PRIO Patnanungan - Public Relations and Information Office

Directions

PRIO Patnanungan - Public Relations and Information Office We provide timely, accurate, and accessible information about the programs, projects, and services of the Local Government of Patnanungan.

Our mission is to keep the community well-informed, engaged, and connected towards progress and development.

Dahil sa Tropical Depression   at sa pinalabas na Tropical Cyclone Bulletin No. 06 ng PAGASA ngayong Agosto 3, 2026 (2 A...
02/08/2026

Dahil sa Tropical Depression at sa pinalabas na Tropical Cyclone Bulletin No. 06 ng PAGASA ngayong Agosto 3, 2026 (2 AM) Nananatili pa rin ang Polillo Island sa TWCS. No .1 dahil dito:

​❌ KANSELADO ANG PASOK sa lahat ng antas ng paaralan (pampubliko at pampribado) sa buong Bayan ng Patnanungan.
❌ SUSPENDIDO ANG BYAHE NG LAHAT NG BANGKA upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga mangingisda at biyahero.

​MGA PAALALA AT PAG-IINGAT:

​Manatili sa Loob ng Tahanan: Kung hindi naman kinakailangan, iwasan muna ang paglabas ng bahay.

​Maging Alisto: Magtabi o mag-imbak ng sapat na pagkain, inuming tubig, ilaw, at emergency kit.

​I-TALI O ILIGPIT ANG MGA GAMIT: Itali nang maayos ang mga bangka at ilipat sa ligtas na lugar ang mga gamit sa tabing-dagat.

​Mag-abang sa Opisyal na Balita: Makinig at mag-subaybay lamang sa mga anunsyo ng ating LGU at MDRRMO.

​Para sa mga emergency, agad na makipag-ugnayan sa ating MDRRMO o sa inyong Barangay.

​Manatili po tayong ligtas at alerto, mga kababayan! 🙏❤️


𝗕𝘂𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗜𝗺𝗽𝗼𝗿𝗺𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻. 𝗧𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮. 𝗧𝗼𝘁𝗼𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗴𝘂𝘁𝗮𝗻.Bilang bahagi ng ating patuloy na pagsusulong ng transpar...
16/07/2026

𝗕𝘂𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗜𝗺𝗽𝗼𝗿𝗺𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻. 𝗧𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮. 𝗧𝗼𝘁𝗼𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗴𝘂𝘁𝗮𝗻.

Bilang bahagi ng ating patuloy na pagsusulong ng transparency at mabuting pamamahala, ibinabahagi po namin ang 𝙎𝙩𝙖𝙩𝙪𝙨 𝙤𝙛 𝙄𝙢𝙥𝙡𝙚𝙢𝙚𝙣𝙩𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙧𝙤𝙮𝙚𝙠𝙩𝙤𝙣𝙜 𝙥𝙞𝙣𝙤𝙣𝙙𝙤𝙝𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙞𝙡𝙖𝙡𝙞𝙢 𝙣𝙜 𝙇𝙤𝙘𝙖𝙡 𝙂𝙤𝙫𝙚𝙧𝙣𝙢𝙚𝙣𝙩 𝙎𝙪𝙥𝙥𝙤𝙧𝙩 𝙁𝙪𝙣𝙙 – 𝙂𝙧𝙤𝙬𝙩𝙝 𝙀𝙦𝙪𝙞𝙩𝙮 𝙁𝙪𝙣𝙙 (𝙇𝙂𝙎𝙁-𝙂𝙀𝙁), 𝙗𝙖𝙩𝙖𝙮 𝙨𝙖 𝙪𝙡𝙖𝙩 𝙝𝙖𝙣𝙜𝙜𝙖𝙣𝙜 𝙃𝙪𝙣𝙮𝙤 30, 2026.

Naniniwala tayo na may karapatan ang bawat mamamayan na malaman ang kalagayan ng mga proyektong inilaan para sa kanilang kapakinabangan. Sa patuloy na pagbabahagi ng malinaw, tama, at napapanahong impormasyon, pinagtitibay natin ang ating pangako sa isang pamahalaang bukas, tapat, at may pananagutan sa bawat paglilingkod.



