26/06/2026
LALAKING MAY MGA KASONG VAWC AT ANTI-PHOTO AND VIDEO VOYEURISM ACT, TIMBOG SA PIAT, CAGAYAN
Piat, Cagayan β Matagumpay na naaresto ng Piat Police Station ang isang wanted person na nahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act No. 9262 (VAWC) at Republic Act No. 9995 (Anti-Photo and Video Voyeurism Act).
Isinagawa ng mga operatiba ng Piat Police Station ang operasyon sa bayan ng Piat, Cagayan na nagresulta sa pagkakaaresto kay aka Narding, 43 taong gulang, may asawa, at residente ng nasabing bayan.
Ang pag-aresto ay batay sa mga warrant of arrest na inisyu ng hukuman kaugnay sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9262, na may inirekomendang piyansang β±120,000.00, gayundin sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9995, na may inirekomendang piyansang β±42,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Kaagad na ipinaalam sa inaresto ang kanyang mga karapatan alinsunod sa Miranda Doctrine sa wikang kanyang nauunawaan. Matapos ang kaukulang dokumentasyon, siya ay dinala sa Piat Police Station para sa tamang disposisyon at turn-over sa hukuman na nagpalabas ng mga warrant. Ang mga nasabing warrant ay nakarehistro rin sa PNP E-Warrant System.
Patuloy naman na nananawagan ang Piat Police Station sa pamumuno ni PCPT LEIF BERNARD U GUYA, Hepe sa publiko na makiisa sa pagpapatupad ng batas sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon hinggil sa mga wanted person at iba pang kriminal na aktibidad.
PIAT POLICE STATION NEWS RELEASE PIAT-06252026 - 05
AUTHORITY : PCPT LEIF BERNARD GUYA
Acting Chief of Police, Piat PS
Releaser : PLT AIDA B FABELLAR
Deputy Commander, Piat PS
Hotline: 09262938628/09985985216
Email Add: [email protected]
Date: June 26, 2026