Fits Patnanungan

Call Directions Contact the organization

Fits Patnanungan Farmers Information Technology Services

📢 ANUNSYO: RSBSA FARMERS DATA UPDATING 📢 (Para sa mga kasama sa Masterlist / For Update)Ipinababatid sa lahat ng mga mag...
07/09/2026

📢 ANUNSYO: RSBSA FARMERS DATA UPDATING 📢 (Para sa mga kasama sa Masterlist / For Update)

Ipinababatid sa lahat ng mga magsasaka, mangingisda, at nag-aalaga ng hayop sa ating bayan na magkakaroon ng RSBSA Profile Updating ngayong buwan ng Setyembre 2026. Ang pag-update ay kinakailangan upang mapanatiling aktibo ang inyong rehistro at patuloy na makatanggap ng tulong mula sa Kagawaran ng Pagsasaka (DA).

📌 TUNGKOL SA MASTERLIST: Para po sa masterlist ng mga kailangang mag-update, ito po ay available lamang sa aming tanggapan (Municipal Agriculture Office). Ang mga datos po ng ating mga magsasaka at mangingisda ay protektado ng Data Privacy Act.

📅 SCHEDULE AT LOKASYON

1️⃣ BRGY. PATNANUNGAN SUR

Petsa: Miyerkules, Setyembre 9, 2026

Oras: 8:00 AM Onwards

Lugar / Venue: Patnanungan Sports Complex

2️⃣ TAPVISA (Tapol, Visayan Village, Sang-il)

Petsa: Martes, Setyembre 15, 2026

Oras: 8:00 AM Onwards

Lugar / Venue: Sitio Tapol, Brgy. Patnanungan Sur, Patnanungan, Quezon

📋 MGA KAHILINGAN / REQUIREMENTS PER SEKTOR

🌾 Rice Farmers (Magsasaka):

1 Valid ID (Original & Photocopy)

1 Piraso na 2x2 Picture

Katunayan ng Pagmamay-ari ng Lupang Sinasaka (Titulo ng Lupa o Tax Declaration)

🐟 Fisherfolks (Mangingisda):

1 Valid ID (Original & Photocopy)

1 Piraso na 2x2 Picture

Barangay Certification (As Fisherfolk)

🐖 Livestock Growers (Nag-aalaga ng Hayop):

1 Valid ID (Original & Photocopy)

1 Piraso na 2x2 Picture

Barangay Certification (As Livestock Grower)

💡 PAALALA SA PAG-UPDATE AT PARA SA MGA DADALO:

Kumpletong Dokumento: Dalhin ang orihinal at photocopy ng inyong mga dokumento / valid ID / lumang RSBSA stub (kung mayroon).

Lalagdaan: Siguraduhing tugma ang inyong lagda sa inyong Valid ID.

Pagdalo: Maging maaga para sa maayos na pagpoproseso at makipagtulungan sa ating mga opisyal.

Maraming salamat sa inyong kooperasyon!

📢🚤 PAABISO SA LAHAT NG MGA MANGINGISDA AT MAY-ARI NG BANGKA! 🚤📢Magkakaroon po ng PAGREREHISTRO NG MGA BANGKA AT MGA MANG...
03/07/2026

📢🚤 PAABISO SA LAHAT NG MGA MANGINGISDA AT MAY-ARI NG BANGKA! 🚤📢

Magkakaroon po ng PAGREREHISTRO NG MGA BANGKA AT MGA MANGINGISDA bilang bahagi ng pagpapatupad ng maayos, legal, at ligtas na pangingisda sa ating bayan.

📅 Petsa: Hulyo 7, 2026
⏰ Oras: 8:00 ng Umaga
📍 Lugar: Covered Court, Brgy. Busdak, Patnanungan, Quezon

✅ Mga Sakop na Lugar:
• Brgy. Busdak
• Sitio Katakian
• Sitio Katmon
• Brgy. Kilogan
• Sitio Sila

📌 Inaanyayahan ang lahat ng mga mangingisda at may-ari ng bangka mula sa mga nabanggit na lugar na makiisa at magparehistro. Mahalaga ang pagpaparehistro upang magkaroon ng maayos na talaan, mapadali ang pag-avail ng mga programa at serbisyo ng pamahalaan, at makatulong sa pagpapaunlad ng sektor ng pangisdaan sa ating komunidad.

