03/06/2026
Ngayong Pride Month, ipinapaalala natin na ang pagiging totoo sa iyong sarili ay hindi lamang tungkol sa pagkakakilanlan—ito rin ay mahalagang bahagi ng mabuting kalusugang pangkaisipan.
Hindi mo kailangang pigilan ang iyong boses, damdamin, o pagkatao upang matanggap. May puwang ka sa mundong ito bilang IKAW.
Sa Mental Health Office ng Pasig, patuloy nating itaguyod ang isang komunidad na may paggalang, pagtanggap, at malasakit para sa lahat. 💙
02/06/2026
Ipinapakilala ng Pasig City ang ating opisyal na tagline para sa pangangalaga ng mental health ng bawat Pasigueño: !
Dahil sa bawat hakbang at hamon ng buhay, kasinghalaga ng ating pisikal na katawan ang kalusugan ng ating kaisipan. Hindi mo kailangang mag-isa. Kasama mo ang pamahalaang lungsod sa pagtaguyod ng isang ligtas, mapagkalinga, at maunawaing komunidad.
Huwag mahiya o matakot humingi ng tulong. Ligtas ang iyong kwento rito.
01/06/2026
Noong May 15, 2026, nagsagawa ng Mental Health Awareness activity ang Mental Health Program katuwang ang Pasiglaban Kabataan at National Center for Mental Health upang mas mapalawak ang kaalaman ng komunidad tungkol sa kahalagahan ng mental health at mga serbisyong maaaring ma-access sa Pasig.
Ibinahagi rin sa aktibidad ang iba’t ibang available mental health services sa Pasig kabilang ang konsultasyon, referral system, psychosocial support, at access sa mga programang katuwang ang NCMH para sa mas maagap at mas abot-kayang tulong para sa ating mga kababayan.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumusuporta sa adbokasiya ng mas bukas na usapan tungkol sa mental health. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagpapalakas ng mental health awareness sa komunidad!
01/06/2026
🌿 HELLO, JUNE! 🌿
Sa pagsisimula ng bagong buwan, paalalahanan natin ang ating sarili na ang kalusugang pangkaisipan ay mahalagang bahagi ng ating pangkalahatang kalusugan. Kung may mga alalahanin, pinagdaraanan, o emosyon na mabigat dalhin, tandaan na may mga taong handang makinig at tumulong.
Maaari kang lumapit sa pinakamalapit na health center sa inyong barangay upang magtanong tungkol sa mga serbisyong pangkalusugan, kabilang ang mga suportang may kaugnayan sa mental health. Ang paghingi ng tulong ay hindi kahinaan—ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa pag-aalaga sa sarili.
Ngayong Hunyo, piliin nating unahin ang ating kalusugan, magbigay ng malasakit sa kapwa, at palakasin ang kamalayan tungkol sa mental health sa ating komunidad.
30/05/2026
8,000 Followers Strong! 🎉
Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta sa ating page! 💙
Dahil sa inyong pagtitiwala, pakikiisa, at pagbabahagi ng ating mga advocacy at impormasyon, umabot na tayo sa 8,000 followers! 🥳
Ang bawat like, share, comment, at engagement ninyo ay malaking tulong upang mas marami pa tayong maabot at mabigyan ng tamang kaalaman tungkol sa kalusugan at mental health.
Patuloy tayong magsama-sama para sa isang mas malusog, mas ligtas, at mas maalam na komunidad.
Again, THANK YOU, 8K family! 💙
Mas marami pa tayong proyekto, impormasyon, at activities na aabangan. Stay connected!
29/05/2026
Noong May 12, 2026, nagsagawa ng Adolescent Pregnancy Lecture ang staff ng Dela Paz Main Health Center para magbigay ng kaalaman at awareness tungkol sa adolescent reproductive health, responsible decision-making, at kahalagahan ng mental health sa kabataan.
Patuloy nating suportahan ang pagbibigay ng tamang impormasyon at safe spaces para sa ating mga kabataan tungo sa mas malusog at mas maayos na kinabukasan.
28/05/2026
Noong May 13, 2026, matagumpay na isinagawa ang Coaching and Mentoring Session para sa Batch 1 sa National Center for Mental Health (NCMH). Layunin ng aktibidad na palakasin ang kakayahan at kaalaman ng mga kalahok upang mas mapabuti ang pagbibigay ng dekalidad na serbisyo sa mental health.
Naging bahagi rin ng session ang dalawang Pasig doctors bilang participants, kasama ang iba pang delegates na aktibong nakilahok sa buong programa.
Ang aktibidad na ito ay isinagawa sa ilalim ng suporta at pagpopondo ng Department of Health (DOH).
Maraming salamat sa NCMH, DOH, sa mga mentors, at sa lahat ng participants para sa kanilang commitment at dedikasyon sa pagpapalakas ng mental health services.
27/05/2026
Noong May 6, 2026, nagsagawa ang Mental Health Program ng monitoring and evaluation visits sa mga health centers ng Ugong, Maybunga, at Pineda upang masuri ang implementation ng mental health services, mapalakas ang coordination, at masigurong maayos at dekalidad ang serbisyo para sa ating community.
Sa pamamagitan ng activity na ito, patuloy nating sinusuportahan ang ating health centers sa pagbibigay ng accessible, responsive, at compassionate na mental health services para sa bawat Pasigueño.
Tuloy tuloy ang ating commitment para sa mas pinalakas na community mental health care, one health center at a time.
26/05/2026
Nong April 24, 2026, nagsagawa ang staff ng Dela Paz Main Health Center ng “Usapang Buntis” sa kanilang facility para magbigay ng kaalaman at awareness tungkol sa maternal at prenatal health para sa mga buntis sa komunidad. 🤰💙
Maraming salamat sa mga healthcare workers at participants na patuloy na sumusuporta sa kalusugan at kapakanan ng bawat ina at sanggol.