SK Federation of Pilar

SK Federation of Pilar

Share

The official page of Sangguniang Kabataan Federation of Pilar.

16/04/2026

๐—ฃ๐—”๐—”๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—›๐—”๐—ง ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—”๐—ก

Isinabatas ang ๐—ข๐—ฟ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—ก๐—ผ. ๐Ÿฒ, ๐—ฆ. ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ na naglalayong i-regulate ang paggamit, pagbebenta, distribusyon, at pag-aanunsyo ng sigarilyo, to***co products, at electronic ci******es sa mga itinakdang lugar sa Bayan ng Pilar.

Layunin ng ordinansang ito na mapangalagaan ang kalusugan ng bawat mamamayan, lalo na ang kabataan, at mapanatili ang isang ligtas at malinis na kapaligiran para sa lahat.

Ang nasabing ordinansa ay isinulong ni Konsehala Dra. Kristel Mae P. Rivera, bilang Chairperson ng Committee on Health and Social Welfare, na patuloy na nangunguna sa mga programang nagtataguyod ng kalusugan at kapakanan ng mga Pilarian.

Para sa kumpletong detalye, maaaring bisitahin ang opisyal na website ng Pamahalaang Bayan ng Pilar.

Sama-sama nating suportahan ang mga hakbang tungo sa isang mas malusog na komunidad.

Photos from DILG Pilar Bataan's post 14/04/2026
09/04/2026

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป, ๐—›๐—ผ๐—ป. ๐—ซ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ง. ๐—”๐—น๐—ฐ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ! ๐ŸŽ‰๐Ÿ’™

Isang taos-pusong pagbati sa aming SK Chairperson ng Barangay Pantingan at SK Municipal Federated Treasurer ng Pilar! Sa iyong ika-21 kaarawan, nawaโ€™y patuloy kang pagpalain ng karunungan, lakas, at tagumpay sa iyong paglilingkod sa kabataan.

Ang iyong sipag, integridad, at dedikasyon ay patunay ng isang lider na tunay na maaasahan at nagbibigay inspirasyon sa iba. Nawaโ€™y mas marami ka pang maabot at mabigyang oportunidad sa iyong patuloy na pamumuno.

โ€œLeadership is not about being the best, but bringing out the best in others.โ€ โœจ

๐Ÿ“ Pagbati mula sa Pederasyon ng Sangguniang Kabataan ng Pilar

21/03/2026

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป, ๐—›๐—ผ๐—ป. ๐—™๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—š๐—ต๐—ถ๐—ผ ๐—œ. ๐—ฉ๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐˜†! ๐ŸŽ‰๐Ÿ’›

Isang taos-pusong pagbati sa aming SK Chairperson ng Barangay Wawa at SK Municipal Federated Auditor ng Pilar! Sa bawat hakbang ng iyong paglilingkod, kitang-kita ang iyong sipag, integridad, at malasakit sa kabataan. Ang iyong dedikasyon ay nagsisilbing inspirasyon at patunay na sa tamang puso at tamang liderato, tunay na napapabago ang komunidad.

Nawaโ€™y maging masaya, puno ng pagmamahal, at makabuluhan ang iyong kaarawan. Patuloy mong gamitin ang iyong galing at puso sa paglilingkod upang mas marami pang kabataan ang ma-inspire at matulungan.

โ€œIntegrity is doing the right thing, even when no one is watching.โ€ โœจ

๐Ÿ“ Pagbati mula sa Pederasyon ng Sangguniang Kabataan ng Pilar

15/03/2026

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป, ๐—›๐—ผ๐—ป. ๐—”๐—ฑ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป ๐—˜. ๐——๐—ถ๐—บ๐—ฎ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ด! ๐ŸŽ‰๐Ÿ’™

Isang taos-pusong pagbati sa aming SK Chairperson ng Barangay Diwa at SK Municipal Federated Vice President ng Pilar! Sa bawat proyekto at aktibidad, kitang-kita ang iyong dedikasyon, malasakit, at tapang sa paglilingkod sa kabataan. Ang iyong presensya ay nagbibigay gabay, inspirasyon, at haligi ng pagkakaisa sa samahan.

Nawaโ€™y maging masaya at makabuluhan ang iyong kaarawan. Patuloy mong gamitin ang iyong talento at puso sa paglilingkod upang mas marami pang kabataan ang ma-inspire at matulungan.

โ€œLeadership is not about being in charge. Itโ€™s about taking care of those in your charge.โ€ โœจ

๐Ÿ“ Pagbati mula sa Pederasyon ng Sangguniang Kabataan ng Pilar

14/03/2026

๐ŸŽ‰ ๐‡๐€๐๐๐˜ ๐๐ˆ๐‘๐“๐‡๐ƒ๐€๐˜, ๐Œ๐€โ€™๐€๐Œ ๐€๐๐๐ˆ๐„ ๐„. ๐‡๐ˆ๐๐Ž๐‹๐ˆ๐“๐Ž! ๐ŸŽ‰

Warmest birthday greetings to our dedicated and inspiring Municipal Local Government Operations Officer of the Department of the Interior and Local Government โ€“ Pilar, Bataan.

Your unwavering commitment, guidance, and genuine support to the youth and the local government continue to inspire many young leaders to serve with integrity, dedication, and passion. Through your leadership and encouragement, you have helped shape and empower the youth of Pilar to become responsible partners in building a stronger and more progressive community.

Your dedication to public service and your sincere concern for the development of our youth have truly made a meaningful impact in our municipality. We are deeply grateful for your constant guidance, wisdom, and support that motivate us to continue striving for excellence in our service to the community.

On your special day, we wish you abundant blessings, good health, happiness, and continued success in your noble mission of serving the people. May you continue to inspire and guide many more leaders in the years to come.

Once again, Happy Birthday, Maโ€™am Annie! ๐ŸŽ‚

โ€” Sangguniang Kabataan Municipal Federation of Pilar, Bataan

09/03/2026

Gusto mo bang maging bahagi ng kwento? ๐ŸŽฌ

Open na ang casting para sa Senakulo 2026 ng Bayan ng Pilar! Naghahanap kami ng mga bagong mukha at mga talentadong residente na gustong makiisa sa ating tradisyon ngayong Mahal na Kuwaresma.

๐Ÿ“Pilar Residents.

Kahit wala kang experience sa pag-arte, basta may dedikasyon at pusong maglingkod, welcome ka rito!

๐Ÿ“ฉ Mag-message na sa amin para sa detalye ng registration. Tara na at maglingkod sa sining at pananampalataya!

06/03/2026

BABALA SA TRAPIKO

Magkakaroon ng Pansamantalang Pagsasara ng Kalsada sa darating na Marso 10, 2026 (Martes), mula 2:30 ng hapon hanggang 5:00 ng hapon, sa kahabaan ng National Road mula Barangay Panilao (Josefa Ville) hanggang Rizal, bilang pagbibigay-daan sa Traslacion ng Nuestra Seรฑora del Pilar.

๐Ÿ“ Maaaring dumaan sa Sitio Gasili bilang alternatibong ruta.

Kami po ay humihingi ng paumanhin sa anumang abalang maidudulot at inaanyayahan ang lahat na makiisa at mag-ingat.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at pakikipagtulungan.



18/02/2026

๐ŸŽ“โœจ ๐—–๐—ข๐—ก๐—š๐—ฅ๐—”๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—ฆ ๐—˜๐—ก๐—š๐—ฅ. ๐—ฅ๐—ข๐—ฉ๐—œ๐—–!

Isang taos-pusong pagbati kay SK Chairperson Hon. Rovic J. Santos ng Barangay Wakas South sa matagumpay na pagtatapos ng kursong Bachelor of Science in Electronics Engineering!๐ŸŽ‰

Ang iyong tagumpay ay patunay na ang tunay na lider ay hindi lamang nagsisilbi sa kabataan, kundi patuloy ding nagsusumikap upang maabot ang sariling mga pangarap. Nawaโ€™y magsilbi itong inspirasyon sa mas marami pang kabataan na mangarap, magsikap, at magtagumpay.

โ€œAng edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan, at ang sipag at dedikasyon ang susi sa tagumpay.โ€

Isang taos-pusong pagbati at pagpupugay mula sa buong SK Federation. Patuloy kang maging inspirasyon at huwarang lider ng kabataan.

๐— ๐˜‚๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€, ๐—˜๐—ป๐—ด๐—ฟ. ๐—ฅ๐—ผ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฐ! ๐ŸŽ“๐Ÿ‘

17/02/2026

๐—”๐˜€๐—ต ๐—ช๐—ฒ๐—ฑ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐—ฑ๐—ฎ๐˜† | ๐—” ๐—ง๐—ถ๐—บ๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ณ๐—น๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐Ÿ™๐Ÿ•Š๏ธ

Sa pagsisimula ng Kuwaresma, ang abo sa ating noo ay paalala ng ating kahinaan, ngunit higit sa lahat, ng pag-asa at pagkakataong magsimula muli. Nawaโ€™y magsilbi ang araw na ito bilang paanyaya sa puso nating magbalik-loob, magnilay, at magbago para sa sarili, pamilya, at komunidad.

Sa bawat maliit na gawa ng kabutihan at malasakit, unti-unti nating hinuhubog ang mas mabuting mundo, isang hakbang, isang puso, isang panalangin sa bawat pagkakataon.

โœจ Magbalik-loob. Maglingkod. Magmahal.




06/02/2026

๐—”๐—ฅ๐—˜ ๐—ฌ๐—ข๐—จ ๐—ฅ๐—˜๐—”๐——๐—ฌ, ๐—ฃ๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—”๐—ก๐—ฆ! ๐Ÿ”ฅ๐Ÿ†

Tumitibok na ang laban, umiinit na ang aksyon, at handa na ang kabataan ng Pilarian!

Ang SK Federation Cup 2026 โ€“ Pilar ay hindi lang isang Inter-Barangay na paligsahan, ito ay simbolo ng pagkakaisa, disiplina, at positibong paggamit ng oras ng kabataan. Sa pamamagitan ng sports, pinapalakas natin ang samahan ng bawat barangay at isinusulong ang isang ligtas, aktibo, at makabuluhang komunidad.

Ito ang entablado kung saan ipinapakita ang galing, respeto, at tunay na diwa ng sportsmanship.

Maghanda na ang bawat koponan, suportahan ang inyong barangay, at makiisa sa isang laban na may saysay para sa kabataan ng Pilarian.

๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป. ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฎ. ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐˜‚๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป! ๐Ÿ’ช๐Ÿ”ฅ







Want your business to be the top-listed Government Service in Pilar?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Pilar
2101