02/06/2025
ANNOUNCEMENT,.,!!!!š¢š¢š£š£š£
Ano: Mobile Free Chest Xray / PhilHealth Alaga Ka Program
Saan: Municipal Covered Court
Kailan: June 13, 2025
PhilHealth Alaga Ka (8am to 12pm)
Free Mobile Chest Xray (8am to 4pm)
Reminder po sa Free Mobile Chest Xray ang priority po ay mga
*household contacts ng index case
*may ubo ng dalawang linggo o higit pa
*may diabetes / hypertension
*smoker
*healthworker
*drivers (PUV)
Salamat po
25/05/2025
ALAM NIYO BA?
Ang thyroid ay isang glandula sa ating katawan na matatagpuan sa harapang bahagi ng ating leeg. Ito ang responsable sa pagbuo ng thyroid hormones na siya namang tumutulong sa atin na gumamit ng enerhiya mula sa mga pagkaing ating kinakain; mapanatili ang tamang init o temperatura ng ating katawan; at tumutulong sa ilang bahagi ng ating katawan na gampanan nang maayos ang kanilang mga tungkulin.
Kung kaya't ngayong World Thyroid Day, kinikilala ng Bataan Provincial Health Office ang importansya ng glandulang ito at ipinapaalala sa lahat na pahalagahan at alagaan ito sa pamamagitan ng:
-Pagsunod sa '10 Kumainments' at pagkain ng masusustansyang pagkain base sa rekomendasyon ng 'Pinggang Pinoy' at alinsunod sa ASIN Law o RA 8172 (Act of Salt Iodization Nationwide), isang batas na istriktong ipinatutupad sa Lalawigan ng Bataan upang masigurong may iodine na makukuha sa mga pagkaing may asin na makatutulong naman sa pagbuo ng thyroid hormones;
-Palaging mag-ehersisyo;
-Huwag manigarilyo o gumamit v**e, at iwasan din ang pag-inom ng alak.
Ipinapayo rin na magtungo sa pinakamalapit na health center o primary care facility sa inyong lugar upang magkaroon ng pagkakataong masuri ng eksperto ang inyong thyroid gland. Tandaan, ang maagang pagtuklas ay makatutulong upang maagang maagapan at magamot ang sakit.
Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang malusog na komunidad para sa matatag na pamilyang
BataeƱo.
25/05/2025
ALAM NIYO BA?
Isa sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay ng tao sa buong mundo ay ang aksidente sa kalsada. Kaya't ngayong Road Safety Month, ipinapaalala ng Bataan Provincial Health Office na dagdag ingat sa lahat ng oras; maging responsableng BataeƱo at sundin ang mga sumusunod:
-Sa pagtawid, tingnan ang magkabilang direksyon at tumawid lamang sa tamang tawiran
-Maglakad sa sidewalks at tingnan ang daanang nilalakaran
-Kung magbibisikleta, gamitin ang nakalaang daan para sa mga bisikleta at maging alerto
-Kung magmamaneho ng de-motor na sasakyan, laging isaalang-alang ang kondisyon ng inyong
sasakyan;
-Bago magmaneho ay i-check ang preno, ilaw, langis, tubig, baterya, gulong, gas, at makina ng
sasakyan
-Magmaneho lamang kung ikaw ay nakapasa sa paper and practical exam ng LTO at mayroon nang lisensya para magmaneho
-Sundin ang mga batas trapiko
-Huwag magmaneho ng nakainom at huwag gumamit ng kahit anong mobile device habang nagmamaneho.
Tandaan, lahat tayo ay mayroong karapatang gumamit ng mga pampublikong daan, maging responsable sa paggamit ng mga kalsada upang maiwasan ang aksidenteng magaring magdulot ng pagkakulong, malubhang kalagayang medikal, o pagkamatay.
Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang lalawigang mayroong ligtas na mga kalsada para sa matatag
na pamilyang BataeƱo.
22/05/2025
ALAM NIYO BA?
Ang sakit na malaria ay dulot ng parasitikong naipapasa sa pamamagitan ng kagat ng babaeng lamok na Anopheles. Ito ay nagagamot, ngunit kapag hindi agad nabigyang pansin ay maaaring mauwi sa kamatayan.
Ang mga pangunahing sintomas nito ay lagnat, pagsakit ng ulo o katawan, at pagkaginaw, na aabot ng hanggang dalawang linggo.
