21/01/2026
𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃
Ang Municipal Health Office - Plaridel page na ito ay made-deactivate na simula bukas (01/22/2026) dahil sa technical issues.
Inaanyayahan ang lahat na i-follow at suportahan ang bagong Municipal Health Office - Plaridel page upang maging updated sa mga anunsyo, programa, at kaalamang pangkalusugan.
I-click lamang ang link na ito para sa bagong Municipal Health Office - Plaridel page: https://www.facebook.com/profile.php?id=61586756527940
Maraming salamat po.
21/01/2026
𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃
Ang Municipal Health Office - Plaridel page na ito ay made-deactivate na simula bukas (01/22/2026) dahil sa technical issues.
Inaanyayahan ang lahat na i-follow at suportahan ang bagong Municipal Health Office - Plaridel page upang maging updated sa mga anunsyo, programa, at kaalamang pangkalusugan.
I-click lamang ang link na ito para sa bagong Municipal Health Office - Plaridel page: https://www.facebook.com/profile.php?id=61586756527940
Maraming salamat po.
Municipal Health Office - Plaridel
Government organisation
20/11/2025
Ikinagagalak po namin ipahayag na ang Pamahalaang Bayan ng Plaridel ay CERTIFIED DRUG-FREE WORKPLACE.
Maraming salamat sa suporta at pakikipagtulungan ng ibat ibang ahensya ng ating minamahal na bayan ng Plaridel upang makamit ang certification na ito.
🎉 CERTIFIED DRUG-FREE WORKPLACE ang Pamahalaang Bayan ng Plaridel! 🚫💊✨
Isang malaking karangalan na tanggapin ng Pamahalaang Bayan ng Plaridel ang Drug Free Workplace Certification mula sa Regional Peace and Order Council – Region III, bilang pagkilala sa ating mahigpit at tuloy-tuloy na pagpapatupad ng mga polisiya para sa ligtas na pagtatrabaho sa lahat ng tanggapan ng LGU.
Ito ay patunay ng ating pangako na panatilihing tapat, maaasahan, at walang lugar para sa ilegal na droga ang ating serbisyo publiko—para sa mas ligtas na komunidad at mas maayos na pamahalaan.
Para sa Plaridel. Para sa bawat Plarideleño. 💛
Plaridel, Diretso sa Progreso!
28/10/2025
Magandang araw!
Alam nyo ba na bukod sa maaaring mag ligtas ng buhay ang pagbibigay ng dugo, ay marami pa itong kalakip na benepisyo para sa donor?
1. Libreng pag-check ng inyong kalusugan.
2. Pinapababa ang risk para sa mga sakit sa puso at atay.
3. Pinapababa ang risk na magka-cancer.
4. Tumutulong magpababa ng timbang.
5. Tumutulong sa mas malusog na dugo. Tinutulungan nito na mag-develop ng bago at malulusog na cells ng dugo.
6. Tumutulong para mapabuti ang pangkabuuang kalusugan o well-being.
Ang Mobile Blood Drive ay isasagawa sa mga sumusunod na Barangay ngayong buwan ng Nobyembre mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.
🩸November 5, 2025 - Brgy. Rueda Covered Court
🩸November 12, 2025- Brgy. Dampol Covered Court
🩸November 19, 2025 - Brgy. Parulan Covered Court
🩸November 24, 2025 - Brgy. Bagong Silang Covered Court
🩸November 26, 2025 - Brgy. Bulihan Covered Court
Sama-sama tayo sa misyon ng bayanihan. Halina't makiisa sa Mobile Blood Donation Drive sa inyong Barangay!
Maraming Salamat po.
26/10/2025
MAHALAGANG PABATID:
Ang Philhealth (LHIO) office na dating nasa Vista Mall Malolos City ay lumipat na po sa Builders Warehouse Building, Mc Arthur Highway, Bulihan, Malolos City. Bukas po ang kanilang bagong opisina simula October 27, 2025.
