Ara Mina Pasig

Ara Mina Pasig

Share

⚫️ 2 ALMARINEZ, ARA MINA
For Councilor of the 2nd District of Pasig City. ❤️🫰🏻
#AraMinasaPasig #AraMinamahalPasig

Photos from Ara Mina Pasig's post 13/05/2025

Maraming salamat, Pasig! Hindi man ako pinalad maging Konsehal, tagumpay pa rin sa puso ko ang bawat yakap, suporta, at tiwalang ipinagkaloob ninyo sa akin. Sa bawat kaway, ngiti, at dasal na aking natanggap—ramdam ko ang tunay na pagmamahal ng
Pasigueño.❤️❤️❤️

Ang laban ay hindi natatapos sa halalan. Ito ay simula pa lamang ng mas masigasig kong paglilingkod sa inyo, sa anumang paraan na kaya ko. Patuloy kong dadalhin ang boses ng mga ina, kabataan, senior citizens, at mga PWD—dahil sila ang inspirasyon ng aking adhikain.

Taos-puso rin ang aking pasasalamat sa aking pamliya, sa , sa lahat ng nanindigan at sumuporta. Salamat sa Diyos sa lakas na binigay niya.

Sa aking puso, ako'y nanatiling lingkod-bayan. Mahal na mahal ko kayo, mga Pasigueño at ating lungsod ng Pasig.❤️❤️❤️





Photos from Ara Mina Pasig's post 10/05/2025

Mga minamahal kong Pasigueño, ako at ang aking team ay taos-pusong nagpapasalamat sa mainit ninyong pagtanggap sa loob ng 45 araw ng kampanya.❤️ Naipahayag na namin ang aming mga plataporma at plano para sa ating mahal na lungsod. Kung ako po ay inyong pagkakatiwalaang mahalal, sisiguraduhin kong maisasakatuparan ang mga proyektong makakabuti sa ating lahat.❤️ Mahal ko po kayo, mga kababayan kong Pasigueño at ang district 2. Bigyan n’yo po ako ng pagkakataong paglingkuran kayo.🫶🏼❤️





09/05/2025

Maraming salamat sa lahat ng nakaalala at bumati sa aking kaarawan! Tunay na napakaespesyal ng araw na ito dahil sa inyo. Love ko kayo!..❤️ ❤️ ❤️





09/05/2025

Maraming Salamat po! 🙏🏼 💚🤍❤️






Photos from Ara Mina Pasig's post 09/05/2025

Sa Ika-32 araw ng aming kampanya, Tuloy-tuloy pa rin ang ating pagbisita at pakikipagkamustahan sa mga taga-District 2 sa Jenny’s sa Brgy. Rosario, maraming salamat sa napakainit ninyong pagtanggap ❤️Sa bawat ngiti at kwento ninyo, lalong tumitibay ang aking hangarin na maglingkod nang tapat, may puso, at may malasakit para sa bawat Pasigueño..❤️ ❤️ ❤️





09/05/2025

Happy Birthday, Ara Mina! 🎉 Wishing you love, happiness, and continued success. 💖

Photos from Ara Mina Pasig's post 07/05/2025

Mga mahal kong Pasigueño sa District 2 at buong Pasig, ako po si Ara Mina Almarinez – isang tunay at pusong Pasigueña, buong-pusong humaharap sa inyo ngayon upang ialay ang aking sarili sa paglilingkod bayan.

Hindi po ako dayo. Dito po ako lumaki sa puso ng Pasig, sa mga kalsadang puno ng alaala ng kabataan, sa mga paaralang nagturo sa akin ng sipag, tiyaga, at dangal. Nag-aral po ako ng elementarya sa Alice In Wonderland School sa may Greenpark Village, Brgy. Manggahan Pasig – paaralang nagsilbing pundasyon ng aking pangarap, determinasyon, at malasakit sa kapwa.

Bata pa lang ako, parte na ako ng ating mayamang kultura. Lumahok ako sa mga Santa Cruzan – isang tradisyong nagpapakita ng ating pananampalataya at pagkakaisa bilang isang komunidad. Higit pa riyan, dugo ng isang tunay na Pasigueña ang dumadaloy sa akin – ang aking ina, si Venus Imperial, ay hindi lamang tubong Pasig kundi kinoronahang Mutya ng Pasig noong 1967.

Ang Pasig ay hindi lamang lugar para sa akin – ito ay tahanan, ito ay puso, ito ay buhay. Kaya naman ngayon, dala ang karanasang napagdaanan ko ng dekadang pagmamalasakit – bilang isang ina, isang artista, isang singer,isang host, isang negosyante, at isang public servant – ako po’y buong tapang at tumatakbo bilang Konsehala ng District 2 sa Pasig City.

Ang aking hangarin ay ang maglingkod, hindi lang para sa iilan kundi para sa bawat mamamayan ng Pasig – bata man, matanda, kababaihan, PWD, solo parent, at bawat pamilyang nangangarap ng ginhawa.

Narito po ang mga kongkretong plataporma na nais kong itaguyod:

1. Livelihood at Pangkabuhayan para sa Kababaihan – Livelihood programs at skills training para sa mga nanay, tatay, at kabataang nais umangat sa buhay.

2. Scholarship Grant para sa lahat ng mga anak ng SOLO Parent

3. Special Education and Assistance Program para sa batang may Special Needs

4. Pagbibigay ng mas maraming services at program para sa mga PWD

5. Kayang Pabahay Program

Ako po si Ara Mina-Alamrinez – kasama ninyo noon bilang kapwa Pasigueña, kasama ninyo ngayon bilang kandidato, at makakasama ninyo bukas bilang tapat na lingkod bayan. Hindi kailanman naging hadlang ang pagiging artista ko sa tunay kong layunin – ang magbigay ng tulong, pag-asa, at serbisyong may puso. Pinapangako ko na Ang lahat ng plataporma ay maisasakatuparan kung ako ay bibigyan ninyo ng pagkakataon na maihalal. ❤️ ❤️ ❤️

Kaya ko 'to, Kaya natin 'to. . Basta tulong-tulong tayong lahat.❤️ ❤️ ❤️





05/05/2025

Sa huling linggo ng kampanya, taos-puso akong nagpapasalamat sa mainit n’yong pagtanggap at tiwala. Ang bawat yakap, ngiti, at kwento n’yo ang nagsilbing inspirasyon ko. Sana’y mabigyan ako ng pagkakataong makatulong sa pagtupad ng inyong mga pangarap. Sama-sama nating itaguyod ang District 2! Kaya natin ito! 🫰🏻❤️ ❤️ ❤️

⚫️ 2 ALMARINEZ, ARA MINA
para Konsehal

Disclaimer: PWDs authorized the use of their images/footages in this video.






Photos from Ara Mina Pasig's post 04/05/2025

Mga mahal kong ka-distrito, hindi lang ito pangako, kundi plano para sa pangarap, ang aking plataporma ay para sa bawat Pasigueño ❤️ Sama-sama nating pagandahin at paunlarin ang Pasig! ️❤️ ❤️ ❤️





Photos from Ara Mina Pasig's post 02/05/2025

Sa Ika-31 araw ng aming kampanya!
Maraming salamat, Countryside, Sta. Lucia sa inyong mainit na suporta! ❤️❤️❤️ Lalong tumitibay ang aking panata na maglingkod ng tapat at buong puso! ❤️❤️❤️





Want your business to be the top-listed Government Service in Pasig?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Santolan
Pasig
1610