AJ San Pedro Gatuz

AJ San Pedro Gatuz

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from AJ San Pedro Gatuz, Public Service, Plaridel.

Photos from AJ San Pedro Gatuz's post 10/05/2022

Una sa lahat ang pasasalamat sa lahat ng nagpabatid ng suporta, tulong at pagmamahal na walang hiniling na kapalit.

Pinagdarasal ko na hindi man sa aking kaparaanan maibalik ang pasasalamat ay ang Diyos ang nakakaalam at sya mismo ang magbabalik ng siksik, liglig at umaapaw na gantimpala.

Para sa isang kagaya ko na bata, baguhan sa larangang ito hindi ko maikakaila na naging mahirap ang paglalakbay pero babaunin ko ang lahat ng pangaral at pagpapahalaga na binigay nyo sakin all the days of my life. Peksman.

Dito ko napatunayan na ang taong nagmamahal/nagmamalasakit sayo ay may kusa para akayin ka at hindi iwan sa gitna ng iyong landas. May mga tao din na ibibigay ang Diyos sayo para ipakita ang kanyang pagpapala, walang sinisino mahirap man o mayaman tutulungan ka talaga. Hindi ko kayo makakalimutan.

Hindi biro ang kabuuang bilang na 12,770 casted votes na pinagkatiwala nyo sa akin. Hindi ko man hilingin na ako ay inyong suportahan, nasaksihan nyo ho ang sinsero kong layunin para sa ating bayan. Mabuhay po kayo!

Sa isang labanan, alam natin na may mananalo at matatalo kung kaya’t I HUMBLY ACCEPT the judgment of the people of the Municipality of Plaridel.

Hindi ako nagsisisi na ako ay tumindig para sa minamahal nating bayan. Lumaban ng may integridad na dala at baon parin hanggang matapos ang laban na ito. Masaya ang puso ko na kayo ay aking nakilala.

Pero sabi nga, LIFE MUST GO ON. Magbabalik bilang isang ordinaryong mamamayan pero patuloy na makikilahok at susuporta sa usapang pang komunidad.

Muli po, ako po si ANGELICA JANE “AJ” SAN PEDRO GATUZ. Isang kabataang nanindigan ng layunin para sa bayan ng Plaridel.

Maraming maraming salamat po!

to IbaNaman2025???🤔🤔🤔😂

Photos from AJ San Pedro Gatuz's post 07/05/2022

Sa mga nagdaan po na araw, linggo at buwan ramdam ko po ang sigaw at suporta ng tao sa isang kagaya ko na ang nais ay maglingkod para sa konseho ng ating bayan.

Nawa sa pamamagitan ng kaunting oras at panahon na tayo ay nagkadaupang palad ay nakita nyo ho ang sinsero kong puso na iaalay ko po sainyo, kapwa ko Plaridelenyo.

Maraming maraming salamat po sa lahat ng sumuporta, maliit man o malaki. Hindi ko po kayo makakalimutan.

Sa darating ng lunes, May 9, 2022 muli ko pong hihilingin na ako po ay masama sa inyong pagboto bilang Konsehal ng ating bayan.

Muli po, AJ SAN PEDRO GATUZ, numero syete sainyong balota.

Titindig para sa bayan. BAGO NAMAN!



05/05/2022

Maraming maraming salamat po sa patuloy at mainit na pagtanggap sa akin!

Datapwat, ako ay bago sa larangang ito buong buo ang inyong pagsuporta sa inyong lingkod!

Tunay nga, gusto na ng tao ng BAGO, TAYO naman mga Plaridelenyo💚

⚫️ 7. GATUZ, AJ
Para KONSEHAL



27/04/2022

Inilapat sa lilim upang di mainitan,
Ginawan ng obra ang aking pangalan,
Tunay nga naman dalisay at sinsero ang suporta ng aking kabarangay!

Too cute not to post and brag! Thank you so much kuya Jei!

Titindig para sa bayan,
Bago naman, tayo naman!