⚠️ Huwag kalimutang dalhin ang mga kinakailangang dokumento para sa pagpaparehistro.

🌊 Sama-sama nating itaguyod ang responsable, ligtas, at masaganang pangingisda!

🔹 Huwag palampasin ang pagkakataong ito. Magparehistro at maging bahagi ng isang organisado at mas maunlad na sektor ng pangisdaan sa Patnanungan!










🚤🌊🐟

📢 𝗔𝗡𝗨𝗡𝗦𝗬𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗬𝗔𝗡 📢Ang Tanggapan ng Panlalawigang Beterinaryo ng Quezon, sa pakikipagtulungan ng Pamahalaa...
18/05/2026

📢 𝗔𝗡𝗨𝗡𝗦𝗬𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗬𝗔𝗡 📢

Ang Tanggapan ng Panlalawigang Beterinaryo ng Quezon, sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Bayan ng Patnanungan, ay magsasagawa ng 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿’𝘀 𝗖𝗮𝗿𝗮𝘃𝗮𝗻: 𝗩𝗲𝘁𝗲𝗿𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗠𝗲𝗱𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗠𝗶𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 sa darating na 𝗠𝗮𝘆𝗼 𝟮𝟮 sa tapat ng Pambayang Agrikultor, Brgy. Poblacion, Patnanungan, Quezon.

Layunin ng programang ito na mapalawak ang serbisyong beterinaryo at mapanatili ang kalusugan at kapakanan ng mga alagang hayop at alagang pangkabuhayan sa ating komunidad.

𝗠𝗴𝗮 𝘀𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗶𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗹𝗼𝗼𝗯:
✅ Libreng konsultasyon
✅ Libreng anti-rabies vaccination
✅ Libreng deworming
✅ Paglalaan ng veterinary medicines

📌 𝗠𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗣𝗲𝘁 𝗢𝘄𝗻𝗲𝗿𝘀:
• Siguraduhing may tali o leash ang mga aso at may cage o carrier naman ang mga pusa upang maiwasan ang aksidente.
• Magdala ng vaccination card ng alagang hayop kung mayroon.
• Iwasang pakainin nang marami ang alagang hayop bago bakunahan.
• Tiyaking maayos at kontrolado ang inyong alagang hayop habang nasa lugar ng aktibidad.
• Ang mga agresibong alagang hayop ay kinakailangang may busal o muzzle para sa kaligtasan ng lahat.
• Mangyaring sumunod sa health and safety protocols at panatilihin ang kalinisan sa lugar.

Inaanyayahan ang lahat ng mga pet owners at livestock raisers na makiisa at samantalahin ang libreng serbisyong ito para sa kapakanan ng ating mga alagang hayop at ng buong komunidad.

“Maunlad at Responsableng Paghahayupan para sa Kalusugan at Yaman ng Mamamayan, Sama-Sama Nating Pagsumikapan.”

Maligayang Kaarawan sa aming masipag at dedikadong Congressman ng Unang Distrito ng Quezon! 🎉Maraming salamat sa walang ...
25/03/2026

Maligayang Kaarawan sa aming masipag at dedikadong Congressman ng Unang Distrito ng Quezon! 🎉

Maraming salamat sa walang sawang paglilingkod, malasakit sa mamamayan, at patuloy na pagsisikap na mapaunlad ang ating distrito. Nawa’y pagpalain pa kayo ng kalusugan, lakas, at mas mahabang panahon upang makapaglingkod sa bayan.

Mabuhay po kayo at ang inyong pamumuno! 🎂💙

Matagumpay na naisagawa ng Bayan ng Patnanungan ang pakikiisa sa National Simultaneous Anti-Rabies Vaccination Drive for...
12/03/2026

Matagumpay na naisagawa ng Bayan ng Patnanungan ang pakikiisa sa National Simultaneous Anti-Rabies Vaccination Drive for Animals, sa pangunguna ng Municipal Agriculture Office. Ang gawaing ito ay bahagi ng patuloy na kampanya ng pamahalaan upang maprotektahan ang kalusugan ng mga alagang hayop at ng buong komunidad laban sa rabies.

