Pambansang Mataas na Paaralan ng Abucay

Pambansang Mataas na Paaralan ng Abucay

Share

This is the Official page of Abucay National High School. A School for All.

21/05/2026

BRIGADA ESKWELA 2026 NA!

Tara na sa makasaysayang bayanihan para sa mas malinis, mas maayos, at mas handang paaralan!

Ang Pambansang Mataas na Paaralan ng Abucay ay buong siglang nakikiisa sa Brigada Eskwela 2026 na may temang: “Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa sa Kaayusan at Kaalaman” sa darating na —

📅 June 1–5, 2026

Halina’t maging bahagi ng pagbabago—kahit simpleng linis, bayanihan ang puhunan sa paaralang puspos ng pag-asa't saya sa bawat silid. Sama-sama at tulong-tulong nating pagandahin ang ating paaralan para sa mas maliwanag na kinabukasan ng kabataan!

Walang maliit na ambag kung pagkakaisa ang sandigan ng lahat! TARA NA, MAG-BRIGADA NA!




Photos from DepEd Tayo's post 21/05/2026
Photos from Pambansang Mataas na Paaralan ng Abucay's post 18/05/2026

SPECIAL PROGRAM IN JOURNALISM QUALIFYING EXAMINATION / ASSESSMENT 2026

Narito ang listahan ng mga Qualified Incoming Grade 7 Student na inaanyayahang dumalo para sa Qualifying Examination / Assessment para sa Special Program in Journalism (SPJ) ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Abucay.

📅 May 22, 2026
⏰ 8:00 AM ONLY
📍 Abucay NHS Main Campus

📌 Ang assessment ay binubuo ng:
📝 Examination / Written Test
🎤 Interview
✍️ Writing Test (Essay at Reporting Task)

📣 Paalala sa lahat ng kwalipikadong mag-aaral:
✔️ Dumating nang maaga
✔️ Maging handa sa assessment activities
✔️ Dalhin ang mga kinakailangang gamit

Good luck at ipakita ang inyong husay at talento sa larangan ng pamamahayag. See you, future ANHS campus journalists!




07/05/2026

ENROLLMENT NA SA ABUCAY NATIONAL HIGH SCHOOL! 📣

Handa ka na bang simulan ang panibagong yugto ng iyong pag-aaral? Tara na at magpalista para sa Basic Education Enrollment SY 2026–2027 dito sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Abucay.

🗓 Enrollment Period: May 11–15, 2026
📍 Venue: ANHS Main Campus
⏰ Oras: Lunes hanggang Biyernes | 8:00 AM – 4:00 PM
📌 Inaanyayahan ang lahat ng:
✅ Incoming Grade 7
✅ Transferees / Move-In Students
✅ Incoming Grades 8–12

📣 PAALALA SA LAHAT NG MAGULANG AT MAG-AARAL
Mangyaring basahing mabuti ang mga impormasyong nakasaad sa poster na nakalakip sa ibaba, lalo na ang tungkol sa mga kinakailangang dokumento, enrollment procedure, at mga alituntuning dapat sundin upang maging maayos, mabilis, at organisado ang proseso ng pagpapatala. Ihanda at kumpletuhin ang lahat ng requirements bago magtungo sa paaralan upang maiwasan ang abala.

Sama-sama nating ihanda ang inyong kinabukasan sa isang paaralang may kalidad na edukasyon at malasakit sa bawat mag-aaral. Basta Batang Abucay, Mahusay!

MAG-ENROL NA AT IHANDA ANG IYONG KINABUKASAN!

Photos from DepEd Philippines's post 07/05/2026
05/05/2026

Isang mainit at taos-pusong pagtanggap sa bagong Punong-g**o ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Abucay, Sir Dennis A. Mataverde, Principal III.

Ikinagagalak ng mga kaguruan at kawani ng paaralan ang inyong pagdating. Ang inyong presensya ay nagdudulot ng panibagong sigla, pag-asa, at inspirasyon sa buong komunidad ng aming paaralan.

Nawa’y ang inyong pamumuno ay magsilbing ilaw at inspirasyon sa patuloy na paghubog at pagsulong ng kalidad na edukasyon. Sama-sama nating abutin ang mga layunin ng Kagawaran ng Edukasyon at tahakin ang landas tungo sa mas marami pang tagumpay at makabuluhang pagbabago.

Ang buong kawani ng paaralan ay handang makiisa at makipagtulungan sa inyong mga adhikain para sa kapakanan ng bawat mag-aaral at ng buong paaralan.

Muli, malugod po namin kayong tinatanggap na maging bahagi ng pamilya ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Abucay.


05/05/2026

Pagpupugay at Pasasalamat sa Isang Natatanging Lider

Sa ngalan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Abucay, isang taos-pusong pasasalamat sa iyo, Sir Almar M. Alvarado, Head Teacher III, School Head sa iyong makabuluhan at mahusay na pamumuno sa loob ng halos dalawang taon.