Narito po ang link ng lokasyon ng bagong opisina ng Philhealth:
https://maps.app.goo.gl/uxLjmYReHwR1wAhG7?g_st=ipc
17/10/2025
MAHALAGANG KAALAMAN☝🏻
Sunod sunod na niyanig ng lindol ang iba’t-ibang parte ng ating bansa. Mahalaga na tayo ay handa sa mga sakuna tulad ng lindol.
Narito ang ilang kaalaman upang tayo ay maging handa sa lindol dahil ang kaligtasan ay nagsisimula s kahandaan.
Ingat, Plarideleño!
17/10/2025
KAALAMANG PANGKALUSUGAN☝🏻
Narito ang ilang impormasyon tungkol sa nauusong sakit ngayon, ang Influenza Like Illness.
Ugaliing mag hugas ng kamay upang makaiwas sa nakakahawang sakit tulad nito.
Magtungo sa ating mga BHS at RHU kung kayo ay may mga sintomas upang mabigyan ng tamang gamot.
Ingat, Plarideleño!
16/08/2025
Magandang araw, Plaridel!
Ngayong buwan ng Agosto, ang Municipal Health Office ng Plaridel ay magsasagawa ng libreng MR-Td immunization sa lahat ng pampublikong paaralan.
📌 Ang bakunang ito ay para sa Grade 1 at Grade 7 na mag-aaral.
📌 Layunin nito na bigyan ng proteksyon laban sa tigdas, rubella, tetano, at dipterya — mga sakit na maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon.
Mga magulang, tiyakin na makakapagpabakuna ang inyong mga anak. Ang pagbabakuna ay ligtas, epektibo, at libre.
Sama-sama nating ingatan ang kalusugan ng ating mga kabataan para sa isang malusog at protektadong Plaridel!
👉 Para sa karagdagang detalye, makipag-ugnayan sa inyong paaralan o sa Municipal Health Office.
14/08/2025
Maraming salamat, Plarideleño!
Ang karangalang ito ay ibinabahagi namin sa bawat Plarideleño na naging kaagapay namin at nag handog ng dugo tuwing tayo ay nagkakaroon ng Mobile Blood Donation sa bawat barangay.
Nawa’y patuloy tayong magtulungan upang mapunan ang pangangailangan na dugo ng ating mga kababayan.
Mabuhay ang mga Plarideleño!
𝗣𝗟𝗔𝗥𝗜𝗗𝗘𝗟, 𝗡𝗢. 𝟭 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗟𝗔𝗖𝗔𝗡! 🩸🏆
Isang karangalan na kilalanin bilang Top LGU sa Bulacan sa Sandugo Award ng Department of Health – Central Luzon para sa taong 2024.
Sa ating 25.89% Blood Donation Rate, ipinapakita natin na ang ating bayan ay handang magbigay ng oras at lakas, pati na rin ng buhay para sa kapwa.
Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng tagumpay na ito. Ang inyong malasakit ang tunay na panalo ng Plaridel. ❤️
14/08/2025
📣 PORMAL NA PAGBUBUKAS NG BAGONG RHU 3!
Sa patuloy na pagsisikap at malasakit para sa kalusugan ng bawat Plarideleño, masaya naming ipinapaabot ang pagbubukas ng bago at mas malaking Rural Health Unit 3 (RHU 3) sa pangunguna ni Mayor Jocell Vistan-Casaje.
Ito po ay matatagpuan sa Sitio Matabuboc, Purok Santan, San Jose, Plaridel, Bulacan. Katabi po ito ng Covered Court ng San Jose, sa may patubig. (Google maps: https://maps.app.goo.gl/GmwHRM3e9T237cbE9?g_st=ipc)
Ang bagong RHU 3 ay nakahandang magbigay ng mas malawak at maayos na serbisyong pangkalusugan para sa ating mga kababayan mula sa mga barangay:
✅ San Jose
✅ Bulihan
✅ Bintog
✅ Culianin
✅ Parulan
Ito ay hakbang tungo sa mas maayos, at mas de-kalidad na serbisyong medikal para sa lahat. Sama-sama nating tangkilikin at ingatan ang bagong RHU 3 na tunay na alay para sa bawat Plarideleño.