18/05/2026
Sangguniang Bayan ng Pilar
Sangguniang Bayan ng Pilar, Bataan
18/05/2026
14/05/2026
πππππππππ πππππππ | May 14, 2026
Isinagawa kahapon ang Committee Meeting kung saan tinalakay ang ibaβt ibang mahahalagang usapin at programa na may layuning higit pang mapabuti ang serbisyo para sa mamamayan ng Pilar.
Naging daan ang pagpupulong upang mapag-usapan ang mga panukala, updates, at iba pang concerns na nangangailangan ng masusing pagtalakay at agarang aksyon para sa kapakanan ng bawat Pilarians.
Patuloy ang pakikipagtulungan at dedikasyon ng bawat miyembro ng komite tungo sa maayos, episyente, at makabuluhang paglilingkod publiko.
14/05/2026
ππππππππππ πππ πππππππ ππππ πππ. ππππ ππππππ
Dinaluhan ni Kgg. Kristel Mae P. Rivera, SB Member, Chairperson Committee on Health and Social Welfare ang Oathtaking and Meeting with Governor Jose Enrique βJoetβ Garcia III kasama ang mga Bataan Legislators on Health na ginanap kahapon Mayo 14, 2026 sa The Bunker.
Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mga updates kaugnay ng pagbuo at pagpapatibay ng mga Ordinansa at Resolusyon na may kinalaman sa kalusugan, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng mga programang pangkalusugan para sa kapakanan ng mamamayan ng Bataan.
Patuloy ang pakikiisa at suporta ng Pamahalaang Bayan ng Pilar sa mga programang naglalayong mapabuti ang serbisyong pangkalusugan para sa bawat Pilarians.
12/05/2026
Nakiisa si Kgg. Rosario D. Paguio, SB Member sa programa ng HRMO Pilar na ang tema ay " Empowering Women in the Workplace". Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakapantay-pantay , respeto, at pagbibigay-lakas sa kababaihan sa lugar ng trabaho upang higit nilang maipakita ang kanilang kakayahan at kontribusyon sa lipunan.
Naging makahulugan ang kanyang pahayag bilang inspirasyon sa lahat ng dumalo upang patuloy na suportahan at itaguyod ang karapatan at kapakanan ng kababaihan sa iba't ibang larangan.
11/05/2026
Isinagawa ngayong araw Mayo 11, 2026, ang Flag Ceremony sa Munisipyo ng Pilar kung saan nagbigay ng pagbati at makahulugang mensahe si Kgg. Sandy R. Enriquez- Sangguniang Bayan Member para sa lahat ng kawani ng pamahalaang bayan, na nagsilbing inspirasyon at paalala ng patuloy na pagkakaisa, dedikasyon, at mahusay na paglilingkod para sa bayan at mamamayan ng Pilar. Sama-samang ipinamalas ng bawat tanggapan ang disiplina at pakikiisa bilang bahagi ng pagpapatibay ng tapat at responsableng serbisyo publiko.
10/05/2026
Happy Motherβs Day po sa mga bayani ng tahanan!
07/05/2026
Maligayang Kaarawan Hon. Kristel Mae P. Rivera!
Nawaβy patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, kaligayahan, at tagumpay sa inyong buhay at paglilingkod sa bayan ng Pilar.
Maraming salamat sa inyong dedikasyon, malasakit, at tapat na serbisyo para sa ating mga kababayan.
Hangad namin ang mas marami pang taon ng makabuluhang pamumuno at biyaya para sa inyo. Muli, isang masaya at mapagpalang kaarawan po!
Maligayang Kaarawan Konsehal Kristel Mae P. Rivera!
Nawaβy patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, kasiyahan, at tagumpay sa inyong buhay at serbisyo publiko. Maraming salamat sa inyong dedikasyon at malasakit sa mamamayan ng Bayan ng Pilar.
Hangad namin ang mas marami pang biyaya at makabuluhang taon para sa inyo.
Muli, maligayang kaarawan po!
07/05/2026
The Sangguniang Bayan of Pilar conducted its Committee Meeting on May 6, 2026, bringing together officials and staff to discuss important matters, strengthen collaboration, and uphold responsive public service for the continuous progress and development of the Municipality of Pilar.
04/05/2026
FLAG RAISING CEREMONY/MUNICIPALITY OF PILAR
Isinagawa ngayong araw, May 4, 2026, ang Flag Raising Ceremony sa Municipality of Pilar pinangunahan ito ni Kgg. Marben Julter Solis, miyembro ng Sangguniang Bayan ng Pilar, sa pamumuno ng ating butihing Mayor Charlie Pizarro, Vice Ces Garcia at kapwa niya Sangguniang Bayan Members, ito ay dinaluhan ng mga kawani ng pamahalaan, Pilar Fire Station BFP R3 at kapulisan. Kasabay nito, ang pagbibigay-pagkilala kay Ms. Shanne Erica P. Galang sa kanyang kahanga-hangang tagumpay para sa kanyang natatanging tagumpay sa pagpasa noong March 2026 Licensure Examination for Physician, na nagbigay ng karangalan sa ating bayan. Ang parangal ay iginawad ni Kgg. Marben Julter Solis, na sinundan ng kanyang pagbibigay ng makabuluhang mensahe na nagsilbing inspirasyon at paalala sa lahat ng lingkod-bayan ng Pilar na patuloy na gampanan ang kanilang tungkulin nang may integridad, dedikasyon, at malasakit sa publiko.
29/04/2026
29/04/2026
The Office of the Sangguniang Bayan of Pilar conducted a Committee Meeting and Public Hearing this April 29, 2026.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Panilao
Pilar
2101
