Empire Heart Romances

Call Directions Website Contact the organization

Empire Heart Romances Welcome to Empire Heart Romances, where unforgettable love stories are yours to read for FREE.
(1)

Fall in love, laugh, cry, and experience every emotion through heartwarming romances, heartbreaking dramas.

MISTAKENLY YOURSCHAPTER ONEALEXANDRA    ISANG mahigpit na himas sa aking buhok ang ginawa ko habang nakatayo sa tapat ng...
02/11/2026

MISTAKENLY YOURS

CHAPTER ONE

ALEXANDRA

ISANG mahigpit na himas sa aking buhok ang ginawa ko habang nakatayo sa tapat ng salamin, pinagmamasdan ang huling hibla ng buhok na tuluyang nalaglag sa sahig ng barber shop sa kanto na pinapagupitan ko na malapit sa bahay namin.

Habang ang tunog na iyon ay parang musika ng kalayaan para sa akin. Sa salamin, ang nakatingin ay hindi na ang Alexandra na madalas pag-interesan ng mga matang mapanlinlang sa lansangan noon.

Ang nakatunghay ngayon ay si Alex, isang dalagang nag-aanyong lalaki para sa sarili niyang kaligtasan at kapayapaan para sa kanyang sarili.

β€œOh, ayan, pogi na tayo, ’tol?” nakangiting sabi nong barbero habang pinapagpagan ang leeg ko gamit ang malambot na brush.

β€œSalamat, Manong. Ang astig ng gupit mo bagay sa akin,” boses-lalaki kong sagot, bahagyang binabaan ang tono at binigyan ng tigasing diin sabay tango.

Sanay na sanay na ako. Mula sa pagpili ng damit hanggang sa paglalakad, kinailangan kong mag-aral ng siga acting para kapani-paniwala.

Ako nga pala si Alexandra Tayson. O kaya ay Alex for short. Ang misyon ko sa buhay ay napakasimple lang ang mabuhay nang payapa, walang stress, walang drama, at higit sa lahat, malayo sa mga lalaking ang tanging alam ay mang-istorbo sa akin.

Bakit ko ba pinasok ang ganitong klaseng buhay? Madaling sabihin na trip ko lang, pero kung naranasan mo ang pinagdaanan ko noong mas bata pa ako, maiintindihan mo rin ako. Noong fourteen years old kasi ako, at shoulder-length pa ang aking buhok. Mahilig pa akong mag-skirt kapag sumasapit ang Linggo kapag walang pasok sa eskwela.

Pero anong nangyari? Habang naglalakad kasi ako pauwi galing eskwela noon, ay hinatak ako ng tatlong estranghero sa madilim na eskinita ng malate akong uwi. Nang hindi ako masundo ng driver namin. Walang magtanggol. Walang tutulong. Ang tanging natatandaan ko ay ang takot at ang pangit na pakiramdam na parang isa akong bagay na pwedeng bastusin ng kahit na sino basta’t mas malakas sila sa akin, mabuti na nga lang at may nakakita sa aming tanod na nagrurunda kaya hindi nila natuloy ang balak nila sa akin takoy na takot ako noon.
Kaya doon nagbago ang lahat. Naisip ko kasi, kung magpapakita ako ng kahinaan, lalo lang silang mang-aapi sa akin at babastusin ako kahit saan ako mapunta.

Kaya kinabukasan noon, humawak ako ng gunting. Ako mismo ang pumutol sa mahaba kong buhok na alaga pa ni mommy ng conditioner noon.

Umiiyak ako habang ginagawa ko iyon, Oo, dahil parang pinapatay ko rin ang bahagi ng pagkababae ko na minahal ko. Pero mas pinili ko ang mabuhay nang may dignidad kaysa sa umiyak sa sulok nang dahil sa takot.

Sinundan ko ito ng pagbili ng mga oversized t-shirts, mga baggy pants na tago ang hubog ng katawan, at ang paborito kong rubber shoes na handang tumakbo o manapak anumang oras.

Pati ang paglakad ko, pinag-aralan ko. Hindi pwede ang sway ang balakang. Kailangan may diin ang bawat apak ko, parang nagmamartsa na siga na may dalang mabigat na problema sa buhay.

At ngayon kapag naglalakad ako sa lansangan, makasalubong man ako ng mga tambay sa kanto, wala nang sumisipol. Wala nang nagtatangkang humawak sa braso ko. Ang naririnig ko na lang ay, β€˜Uy, pare, ang lupit ng porma mo ah!’ O kaya ay tinatawag akong β€˜bro’ ng sinuman ang makasalubong ko. At para sa akin, iyon ang pinak**agandang papuri sa buong mundo na natatanggap ko.

KINABUKASAN matapos kong ipaputol ulit ang buhok ko dahil humaba naman iyon. Ay maaga akong nagising para pumasok sa bago kong unibersidad. Mas malaki ito, mas pormal, at siyempre, mas maraming peligro para sa isang nagpapanggap na tulad ko.

Habang nag-aayos ako sa harap ng salamin ay isinuot ko ang paborito kong itim na oversized shirt, at dinoble ko ang pagkabigkas ng aking boses sa utak ko, at isinuot ang sumbrero para mas maitago ang natitirang lambot ng mukha ko.

