08/10/2026
Salamat po sa Mayor sa ginawang aksiyon sa naidulog sa Sangguniang Bayan na ini endorso sa Opisina ng Punong Bayan para mapag usapan. ๐
Ang Sangguniang Bayan po kaagapay sa pagsisig**o na ang kapakanan ng mamamayan ang siyang dapat manguna.
October 7, 2026
Tayo po ay nagtungo sa Munisipyo ng Real, Quezon upang personal na makipag-ugnayan sa mga kinauukulan hinggil sa kasalukuyang sitwasyon ng sistema ng transportasyon ng ating mga kababayan na dumaraan sa Port of Real.
Nakausap po natin si Municipal Administrator Dinuel Manlogon, kung saan ating ipinaabot ang mga hinaing at concerns ng ating mga kababayan kaugnay ng bagong sistemang ipinatutupad sa transportasyon sa Port of Real.
Kaugnay nito, atin pong hiniling na maipagpaliban muna ang implementasyon ng bagong sistema ng transportasyon habang nagpapatuloy ang pakikipag-ugnayan at pag-uusap sa pagitan ng LGU Real at ng mga apektadong LGUs. Layunin nating magkaroon muna ng maayos na koordinasyon at mapag-usapan ang mga concerns ng bawat panig upang makabuo ng sistemang magiging maayos at kapaki-pakinabang para sa ating mga mamamayan.
Agad naman pong ipinaabot ni Admin Dinuel kay Mayor Julie Ann Macasaet ang ating mga hinaing at kahilingan, at lubos po tayong nagpapasalamat sapagkat positibo itong tinugunan ng kanilang pamahalaang lokal.
Maraming salamat po sa LGU Real, sa pangunguna ni Mayor Julie Ann Macasaet, gayundin kay Admin Dinuel Manlogon, sa kanilang maayos na pagtanggap, pakikinig at agarang pagtugon sa ating mga concerns.
Patuloy po tayong makikipag-ugnayan sa LGU Real at sa iba pang mga apektadong LGUs upang magkaroon ng maayos, organisado, ligtas at makatarungang sistema ng transportasyon para sa lahat lalong lalo na para sa ating mga kababayan dito sa Polillo.
Maraming salamat po..