Rural Health Unit- Peñablanca

Directions

Rural Health Unit- Peñablanca Municipal Health Office of Peñablanca

📢 PAANO MAG-REGISTER SA PHILHEALTH YAKAP GAMIT ANG eGovPH APP? 📱💚💛Mas pinadali na ang pag-register sa PhilHealth YAKAP (...
30/10/2026

📢 PAANO MAG-REGISTER SA PHILHEALTH YAKAP GAMIT ANG eGovPH APP? 📱💚💛

Mas pinadali na ang pag-register sa PhilHealth YAKAP (Yaman sa Kalusugan Program) gamit ang eGovPH App!

Sundin lamang ang 6 madaling hakbang para mapili ang Peñablanca Rural Health Unit bilang inyong YAKAP provider.

📌 STEP 1 — I-DOWNLOAD AT BUKSAN ANG eGovPH APP

📱 I-download ang eGovPH App sa inyong mobile phone.

Pagkatapos ma-install:

1. Buksan ang eGovPH App.
2. Mag-log in o mag-register kung wala pang account.
3. Siguraduhing tama at updated ang inyong personal information.

⸻

📌 STEP 2 — PUMUNTA SA PHILHEALTH MEMBER PORTAL

Pagkabukas ng eGovPH App:

1. Mag-scroll pababa sa listahan ng available services.
2. Hanapin ang PhilHealth Member Portal.
3. I-tap ang PhilHealth Member Portal.
4. Dito maaaring ma-check ang inyong PhilHealth membership information at premium contribution.

📌 STEP 3 — I-TAP ANG “ADD YAKAP PROVIDER”

Sa PhilHealth Member Portal:

👉 Hanapin at i-tap ang “Add YAKAP Provider.”

———-

📌 STEP 4 — PARA SA DEPENDENTS

Kung ang ipaparehistro ay inyong dependent:

1. Pumunta sa “Continue to My Account.”
2. Piliin ang option para mag-add ng YAKAP provider.
3. Ilagay ang kinakailangang impormasyon ng dependent.
4. Piliin ang tamang Dependent Type.
5. Ilagay ang PhilHealth/Dependent Number kung hinihingi.

✅ Siguraduhing tama ang impormasyon bago magpatuloy.

⸻

📌 STEP 5 — HANAPIN ANG YAKAP PROVIDER

Sa Search YAKAP Provider:

1. Piliin ang Province.
2. Piliin ang City/Municipality.
3. I-tap ang Search.
4. Hanapin sa listahan ang inyong nais na YAKAP provider.

📍 Para sa mga nais pumili ng provider sa Peñablanca, hanapin ang Peñablanca sa City/Municipality field.

⸻

📌 STEP 6 — PILIIN ANG PEÑABLANCA RURAL HEALTH UNIT 🏥

Sa lumabas na listahan:

👉 Piliin ang PEÑABLANCA RURAL HEALTH UNIT.

Pagkatapos:

1. I-check kung tama ang napiling provider.
2. I-tap ang “Yes” upang magpatuloy.
3. Sundin ang mga susunod na instructions sa app upang makumpleto ang registration.

🎉 At ayun! Maaari ka nang magpatuloy sa iyong YAKAP registration sa napiling provider.

⸻

💚 NEED ASSISTANCE?

Kung nahihirapan kayong mag-register gamit ang eGovPH App, maaari kayong mag-message sa page ng Mho Peñablanca para sa assistance sa inyong YAKAP registration.

📩 MESSAGE US ON FACEBOOK: Mho Peñablanca

💚 Ipa-YAKAP ang sarili at pamilya — alagaan ang kalusugan, simulan sa tamang healthcare provider!






ANTAYIN ANG SCHEDULE NG SCHOOL-BASED IMMUNIZATION AT VACCINATION TEAM SA INYONG MGA ESKWELAHAN, PEÑABLANCAÑOS! TARA NA’t...
22/10/2026

ANTAYIN ANG SCHEDULE NG SCHOOL-BASED IMMUNIZATION AT VACCINATION TEAM SA INYONG MGA ESKWELAHAN, PEÑABLANCAÑOS!

TARA NA’t PROTEKTAHAN ANG ATING MGA CHIKITINGS!! 💉💪

22/10/2026

Bakit kailangan ng iyong anak na mabakunahan muli sa ilalim ng Bakuna Eskwela kung nakakuha na siya ng bakuna noong infant pa siya?

Narito ang kasagutan.




!