β€œOkay, Alex. Normal lang. Walang makakaalam. Isa kang tunay na lalaki ngayon,” bulong ko sa sarili habang sinuntok ang hangin.

Kahit sa school Admin ay pinatago ko ang aking pagkatao, na hindi naman impossible sa akin dahil mayaman naman ang parents ko at isa pa iyang sa isa ko pang sekretong itinatago.

Paglabas ko ng apartment, sumalubong agad ang maingay na umaga ng Maynila. Trapiko, usok, at mga taong nagmamadali. Para makatipid at para na rin masanay sa totoong buhay ng mga tunay na lalaki, nagpasya akong sumakay sa dyip kahit pwede naman akong magpahatid sa driver ni mom.

Eto ang paborito kong bahagi. Kapag sumasakay ako ng dyip noon habang nakapalda, laging may katabi akong bastos na kusang idinidikit ang tuhod sa binti ko, o kaya ay may magnanakaw ng tingin sa dibdib ko. Ngayon? Aba, iba ang eksena.

Sumakay ako at umupo sa bukana ng dyip. Itinaas ko ang isa kong paa sa bariles ng dyip, naka-de-kuwatro ang posisyon na parang nagmamay-ari ng sasakyan, at nag-isang tabi ang mukha na halatang badtrip kahit wala namang ginagawa.

β€œBayad po, Manong,” sabi ko gamit ang baritonong boses na bahagyang garalgal. Inabot ko ang barya na may kasamang matigas na tingin.

Ang katabi kong lalaki na medyo mukhang siga rin ay napatingin sa akin, napatikhim, at mabilis na nag-iwas ng tingin.

β€œNice one, Alex,” sabi ko sa isip ko.

Ang Perfect ng disguise. Walang lumalapit, walang nang-iistorbo. Tahimik ang mundo ko.

Pagbaba ko ng dyip, naglakad ako papasok sa malaking tarangkahan ng Unibersidad. Ang hangin ay amoy kape mula sa mga malalapit na cafe at ang mga estudyante ay kanya-kanyang grupo na nagkukuwentuhan.

Nag-is-scanned ako ng paligid. Lahat ay normal. Maglalakad na sana ako papunta sa building ko nang biglang may tumawag ng pansin sa kabilang kanto ng campus.

May kumakawag na gulo. Isang grupo ng mga estudyante mula sa kabilang departamento ang nagtutulakan. May narinig akong basag ng bote at malalakas na mura.

β€œIsang riot. Sa mismong unang araw ko talaga?!”

Ayaw ko sanang makialam. Sabi ko nga sa sarili ko, misyon ko ang mabuhay nang payapa at umiwas sa gulo. Pero habang nakatanaw ako, nakita ko ang isang pamilyar na mukha na nadamay sa gulo, isang lalaking matangkad, medyo magulo ang buhok, at mukhang nagtatanggol lang din ng sarili pero pinagtutulungan ng apat na lalaki.

Siya iyong sikat na campus heartthrob daw na madalas pag-usapan ng mga babae sa hallway ng school noon ng mag enrol ako. Si Cladge Smith.

Tumigil ang mundo ko sandali. Kitang-kita ko kung paano siya sinugod ng isa pang lalaki na may dalang bakal. Kung hindi ako kikilos, baka mapuruhan ang isang iyon mabuti na lamang at nag enroll ako sa taekwondo, noong may muntik ng mangyari sa akin na sinang ayunan naman ni Daddy kahit tutol noon sa akin si mommy.

β€˜Haaay, buhay. Bakit ba laging may ganito?’

Kinuha ko ang sumbrero ko, hinatak ito pababa para takasan ang anumang pagkakakilanlan, at mabilis na naglakad palapit sa gulo.

β€œHoy, mga ulupong!” sigaw ko sabay hataw ng backpack ko nang pagkalakas-lakas sa likod ng isa sa mga lalaking may hawak na bakal at sinipa ko ito sa balikat.

Napabalikwas naman ang lalaki, sa gulat at napalingon habang sapo ang balikat at . Agad akong nag-siga pose, ibinuka ang mga binti nang medyo malayo sa isa’t isa, at itinaas ang dalawang k**ao na parang nag-aabang sa suntok ng mga propesyonal na boksingero sa Tondo.

β€œAnong meron ha? Mga siga kayo rito porke marami kayo? Subukan niyo nga ako!” dagdag ko pa para lalong makadagdag sa pag papanggap ko, pinatigas ko pa lalo ang boses ko para magtunog lalaking-lalaki.

Habang si Cladge na noo’y may bahid ng dugo sa gilid ng labi at gusot-gusot ang itim na polo ay napatigil. Humahangos siyang lumingon sa direksyon ko, medyo salubong ang mga kilay habang nag-aabang ng susunod na banatan.

Pero nang makita niya ako, isang mukhang tigasing lalaki na nakasuot ng oversized black shirt at sumbrero ay nanlaki ang mga mata niya, dahil na rin sig**o may katangkaran ako para sa karaniwang babae ay kumbinsidong mukhang lalaki na nga ako ngayon.

β€œAnong ginagawa mo rito, pare?! Mapapahamak ka!” sigaw naman sa akin ni Cladge sa gitna ng ingay ng riot, pero halata ang pagkabigla sa boses niya na may kasamang paghanga.

