01/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐-๐๐๐๐ฐ๐๐ฅ๐ ๐๐๐๐ ๐๐
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng mga magulang, kabataan, volunteers, at mga sumuporta na naging bahagi ng ating Balik-eSKwela 2026 Distribution of School Supplies.
Sa pamamagitan ng programang ito, muli nating naipakita ang diwa ng pagkakaisa at malasakit para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral. Nawaโy makatulong ang mga naipamahaging school supplies upang maging handa at mas inspirado ang ating mga kabataan sa kanilang pagbabalik sa paaralan.
Maraming salamat sa inyong pagtitiwala at pakikiisa. Patuloy nating suportahan ang edukasyon at sama-samang bumuo ng mas maliwanag na kinabukasan para sa Kabataang San Miguel.
31/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฉ๐จ ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง ๐ง๐ ๐ฌ๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐ฌ๐ฎ๐ฉ๐ฉ๐ฅ๐ข๐๐ฌโผ๏ธโผ๏ธโผ๏ธ
30/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐โ๏ธ๐
Bilang bahagi ng ating Balik-eSKwela 2026 program, handog ng Sangguniang Kabataan ng San Miguel ang Libreng Gupit para sa mga kabataan ng Barangay San Miguel!
Magpa-fresh cut at maging handa para sa bagong pasukan habang kasabay ng pamamahagi ng school supplies.
๐
Mayo 31, 2026 (Linggo)
โฐ 8:00 AM โ 12:00 PM
๐ Sa harap ng San Miguel Barangay Hall
๐ Paalala:
โข First come, first served basis.
โข Dumating nang maaga upang makasigurado ng slot.
Kita-kits tayo at sama-sama nating salubungin ang bagong taon ng pag-aaral na may bagong gupit at bagong sigla!
28/05/2026
๐๐๐ฅ๐ข๐ค-๐๐๐๐ฐ๐๐ฅ๐ ๐๐๐๐ ๐๐
Handa na ba ang ating mga Kabataang San Migueleรฑo para sa panibagong school year? ๐
Bilang suporta sa edukasyon at pangarap ng bawat kabataan, magkakaroon tayo ng distribution of school supplies para sa mga registered beneficiaries ng Balik-eSKwela 2026. โ๏ธ๐
๐ May 31, 2026 (Sunday)
โฐ 8:00 AM โ 12:00 PM
๐ In front of San Miguel Barangay Hall
Maraming salamat sa patuloy na pakikiisa ng ating mga Kabataang San Migueleรฑo. Sama-sama nating suportahan ang edukasyon at kinabukasan ng bawat estudyante. ๐
Huwag kalimutang dalhin ang inyong school ID o anumang proof of registration. Kita-kits!
22/05/2026
Matagumpay na naisagawa ang Kampo ni Ige: San Migueleรฑo Youth Camp 2026!๐๏ธ
Dalawang araw na puno ng saya, pagkakaisa, pagkatuto, at hindi malilimutang alaala ang ating pinagsaluhan bilang isang kabataang San Migueleรฑo.๐๏ธ๐
Maraming salamat sa lahat ng mga kabataang nakiisa, sa mga organizers, volunteers, at sa bawat taong naging bahagi ng tagumpay ng programang ito. Tunay na ipinakita natin ang lakas, talento, at pagkakaisa ng kabataan ng San Miguel.
Nawaโy magsilbi itong inspirasyon upang lalo pa nating palakasin ang samahan at patuloy na maging aktibong kabataan para sa ating komunidad.
11/05/2026
๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ซ๐๐ฐ๐๐ง, ๐๐จ๐ง. ๐๐๐ซ๐ฒ ๐๐ข๐ฅ๐๐ฌ ๐๐๐ฌ๐ข๐๐๐ฌ! ๐
Buong pusong pagbati mula sa Sangguniang Kabataan ng San Miguel. Nawaโy patuloy kang pagpalain ng mabuting kalusugan, tagumpay, at kaligayahan sa buhay. Hangad namin ang iyong patuloy na lakas at dedikasyon sa paglilingkod para sa kabataan at sa ating komunidad.
Maraming salamat sa iyong inspirasyon at tapat na serbisyo. Nawaโy maging makabuluhan at masaya ang pagdiriwang ng iyong espesyal na araw.
โ Sangguniang Kabataan ng San Miguel
10/05/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Nagsagawa ang Sangguniang Kabataan ng San Miguel ng kanilang ika-4 na Regular Session noong Abril 30, 2026 sa SK Office, San Miguel Barangay Hall upang pagplanuhan at paghandaan ang mga nalalapit na programa at proyekto para sa kabataan ng ating barangay. ๐
Sa nasabing session, masusing tinalakay ng SK San Miguel ang mga preparasyon para sa ๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐๐๐ฆ๐ฉ ๐๐๐๐, ๐๐ ๐๐๐ง ๐๐ข๐ ๐ฎ๐๐ฅ ๐๐๐๐ ๐ฎ๐ ๐๐๐๐, at ๐๐๐ฅ๐ข๐ค-๐๐๐๐ฐ๐๐ฅ๐ upang masigurong magiging maayos, organisado, at makabuluhan ang bawat programang ihahandog para sa mga kabataan ng Barangay San Miguel.
Patuloy ang SK San Miguel sa pagbibigay ng mga proyekto at aktibidad na tunay na makatutulong at magbibigay oportunidad sa ating mga kabataan. Abangan ang mga susunod pang anunsyo at proyekto ng inyong SK San Miguel! โจ
02/05/2026
๐๐ ๐๐๐๐๐-๐๐๐๐ฐ๐๐ฅ๐ ๐๐๐๐ ๐๐
Handog ng Sangguniang Kabataan ng Barangay San Miguel ang libreng school supplies para sa mga mag-aaral ng Elementary, High School, at Senior High School, at water flask naman para sa mga Kolehiyo!
Layunin ng programang ito na masuportahan ang ating mga kabataan sa kanilang pagbabalik-eskwela at mabigyan sila ng sapat na kagamitan para sa panibagong taon ng pag-aaral.
Paunahan sa slot! Limitado lamang ang slots kaya ito ay first come, first serve basis. Kaya ano pang hinihintay? Mag-register na agad at huwag magpaiwan!
Sama-sama nating simulan ang school year na handa at may ngiti! ๐โ๏ธ๐
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
https://forms.gle/Vb2Bewp4VhbAdTub8
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
https://forms.gle/vtKXPDLfNFp3SQ5b6
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
https://forms.gle/Z7UXHnACK6qAuojdA
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
https://forms.gle/WRkaQmUr8hPP8BLg6
29/04/2026
๐ข ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ โ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐'๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ฅ
Narito na ang opisyal na lineup ng mga kalahok para sa Volleyball Men's Division! ๐
Sa mga batang atleta na kabilang, ihanda na ang inyong galing at teamwork para sa darating na laban. Asahan ang masaya at punong-punong aksyon na liga!
Patuloy nating suportahan ang mga susunod pang proyekto ng SK San Miguel para sa kabataan ng ating barangay.