PNP Piat Municipal Police Station

Call Directions Contact the organization

PNP Piat Municipal Police Station PNP Piat: Hatid ay Serbisyong Tapat at Sapat para sa Lahat

R**e Prevention TipsPiat Police Station Hotline: 0926-2938-628Be Alert. Be Aware. Speak Up. Stay Safe.
05/10/2026

R**e Prevention Tips

Piat Police Station Hotline: 0926-2938-628

Be Alert. Be Aware. Speak Up. Stay Safe.

R**E PREVENTION: MAGING ALERT, MAGING MAPAGMATYAG!Ang pag-iwas sa panggagahasa ay responsibilidad nating lahat. Igalang ...
05/10/2026

R**E PREVENTION: MAGING ALERT, MAGING MAPAGMATYAG!

Ang pag-iwas sa panggagahasa ay responsibilidad nating lahat. Igalang ang bawat isa, maging mapagmatyag sa paligid, at huwag manahimik sa harap ng anumang uri ng sexual harassment o pang-aabuso.

R**E PREVENTIONStay alert. Stay aware. Stay safe.• Avoid unsafe and isolated places.• Never trust strangers easily.• Spe...
05/10/2026

R**E PREVENTION

Stay alert. Stay aware. Stay safe.

• Avoid unsafe and isolated places.
• Never trust strangers easily.
• Speak up when you feel threatened.
• Report any suspicious or abusive behavior.
• Respect others and protect one another.

Prevent. Protect. Speak Up.

📞 Piat Police Station Hotline: 0926-2938-628

05/10/2026

UNTV 24/7 Livestream: Be the first to know about the latest news an...

𝗟𝗢𝗢𝗞 | Personnel of Piat Police Station, Cagayan Police Provincial Office, were strategically deployed to schools to ens...
05/10/2026

𝗟𝗢𝗢𝗞 | Personnel of Piat Police Station, Cagayan Police Provincial Office, were strategically deployed to schools to ensure the safety and security of students, teachers, parents, and other stakeholders, maintain peace and order, facilitate the smooth flow of traffic, and promote a safe and orderly environment during school hours.


05/10/2026

NO. 8 REGIONAL MOST WANTED, ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA SANTA ANA

Camp Tirso H Gador, Tuguegarao City, Cagayan — Arestado ang No. 8 Regional Most Wanted Person matapos isilbi ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at Philippine Marines ang warrant of arrest laban sa kanya sa Brgy. Palawig, Santa Ana, Cagayan, noong Oktubre 1, 2026.

Kinilala ang naarestong wanted person sa alyas na Rey, 19 anyos, binata, magsasaka, at residente ng nasabing lugar.

Isinagawa ang operasyon ng Manhunt Charlie Tracker Team ng Santa Ana Police Station, sa pangunguna ni PMAJ RAMON P SIMANGAN, JR, Acting Chief of Police, bilang lead unit, katuwang ang PIT Cagayan North, RIU2; 203rd MC, RMFB2; 2nd CPMFC; at Marine Battalion Landing Team 10.

Naaresto ang suspek matapos isilbi ang warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 6, Second Judicial Region, Aparri, Cagayan, noong Setyembre 22, 2026.

Ang warrant ay kaugnay ng kasong Sexual Assault sa ilalim ng Article 266-A(2) ng Revised Penal Code, as amended, na may inirekomendang piyansa na ₱72,000; Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Article 336, na may inirekomendang piyansa na ₱36,000; at dalawang bilang ng Statutory R**e sa ilalim ng Article 266-A(1)(d), na walang inirekomendang piyansa.

Ayon kay PCOL MARDITO G ANGULUAN, Provincial Director: “Patuloy nating paiigtingin ang ating manhunt operations upang maaresto ang mga wanted person at matiyak na naipatutupad ang batas. Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagkilos at koordinasyon ng ating mga law enforcement unit.”

Ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatang konstitusyonal. Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng Santa Ana Police Station para sa kaukulang proseso bago i-turn over sa korte na naglabas ng warrant. Na-upload na rin ang naturang warrant sa E-Warrant System.

Press Release No. 1005-05
Authority: PCOL MARDITO G ANGULUAN
Provincial Director, Cagayan PPO
Releaser: PCPT SHIELA JOY N FRONDA
Chiet, PIO, Cagayan PPO
Hotline: 09175233562 09534363668
Email Add: [email protected] /
[email protected]
Date: October 5, 2026

05/10/2026

TOP 2 REGIONAL MOST WANTED PERSON, ARESTADO SA 18 KASONG PANGGAGAHASA SA TABUK CITY

Camp Tirso H Gador, Tuguegarao City, Cagayan — Arestado ang isang Top Most Wanted Person na nakalista bilang No. 2 Regional Most Wanted Person matapos salakayin ng mga operatiba ng pulisya sa kaniyang pinagtatrabahuhan sa Brgy. Bulanao, Tabuk City, Kalinga, noong Oktubre 1, 2026.

Kinilala ang suspek na si alyas Sadam, 37-anyos, binata, gasoline boy, residente ng Sampaguita, Solana, Cagayan, at kasalukuyang naninirahan sa Piat, Cagayan.

Isinagawa ng mga operatiba ng Solana Police Station, sa pangunguna ni PLTCOL KEENAN T RUIZ, Chief of Police, ang operasyon laban sa suspek batay sa Warrant of Arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Second Judicial Region, Branch 4, Tuguegarao City, Cagayan.

Nahaharap ang suspek sa 18 kaso ng kwalipikadong panggagahasa sa ilalim ng Article 266-A (1), kaugnay ng Article 266-B ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng Republic Act No. 8353 at Republic Act No. 11648. Wala itong inirekomendang piyansa, batay sa warrant na may petsang Setyembre 18, 2026.

