NFA Camarines Sur Branch

Directions

NFA Camarines Sur Branch The Official page of National Food Authority Camarines Sur Branch Office

09/10/2026
𝗑𝗙𝗔 𝗖𝗔𝗠𝗔π—₯π—œπ—‘π—˜π—¦ 𝗦𝗨π—₯ 𝗕π—₯𝗔𝗑𝗖𝗛, π—‘π—”π—žπ—”π— π—œπ—§ π—”π—‘π—š 𝟭𝟬𝟬% π—–π—’π— π—£π—Ÿπ—œπ—”π—‘π—–π—˜ 𝗦𝗔 𝗖𝗒𝗔 π—”π—¨π——π—œπ—§!Ang NFA Camarines Sur ay nagkamit ng 100% compliance ...
06/10/2026

𝗑𝗙𝗔 𝗖𝗔𝗠𝗔π—₯π—œπ—‘π—˜π—¦ 𝗦𝗨π—₯ 𝗕π—₯𝗔𝗑𝗖𝗛, π—‘π—”π—žπ—”π— π—œπ—§ π—”π—‘π—š 𝟭𝟬𝟬% π—–π—’π— π—£π—Ÿπ—œπ—”π—‘π—–π—˜ 𝗦𝗔 𝗖𝗒𝗔 π—”π—¨π——π—œπ—§!

Ang NFA Camarines Sur ay nagkamit ng 100% compliance mula sa Commission on Audit (COA) kaugnay ng tamang aplikasyon ng prescribed buying price bulletins alinsunod sa Palay Procurement Standard Operating Procedures (SOP) ng ahensya sa isinagawang palay procurement transactions na may kabuuang bilang na 2,280 sa taong 2025.

(Buong kwento sa Comment Section)





𝗑𝗙𝗔 π—Ÿπ—˜π—”π—¦π—˜π—— π—ͺ𝗔π—₯π—˜π—›π—’π—¨π—¦π—˜π—¦ 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗦𝗔𝗖𝗔𝗒, π—•π—¨π—žπ—”π—¦ 𝗔𝗧 𝗛𝗔𝗑𝗗𝗔 𝗑𝗔!Handa na at binuksan ngayong araw, Oktubre 5, 2026 ang mga NFA Lease...
05/10/2026

𝗑𝗙𝗔 π—Ÿπ—˜π—”π—¦π—˜π—— π—ͺ𝗔π—₯π—˜π—›π—’π—¨π—¦π—˜π—¦ 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗦𝗔𝗖𝗔𝗒, π—•π—¨π—žπ—”π—¦ 𝗔𝗧 𝗛𝗔𝗑𝗗𝗔 𝗑𝗔!

Handa na at binuksan ngayong araw, Oktubre 5, 2026 ang mga NFA Leased Warehouses sa Balogo, Pasacao, Camarines Sur. Layunin nitong makapagbigay ng karagdagan at mas mahusay na suporta sa ating mga magsasaka sa probinsya ng Camarines Sur at Camarines Norte.

πŸ“Bicol Oil Mill Warehouse 1, 2 at 3
Balogo, Pasacao, Camarines Sur

πŸ“† Lunes hanggang Biyernes

πŸ•— 8:00 AM - 5:00 PM

Patuloy na nagsisikap ang NFA na gawing mas accessible at mas abot-kamay ang mga serbisyo nito para sa ating mga magsasaka.





05/10/2026
NFA CAMARINES SUR BRANCH, NAGSAGAWA NG PRE-IMPLEMENTATION COORDINATION MEETINGOktubre 1, 2026 | Bilang paghahanda sa maa...
01/10/2026

NFA CAMARINES SUR BRANCH, NAGSAGAWA NG PRE-IMPLEMENTATION COORDINATION MEETING

Oktubre 1, 2026 | Bilang paghahanda sa maayos at episyenteng pagpapatupad ng mga nakatakdang paggiling ng palay, nagsagawa ang NFA Camarines Sur Branch ng isang Pre-Implementation Coordination Meeting kasama ang mga contracted private rice millers at ang handling services contractor.

Layunin ng pagpupulong na talakayin at pagtibayin ang mga mahahalagang alituntunin, proseso, at kinakailangang paghahanda kaugnay ng pagpapatupad ng mga serbisyong may kinalaman sa milling at handling ng mga stock ng palay ng ahensya. Binigyang pansin din ang maayos na koordinasyon sa pagitan ng NFA at ng mga kontratista upang matiyak ang malinaw na pag-unawa sa kani-kanilang mga tungkulin at mga pamantayang dapat sundin sa pagsasagawa ng mga nakatalagang gawain.





