SKonsi Michelle Gaba

Directions Contact the organization

SKonsi Michelle Gaba This is the Official page of KAGAWAD MICHELLE GABA

𝐍𝐠𝐢𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐥𝐮𝐬𝐨𝐠, 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐬𝐢𝐠𝐥𝐚! ❤️🦷Pamamahagi ng dental kits sa ating mga daycare students upang itaguyod ang wastong p...
23/10/2026

𝐍𝐠𝐢𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐥𝐮𝐬𝐨𝐠, 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐬𝐢𝐠𝐥𝐚! ❤️🦷

Pamamahagi ng dental kits sa ating mga daycare students upang itaguyod ang wastong pangangalaga sa ngipin at kalinisan sa murang edad.

Patuloy nating suportahan ang kalusugan ng ating mga kabataan para sa mas malusog at mas maliwanag na kinabukasan! 😊



🎉 𝗠𝗔𝗟𝗨𝗚𝗢𝗗 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗧𝗜, 𝗝𝗨𝗕𝗜𝗟𝗘𝗘 𝗖𝗛𝗜𝗟𝗗 𝗗𝗘𝗩𝗘𝗟𝗢𝗣𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥! 🎉Isang karangalan ang pagkamit ng 𝗟𝗲𝘃𝗲𝗹 𝗜𝗜𝗜 𝗔𝗰𝗰𝗿𝗲𝗱𝗶𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 ng Jub...
23/10/2026

🎉 𝗠𝗔𝗟𝗨𝗚𝗢𝗗 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗧𝗜, 𝗝𝗨𝗕𝗜𝗟𝗘𝗘 𝗖𝗛𝗜𝗟𝗗 𝗗𝗘𝗩𝗘𝗟𝗢𝗣𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥! 🎉

Isang karangalan ang pagkamit ng 𝗟𝗲𝘃𝗲𝗹 𝗜𝗜𝗜 𝗔𝗰𝗰𝗿𝗲𝗱𝗶𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 ng Jubilee Child Development Center! 🏆

Pagbati kay Teacher Shena Lihaylihay, Kap Leo Ramos, at sa buong pamunuan ng JSP sa pangunguna ni Rev. Fr. Melchor Ignacio sa tagumpay na ito.

Patunay ito ng inyong dedikasyon at sama-samang pagsisikap para sa de-kalidad na edukasyon at paghubog sa kinabukasan ng ating mga kabataan.

𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐋𝐨𝐥𝐨’𝐭 𝐋𝐨𝐥𝐚! 🩺✨Taos-pusong pasasalamat sa PCSO sa pangunguna ni Director Imel...
13/10/2026

𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐋𝐨𝐥𝐨’𝐭 𝐋𝐨𝐥𝐚! 🩺✨

Taos-pusong pasasalamat sa PCSO sa pangunguna ni Director Imelda Papin, kay Ma’am Connie Helgens of Aerostop, sa Pamahalaang Bayan ng Plaridel Mayor Jocell Vistan Casaje, at sa pamunuan ng Senior Citizens, sa matagumpay na pagsasagawa ng Medical and Dental Mission.

Maraming salamat po sa inyong suporta at malasakit sa kalusugan ng ating mga Lolo’t Lola. Tunay na ang serbisyong may puso ay serbisyong ramdam ng bawat mamamayan. ❤️🙏




Team Health 🫶🏻✨
12/10/2026

Team Health 🫶🏻✨

October 12 | Patuloy ang serbisyong may malasakit! 💚Kasama si Kapitana Rosalie Ramos sa pagbibigay ng UHA  handog ni May...
12/10/2026

October 12 | Patuloy ang serbisyong may malasakit! 💚

Kasama si Kapitana Rosalie Ramos sa pagbibigay ng UHA handog ni Mayor Ate Jocell Vistan para sa ating mga first-time moms bilang suporta at gabay sa kanilang bagong yugto ng pagiging ina.

Isang patunay ng ating patuloy na pagsuporta sa kalusugan ng bawat pamilya sa komunidad sa pangunguna ng ating Punong Barangay Kap Leo Ramos. 🤝✨


08/10/2026

📢 𝐁𝐔𝐋𝐒𝐔 𝐏𝐋𝐀𝐑𝐈𝐃𝐄𝐋, 𝐀𝐏𝐑𝐔𝐁𝐀𝐃𝐎 𝐍𝐀!!!