Lubos na nagpapasalamat ang tanggapan sa lahat ng mga pet owners at mamamayan na nakiisa at nagdala ng kanilang mga alagang aso at pusa upang mabakunahan. Ang inyong pakikipagtulungan ay mahalagang hakbang tungo sa pagkakaroon ng rabies-free na komunidad. 🐶🐱

📊 Kabuuang Resulta ng Pagbabakuna:
• 60 na aso ang nabakunahan
• 11 na pusa ang nabakunahan
• Kabuuang 71 na alagang hayop ang nabigyan ng anti-rabies vaccine

Ang mga pet owners na nagdala at nagpabakuna ng kanilang mga alagang hayop ay binubuo ng 14 na lalaki at 27 na babae na aktibong nakiisa sa programa.

📌 Mga Batas at Paalala Tungkol sa Rabies:

• Ayon sa Republic Act No. 9482, tungkulin ng bawat may-ari ng aso na pabakunahan laban sa rabies ang kanilang alagang hayop at panatilihin itong maayos na nakatali o nasa kulungan upang maiwasan ang insidente ng pagkakagat.

• Sa ilalim ng Republic Act No. 8485, na inamyendahan ng Republic Act No. 10631, kinakailangang pangalagaan at bigyan ng wastong pagtrato ang mga hayop upang mapanatili ang kanilang kalusugan at kapakanan.

Ang rabies ay isang nakamamatay ngunit maiiwasang sakit, kaya mahalagang pabakunahan ang mga alagang hayop at maging responsableng pet owner.

📣 Para sa iba pang schedule ng libreng anti-rabies vaccination sa ibang barangay, manatiling nakatutok at i-follow ang aming page para sa mga susunod pang anunsyo at iskedyul.

✔️ Protektado ang Alaga
✔️ Ligtas ang Pamilya
✔️ Rabies-Free na Pamayanan

Maraming salamat sa patuloy na pakikiisa ng bawat mamamayan ng Patnanungan! 🙏🐾

09/03/2026

📌ANUNSIYO

Ipinapaalam po sa lahat na ang naka-iskedyul na Free Anti-Rabies Vaccination sa Brgy. Poblacion ay ipinagpaliban muna.

Ito ay dahil hindi makakarating ang mga bakuna dulot ng suspension ng byahe ng mga bangka mula Real papuntang Patnanungan at pabalik (vice versa).

Kami po ay muling magbibigay ng panibagong anunsiyo kung kailan ito muling isasagawa.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.

— Municipal Agriculture Office

09/03/2026

ANUNSIYO

Ipinapaalam po sa lahat na ang naka-iskedyul na Free Anti-Rabies Vaccination sa Brgy. Poblacion ay ipinagpaliban muna.

Ito ay dahil hindi makakarating ang mga bakuna dulot ng suspension ng byahe ng mga bangka mula Real papuntang Patnanungan at pabalik (vice versa).

Kami po ay muling magbibigay ng panibagong anunsiyo kung kailan ito muling isasagawa.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.

— Municipal Agriculture Office

02/03/2026

OPISYAL NA ANUNSYO

LIBRENG ANTI-RABIES
VACCINATION

Ipinababatid po sa lahat ng mamamayan, lalo na sa mga may-ari ng aso at pusa sa Brgy. Poblacion, Patnanungan, na magkakaroon ng LIBRENG Pagtuturok ng Anti-Rabies Vaccine bilang pakikiisa ng Pamahalaang Bayan sa Nationwide Anti-Rabies Vaccination Program.
Ang gawaing ito ay isinasagawa alinsunod sa Republic Act No. 9482 (Anti-Rabies Act of 2007) na nagtatakda ng tungkulin ng mga lokal na pamahalaan na magsagawa ng regular at malawakang pagbabakuna laban sa rabies, bilang pangunahing hakbang sa pag-iwas at tuluyang pagwawakas ng rabies sa bansa. Isinasagawa rin ang aktibidad na ito alinsunod sa mga umiiral na ordinansa at patakaran ng Pamahalaang Bayan ng Patnanungan kaugnay ng responsableng pag-aalaga ng hayop at pangangalaga sa kalusugan ng publiko.