π‡π€πππ˜ 54𝐓𝐇 π€πππˆπ•π„π‘π’π€π‘π˜, 𝐍𝐅𝐀!Sa pagdiriwang ng ika-54 na anibersaryo ng National Food Authority, nakiisa ang NFA Camarine...
28/09/2026

π‡π€πππ˜ 54𝐓𝐇 π€πππˆπ•π„π‘π’π€π‘π˜, 𝐍𝐅𝐀!

Sa pagdiriwang ng ika-54 na anibersaryo ng National Food Authority, nakiisa ang NFA Camarines Sur Branch sa makabuluhang selebrasyon sa pamamagitan ng Bugkos Bicol, isang pagtitipong naglalayong palakasin ang pagkakaisa, pagtutulungan, at matibay na samahan ng mga kawani ng NFA sa buong Rehiyon ng Bicol.

Ang pagdiriwang na ito ay hindi lamang paggunita sa mahigit limang dekada ng makabuluhang paglilingkod ng ahensya, kundi isang pagkakataon din upang kilalanin ang dedikasyon, sakripisyo, at sama-samang pagsisikap ng bawat kawani na patuloy na tumutupad sa mahalaganag mandato ng NFA.





πŸŒ±Ι΄κœ°α΄€ α΄€α΄› 54: α΄˜α΄œΙ΄ΚŸα΄€β€™Κ Ιͺα΄›α΄€Ι΄Ιͺᴍ, α΄‹ΙͺΙ΄α΄€Κ™α΄œα΄‹α΄€κœ±α΄€β€™Κ α΄˜α΄€Ι’α΄›ΙͺʙᴀʏΙͺΙ΄! 🌱Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-54 na anibersaryo ng National ...
25/09/2026

πŸŒ±Ι΄κœ°α΄€ α΄€α΄› 54: α΄˜α΄œΙ΄ΚŸα΄€β€™Κ Ιͺα΄›α΄€Ι΄Ιͺᴍ, α΄‹ΙͺΙ΄α΄€Κ™α΄œα΄‹α΄€κœ±α΄€β€™Κ α΄˜α΄€Ι’α΄›ΙͺʙᴀʏΙͺΙ΄! 🌱

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-54 na anibersaryo ng National Food Authority (NFA), nakiisa ang NFA Camarines Sur Branch sa isinagawang simultaneous tree planting activity ng ahensya -- isang makabuluhang pagkilos na naglalayong palakasin ang kamalayan at pakikiisa sa pangangalaga at pagpapanatili ng ating kalikasan.

Higit pa sa isang gawaing pangkalikasan, ang aktibidad na ito ay nagsisilbing simbolo ng patuloy na paglago at matibay na paninindigan ng NFA sa paglilingkod sa bayan.





π— π—”π—œπ—‘ 𝗖π—₯𝗒𝗣, π—¦π—œπ— π—¨π—Ÿπ—” 𝗑𝗔 β€” π—£π—”π—Ÿπ—”π—¬ 𝗣π—₯𝗒𝗖𝗨π—₯π—˜π— π—˜π—‘π—§, π—§π—¨π—Ÿπ—’π—¬ 𝗑𝗔! 🌾Panibagong ani, panibagong pagkakataon para sa ating mga magsasaka!...
23/09/2026

π— π—”π—œπ—‘ 𝗖π—₯𝗒𝗣, π—¦π—œπ— π—¨π—Ÿπ—” 𝗑𝗔 β€” π—£π—”π—Ÿπ—”π—¬ 𝗣π—₯𝗒𝗖𝗨π—₯π—˜π— π—˜π—‘π—§, π—§π—¨π—Ÿπ—’π—¬ 𝗑𝗔! 🌾

Panibagong ani, panibagong pagkakataon para sa ating mga magsasaka!

Kasabay ng pagsisimula ng main cropping season, tuloy-tuloy na ang palay procurement activity ng NFA Camarines Sur Branch. Handa kaming tumanggap ng inyong ani at suportahan ang ating mga lokal na magsasaka.

May palay? Dalhin sa NFA! 🌾

Para sa mga katanungan at detalye kung paano maibebenta ang inyong ani, makipag-ugnayan sa:

πŸ“ SORCOM WAREHOUSE
Sagurong, Pili, Camarines Sur

πŸ“± 0921 667 4060

Ani ng magsasaka, suporta ng NFA!





Address

Palestina, Camarines Sur
Pili
4418

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NFA Camarines Sur Branch posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share