APRUBADO NA ANG RESOLUSYON NA NAGPAPAHINTULOT SA PAMAHALAANG BAYAN NG PLARIDEL NA LUMAGDA SA MEMORANDUM OF AGREEMENT (MOA) PARA SA BULACAN STATE UNIVERSITY (BulSU) EXTENSION CAMPUS SA PLARIDEL!

Isang mahalagang hakbang para mas mailapit ang quality tertiary education sa ating mga kababayan at mas maraming Plarideleño ang magkaroon ng pagkakataong makapag-aral ng kolehiyo nang mas malapit sa kanilang tahanan. 🎓

Ang usaping ito ay hindi basta-basta napagdesisyunan. Dumaan ito sa serye ng committee meetings/hearings, masusing deliberasyon, paglilinaw at tamang konsultasyon, upang mapag-aralan nang mabuti ang bawat probisyon at ang magiging epekto nito sa ating mga estudyante.

📚 At mahalaga ring bigyang-linaw ang usapin ng TES.

Ang Tertiary Education Subsidy (TES) ay itinatag sa ilalim ng Republic Act No. 10931, o Universal Access to Quality Tertiary Education Act. Sa ilalim ng batas, nagbibigay ang TES ng tulong para sa gastusin sa tertiary education ng mga kwalipikadong estudyante.

Ngayon, sa pamamagitan ng Republic Act No. 12325, na naaprubahan noong September 4, 2026, inamyendahan at pinalawak ang RA 10931. Kabilang dito ang pagpapatuloy ng TES para sa mga qualified beneficiaries, na patuloy na makatatanggap ng grant para sa natitirang prescribed duration ng kanilang programa, subject sa mga eligibility requirements ng batas at mga alituntunin ng UniFAST.

Ibig sabihin, patuloy ang suporta para sa mga kwalipikadong mag-aaral at patuloy ding may mekanismo para sa mga estudyanteng maaaring maging kwalipikado sa TES alinsunod sa batas at implementing guidelines.

Dahil sa likod ng bawat scholar ay hindi lamang isang estudyante.

May isang ina. May isang ama. May magkakapatid. May isang buong pamilya na umaasa na balang araw ay makapagtatapos ang kanilang anak.
Kaya ang hangad natin, patuloy na pangalagaan ang access sa edukasyon at palawakin ang mga oportunidad para sa ating mga kabataan.🤝🎓

Maraming salamat sa ating walong Kasangguni na nakasama natin at tumindig para sa adhikaing ito.

Para sa edukasyon. Para sa kabataan. Para sa kinabukasan ng Plaridel. 🇵🇭

OCT 5 | Zumba Raffle for A CausePagbati sa ating LBES Parent Teacher Association sa matagumpay na Programa! Pawis, saya,...
05/10/2026

OCT 5 | Zumba Raffle for A Cause

Pagbati sa ating LBES Parent Teacher Association sa matagumpay na Programa! Pawis, saya, at pagtutulungan para sa isang makabuluhang layunin! 🙌


HAPPY TEACHER’S DAY Isang karangalan po ang makasama sa Teacher’s Day Celebration at makiisa sa pagbibigay-pugay sa atin...
02/10/2026

HAPPY TEACHER’S DAY

Isang karangalan po ang makasama sa Teacher’s Day Celebration at makiisa sa pagbibigay-pugay sa ating mga g**o na walang sawang nagtuturo, gumagabay, at humuhubog sa kinabukasan ng ating mga kabataan.

Maraming salamat po sa inyong dedikasyon, tiyaga, at pagmamahal sa serbisyo. Kayo po ay tunay na katuwang ng ating pamayanan sa paghubog ng isang mas maliwanag na bukas. 🫶🏻✨

Happy Teacher’s Day sa lahat ng ating minamahal na g**o! 👩‍🏫👨‍🏫


Address

Lumangbayan, Plaridel Bulacan
Plaridel

Opening Hours

Monday 10am - 5pm
Tuesday 10am - 5pm
Wednesday 10am - 5pm
Thursday 10am - 5pm
Friday 10am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SKonsi Michelle Gaba posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to SKonsi Michelle Gaba:

Shortcuts

Share