Matapos ang pagkakaaresto, ipinaalam sa suspek ang kaniyang mga karapatang konstitusyonal alinsunod sa Miranda Doctrine at Republic Act No. 9745 o Anti-Torture Act of 2009. Dinala siya sa Solana Police Station para sa kaukulang kustodiya at dokumentasyon bago tuluyang iharap sa issuing court.

Gumamit din ang mga operatiba ng alternative recording devices sa pagsisilbi ng warrant, alinsunod sa A.M. No. 21-06-08-SC, habang ang warrant of arrest ay na-upload sa Enhanced E-Warrant System.

Pinuri ni Police Director Anguluan ang mga operatiba ng Solana Police Station sa kanilang mabilis, maayos, at matagumpay na operasyon laban sa isang wanted person na nahaharap sa mabibigat na kaso.

“Ang pagkakaarestong ito ay patunay ng ating patuloy na pagsisikap na maipatupad ang batas at mapanagot ang mga indibidwal na may kinakaharap na mabibigat na kaso. Hindi titigil ang PNP sa pagtugis sa mga wanted persons,” pahayag ni PD ANGULUAN.

Nagbigay rin siya ng mahigpit na babala sa mga nagtatangkang magtago o umiwas sa batas.

“Walang lugar na sapat na ligtas para pagtaguan ng mga wanted person. Patuloy silang tutugisin at haharap sa kaukulang proseso ng batas. Hinihikayat din natin ang publiko na makipagtulungan at agad iulat sa pulisya ang anumang impormasyong makatutulong sa pagkakaaresto sa mga pugante,” dagdag pa niya.

Patuloy namang pinaigting ng Cagayan Police Provincial Office ang manhunt operations laban sa mga wanted persons, lalo na sa mga indibidwal na may mabibigat na kasong kinakaharap, bilang bahagi ng kampanya nitong mapanatili ang kaligtasan at seguridad ng mga komunidad.

Press Release No. 1005-06
Authority: PCOL MARDITO G ANGULUAN
Provincial Director, Cagayan PPO
Releaser: PCPT SHIELA JOY N FRONDA
Chiet, PIO, Cagayan PPO
Hotline: 09175233562 09534363668
Email Add: [email protected] /
[email protected]
Date: October 5, 2026

05/10/2026

NO. 2 MOST WANTED PERSON SA PROBINSYA, ARESTADO SA SANTIAGO CITY

Camp Tirso H Gador, Tuguegarao City, Cagayan — Arestado ang Provincial Level No. 2 Most Wanted Person ng Cagayan matapos isilbi ng pinagsanib na pwersa ng Cagayan Police Provincial Office at Regional Mobile Force Battalion 2 ang warrant of arrest laban sa kanya noong Oktubre 1, 2026 sa Santiago City, Isabela.

Kinilala ang suspek sa alyas na Ferdie , 33, may-asawa, vocational graduate, construction worker, at residente ng Enrile, Cagayan.

Pinangunahan ng Enrile Municipal Police Station sa pangunguna ni PMAJ CHARLES P LAPADA, Chief of Police, katuwang ang mga tauhan ng 202nd at 204th Maneuver Companies ng RMFB2.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court, Second Judicial Region, Branch 4, Tuguegarao City, Cagayan, noong Marso 13, 2026, para sa paglabag sa Republic Act No. 8353 o Anti-R**e Law of 1997, partikular sa R**e at Statutory R**e, na parehong walang inirekomendang piyansa.

Nahaharap din ang akusado sa dalawang bilang ng Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code, as amended, na may inirekomendang piyansang ₱36,000 bawat kaso.

Naitala ang operasyon gamit ang dalawang Alternative Recording Devices (ARD) bilang pagsunod sa mga itinakdang panuntunan ng Korte Suprema sa paggamit ng body-worn cameras sa pagpapatupad ng warrant of arrest. Matapos ang pag-aresto, ipinaalam sa suspek ang mga karapatan akinsunod sa batas at mga probisyon ng Anti-Torture Law sa wikang Filipino na kanyang nauunawaan.

Ayon kay PCOL MARDITO G ANGULUAN, Provincial Director, patuloy na pagtutuunan ng kapulisan ang pagtugis sa mga wanted person upang matiyak na ang mga lumalabag sa batas ay mananagot sa kanilang mga ginawa.

"Hindi kami titigil sa paghahanap sa mga wanted person. Ang bawat warrant ay aming ipatutupad nang naaayon sa batas at may paggalang sa karapatan ng bawat indibidwal." ani PD ANGULUAN.

Press Release No. 1005-07
Authority: PCOL MARDITO G ANGULUAN
Provincial Director, Cagayan PPO
Releaser: PCPT SHIELA JOY N FRONDA
Chiet, PIO, Cagayan PPO
Hotline: 09175233562 09534363668
Email Add: [email protected] /
[email protected]
Date: October 5, 2026

05/10/2026
05/10/2026

𝗟𝗢𝗢𝗞 | Personnel of Piat Police Station, Cagayan Police Provincial Office, conducted foot patrol and police visibility at Piat Public Market, Barangay Poblacion 2, Piat, Cagayan, to enhance police presence and ensure the safety and security of residents and visitors.

The Piat Police Station also reminds the public to remain vigilant and immediately report any suspicious persons or incidents to the nearest police personnel.




Address

Baung
Piat

Telephone

+639262938628

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNP Piat Municipal Police Station posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PNP Piat Municipal Police Station:

Shortcuts

Share