β€œAnong pinagsasabi mo diyan? Edi sasaklolo sa kabaro ko!” sagot ko naman, hinatak siya sa braso palayo sa susunod na suntok ng isa pang lalaki.

β€œTakbo na, mga gunggong! Darating na ang guard! Dahil nagsumbong na ako!” pambasag ko sa tensyon sabay hila kay Cladge papalayo sa gulo.

Hindi na nagdalawang-isip si Cladge. Hinawakan niya ang kabilang k**ay ko at kami ay nagtatakbo palayo sa eskinita, paliko sa likod ng science building hanggang sa makarating kami sa isang tahimik na sulok kung saan may mga nakahilerang halaman at bakanteng bench.

Pareho kaming nakatayo roon, nakahawak sa aming mga tuhod habang humihingal nang malalim. Ang dibdib ko ay mabilis na tumitibok, hindi lang dahil sa takbo kundi dahil sa matinding kaba na baka may nakapansin sa totoong katawan ko habang nagtatakbo kami.

β€œHaaa... haaa... grabe ka, bro!” bungad ni Cladge habang pinupunasan ang pawis sa noo gamit ang likod ng kanyang k**ay.

Napangisi siya, isang ngising nagpapakita ng pagka-amaze kahit medyo namamaga ang gilid ng labi niya.

β€œAng astig mo doon ha! Akala ko ay mamamatay na ako sa araw na ito, may
dadating palang bayani.” Saad nito habang humihingal.

Inayos ko naman ang sumbrero ko, nagpanggap na nagpapagpag ng alikabok sa dibdib, at saka tumingin sa kanya nang may pagmamalaki.

β€œWala β€˜yun, pare. Hindi tayo pwedeng magpabaya sa nangangailangan noh. Ano bang ginawa ng mga tarantadong β€˜yun at pinag-iinitan ka?”

Tumawa si Cladge, isang malalim at baritonong tawa na umalingawngaw sa tahimik na hallway. Inakbayan niya ako nang biglaan na ikinatigas ng katawan ko nang wala sa oras. Ang bigat at init ng braso niya sa balikat ko ay parang kuryenteng nagpagulat sa buong sistema ko.

β€œSh*t, ang lapit niya,” isip ko habang pilit na kinakalma ang mukha ko.

β€œWala, inggit lang kasi natalo ko sila sa pustahan sa basketball kahapon,” umismid si Cladge habang nakatitig sa akin.

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, sabay iling na parang manghang-mangha.

β€œTeka... ngayon ko lang napansin, ang nipis ng mukha mo ah. Para kang mukhang artista... pero astig ka pa rin kasi lumaban ka nang walang takot.”

Muntik ko nang maibuga ang laway ko sa narinig sa kanya.

β€œMukha akong artista? O baka mukha akong babae na kinakabahan nang sobra?!”

β€œAh... e-ewan ko sa’yo, maliit lang katawan ko pero malaki ang puso ko, β€˜tol. Hindi ako natatakot sa mga ganyan.” Mabilis akong umubo para itama ang boses ko.

β€œIba ka talaga, bro, simula ngayon, ikaw na ang opisyal kong kasangga rito sa campus. Anong pangalan mo ulit? Para alam ko kung sino ang hahanapin ko kapag nanlibre ako ng fishball mamaya.” Sagot ni Cladge na mas hinigpitan pa ang pagka-akbay sa akin habang naglalakad na kami palayo sa sulok na iyon.

Tumigil ako sandali, naalala ang pekeng pangalan na inihanda ko para sa araw na ito. Tumitig ako sa kanyang mga matang kulay tsokolate na ngayon ay nakatitig din sa akin nang diretso at may paghanga.

β€œAlexandra este, Alex na lang. Alex Tayson.” Sagot ko sabay taas ng baba muntik ko ng masabi ang totoo kong pangalan.

Ngumiti si Cladge, isang ngiting nagpadagundong nang husto sa tahimik kong dibdib.

β€œOh siya sige, Alex. Ako si Cladge Smith. Mag-bro-fist na tayo dahil simula ngayon, inseparable na tayong dalawa.”

Inabot niya ang k**ao niya sa harap ko. At kahit nanginginig pa ang mga daliri ko sa sobrang kaba at kakaibang pakiramdam, itinuwid ko ang sarili ko, ikinuyom ang k**ao, at ibinangga ito nang mahina sa k**ao niya.

At dito nagsimula ang lahat. Ang akala ko ay simpleng pag-iwas lang sa gulo at pagpapatuloy ng payapang buhay, ay naging simula pala ng pinak**alaking kaguluhan at pinak**atamis na katangahan ng buong buhay ko.

ITUTULOY

TITLE: MISTAKENLY YOURS GENRE: ROMCOMWritten by: Zephyrine BLURBSI ALEX na ang totoong pangalan ay Alexandra Tayson, ay ...
02/11/2026

TITLE: MISTAKENLY YOURS
GENRE: ROMCOM
Written by: Zephyrine

BLURB

SI ALEX na ang totoong pangalan ay Alexandra Tayson, ay may isang simpleng misyon sa buhay ang mabuhay nang payapa nang hindi iniistorbo ng mga lalaki. Dahil sa kanyang maikling buhok, oversized shirts, at lakad na parang nagmamartsa na siga ay sanay na siyang mapagk**alang lalaki.