22/10/2026

Ligtas ba ang mga bakunang ibinibigay sa Bakuna Eskwela?

✅ Oo. Ang mga bakunang ibinibigay sa Bakuna Eskwela ay ligtas at epektibo.

✅ Ang mga ito, tulad ng MR, Td, at HPV vaccine ay hindi bagong bakuna at matagal nang ibinibigay sa mga eligible population.

✅ Dumaan ang mga ito sa mahigpit na pagsusuri upang matiyak ang kanilang kaligtasan at bisa. Ibinibigay ang mga bakunang ito upang maprotektahan ang mga mag-aaral laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna.

Magpabakuna Na!




22/10/2026

Sino ang maaaring mabakunahan laban sa HPV?

✅ Pangunahing isinasagawa ang pagbabakuna ng HPV sa pamamagitan ng School-Based Immunization o Bakuna Eskwela na nakatuon sa mga babaeng mag-aaral sa Grade 4 and 5 na may edad na hindi bababa sa 9 na taong gulang.

✅ Maaaring mabakunahan laban sa HPV ang mga batang babae na edad 9-14 taong gulang na hindi pa nakatatanggap ng bakuna laban sa HPV na mayroong consent form at dumaan sa quick health assessment.

✅ Samantala, ang mga batang babae na edad 9-14 taong gulang na hindi pa nababakunahan laban sa HPV kabilang ang mga mag-aaral sa Alternative Learning System at Special Needs Education, gayundin ang mga immunocompromised, ay maaaring mabakunahan sa pinakamalapit na health center.

Magpabakuna Na!




!

ANTAYIN ANG SCHOOL-BASED IMMUNIZATION AT VACCINATION TEAM SA INYONG MGA ESKWELAHAN, PEÑABLANCAÑOS! Magkaiba ba ang HPV a...
22/10/2026

ANTAYIN ANG SCHOOL-BASED IMMUNIZATION AT VACCINATION TEAM SA INYONG MGA ESKWELAHAN, PEÑABLANCAÑOS!

Magkaiba ba ang HPV at cervical cancer? Magkaiba rin ba ang bakuna laban sa mga ito?

✅ Oo. Magkaiba ang HPV at cervical cancer.

✅ Ang HPV (Human Papilloma Virus) ay isang virus na maaaring magdulot ng kanser sa kuwelyo ng matris o cervical cancer.

✅ Ang HPV vaccine ay nagbibigay ng proteksyon laban sa mga uri ng HPV na pangunahing sanhi ng cervical cancer, kaya nakatutulong ito sa pag-iwas sa infection at sa mga kanser na dulot nito.

Magpabakuna Na!




!

Magkaiba ba ang HPV at cervical cancer? Magkaiba rin ba ang bakuna laban sa mga ito?

✅ Oo. Magkaiba ang HPV at cervical cancer.

✅ Ang HPV (Human Papilloma Virus) ay isang virus na maaaring magdulot ng kanser sa kuwelyo ng matris o cervical cancer.

✅ Ang HPV vaccine ay nagbibigay ng proteksyon laban sa mga uri ng HPV na pangunahing sanhi ng cervical cancer, kaya nakatutulong ito sa pag-iwas sa infection at sa mga kanser na dulot nito.

Magpabakuna Na!




!

BABALA, PEÑABLANCAÑOS! TUMATAAS ANG KASO NG DENGUE SA ATING BAYAN! 🚨MAGING ALERT0. MAGING LIGTAS. LABANAN ANG DENGUE!📢 M...
14/10/2026

BABALA, PEÑABLANCAÑOS! TUMATAAS ANG KASO NG DENGUE SA ATING BAYAN! 🚨

MAGING ALERT0. MAGING LIGTAS. LABANAN ANG DENGUE!

📢 Mga minamahal na Peñablancaño, patuloy nating pag-ibayuhin ang ating pag-iingat dahil sa pagtaas ng naitatalang kaso ng dengue sa ating munisipalidad. Ang dengue ay maaaring magdulot ng malubhang karamdaman, lalo na sa mga bata. Huwag hintaying may magkasakit sa ating pamilya bago kumilos!

Sama-sama nating isabuhay ang 4S STRATEGY laban sa DENGUE! 💪

🟠 1. SEARCH AND DESTROY 🔎
Hanapin at alisin ang mga pinamumugaran ng lamok. Takpan ang mga lalagyan ng tubig, linisin ang mga alulod, at itapon ang mga bagay na maaaring pamahayan ng lamok.

