13/09/2026
TIGNAN | CAMPAIGN PLANNING TRAINING ✊
Matagumpay na isinagawa ang Campaign Planning Training para sa mga lider-kabataan at mga lider-komunidad sa Pasig City!
Sa loob ng dalawang araw, pinag-usapan at pinagtibay ang mahahalagang aspeto ng pagpaplano ng isang kampanya—mula sa pagsusuri ng kalagayan ng komunidad, pagbuo ng campaign strategy at tactics, hanggang sa paglikha ng malinaw na campaign message.
Sa pamamagitan ng mga workshop at praktikal na pagsasanay, nabigyang pagkakataon ang mga kalahok na bumuo ng mga konkretong plano na nakabatay sa tunay na kondisyon at pangangailangan ng kanilang mga komunidad.