Pero okay lang sa kanya dahil mas madali kasing sumakay sa jeep dahil walang manyak na sisipol sa kanya o kahit saan man siya magpunta.

Ngunit lahat ng iyon ay gumuho nang makilala niya si Cladge Smith ang sikat at supladong campus heartthrob na naging kakampi niya sa isang riot na away-lansangan.

Akala ni Cladge, ang bagong pagkakaibigan nilang si Alex ay ang pinaka-cool at astig na lalaking nakilala niya. Kaya naman naging sandang dikit silang dalawa nag-iinuman ng alak, naglalaro ng basketball, at nag-bro-fist pa pagkatapos!

Kaso ang problema? Habang tumatagal ang kanilang pagkakaibigan, ay nagsisimula nang makaramdam si Cladge ng kakaibang kiliti sa tiyan sa tuwing nasisilayan niya ang mukha ni Alex at doon na siya nagsimulang mataranta.

β€˜Patay, bakit kaya nagkakagusto ako sa lalaki?! Bakit malakas ang tibok ng puso ko kapag kasama ko siya?!’ sa isip ni Cladge.

Habang si Alex naman ay pilit itinatago ang tunay niyang kasarian para hindi masira ang kanilang pagkakaibigan.

Habang unti-unti namang nababaliw si Cladge sa pag-aakalang baka nabago na ang taste ng kanyang sexual orientation.

Paano na lang kung malaman ni Cladge na ang kanyang bro na tintawag ay isa palang babae?

Mababaliw ba siya sa galit, o mapapa-isip na mas masarap palang main-love sa maling akala?

Abangan

TITLETHE EQUATION OF LOVING YOUAUTHORXENNRIZ.CHAPTER2"Kuya Joele. This is April, my friend."Napatitig naman si Joele sa ...
02/11/2026

TITLE
THE EQUATION OF LOVING YOU

AUTHOR

XENNRIZ.

CHAPTER2

"Kuya Joele. This is April, my friend."

Napatitig naman si Joele sa babae na katabi ni Luan na kaniyang pinsan at kinatitigan ito nang maigi. Naglahad naman ng mga k**ay ang babae sa kaniya, ngunit tinitigan lang niya iyon.

"Hm, she looks familiar. Saan ko ba siya nakita?"

Tanong ng binata sa kaniyang sarili at tinanggap ang mga palad ng dalaga at nakipagk**ay dito.

"Here is my gift for you, sorry I don't know what you want so I just got these. Hope you like it."

At nagbigay ito ng nahihiyang ngiti. Tumango lang si Joele, inabot ang inilahad na box ng dalagang kaharap.
Matapos nito iyong ibigay, iniwan na siya ng mga ito at dumeretso na sa mesa kung nasaan ang kaniyang pamilya; Samantalang si Joele ay nakatayo lang sa may entrada ng venue habang hawak sa kaniyang kaliwang k**ay ang isang can of b**r, habang sa kanang k**ay naman ay ang kaniyang cellphone na pinipindot nang paulit-ulit ang contact number ng isang tao.

"Nasaan ka na ba, Tiffanie?"

Tanong ng binata sa sarili habang nakatitig sa pangalan ng kaniyang fiance. Kanina pa niya ito tinatawagan, pero hindi ito sumasagot sa kaniya: Wala man lang text kung nasaan ang babae.

Inilapit na lang niya ang kaniyang b**r sa kaniyang bibig at ininom ito. Kaagad naman niyang nalasahan ang pait ng inumin sa kaniyang dila hanggang sa kaniyang lalamunan.

Nang maubos, naglakad siya papunta sa trash can na nasa gilid and he threw it; it landed inside, making a sound mix of the metal and plastic; After that, he walked towards the table of his family.

Habang naglalakad papunta sa direksyon ng mga ito, isinilid na lang niya ang kaniyang cellphone sa kaniyang bulsa at naghugot ng hangin mula sa kaniyang baga at inilabas iyon sa kaniyang ilong.

Habang naglalakad papunta sa mesa ng kaniyang pamilya, napadako ang kaniyang mga tingin papunta sa isang babae na kumakain at nakikipagtawanan sa kaniyang mom at dad, mga pinsan, at kaniyang mga titas and tito's.

"I hope Tiffanie will go along with them to like her."

He muttered under his breath.

"Wait, bakit ko ba ikinukumpara si Tiffanie sa kaniya? Hindi ko naman siya kilala."

"Kuya Xe!"

Tawag sa kaniya ng kaniyang kapatid na babae at kinawayan siya nito at itinuro ang isang bakanteng upuan na nasa harap ng babae na nakikipagtawanan sa kaniyang pamilya. Naglakad naman siya papunta doon, hinila ang silya at umupo katabi ang kaniyang kapatid at nasa kaniyang harap ang babae na nagbigay sa kaniya ng isang box kanina.

Hindi pa niya binubuksan ang box, ngunit nasa bulsa ito ng kaniyang jacket. Tumatawa ito sa sinasabi ng kaniyang pinsan na si Luan.

Napatitig naman siya sa mukha ng dalaga at isang alaala ang nagbalik sa kaniya sa nakaraan.

********

13 years ago.

"Do your best to win these competition."

Ani ng g**o sa kanilang lahat at tumingin ito sa kaniya.