⚫️ 7. GATUZ, AJ
Para KONSEHAL

#7


Photos from AJ San Pedro Gatuz's post 27/04/2022

House to House at Isabel Village, Barangay Tabang!

⚫️ 7. GATUZ, AJ
Para KONSEHAL

Salamat po sa pagpapaunlak na kayo ay aking masilayan at gayon na rin na ako po ay makapagpakilala sainyo❤️

Titindig para sa bayan👍🏻

#7


Photos from AJ San Pedro Gatuz's post 25/04/2022

Visited my lola, Emerenciana “Emy” Isidoro. Kahit medyo hirap sya sa pagsasalita, she make jokes of me pa, regarding election.

We also remembered my lolo, Antonio “Tony” Reyes San Pedro saying hindi ako mahihirapan about campaign if he is here. Pero despite, masaya yun alam ko kasi pinili ko ang landas na pinili din nya.

Kaya Plaridelenyo, tayo na magsama sama.

Bago naman, tayo naman!



23/04/2022

Ang inyo pong lingkod, KONSEHAL AJ SAN PEDRO GATUZ, ay magkakaroon ng motorcade bukas April 24, 2022 araw ng linggo.

Sa mga nais pong magpabatid ng suporta at sumama narito po ang detalye ng isasagawang motorcade.

Assembly Time: 7:00am
Assembly Place: Fil-Estate
Departure @ Fil-Estate: 7:30am

Maraming Salamat po sa patuloy nyong pakikiisa sa labang ito!



#7

Photos from AJ San Pedro Gatuz's post 16/04/2022

Sto. Niño Row House Residence, maraming salamat po sa pagtyatyaga nyong makinig sa inyong lingkod ukol sa plataporma at programa na ating nais ihain sa kabila ng init ng araw.

Tulungan nyo po ako sa laban na ito.

⚫️ 7. GATUZ, AJ
Para KONSEHAL

#7


Photos from AJ San Pedro Gatuz's post 16/04/2022

Barangay BANGA 1ST, malugod po ako nagpapasalamat sa inyong mainit na suporta sa inyong lingkod.

⚫️7. GATUZ, AJ
Para KONSEHAL

Titindig at lalaban para sa bayan!

#7


Photos from AJ San Pedro Gatuz's post 16/04/2022

Matatamis na ngiti, maiinit na pagsalubong ang bumungad sakin mula sa aking mga kababayan sa Barangay SIPAT!

Kaya po ako po ay lubos na nagpapasalamat sa bawat isa po na nagpahayag at nagpaunlak po ng suporta.

Muli po, ako po si

⚫️ 7. GATUZ, AJ
Para KONSEHAL

Handa na po upang maglingkod sa konseho sa ating bayan ng Plaridel.

#7


Photos from AJ San Pedro Gatuz's post 10/04/2022

Kaunti man ang nailakip kong litrato, naging makabuluhan po ang aming pakikipagtapo sa mga mamamayan ng Barangay BULIHAN!!!

Kasama po ang mga ibang independent councilor nagnanais maglingkod sa konseho ng Plaridel, Konsi Oliver Esperanza at Konsi Jon Tomaneng.

Tara na po, ako po ay inyo ng akayin sa darating na Halalan. Muli po,

⚫️7. GATUZ, AJ
Para KONSEHAL



Photos from AJ San Pedro Gatuz's post 10/04/2022

Ang inyong mga ngiti, pagpapaunlak na ako ay makita, makamayan, masilayan ay lubos ko pong kinagagalak.

Barangay CULIANIN, naririnig ko po ang inyong tinig. Kaisa ninyo po ako sainyong adhikain na mapabuti, mapagyabong pa ang serbisyong gobyerno sa ating bayan!

Maraming Salamat po, mahal ko po kayo❤️👋🏼

⚫️7. GATUZ, AJ
Para KONSEHAL

#7


Want your business to be the top-listed Government Service in Plaridel?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Plaridel
3004