kanyang mga naging karanasan bilang bahagi ng programa, pati na rin ang mga aral na natutunan niya kay Mayor Vico.

Isa sa mga tumatak na aral: alamin din kung ano ang mali. Dahil kung alam natin kung ano ang mali, darating ang panahon na tayo naman ang makakapagtama nito.

Isang magandang paalala para sa mga kabataang Pasigueño—matuto, makinig, at huwag matakot kilalanin kung ano ang dapat baguhin.

Salamat, Junior City Officials! Sana ay dalhin ninyo ang mga aral na ito sa inyong paglaki at sa hinaharap na paglilingkod sa bayan.






- (A)

Address

Pasig

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Angelu De Leon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category