Pasig HOPE Medical Center - Public Health Unit
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Pasig HOPE Medical Center - Public Health Unit, Public & Government Service, Alcalde Jose Street Kapasigan Pasig City, Pasig.
💙 Paalala ng DOH:
✔️ Magsepilyo ng dalawang beses sa isang araw gamit ang fluoride toothpaste
✔️ Iwasan ang sobrang matatamis na pagkain at inumin
✔️ Regular na magpa-dental check-up
✔️ Turuan ang mga bata ng tamang pangangalaga sa ngipin
Ang malusog na ngiti ay hindi lang para sa ganda — ito ay para sa mas maayos na pagkain, pagsasalita, at pangkalahatang kalusugan.
Ngayong Oral Health Month, sama-sama nating isulong ang para sa mas maliwanag at mas malusog na kinabukasan! 😁✨
09/02/2026
🪥 SIPILYO: Gabay sa Tamang Pagsisipilyo para sa Malusog na Ngipin at Ngiti ng Pamilyang Pasigueño! 😁
Ang tamang pagsisipilyo ay hindi lang tungkol sa malinis at maputing ngipin—ito ay mahalagang bahagi ng pang-araw-araw na pangangalaga sa kalusugan. Nakakatulong ito upang maiwasan ang tooth decay (pagkabulok ng ngipin), gingivitis (pamamaga ng gilagid), bad breath, at iba’t ibang impeksyon sa bibig na maaaring makaapekto sa pangkalahatang kalusugan ng katawan.
Simulan ang magandang gawi sa loob ng tahanan at hubugin ang disiplina sa kalinisan ng bibig sa murang edad. Turuan ang mga bata (at paalalahanan ang matatanda!) ng tamang paraan ng pagsisipilyo gamit ang SIPILYO method bilang gabay sa wasto, regular, at epektibong pag-aalaga ng ngipin.
✨ Ang malusog na ngipin ay susi sa mas malusog na katawan at mas kumpiyansang ngiti!
04/02/2026
🦇 Nipah Virus: How Does It Spread? 🧠⚠️
Understanding transmission is key to prevention. This infographic highlights what science currently knows about Nipah virus transmission—from direct contact with infected bats, to contaminated fruits and beverages, and intermediate animal hosts like pigs and other animals.
🔍 What’s important to remember:
• Fruit contaminated with bat saliva or urine can transmit the virus
• Close contact with infected animals or people increases risk
• Unprotected exposure may lead to superspreader events, especially in households and healthcare settings
💡 Awareness saves lives. Practice food safety, avoid consuming raw or fallen fruits, and follow infection prevention measures—especially in high-risk areas.
📢 Share this to help spread facts, not fear. Prevention starts with knowledge.
20/01/2026
LIBRENG GAMOT PARA SA MENTAL HEALTH | As of January 19, 2026
Mayroon pong available na FREE mental health medicines para sa mga pasyenteng naka-enroll sa ating programa.
PAANO MAKAKUHA:
Step 1: Pumunta sa pinakamalapit na Barangay Health Center.
Step 2: Magpa-register sa Mental Health Program
Lalapit sa staff upang magawan kayo ng sariling record/chart.
Step 3: Ipakita ang mga sumusunod na requirements:
✅ Valid or Updated Prescription
✅ Valid I.D.
✅ Medical Certificate with diagnosis (Kung mayroon)
PROSESO SA PAGKUHA NG GAMOT:
Kung available ang stock: Ibibigay po agad ang gamot pagkatapos ng assessment.
Kung WALANG stock: Kakausapin kayo ng staff upang i-request ang inyong gamot. Sasabihan po kayo kung kailan ito maaaring balikan (Pick-up).
⚠️ PAALALA:
Maaaring magbago ang stocks ng mga gamot anumang oras depende sa supply.
Oras: Lunes-Biyernes, 8 AM - 5 PM
Follow our page para sa latest updates, announcements, at advisories.
Alagaan ang kalusugan ng isip, hindi ka nag-iisa.
(Medicines provided by DOH)
17/12/2025
Ang Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD) ay isang nakakahawang sakit, lalo na sa mga bata.
🩺 Mga paalala:
✔️ Maghugas ng kamay palagi
✔️ Panatilihing malinis ang mga laruan at paligid
✔️ Iwasan ang pakikisalamuha kung may lagnat, singaw sa bibig, o pantal sa kamay at paa
✔️ Manatili muna sa bahay at kumonsulta sa health center kung may sintomas
💙 Ang kalinisan ay proteksyon.
Sama-sama nating iwasan ang pagkalat ng HFMD.
04/12/2025
Everyone is warmly invited to attend the Children’s Month Culminating Program happening tomorrow. Let us come together to celebrate a fun, colorful, and meaningful conclusion to our month-long celebration for the children.
The event will feature nutrition and child protection awareness activities, as well as games, face painting, magic shows, inflatables, balloon twisting, and many more exciting activities for the kids to enjoy! 🙂
The program will start at 8:00 AM, so please bring your children and join us in this special event. Prizes, surprises, and lots of fun await everyone!
05/11/2025
🕯️ MGA BATA AT MATATANDA, PROTEKTAHAN SA TRANGKASO KUNG MAY SALU-SALO NGAYONG LONG WEEKEND 😷
Ang mga kabataan at senior citizen ang karaniwang tinatamaan ng ILI sa mga gatherings; mas madalas din silang makaranas ng mga komplikasyon ng mga sakit na ito.
Para makaiwas sa sakit, narito ang ilang mga paalala:
💦 Painumin lagi ng tubig ang mga bata
😷 Hikayatin si lolo at lola na magsuot ng mask
🙅♂️ Iwasang isama ang mga bata sa masisikip at matataong lugar
🧼 Ugaliing maghugas o magsanitize ng kamay
🏠 Manatili sa bahay kung may sintomas ng trangkaso
Tandaan, ingatan si baby, lola, at lola, para Trangkaso Bye Bye!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Alcalde Jose Street Kapasigan Pasig City
Pasig
Opening Hours
| Monday | 8am - 5am |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |
