24/12/2025
MABILIS NA AKSYON NG PULIS, NAILIGTAS ANG SASAKYAN SA SUNOG SA CDO
Mabilis na nakapag-aksiyon ang mga pulis nang mapansin nila ang makapal na usok na nagmumula sa isang sasakyan sa CM Recto Highway, Brgy. 26, Cagayan de Oro City, noong Disyembre 23, 2025.
Bandang 11:40 ng umaga, habang naka-deploy sa strategic area, napansin ng mga personnel ng Israfel Mobile 2, Police Station 3 ang makapal na puting usok mula sa isang trak. Agad nilang ipinaalam ito sa Bureau of Fire Protection (BFP) para sa agarang tulong.
Pagdating ng mga tauhan ng BFP, katuwang ang PNP responders—PCPT Jonathan Emerson A. Acuña, PCPT Rushel S. Pilas, at Pat Snoralph Kevin S. Salazar—at ilang concerned citizens, sinimulan ang firefighting operation upang mapahinto at mapawi ang apoy.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng Fire Station 2, Lapasan, sanhi ng sunog ay short circuit sa kable ng sasakyan, ayon sa may-ari na residente ng Brgy. Bacolod, Ozamiz City.
Pinuri ni Acting Chief PNP PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang mabilis at maagap na aksiyon ng mga tauhan. “Our officers are trained to act immediately in emergencies, and in this instance, they truly showed their commitment to public safety. Ang kanilang mabilis na koordinasyon sa BFP ay nakaiwas sa mas malalang insidente,” ani PNP Chief PLTGEN Nartatez.
Dagdag pa niya, “This is exactly the kind of service we aim for in the Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman. Nais naming malaman ng publiko na sa krimen man, aksidente, o anumang emergency, handang tumugon ang ating mga tauhan anumang oras, kahit saan.”
Pinapakita ng insidenteng ito ang tuloy-tuloy na dedikasyon ng PNP sa kaligtasan ng publiko at ang maagap na pagtugon ng kanilang mga tauhan sa oras ng pangangailangan.

24/12/2025
24/12/2025
18/12/2025
18/12/2025
13/12/2025