Noong taong 2017, ang Lalawigan ng Bataan ang kaunaunahang lalawigang naideklarang 'Malaria-Free' sa buong Central Luzon, at sa kasalukuyan ay nananatili pa ring walang naitatalang indigenous na kaso ng malaria. Ilan sa mga inisyatibong ating ginawa ay ang:
1. Aktibong Case Finding upang makapagbigay ng agarang gamot
2. Pamimigay ng kulambo na mayroong insecticides (Long Lasting Impregnated Nets)
3. Palagiang 'stream clearing'
4. Health Lectures
Ang mga ito ay patuloy nating isinasagawa dahil anumang oras ay maaari pa ring magkaroon ng kaso ng malaria kung ang isang taong galing sa lugar na mayroong malaria ay makapag-uuwi ng parasitikong Plasmodium.
Kadalasan, ang mga infected na lamok ay matatagpuan sa mga malililim at masusukal na parte ng umaagos na tubig gaya ng ilog, irigasyon, at iba pang liblib at madadamong lugar; ang mga ito ay kadalasang umaatake mula alas 10 ng gabi hanggang alas 4 ng umaga.
Ngayong World Malaria Day, ipinapaalala ng Bataan Provincial Health Office na palaging maging maingat, protektahan ang sarili laban sa kagat ng lamok:
-Magsuot ng mahahabang damit
-Gumamit ng kulambo at insect repellant tuwing tutungo sa lugar na may mga naitalang kaso ng malaria.
-Sakaling makaranas ng mga sintomas na nabanggit sa loob ng dalawang linggo, magtungo agad sa pinakamalapit na health center.
Tandaan, kung patuloy tayong mag-iingat, patuloy din na walang maitatalang kaso ng sakit na malaria. Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang malaria-free na komunidad para sa matatag na pamilyang BataeƱo.
22/05/2025
ALAM NIYO BA?
Ang hemophilia ay isang sakit sa dugo, kung saan kulang sa kakayahang mag-ampat ng pagdurugo ang katawan.
Ito ay dahil sa kakaunti lamang o walang nabubuong factor VIII o factor IX protein sa katawan (tumutulong sa pagpapalapot ng dugo), na dulot ng isang mutation sa genes ng taong may hemophilia.
Ang sakit na ito ay kadalasang namamana mula sa mga magulang, ngunit may mga bihirang pagkakataong magkaroon nito ang isang indibidwal nang hindi minana, tinatawag itong acquired hemophilia, kung saan inaatake ng immune system ang mga clotting factors ng katawan.
Ngayong buwan ng National Hemophilia Awareness, ating alamin ang mga pangkaraniwamg sintomas ng naturang sakit:
1. Matinding pagdurugo tuwing nagkakasugat
2. Hindi maipaliwanag na mga bukol o hematoma
3. Pagdurugo ng ilong o gilagid
4. Hindi normal na pagdurugo sa tuwing matuturukan ng heringgilya
5. Pagkakaroon ng dugo sa dumi o ihi
Kung mayroon kayong nararanasan alinman sa mga nabanggit na sintomas, magtungo sa pinakamalapit na health center para sa atensyong medikal.
Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang malusog na komunidad para sa mas matatag na pamilyang BataeƱo.
22/05/2025
ALAM NIYO BA?
Sa loob ng limang (5) dekada nang pagbabakuna, napatunayan na ang pagiging ligtas at epektibo ng mga bakuna para sa mga sanggol, kabataan, buntis, o matatanda.
Ang mga ito ay may malaking ambag sa pagpapahaba ng buhay ng isang tao dahil may mga sakit na sanhi ng kamatayan na maaaring maiwasan gamit ang mga bakunang ito; ilan na rito ay ang measles, polio, cervical cancer, tetanus, diphtheria, hepatitis, tuberculosis, pneumonia, at iba pa.
Bilang parte ng malusog na pamumuhay, nagbibigay din ito ng dagdag na kaligtasan sa buong pamilya habang pumapasok sa eskuwelahan o trabaho.
Kung kaya't ngayong World Immunization Week, hinihikayat ng Bataan Provincial Health Office ang lahat ng mga magulang na gawing bahagi ng pamumuhay ng inyong anak ang pagkumpleto sa routine vaccines na nakalaan para sa mga sanggol at kabataan; hinihikayat din ang mga buntis na huwag kaligtaan ang mga bakunang dapat makuha para sa kaligtasan ninyo ni baby habang nagbubuntis pati na sa oras ng panganganak; gayundin sa mga matatanda na kunin ang pagkakataong makatanggap ng bakuna laban sa pneumonia at influenza.
Magtungo lamang sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar. Tandaan, ang mga bakunang magliligtas sainyo ay subok na, ligtas, epektibo, at libre. Kung inyo namang inaalala ang mga posibleng side effects nito gaya ng kirot sa parteng binakunahan at lagnat, ito po ay normal at madaling maaagapan kasama ang obserbasyon.
Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang lalawigan kung saan ang bawat BataeƱo ay protektado, bakunado; at maipakita sa buong mundo na ang bakuna para sa lahat ay posibleng makamit sa pagtutulungan at sa kagustuhang walang bata, buntis, o matanda ang maiiwang hindi bakunado.
20/05/2025
ALAM NāYO BA? | Inilunsad kamakailan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ang āListo si KAPā (Komunidad at Punong Barangay).
Ang āListo si Kapā ay isang komprehensibong manwal na naka-angkla sa Operation L!STO at naglalaman ng kalipunan ng mga protokol patungkol sa mga operasyon at mga desisyon na tutugon sa ibaāt-ibang yugto at antas ng mga sakuna. Ito ang siyang mag-sisilbing tagapag-ugnay sa mga opisyal ng barangay at sa pamayanan upang isakatuparan ang kanilang napakahalagang tungkulin sa pamamahala at pagpapababa ng panganib na dulot ng mga sakuna.
Para malaman ang buong detalye, basahin ang Memorandum Circular 2025-035 sa link na ito: https://tinyurl.com/ListoSiKapBarangay
20/05/2025
PAANYAYA PARA SA SANTACRUZAN
Barangay BURGOS
Mayo 31, 2025 | 4:00 ng hapon
Isang mainit na paanyaya sa lahat ng mamamayan ng Barangay Burgos! Inaanyayahan po namin kayong makiisa at makibahagi sa gaganaping Santa Cruzan sa darating na Mayo 31, 2025, sa ganap na ika-4:00 ng hapon.
Ito po ay isang mahalagang bahagi ng ating tradisyon at pananampalataya, kayaāt inaasahan ang inyong masiglang pakikilahok. Hinihikayat po namin ang lahat, lalo na ang mga kabataang nais maging sagala, na ihanda ang kanilang magaganda at nararapat na kasuotan para sa okasyong ito.
Tara na't muling buhayin ang diwa ng Flores de Mayo! Sama-sama nating ipagdiwang ang pananampalataya, kultura, at pagkakaisa ng ating barangay.
Para sa karagdagang impormasyon o pagpapatala, makipag-ugnayan lamang sa inyong Barangay Hall.
Maraming salamat, at magkita-kita po tayo!
20/05/2025
MAGING ALERTO NGAYONG BAKASYON!
Dagdag ingat upang maiwasan ang mga karaniwang sakit ngayong tag-init gaya na lamang ng:
Heat Stroke - na nangyayari dahil sa init ng panahon na sinabayan pa ng kawalan ng kakayahan ng ating katawan na kontrolin ang sobrang pagtaas ng temperatura nito. Maaaring makaranas ng matinding pagkahilo, lagnat, pangangalay, mainit at namumulang balat, at pagkawala ng malay, pagkalito, o deliryo.
Diarrhea - ang pagtatae na dulot ng iba't-ibang bacteria gaya na lamang ng E. coli at salmonella na maaaring maging sanhi rin ng mas malubhang sakit sa tyan. Ngayong tag-init, mas mabilis at mas madali ang pagdami ng bacteria sa mga pagkain at tubig kung hindi wasto ang pagkaluto at pagiimbak nito.
Sakit sa Balat - na maaaring dulot ng iba't-ibang salik gaya na lamang ng UV rays mula sa araw kung saan ang inyong balat ay maaaring mamula at makaranas ng hapdi (sunburn); iritasyon dulot ng pawis, init, at alikabok kung saan ang inyong balat naman ay maaaring makaranas ng pangangati at pagkakaroon ng mga pantal (bungang araw); at virus na maaaring makuha sa infected na paliguan gaya ng swimming pool.
Ipinapaalala ng Bataan Provincial Health Office na gumamit ng proteksyon sa UV rays gaya ng payong at sombrero, uminom ng 8-10 baso ng malinis na tubig, magsuot ng maluwag at preskong damit, at iwasang maglagi nang matagal sa gitna ng tirik na araw.
Sanayin din ang regular na pagligo at paghihilamos gamit ang malinis na tubig at banayad na sabon. Kung maliligo naman sa mga pampublikong paliguan, siguraduhing makapagbanlaw ng katawan gamit pa rin ang malinis na tubig at sabon.
Tiyakin ding malinis at maayos ang pagkakaluto ng inyong mga kakainin. Huwag patagalin ang mga pagkain ngayong tag-init upang maiwasan ang pagkapanis ng mga ito.
Sama-sama tayo sa pagkamit ng ligtas na summer ng alerto at matatag na pamilyang BataeƱo.