11/08/2026
FREQUENTLY ASKED QUESTION/S PARA SA EDUCATIONAL ASSISTANCE?
1. Kapag nakapag-aplay at nakarecieve ng parehong assistance noong nakaraang batch, puwede pa po ba mag-aplay?
SAGOT: Opo.
2. Paano po pag hindi pa nag bibigay ng grades ang school, pwede po bang hindi latest na Certification of Grades ang ipasa?
SAGOT: Depende po. HINDI PUWEDE IPASA, kung nagamit na ang naturang grades nong nakaraang batch sa iyong pag-aaplay and vice versa.
3. Ako po ay nasa tawid, ganuon din ang parehong mga magulang? Sino po ang maaaring mag-aplay para sa akin?
SAGOT: Puwede po ang pinakamalapit na kapamilya na hindi na menor-de-edad katulad ng kapatid, lolo o lola, tiyohin o tiyahin. Pero kung narito lamang sa Patnanungan ang magulang, siya dapat ang mag-aaplay.
4. Dalawa po ang pinag-aaral ko, puwede po ba na dalawa (2) ang iaplay?
SAGOT: Hindi po. Isang slot (1) lang po per household.
5. Bakit hindi puwede ang may-asawa na mag-aplay?
SAGOT: Bagaman at gusto po natin na tanggapin lahat ng aplikante, atin pong binibigyan ng prayoridad ang mga Kabataang wala pang asawa dahil sa limitado ang ating pondo.
6. May "INC" po ako sa grades, puwede po ba ako mag-aplay.
SAGOT: Depende po. Puwede, kung INCOMPLETE ang inyong grades dahil hindi pa nako-compute ng school o kasalukuyang kinukumpleto nyo pa ang requirement/s para sa subject kung saan INC kayo. HINDI PUWEDE, kung sobra sa 3 ang INC. sa grades.
Note: Ang ibang sagot po sa iba pang mga katanungan ay maaaring nakalagay na sa main post. Pakibasa na lamang po uli. Salamat po.
Anunsyo!!
EDUCATIONAL ASSISTANCE FOR INDIGENT COLLEGE STUDENTS (BATCH 2)
PATNANUNGAN, QUEZON
MAGANDANG ARAW PO. Muli pong magbubukas ang ating Lokal na Pamahalaan ng Patnanungan ng programang Tulong Pinansyal para sa Edukasyon ng maralitang Kabataan ng Patnanungan na nag-aaral sa Kolehiyo.
Mangyari po na basahin nang mabuti ang anunsyong ito para sa inyong gabay.
Kwalipikasyon:
• Kabataang estudyante na residente sa bayan ng Patnanungan (kasalukuyang naka-enrol sa kolehiyo)
• May General Weighted Average (GWA) na hindi bababa sa 80% at walang bagsak na grado
• Hindi benepisyaryo bilang scholar ng ibang ahensya o walang tinatanggap na tulong pinansyal na nagkakahalaga ng 10,000 o higit pa kada semester
• Walang asawa o kinakasama
• Kabilang sa mahihirap na pamilya o indigent family
Mga Dokumentong Kailangan:
1. Updated Enrollment Form (Certified True Copy)
2. School/Valid ID ng Estudyante (Photocopy with 3-specimen signatures)
3. Certificate of Indigency (Pakilagyan po halaga ng kinikita kada buwan at purpose)
4. Copy of Grades/Certificate of Grades/Report Card (Certified True Copy o original)
5. ID ng magulang with 3 specimen signature (Photocopy with 3-specimen signatures)
SCHEDULE NG PAG-AAPLAY:
AUGUST 17-20, 2026-BRGY. AMAGA, BUSDAK, KILOGAN, LUOD
AUGUST 24-25, 2026-BRGY. PATNANUNGAN NORTE AT SUR (kasama ang Sitios)
First Come, First Serve
117 SLOTS AVAILABLE
Para sa mga aplikante, magsadya po lamang sa ating opisina dala ang kumpletong requirements para sa interview at screening. Hindi po kami tatanggap ng kulang at maling dokumento.