Sa iyong panunungkulan bilang School Head, ipinamalas mo ang mataas na antas ng dedikasyon, integridad, at malasakit sa kapakanan ng buong paaralan. Sa maikling panahong iyon, naging kapansin-pansin ang pag-unlad ng ating institusyon—hindi lamang sa mga programa at inisyatiba, kundi higit sa lahat, sa pagpapahusay ng pagkatuto ng mga mag-aaral at sa patuloy na paghubog sa kakayahan ng mga g**o.

Sa bawat hamon na ating hinarap, ikaw ay naging matatag na gabay at huwarang lider. Ang iyong pamumuno ay nagbigay-linaw sa ating direksyon at nagpatibay sa ating layunin bilang isang komunidad ng mga tagapagtaguyod ng kalidad na edukasyon.

Bagamat hindi man naging mahaba ang panahon ng iyong pananatili, ang iyong mga ambag at serbisyong inialay ay nag-iwan ng makabuluhang marka na patuloy naming dadalhin at pagbubukluran.

Kami man ay nalulungkot sa iyong pag-alis, ngunit kami rin ay nasisiyahan para sa panibagong yugto at mga oportunidad na darating sa iyo, na lalo pang huhubog sa iyo bilang isang mas mahusay at inspiradong lider. Kami ay naniniwala na mas marami ka pang komunidad na matutulungan at mga buhay na mababago.

Kami ay taos-pusong nagpapasalamat at ipinagmamalaki ang lahat ng iyong nagawa. Nawa’y patuloy kang pagpalain at gabayan sa iyong bagong yugto ng pamumuno.

Sa muli, mula sa buong pamilya ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Abucay, kami ay lubos na nagpapasalamat, Sir Almar M. Alvarado.

Hanggang sa ating muling pagsasama-sama.



30/04/2026

ARAL Summer Program 2026 🌟

ARAL Summer Program is DepEd's commitment to strengthen foundational skills and support learners through focused, intensive, and meaningful remediation sessions.

🗓️Virtual Orientation: May 4, 2026 | 9:00–10:30 AM
📍Via DepEd Philippines Facebook Live
📚Program Implementation: May 6 – June 2, 2026 (Monday–Thursday, Friday is for Home Learning)

Together, we continue to ensure that every learner is seen, supported, and empowered to succeed. 🩵

Let’s make this summer a season of growth, recovery, and achievement for all learners! 🌱✨


27/04/2026

ADMISSION FOR GRADE 7 SPECIAL PROGRAM IN JOURNALISM (SPJ)
School Year 2026-2027

Start: Monday 04 May 2026
Venue: Abucay National High School-Main Campus
Contact Person: Mr. Francis L. Lovendino
09387951733 | [email protected]
Admission Test: To Be Announced

Grade Requirements:
English: 85% or Above
Filipino: 85% or Above
Other Subjects: 80% or Above
General Average in Grade 6: 85% or above

Documentary Requirements
- PSA Birth Certificate
- SF 9 (Report Card)
- Certificate of Good Moral
- Recommendation Letter from School Paper Adviser in Grade 6

Photos from Pambansang Mataas na Paaralan ng Abucay's post 23/04/2026

ANUNSYO PARA SA MGA NAGNANAIS MAGING ARAL TUTORS

Ang Department of Education (DepEd) – Sorsogon ay muling nagbubukas ng pagkakataon para sa mga nais maging bahagi ng ARAL Summer Program ngayong taon.

👩‍🏫 Sino ang maaaring mag-apply?
Inaanyayahan ang mga sumusunod:

Mga g**o sa loob ng DepEd na handang magturo bilang internal tutors.

Mga aplikanteng nasa Registry of Qualified Applicants (RQA) na hindi pa nahahire

Mga college students na kasalukuyang nag-aaral sa Teacher Education programs.

Mga retiradong g**o na nais muling magbahagi ng kanilang kaalaman.

Mga Kwalipikasyon
Ang lahat ng aplikante ay kailangang tumugon sa pamantayan at requirements na nakasaad sa DepEd Memorandum No. 001, s. 2026.

🎯 Layunin ng Programa
Ang ARAL Summer Program ay nakatuon sa pagpapalakas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbasa, pagsusulat, at pagbilang sa tulong ng mga masisipag at dedikadong tutors.

📅 Paano mag-apply?
Simula Abril 22, 2026, maaaring magsumite ng aplikasyon sa aming tanggapan sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Abucay.

👉 Huwag palampasin ang pagkakataong ito na maging katuwang sa paghubog ng kinabukasan ng kabataan.

Maraming salamat, at inaasahan namin ang inyong pakikiisa!!

19/04/2026

Small steps today can bring calmer days ahead.
Breathe, Reset, You’ve got this.

Want your business to be the top-listed Government Service in Pilar?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Website

Address


Abucay
Pilar
4714

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 9am - 5pm