EMERGENCY HOTLINEPARA SA PAPARATING NA BAGYONG INDAY Mahalagang Paalala sa Lahat ng Mamamayan ng PatnanunganDahil sa ina...
08/07/2026

EMERGENCY HOTLINE

PARA SA PAPARATING NA BAGYONG INDAY

Mahalagang Paalala sa Lahat ng Mamamayan ng Patnanungan

Dahil sa inaasahang sama ng panahon, hinihikayat ang lahat na manatiling alerto, sumunod sa mga abiso ng lokal na pamahalaan, at makipag-ugnayan agad kung may emerhensiya.

MGA EMERGENCY HOTLINE :

☎ Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)
Hotline: 09176283972
🚑 Rural Health Unit (RHU) / Ambulansya
Hotline: 09384112341 / 09283422678
👮 Philippine National Police (PNP) – Patnanungan
Hotline: 09985985766
🚒 Bureau of Fire Protection (BFP) – Patnanungan
Hotline: 09484673207
🏛 Municipal Mayor's Office
Hotline: 09480599026 / 09087686637
⚓ Philippine Coast Guard / Bantay Dagat
Hotline: 09386436250

PAALALA
Maghanda ng Go Bag na may pagkain, inuming tubig, flashlight, gamot, at mahahalagang dokumento.

Iwasan ang paglalayag at pangingisda habang may masamang panahon.

Makinig lamang sa opisyal na anunsyo ng LGU Patnanungan at mga kinauukulang ahensya.

Kung kinakailangan ang agarang paglikas, makipagtulungan sa inyong Barangay at MDRRMO.

Ang kaligtasan ng bawat Patnanunganin ang ating pangunahing prayoridad.

Maging Handa. Maging Alerto. Magtulungan.

Mayroon pong napulot na susi ng motorskilo ang staff ng LGU na si Mr. Kenneth Kenn Aldon sa covered court po ng PNHS. Ku...
29/05/2026

Mayroon pong napulot na susi ng motorskilo ang staff ng LGU na si Mr. Kenneth Kenn Aldon sa covered court po ng PNHS. Kung sino man ang nagmamay-ari ng nasabing susi, mangyaring makipag ugnayan na lamang po sa kanya o di kaya'y magcomment lamang sa post na ito para matulongan namin kayo .
Salamat po!

23/02/2026

📣📣📣

PATNANUNGAN PUBLIC MARKET- 3rd PUBLIC HEARING

Batay sa napagpasyahan ng lahat ng mga dumalo sa nakaraang pagpupulong noong ika-lima ng Pebrero patungkol sa pagbubukas ng pambayang pamilihan, magsasagawa ng ikatlo at huling pagpupulong ngayong February 24, 2026 sa ganap na ika 9:00 ng umaga sa ating mismong Sports Complex o public plaza

Muli po, malugod naming inaanyayahan ang lahat ng mga nagtitinda ng pangunahing bilihin sapagkat dito ay tatalakayin ang mga mahahalagang usapin hinggil sa presyo, pakikipagkalakalan at kung paano/kailan na posibleng buksan ang ating pambayang pamilihan.

Ayun din sa napag-usapan sa nakaraang pagpupulong, nararapat na magbuo ng isang asosasyon para sa lahat ng nagtitinda ng mga pangunahing bilihin kabilang na rin po dito ang mga online seller sa ating bayan kung kaya't inaasahan po namin ang inyong pakikiisa bukas ng umaga. Kitakits Patnanunganins!


04/02/2026

PABATID PUBLIKO📣📣

Magandang araw, Patnanungan!

Malugod po namin kayong inaanyayahan sa isang pagpupulong na gaganapin bukas upang talakayin ang ilang mahahalagang usapin tungkol sa pagbubukas ng ating Pambayang Talipapa.