"Xeon joele. you're the leader of the team, so take good care of all your team mates: Make our school proud. You're bringing the name of our school to that competition, so don't let us down. You made it in the regionals, so you can to in nationals."

Tumango na lang ang binata sa g**o. Kahit naman sabihin niyang hindi niya hawak ang panahon dito, alam niyang may e-riribat itong sagot sa kaniya, so it is better to be silent; His mouth is dry because of their practice debate. Nanunuyo na ang kaniyang lalamunan kakasalita.
Wala pa siyang ayos na tulog kaka aral at research sa mga posibleng topic na kanilang ide-debate.

"Dude, are you okay?"

Tanong ni Allen, isa sa kaniyang mga kasama sa debate team.

"Do I look fine, Allen?"

Tanong niya habang naglalakad sila palabas ng debate room. Umiling ang kaharap at narinig niya itong nagbuntonghininga.

"We are all tired, dude. May mga teachers pa na kung maka pressure sa atin, kala mo naman sila ang makikipagdebate sa mga taga-ibang schools."

Tumango siya at inilagay ang kaniyang mga k**ay sa loob ng kaniyang magkabilang bulsa habang naglalakad.

"Uuwi ka na, dude?"

"Oo, ikaw ba?"

Tanong niya pabalik sa kasamahan.

"Oo, matutulog pa ako, Bawal tayong mapagod; bukas na tayo luluwas ng Mindanao para sa kompetisyon."

At tinapik nito ang balikat ni Joele.

"Ikaw din, dude, matulog ka rin, Don't worry, we can do this."

Tumango na lang ang binata sa sinabi ng kaniyang kasamahan. wala naman na siyang ibang magagawa kundi maniwala na lang sa kanilang kakayahan, pagkarating niya sa parking area, kaagad na siyang naglakad papunta sa sasakyan na naghihintay sa kaniya.

Binuksan ang passenger seat nito.

"Son, kumusta ang practice niyo para bukas?"

Lumingon naman siya sa kaniyang dad at binigyan ito ng ngiti sabay tango, Tinanggal naman nito ang palad sa manibela at tinapik ang kaniyang balikat.

"No matter the result, I will always be proud of you."

"Thanks, dad."

Hindi na tumugon ang kaniyang ama at sinimulan nang paandarin ang kotse.

Isa si Joele sa mga estudyante na parte ng debate club sa kanilang school mula noong Grade 3 siya, He loves to argue, that is why his teachers discovered him and his ability to win and persuade anyone by his standing.

Naalala pa rin niya ang dahilan kung bakit siya naging parte ng debate team noong Grade 3 siya.

"Excuse me, ma'am, my answer on number 10 is correct. Why does my classmate. mark these Rong?"

Tanong ng batang si Joele sa kaniyang g**o habang hawak sa kaniyang dalawang palad ang test paper na may markang 9/10, Isa na lang sana ang kulang, perfect na siya.

Nag-angat naman ng tingin ang kaniyang g**o sa kaniya Mula sa ginagawa Nito sa laptop. ngumiti at malumanay na sumagot.

"Xe, it is wrong because the Filipino for fish is isda, But you wrote fish."

Nanglaki naman ang mga mata ng batang si Joele.

"But ma'am, it is just a translation. So if I will say the Englis word for the word English, is it wrong or right? Technically it is right because I said that right, but I just use the wrong accent, So if I will change the i into f, s into i, d into s, a into h, it would go like this-"

Fish....... isda. You say it is the same, but I got the spelling wrong and I used English instead of Filipino. So if I will change the spelling and the language, I will get it right."

Tumango naman ang g**o sa kaniya at ngumiti.

"Yeah, you're right, Xe. But sometimes in life, even we know that we are right, if there is one mistake, we can't undo them."

Tumango na lang ang batang si Joele, Ngunit nagulat na lang siya kinabukasan ng pinatawag siya ng kanilang principal sa opisina nito.

Habang naglalakad papunta sa opisina nito, parang tambol na tumitibok ang kaniyang puso.

"Hijo, I know what you did yesterday."

Napatitig naman ang batang si Joele sa principal nila; ang kaniyang mukha ay naging kulay papel.

"But don't worry, you are not in trouble, I love your thinking; your teacher told me about it. Can you join the debate team?"

Debate team? Yung team na laging sinasabi ng kaniyang ate na boring kapag nakikipag-usap ito sa mga kaibigan nito sa cellphone? kung nasaan Ang boyfriend Nito? Tumango kaagad ang batang si Joele; In his mind, he just wanted to join because he wants to see if the team is indeed boring.

But he loved it: in just a young age, he can debate with people twice his age.

Pagkahinto ng kanilang kotse sa kanilang parking area, kaagad na siyang bumaba at naglakad papasok, Pagkarating niya sa living room, nakita naman niya ang kaniyang kapatid na busy sa pakikipag-usap sa isang lalaki na kaedad nito at halos magkadikit na ang mga labi ng dalawa, Hindi naman siya napansin ng dalawa, kaya naman ay nag-iwas na lang siya ng paningin sa mga ito at naglakad papunta sa hagdanan patungo sa kaniyang silid.