Detalye ng Aktibidad:

�Petsa: Marso 11, 2026
�Lugar: Harapan ng Municipal Agriculture Office
⏰ Oras: 8:30AM - 4:00PM

Mahahalagang Paalala sa mga Makikilahok:

1. Dalhin ang inyong aso o pusa na nakatalì (leash) o nasa kulungan upang maiwasan ang abala at masiguro ang kaligtasan ng lahat.

2. Tanging mga malulusog na alagang hayop, tatlong (3) buwan pataas ang edad, ang babakunahan.

3. Ang pakikilahok sa aktibidad na ito ay isang panlipunang pananagutan ng bawat pet owner bilang pagtalima sa batas at sa layuning maprotektahan ang komunidad laban sa rabies.
Ang Pamahalaang Bayan ay mahigpit na humihikayat sa lahat ng pet owners na makiisa sa programang ito bilang bahagi ng responsableng pag-aalaga ng hayop at pangangalaga sa kalusugan at kaligtasan ng publiko.

Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa Municipal Agriculture Office.

Contact No. 0981-458-0645 / 0949-996-7418 / 0939-912-9567

Email: [email protected]

page: Fits Patnanungan / Da-omagri Patnanungan

04/02/2026

🚨 PAALALA: PAG-IWAS SA AFRICAN SWINE FEVER (ASF)

Ang ASF ay isang nakamamatay na sakit ng baboy. Wala itong lunas at bakuna. Tanging mahigpit na biosecurity at pagsunod sa alituntunin ng DA ang paraan para maiwasan ang pagkalat.

❌ MGA MAHIGPIT NA BAWAL GAWIN

Ayon sa mga alituntunin ng Department of Agriculture:

❌ Bawal magpasok o maglabas ng baboy (buhay man o katay) nang walang permit mula sa DA/BAI.

❌ Bawal magkatay ng baboy na may sakit o hinihinalang may ASF lalong higit sa possible affected area.

❌ Bawal magtapon ng patay na baboy sa ilog, kanal, bukid, o kahit saan.

❌ Bawal magpakain ng tira-tirang pagkain (swill feeding) lalo na kung may halong karne ng baboy.

❌ Bawal maglipat ng karne ng baboy at produkto nito mula sa ASF-(possible) affected areas.

❌ Bawal pumasok sa babuyan ang mga hindi awtorisadong tao.

❌ Bawal pumasok ang sasakyan sa babuyan nang walang tamang disinfection.

❌ Bawal itago o ibenta ang baboy na may sintomas ng ASF.

❌ Bawal balewalain ang biglaang pagkamatay ng baboy—obligadong ireport.

✅ MGA DAPAT GAWIN

✔️ Panatilihing malinis at disinfected ang babuyan, kagamitan, at sasakyan
✔️ Gumamit ng footbath at disinfectant sa mga pasukan
✔️ I-report agad sa Barangay, LGU, o DA kapag may kahina-hinalang kaso
✔️ Sumunod sa quarantine, zoning, at movement control ng DA
✔️ Makipagtulungan sa mga awtoridad sa culling at disposal kung kinakailangan
✔️ Kapag ang inyong alagang baboy ay nagpakita ng mga hindi pangkaraniwang sinyales, kagaya ng pananamlay, walang ganang kumain at lagnat ay iwasan po natin na magpunta sa ibang babuyan at agad itong isangguni sa Municipal Agriculture Office sa pamamagitan ng Facebook messenger (Fits Patnanungan). Maaari ding tumawag o mag text sa mga numerong 0981-458-0645 / 0949-996-7418 / 0960-500-7869.

📢 TANDAAN:

Ang hindi pagsunod sa mga alituntunin ng DA At MAO ay maaaring magdulot ng:

Pagkalat ng ASF

Pagkawala ng kabuhayan

Parusa ayon sa batas

👉 Ang disiplina ng bawat isa ang susi sa pagprotekta ng ating industriya ng baboy.

15/01/2026

Happy Birthday to an amazing Doctor, Camille ! Stay healthy and blessed always. ✨

Address

Patnanungan Sur

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639399129567

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Fits Patnanungan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Fits Patnanungan:

Shortcuts

Share