Narito ang mga detalye;

Saan: Purok 3, Brgy. Poblacion
Kailan: February 5, 2026
Oras: 2:00PM Huwebes
Sino: Lahat ng may-ari ng paninda ng pangunahing pangangailangan tulad ng sumusunod;
-isda/ seafoods
-karne
-bigas
-gulay at prutas
-atbp

Para sa mas maayos at makabuluhang talakayan, inaasahan po namin ang inyong pagdalo at pakikiisa. Kitakits, mga minamahal na Patnanunganin!


All Patnanunganin and children 11 years old below are exempted to pay for environmental and Tourism Development Fee, ple...
31/01/2026

All Patnanunganin and children 11 years old below are exempted to pay for environmental and Tourism Development Fee, please be guided.

We are thrilled to welcome you in our humble abode. 🏝️




𝗪𝗘𝗔𝗧𝗛𝗘𝗥 𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬 | 𝗧𝗥𝗢𝗣𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗗𝗘𝗣𝗥𝗘𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡 “𝗔𝗗𝗔”𝗞𝗮𝘀𝗮𝗹𝘂𝗸𝘂𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗮𝘁𝗮𝗮𝘀 𝘀𝗮 𝗦𝗶𝗴𝗻𝗮𝗹 𝗡𝘂𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟭 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝘁𝗻𝗮𝗻𝘂𝗻𝗴𝗮𝗻, 𝗤𝘂𝗲𝘇𝗼𝗻 𝗱𝗮...
17/01/2026

𝗪𝗘𝗔𝗧𝗛𝗘𝗥 𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬 | 𝗧𝗥𝗢𝗣𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗗𝗘𝗣𝗥𝗘𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡 “𝗔𝗗𝗔”
𝗞𝗮𝘀𝗮𝗹𝘂𝗸𝘂𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗮𝘁𝗮𝗮𝘀 𝘀𝗮 𝗦𝗶𝗴𝗻𝗮𝗹 𝗡𝘂𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟭 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝘁𝗻𝗮𝗻𝘂𝗻𝗴𝗮𝗻, 𝗤𝘂𝗲𝘇𝗼𝗻 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 𝘀𝗮 𝗧𝗿𝗼𝗽𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗗𝗲𝗽𝗿𝗲𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 “𝗔𝗗𝗔”. 𝗣𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗵𝗶𝗴𝗽𝗶𝘁 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗺𝗼𝗺𝗼𝗻𝗶𝘁𝗼𝗿 𝗻𝗴 𝗟𝗚𝗨 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗴𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀𝗶𝗴𝘂𝗿𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗹𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻.

𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔:
𝗠𝗮𝗵𝗶𝗴𝗽𝗶𝘁 𝗻𝗮 𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝗴𝗯𝗮𝗯𝗮𝘄𝗮𝗹 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗹𝗮𝗹𝗮𝗼𝘁 𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝘀𝗮𝘀𝗮𝗸𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗱𝗮𝗴𝗮𝘁 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘆 𝘂𝗺𝗶𝗶𝗿𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻.
𝗠𝗮𝗴-𝗶𝗻𝗴𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗽𝗼𝘀𝗶𝗯𝗹𝗲𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗯𝘂𝗴𝘀𝗼-𝗯𝘂𝗴𝘀𝗼𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻.
𝗠𝗮𝗻𝗮𝘁𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗮𝘁𝘂𝘁𝗼𝗸 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗼𝗽𝗶𝘀𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝘂𝗻𝘀𝘆𝗼 𝗮𝘁 𝗮𝗯𝗶𝘀𝗼 𝗻𝗴 𝗟𝗚𝗨 𝗮𝘁 𝗠𝗗𝗥𝗥𝗠𝗢.

𝗔𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗹𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴𝘂𝗻𝗮𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗹𝗮𝘆𝘂𝗻𝗶𝗻. 𝗠𝗮𝗴-𝗶𝗻𝗴𝗮𝘁 𝗽𝗼 𝘁𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁.



10/01/2026

Muli po, mula sa aming mga puso. Maraming maraming salamat po. Mabuhay po kayo! Mahalin natin ang Pilipinas!❤

05/12/2025

Address

Brgy. Poblacion
Patnanungan
4341

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PRIO Patnanungan - Public Relations and Information Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share