Nang nakarating na sa harap ng kaniyang silid, kaagad na niyang kinuha ang susi sa kaniyang bulsa at ipinasok iyon sa doorknob at pinihit ito. Bumukas naman ang pinto at kaagad na bumungad sa kaniya ang madilim na kuwarto. Dahan-dahan naman siyang pumasok sa loob at isinara ang pinto sa kaniyang likuran.

kinagabihan bago sila lumuwas ng Mindanao, halos hindi makatulog si Joele, Alumpihit siya sa kaniyang k**a, ang isip ay lumilipad sa kung saan.

Alam niya na hindi ganoon kabilis matalo ang kanilang kalaban, because most of them are experienced and from a prestige school, May maiibubuga naman ang kanilang paaralan kung pera at talino lang ang pag-uusapan, ngunit alam niyang hindi ganoon iyon kadali.

Alas-singko ng umaga ay nasa school na si Joele at ang kaniyang mga kasamahan, hinihintay ang shuttle na maghahatid sa kanila papunta sa paliparan; Lima silang pupunta sa kompetisyon: isang babae at apat na lalaki.

"Guys, we can do this."

Si Allen na pinapalakas ang loob nilang lahat; Ngunit alam niyang kinakabahan din ito sa posibleng magaganap sa susunod na mga araw.

"Len, can you just shut the f*CK up? You are not helping! you're just making us more anxious about the things that might happen."

Hindi na narinig ni Joele ang tugon ng lalaki sa kasama nila dahil kinuha kaagad niya ang kaniyang headphones sa kaniyang bag at isinaksak iyon sa kaniyang cellphone.

"Distraction."

He muttered: Ilang sandali lang din ang lumipas ay dumating na rin ang shuttle na maghahatid sa kanila papunta sa paliparan.

Pagkarating nilang lahat sa paliparan, kaagad na silang bumaba lahatβ€”ang kaniyang mga teammates at ang teachers na sumama sa kompetisyong ito.

Pagkababa nila sa eroplano, kaagad na silang sinalubong ng mga opisyal ng kompetisyon at giniya papunta sa labas ng paliparan. Nakita naman kaagad nila ang isang shuttle na naghihintay sa kanila na may logo ng school kung saan magaganap ang event.

Pumasok naman kaagad sila sa sasakyan.

Pagkarating nila sa kanilang hotel, kaagad na silang bumaba at pumasok sa loob. Hindi na nila kailangan pang magpa-reserve ng room dahil may nakareserbang room para sa kanilang lahat.

Sa araw ng kompetisyon

β€œIsa, dalawa, tatlo…” Hindi ko napigilang bilangin ang mga nakaumbok na muscle sa kaniyang tiyan. β€œWalo! Holy crap!”Para...
02/11/2026

β€œIsa, dalawa, tatlo…” Hindi ko napigilang bilangin ang mga nakaumbok na muscle sa kaniyang tiyan. β€œWalo! Holy crap!”

Parang nagbebelatan ang mga iyon sa bawat bahagyang paggalaw niya. Nakakainis dahil kahit simpleng paghinga lamang ni Adam ay sapat na para mapansin ko ang bawat galaw ng kaniyang katawan.

Then, as if he knew exactly what he was doing, Adam placed his hand over his freaking abs.

Dahan-dahan niyang hinaplos ang mga iyon.
Napalunok ako.
May kung anong kilabot ang gumapang sa aking batok pababa sa aking gulugod. Isang kakaibang sensasyong pilit kong ipinagkakaila sa sarili ko.

β€œJeez. No! Get a grip, Evangeline! Nahihibang na ba siya?” kantodo sigaw ng utak ko pero taliwas naman sa gusto ng mga mata ko.

Napakurap ako at bahagyang umayos ng pagkakaupo.

Ano ba naman ito? Video call lang naman ito. Hindi ko kailangang umasta na para bang may kung anong nangyayari sa harapan ko. Pero ang masama? Hindi ko pa rin maialis ang mga mata ko sa kaniya.

β€œEnjoying the view, huh?”

Napatda ako. Dahan-dahan kong iniangat ang tingin mula sa kaniyang tiyan patungo sa mukha niya. Nakangisi si Adam habang nakatingin sa akin sa pamamagitan ng screen.
Oh, s**t! Nahuli ba niya ako?

---I’m Amadeus Woman
Written by: Crimson Cross

VENGEANCE OF THE HEARTSWritten by: AVANITAXX BLURB:Determined to get revenge, Lancelotte goes after Santiaraβ€”the woman h...
02/11/2026

VENGEANCE OF THE HEARTS
Written by: AVANITAXX

BLURB:

Determined to get revenge, Lancelotte goes after Santiaraβ€”the woman he holds accountable. But the more he gets to know her, the more he finds himself falling for the very person he swore to hate. Then an unexpected one-night stand changes everything, making it even harder for him to walk away.

Can a heart consumed by vengeance learn to forgive, or will love be sacrificed in the name of justice?





Link in the comment section:

EXCERPT//MALING ROOM ANG PINASUKANEVANGELINE POVJeez. Naramdam ko bigla na parang may matigas na nakatusok sa may tiyan ...
26/10/2026

EXCERPT//MALING ROOM ANG PINASUKAN

EVANGELINE POV

Jeez. Naramdam ko bigla na parang may matigas na nakatusok sa may tiyan ko. Inaninag ko ang mukha niya pero hindi ko makita ang kabuohan nito dahil nakapatay ang lahat ng ilaw.