🟠 2. SELF-PROTECT 🛡️
Magsuot ng long sleeves at pantalon, gumamit ng angkop na mosquito repellent, at maglagay ng kulambo lalo na para sa mga sanggol at bata.

🟠 3. SEEK EARLY CONSULTATION 🏥
Huwag balewalain ang lagnat at iba pang sintomas ng dengue. Agad kumonsulta sa pinakamalapit na health center o healthcare provider. Ang matinding pananakit ng tiyan, paulit-ulit na pagsusuka, pagdurugo, o labis na panghihina ay mga babalang nangangailangan ng agarang pagpapatingin.

❌Huwag na huwag mag self-medicate.

🟠 4. SUPPORT FOGGING IN OUTBREAK AREAS 🌫️
Makipagtulungan sa mga awtoridad at health workers sa mga naaangkop na fogging activities sa mga lugar na may outbreak. Tandaan, ang fogging ay pandagdag lamang at hindi kapalit ng regular na paglilinis at pag-aalis ng pinamumugaran ng lamok.

🏡 Simulan sa ating tahanan ang paglaban sa dengue! Maglinis, mag-alis ng stagnant water, at hikayatin ang ating mga kapitbahay na makiisa.

Ang pag-iwas sa dengue ay responsibilidad nating lahat. Sa sama-samang pagkilos, mapoprotektahan natin ang ating mga anak, pamilya, at buong komunidad.

💚 Kaisa tayo, Dengue ay Iwasan, Kalusugan ay Pangalagaan!

Standard First Aid TrainingSeptember 30–October 2, 2026Municipal Conference Hall, Peñablanca, CagayanThe Standard First ...
05/10/2026

Standard First Aid Training

September 30–October 2, 2026
Municipal Conference Hall, Peñablanca, Cagayan

The Standard First Aid Training was successfully conducted on September 30 to October 2, 2026 at the Municipal Conference Hall, Peñablanca, Cagayan. The three-day training aimed to enhance the knowledge, skills, and preparedness of participants in providing immediate and appropriate first aid assistance during emergencies and other situations requiring prompt medical attention.

The activity brought together trainers and resource persons from different offices and local government units, including the Provincial Department of Health Office (PDOHO), City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) of Tuguegarao City, and representatives from Sta. Praxedes and Sta. Ana, Cagayan. Their combined expertise and experience in emergency response, first aid, and disaster preparedness contributed significantly to the success of the training.

3RD QUARTER 𝐓𝐁 𝐂𝐀𝐑𝐀𝐕𝐀𝐍 𝟐𝟎𝟐𝟔 🩺LOOK| The 3rd Quarter TB Caravan was successfully held today at the Municipal Gym of Peñabl...
28/08/2026

3RD QUARTER 𝐓𝐁 𝐂𝐀𝐑𝐀𝐕𝐀𝐍 𝟐𝟎𝟐𝟔 🩺

LOOK| The 3rd Quarter TB Caravan was successfully held today at the Municipal Gym of Peñablanca, catering to 222 patients from different barangays of the municipality.

Through the activity, patients were able to avail free Chest X-ray services for early detection and screening of Tuberculosis. Out of the total patients catered, 16 individuals were referred for GeneXpert testing and are currently awaiting results.

This initiative was made possible through the collaborative efforts of the Cagayan Valley Center for Health Development (CVCHD) and the Rural Health Unit–Peñablanca, spearheaded by our very own MHO, Dr. Jane Frances D. Taguinod together with the TB Coordinator, Ms. Ira Kimberly Acacio.

The RHU Peñablanca remains committed in strengthening tuberculosis prevention, early detection, and access to quality healthcare services for every Peñablancaños.

1,452 CHIKITINGS PROTECTED! 💉Sa ngayon, 1,452 na batang edad 6–59 buwan na ang nabakunahan laban sa Measles at Rubella, ...
17/08/2026

1,452 CHIKITINGS PROTECTED! 💉

Sa ngayon, 1,452 na batang edad 6–59 buwan na ang nabakunahan laban sa Measles at Rubella, katumbas ng 48.86% overall accomplishment.

Saludo sa ating mga Barangay Health Workers, nurses, midwives, vaccinators, barangay officials, at lahat ng katuwang sa MRSIA na patuloy na kumikilos upang maabot ang bawat Chikiting!

Pero tuloy ang laban!

Para sa mga batang hindi pa nababakunahan, ipabakuna na! Ang bawat bakuna ay dagdag na proteksyon laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna.

Address

Peñablanca
3502

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rural Health Unit- Peñablanca posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share