27/10/2026
School-Based Management (SBM) Best Practices Showcase | Pilar 1 District
Ang School-Based Management (SBM) ay mahalagang bahagi ng patuloy na pagpapaunlad ng bawat paaralan. Layunin nitong mapataas ang kalidad ng edukasyon at mapabuti ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
Bilang bahagi ng gawaing ito, nakiisa ang Tingco National High School sa isinagawang SBM Best Practices Showcase ng mga paaralan sa Pilar 1 District kahapon.
Ang matagumpay na pagpapatupad ng SBM ay bunga ng pagkakaisa, pananagutan, at sama-samang pagkilos ng pamunuan ng paaralan, mga g**o, magulang, at iba pang miyembro ng komunidad. Sa pamamagitan ng kanilang pagtutulungan, mas napagtitibay ang mga programa at gawaing tumutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral at nagsusulong ng patuloy na pag-unlad ng paaralan.
Taos-pusong pasasalamat sa ating SPTA President na si Mrs. Sonia A. Martos at sa faculty ng Tingco National High School sa aktibong pakikibahagi sa paghahanda at presentasyon ng SBM best practices ng ating paaralan. Maraming salamat sa inyong oras, suporta, at dedikasyon sa pagsusulong ng mas maayos at de-kalidad na edukasyon para sa ating mga mag-aaral.