I was about to react, but he cupped my face and claimed my lips. β€˜Yung tipong halik na parang hindi ako makakahinga, bigla na lang din akong nakapatingkayad dahil humigpit ang paghawak, at pagdiin niya sa beywang ko.

Parang gumapang ang libo-libong boltahe sa kaugatan ko, at nakakanginig ng tuhod ang boses niya na parang unti-unti ko naramdaman ang panghihina, nang dinadahan-dahan niya ang paghaplos sa beywang ko pababa sa legs ko. Napaawang ang labi ko, para akong dinala sa ulap nang marahan dumampi sa leeg ko ang mainit niyang labi.

Pumasok sa isip ko na niloko ako ni Dylan. Bakit hindi ko siya gantihan din. Dala ng kalasingan para akong sinapian. Kiniliti ako sa simpleng sinabi ng lalaki. Hindi ko alam kusang gumalaw ang katawan ko, inangkin ko ang labi nito hanggang sa gumalaw pabalik ang labi niya at mas diniinan ang paglapit ng aming katawan.

I can taste the minty sweetness of his lips, nakakadala kaya hindi ko alam bakit hindi ko magawang humiwalay. Naramdaman ko na lang, umangat ako dahil binuhat na niya pala ako kaya mabilis kong pinulupot ang magkabilang binti ko sa takot na mahulog.

β€œScared?” tanong niya at kahit alam kong hindi niya makita ang reaksyon ko, tumango pa rin ako bilang sagot.

Humakbang siya nang ilang hakbang, maya-maya naramdaman ko na lamang ang malambot na higaan. Kaagad siyang pumaibabaw sa akin, at mapusok na inangkin ang labi ko, bumaba ang halik sa leeg ko patungong ibabaw ng dibdib ko. Kahit may suot pa akong damit, para bang tumagos ang mainit na labi niya kaya hindi ko napigilang mapasinghap.

β€œCan I kiss down there?” para bang bata na paghingi niya nang permiso.

Ako naman si inosente. Hindi ko alam kung anong isasagot, kaya ang pananahimik ko ay sagot β€˜yun sa pakiusap niya.

Napakagat-labi ako nang kumilos ang mga daliri niya paloob ng suot kong blouse, hinanap ang bundok na nakatago sa suot kong bra sabay minamasahe ito. Hinayaan ko siya nang unti-unti bumubukas at natatanggal ang mga botones, at saka niya sinunod ang skirt na suot ko. Dumama ang mabigat, malapad niyang k**ay sa may panty ko pababa.

Halos hindi na ako huminga nang dumampi ang labi niya sa parteng β€˜yun. Ang init, nakakakilabot, at nakakanginig. At hindi ko mapigilan ang sarili na madarang sa mainit niyang mga haplos.

Kahit madilim ang paligid, kitang-kita ko pa rin ang napaka-puti, at malapad niyang dibdib. Napalunok ako. Pero bigla ko na lang napataas ang puwitan ko.

β€œAh… gosh! S-stop… A-anong ginagawa mo sa akin?” Napamulagat ako.

I can feel something is inside me.

β€”I'm Amadeus Woman//CrimsonCross//Dialogue_Lines

Story Link in the comment sectionπŸ‘‡

TITLE THE EQUATION OF LOVING YOUWRITTEN BYXENNRIZCHAPTER1 Habang nagtatrabaho sa loob ng kaniyang opisina at subsob sa m...
25/10/2026

TITLE THE EQUATION OF LOVING YOU

WRITTEN BY

XENNRIZ

CHAPTER1

Habang nagtatrabaho sa loob ng kaniyang opisina at subsob sa mga dokumento ay biglang tumunog ang intercom. Kaagad naman itong sinagot ni April.

"Bakit, Kizea?"

Tanong niya sa kaniyang sekretarya, tumikhim naman ito bago sumagot.

"Um, Ms. April may naghahanap po sa inyo, kaibigan niyo raw po?"

Napaisip naman ang dalaga. Sinong kaibigan kaya? Dalawa lang naman ang kaniyang kaibigan, si Queenie at Luan lang, ngunit imposible naman kung si Queenie dahil nasa honeymoon ito at ang asawa nitong si Ivan.

"Sige, papasukin mo, Kizea."

"Okay po, Ms."

Pagkasabi niyon ng kaniyang sekretarya ay bumalik na rin si April sa kaniyang ginagawa ang pag-review sa mga ee -sinubmit sa kaniya na mga disenyo ng mga aspiring designer.
Karamihan sa mga ito ay mga kabataan na umasa na magiging isa ang mga disenyo ng mga ito sa magiging damit ng isa sa mga kliyente niya.

"Ang busy natin, boss ah?"

Boses na nagpataas ng kaniyang tingin papunta sa nagsalita, at nakangiting mukha kaagad ni Luan ang kaniyang nabungaran. Ibinaba naman ng dalaga ang kaniyang bolpen, tumayo, at dahan-dahang naglakad papunta sa kaniyang kaibigan.

"How are you, Ann?"
Yumakap naman ito sa kaniya pabalik at hinampas siya sa braso, "Bakit hindi mo sinabi sa akin na marami ka palang guwapong mga empleyado?""

Humiwalay naman si April sa kaibigan, pinagkrus ang kaniyang braso sa isa't isa at pinagtaasan ng kilay ang kaharap.

