10/11/2026
𝗕𝗙𝗣 𝗖𝗟𝗜𝗖𝗞𝗦
💧 𝗘𝗟 𝗡𝗜Ñ𝗢 𝗣𝗥𝗘𝗣𝗔𝗥𝗘𝗗𝗡𝗘𝗦𝗦 𝗧𝗜𝗣 𝗢𝗙 𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗬! ☀️
🎒 𝗠𝗔𝗚𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗡𝗚 𝗘𝗟 𝗡𝗜Ñ𝗢 𝗣𝗥𝗘𝗣𝗔𝗥𝗘𝗗𝗡𝗘𝗦𝗦 𝗞𝗜𝗧!
Maghanda ng El Niño Preparedness Kit upang may sapat na pangunahing pangangailangan ang bawat miyembro ng pamilya sa panahon ng matinding init at posibleng kakulangan ng tubig. 💦
Isama sa kit ang sapat na inuming tubig, pagkaing hindi madaling masira, oral rehydration solution, first aid kit, mga kinakailangang gamot, payong o sombrero, bimpo, flashlight, power bank, at mahahalagang dokumento. Panatilihin itong madaling mahanap at regular na suriin ang laman nito.
Sa panahon ng El Niño, ang pagiging handa ay proteksyon sa sarili at pamilya. Maghanda nang maaga, magtipid sa tubig, at manatiling ligtas sa matinding init! ☀️💧
𝗦𝗨𝗡𝗢𝗚, 𝗦𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔, 𝗢 𝗔𝗡𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗘𝗗𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗘𝗠𝗘𝗥𝗚𝗘𝗡𝗖𝗬? 𝟵𝟭𝟭 𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗪𝗔𝗚𝗔𝗡. Isang hotline para sa mabilis at agarang pagresponde. I-save. Ibahagi. 911 Isang tawag, saklolo agad.
𝗣𝗔𝗧𝗘𝗥𝗢𝗦 𝗠𝗨𝗡𝗜𝗖𝗜𝗣𝗔𝗟 𝗙𝗜𝗥𝗘 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗛𝗢𝗧𝗟𝗜𝗡𝗘:
☎️ Telephone No.: 8641-1365
📱 Cellphone No.: 0917-172-8577
“𝐒𝐚 𝐏𝐚𝐠-𝐢𝐰𝐚𝐬 𝐬𝐚 𝐒𝐮𝐧𝐨𝐠, 𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐤𝐚 𝐍𝐚𝐠-𝐢𝐢𝐬𝐚.”