29/05/2026
LEADER'S CONVERGENCE 2026
"Transcending: Leadership Beyond Borders"
Nakiisa po ang inyong Sipag-lingkod Kuya Pres. Mark Allensa naganap na Leadership training na pinamagatang Leader's Convergence 2026.
Nakasama natin ang iba't-ibang kabataang na SK Chairperson, Councils, Local Youth Development Councils at Officers, at ang mga maraming NGO's. Dito ay nagkaroon ng mga activities, workshop, training, at mga seminars na tutulong sa bawal kabataan na dumalo.
Salamat po sa Samahan ng Makabagong Kabataang Progresibo bilang inyong pangulo ay marami tayon ituturo at ipapasa sa mga lider ng samahan, salamat rin sa mga iba't ibang samahan sa tulong ng Provincial Youth and Sports Development Office.
27/04/2026
"GALAW KABATAAN, ZUMBA KABATAAN"
Nakiisa ang iyong Sipag-lingkod Kuya Pres. Mark Allen sa ginanap na programa para sa mga kabataan, kuya, ate, nanay, tatay, at bawat mamamayan ng Brgy. Lumang Bayan, Plaridel 🙌🏻🎊
Pagbati sa SAMA KA PO Inc - Federation of Plaridel sa pangunguna ni Fed Pres. Allen Manalad at Lumang Bayan Pres. Christop Yasay sa matagumbay na programang ito.
Salamat rin sa walang tulong at suporta ni G. Konsi Louie Yasay na hindi nagsasawang magmahal sa proyekto ng Samahan.
At sa lahat ng mga officers at miyembro ng Samahan maraming salamat at pagpatuloy lang natin ang walang sawang pagtulong at pagmamahal sa kabataan ❤️
20/03/2026
FINANCIAL FORUM: "Financial Preparation for New Youth Generation" 🙌🏻
Marso 20, 2026 ay nagkaroon at nagsagawa po ang inyong Sipag-lingkod Kuya Pres. Mark Allen ng isang forum tungkol sa paghawak at tamang edukasyon tungkol sa usaping pinansyal. Ito ay sa pamamagitan ng isang talakayan para sa mga kabataan ng ACLC-Malolos at sa tulong ng ABCMPC Cooperative.
Maraming salamat sa paanyaya ng ating naging guest speaker na si Mr. Louie Yasay na siyang nagbahagi ng kanyang karanasan at kaalaman.
Tunay nga na habang bata pa lamang ay turuan na ang ating mga kabataan para sa susunod na henerasyon.
Edukasyon sa tamang pinansyal ang solusyon!
01/03/2026
NATIONAL ARTS MONTH, "Ani ng Sining: Katotohanan at Giting" 👏🏻
Ang inyong Sipag-lingkod Kuya Pres. Mark Allen ay isa sa mga naging hurado sa isinagawang National Arts Month ng The Sisters Of Mary School -Boystown sa Silang, Cavite.
Sa pamamagitan ng mga malikhaing sayaw at mga kasuotan ay naging matagumpay ang program. Tunay nga po na lahat ng sumali ay karapat dapat na manalo dahil lahat ay napaka husay at napaka galing sa larangan ng sining.
Pagbati po sa lahat ng bumubuo ng program lalo na sa Program Head na si G. Aaron James Rondina na nag-imbita sa amin at nanguna sa isang buwan ng programa.
19/02/2026
PEBRERO 17, 2026
Nakiisa ang inyong Sipag-lingkod Kuya Pres. Mark Allen sa idinaos na "BULAKAN GOT TALENT" sa Barangay ng Bambang, Bulakan.
Isa po tayo sa naging Major Judge ng nasabing patimpalak. Naging matagumpay at napaka huhusay ng mga sumali at nakiisa sa programang ito.
Pagbati po sa mga nanalo at tunay na mahuhusay ang mga talento at galing ng Bulakenyo!
24/01/2026
80th ANIBERSARYO NG PARTIDO LIBERAL NG PILIPINAS! 🙌🏻
Ang inyong Sipag-lingkod Kuya Pres. Mark Allen ay nakiisa sa 80th Anniversary ng Liberal Party of the Philippines. Tunay nga na sa tagal, tatag, at tibay ng Political Party na ito ay nakakahanga ang mga naging ambag nito para sa bansang Pilipinas.
A great milestone was build and it is continue to serve the Filipino people!
Bilang miyembro ay nakasama po natin ang iba't ibang opisyal ng Pamahalaan sa lokal man o sa nasyonal. Maraming salamat po at patuloy po tayong maglilingkod at titindig para sa bayan.
16/12/2025
DISYEMBRE 16, 2025
"CHRISTMAS JOLLY SERIES"
Tayo po ay nakiisa sa Gift Giving Christmas Party ng mga Kindergarden Carilio Elementary School sa Hagonoy, Bulacan. 🎄
Nagbahagi po tayo ng mga simpleng regalong candies, ito po ay naghatid ng munting saya sa mga bata.
Tunay nga na ang diwa ng pasko ay nasa pagbibigayan at pagkakaroon ng puso sa kapwa. ❤️
15/12/2025
DISYEMBRE 15, 2025
"CHRISTMAS JOLLY SERIES 🎄🎁💕"
Ang inyong Sipag-lingkod Kuya Pres. Mark Allen ay naghandog ng simpleng pamaskong regalo para sa mga bata ng Lucas N. Domingo Elementary School (Bagong Silang Elementary School) sa darating nilang Christmas Party kasama ang kanilang mga masisipag na g**o.
Maraming salamat sa mga nakasama at nakatuwang natin sa programang ito. Salamat kay Doc. Nestor Lucas sa isang masayang pagtanggap sa amin. Salamat rin sa walang sawang nakakasama natin na si Sir Konsi Louie Yasay.
Muli, tandaan natin na wala sa liit or sa laki ng regalo ang tunay na simbolo ng pasko ngunit ito't nasa puso at gawa natin.
02/12/2025
DISYEMBRE 02, 2025
Bilang isa sa mga naging "BULSU Outstanding Alumni" noong taong 2022 tayo po ay na imbitahang muli upang saksikan ang mga bagong paparangalan sa taong 2025.
Pag bati po mula sainyong Former 2022 Alumni Awardee sa larangan ng "Public Service" tunay nga na iba ang galing BULSU lalo na kung sasamahan ng pagmamahal at pagsisikap ang bawat gawain! ❤️