27/03/2026
Barangay Health Station Wawa Pilar
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Health Station Wawa Pilar, Government Organization, Wawa Pilar Bataan, Pilar.
27/03/2026
Zumba ladies ng Wawa Pilar ☺️♥️
Natuwa lng po sa batang ito ang cute ♥️
22/11/2025
ALAM NIYO BA?
Ang tema ng World Toilet Day na ipinagdiriwang ngayong araw ay: "Sanitasyon ay pahalagahan, para sa maayos at malusog na pamayanan".
Ang World toilet Day ay ipinagdiriwang tuwing ika-19 ng Nobyembre kada taon, na naglalayong bigyang halaga ang karapatan ng bawat tao sa sanitasyon. Sa tema ng taong ito, nais ipaalala sa publiko na ang kalusugan at kaayusan ng isang komunidad ay hindi lamang responsibilidad ng iisa. Ito ay makakamit sa pagkakaroon ng kooperasyon at kagustuhan ng lahat na gawing ligtas ang pamayanang kanilang sinasakupan.
Ngayong araw, nais ipaalala ng Provincial Health Office na kung ang bawat isa ay gagamit ng maayos na palikuran, at kung ito'y mapananatiling malinis, maiiwasan ang pagkalat ng bacteria at virus mula sa dumi ng tao na maaaring magdulot ng iba't-ibang sakit.
Tandaan, ang kalinisan ay karapatan at obligasyon ng bawat isa. Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang maayos, malinis, at ligtas na lalawigan para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.
22/11/2025
ALAM NIYO BA?
Ang 11 munisipalidad at ang Lungsod ng Balanga dito sa Bataan ay mayroong accredited Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP). Kauna-unahan sa buong Central Luzon na nakapagkumpleto ng lahat ng LGUs na may accredited-CBDRP.
Para sa mga indibidwal o sa mga may kamag-anak na dumadaan sa pagkalulong, maaari kayong magtungo sa pinakamalapit na RHU sa inyong lugar upang kayo'y mabigyan ng suporta at tulong para sa mas epektibong pagtigil ng inyong bisyo.
Sa pagdiriwang ng 'Drug Abuse Prevention and Control Week' ngayong ikatlong linggo ng Nobyembre, nais ipaalala ng Bataan Provincial Health Office na laging piliin at pahalagahan ang kalusugan para sa kinabukasan mo at ng iyong pamilya. Maging bahagi ng isang maayos at malusog na komunidad.
Ang tema ng pagdiriwang na ito ngayong taon ay "Sa Bagong Pilipinas, Kalusugan ay Pinapahalagahan, Droga ay Inaayawan".
Iwasan ang droga! Tandaan, kapalit ng panandaliang libang na dulot ng droga ay ang pagkasira ng inyong mental at pisikal na kalusugan, pagkawasak ng pamilya, at pagkasira ng inyong maayos na estado sa lipunan. Bukod pa rito ay mataas din ang tyansang ikaw ay makulong, at magdulot ng pagkabaliw o kamatayan.
Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang malusog at drug-free na bagong Pilipinas para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.
22/11/2025
ALAM NIYO BA?
Isa (1) sa bawat sampung (10) produktong medikal dito sa Pilipinas ay PEKE o may mababang kaledad, ito ay ayon sa World Health Organization (WHO) mula sa kanilang pag-aaral sa mga developing countries kabilang ang ating bansa.
Sa pagdiriwang ng National Consciousness Week Against Counterfeit Medicine ngayong ikatlong linggo ng Nobyembre, na may temang "Isang Bayan, Isang Laban, Pekeng Gamot ay Iwasan", nais hikayatin ng Bataan Provincial Health Office na makiisa at makibahagi sa pagsugpo ng pekeng gamot.
Sakali mang mayroon kayong mabiling hinihinalang gamot na hindi rehistrado o mga pekeng gamot, huwag mag-atubiling ipaalam sa mga awtoridad.
Ipinapaalala sa lahat na maigting pa ring ipinatutupad sa Pilipinas ang Republic Act No. 8203 o ang Special Law on Counterfeit Drugs na nagbabawal sa pagbebenta ng mga gamot na hindi rehistrado ng Food and Drug Administration at paggawa ng mga gamot na hindi sumusunod sa mga tuntuning nakapaloob sa batas na ito.
Tandaan, ang mga counterfeit drugs o mga gamot na hindi nakapasa sa pagsusuri ng mga awtoridad, pati na ang mga gamot na nag-expire na ay makapagdudulot ng masamang epekto sa katawan ng tao o hayop.
Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang ligtas at malusog na komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Wawa Pilar Bataan
Pilar
2101