"Landi mo, Luan Grace, kapag narinig ka ni Tita, lagot ka."

Hindi naman siya sinagot ng kaniyang kaibigan at tumalikod ito sa kaniya, naglakad papunta sa sofa ng kaniyang opisina, ibinaba ang bag nito at umupo.
"So, Ms. CEO, kumusta naman ang buhay?"

Ngumiti si April, bumalik sa kaniyang mesa, at umupo sa harap nito na may maraming mga design sample at mga dokumento sa ibabaw na kailangan niyang permahan at i-review, Kinuha naman ng dalaga ang sign pen at pinaglaruan iyon.

"Ang totoo? Masaya ako."

Napa palakpak naman ang kaniyang kaibigan at mas lumapad ang ngiti sa mga labi.

"That's good."
Matapos iyon sabihin ay inilagay ang buhok sa likod ng tenga at titig na titig sa kaniyang mga mata.

"Hm, anong kailangan mo, Luan? Alam ko na ang ngiti na yan, may binabalak ka, tama? ba ako? Kung gusto mo na namang i-set up Ako sa mga date na yan, huwag na. Ang boring ng mga lalaki na ipinapa-date mo sa akin, mas gugustuhin ko na lang na makasama kayo ni Queen at makita ang nakakainis mong mukha."

"Ha, ha, ha. Hahaha, nakakainsulto ka, alam mo ba yon, ha ? babae! Ang daming mga lalaki na nagkakandarapa sa ganda ko tapos yan lang tingin mo sa akin?"

At may paghawak pa ito sa dibdib, "You're hurting my feelings, alam mo ba yon? Saan ba ako nagkulang sa iyo at sinasaktan mo ako ng ganito? Sa ganda kong to, sa dami ng mga tao na nagsasabi na ang ganda ko raw, ikaw pa talaga ang mag-bash sa akin; You don't love me anymore na talaga, sana nandito si Queenie, may kakampi sana ako."

Nailagay naman ni April ang kaniyang mga palad sa kaniyang bibig dahil pinipigilan niyang matawa.

"Girl, huwag mo yang pigilan, baka mautot ka at kumalat ang amoy sa office mo, ma-viral ka pa sa social media, sikat pa naman pamilya niyo."

"Ano bang kailangan mo?"

Aniya at dahan-dahang pumaskil ang totoong ngiti sa mga labi, Pumalakpak naman ang kaibigan at tumayo, naglakad papunta sa harap ng kaniyang mesa at may inilagay na sobre.
"At dahil napangiti kita, you need to pay me back."

Nagsalubong naman ang mga kilay ni April at gumawa ng mga linya ang kaniyang noo; "What? Ano naman ang gagawin ko?"

"Hello, ang tali-talino mo sa school at business tapos hindi mo alam kung ano ang gagawin mo diyan? Of course, buksan mo yan, gaga."

Hindi naman tumugon pa ang dalaga at inabot na lang ang sobre na nasa ibabaw ng kaniyang mesa at tiningnan iyon. Dumikit naman ang kaniyang tingin sa gold na mga letra na nakaukit sa harapan ng sobre na nasa kaniyang mga k**ay; Ang magaspang nitong mga parte na malamig kanina dahil sa lamig ng kaniyang opisina ay nagsimula nang uminit sa loob ng kaniyang mga palad. Dahan-dahan naman niya iyong binasa sa kaniyang isipan.
"We are inviting the friends and family of Xheon Joele to his 30th birthday."

Matapos itong basahin ay tumingin si April sa kaniyang kaharap, ibinaba ang sobre sa malamig na mesa sa ibabaw ng mga papeles.
"Who is Xheon?"

Pinaningkitan niya ng mga mata ang kaibigan; "Boyfriend mo? Bakit hindi ko alam? Naglilihim ka na ba sa amin ni Queen, ha, Luan?"
Dumapo naman sa kaniyang braso ang isang malakas na hampas at kitang-kita ng kaniyang dalawang mga mata ang paglukot ng mukha ni Luan.

"Pinsan ko yan."

"Ha? Eh bakit mo ito binibigay sa akin? Hindi ko nga yan kilala e."

At dinampot niya ang sobre at kinatitigan ang pangalan na nakaukit sa panimula ng imbitasyon, Xheon? Mukhang pamilyar ang pangalan, hindi lang niya alam kung saan niya narinig ang pangalan na iyon.

"Ano, pupunta ka? Or pupunta ka!"

Nag-angat naman ng tingin si April, "Baka para ito sa ibang tao tapos ibinigay mo sa akin?"

"Ouch, naka-dalawa ka na sa akin, girl ha, napaka-judgmental mo towards this beautiful friend of yours! Wala ka naman sa korte room, bakit hinuhusgahan mo ako?"

"Fine, fine, Luan, pupunta ako-------------"

Napa palakpak naman ang kaniyang kaharap.

"Wait, hindi pa ako tapos magsalita, sa isang kundisyon."

"What?"

"Sabihin mo muna sa akin kung sino ang nag-sabi sa iyo na papuntahin ako sa party na yan."

"Thank you to that beautiful question; Una, sinabihan ako ni Mommy na papuntahin ka sa party na yan dahil batid sig**o ng aking mahal na ina na subrang nalulunod ka na sa trabaho mo, Pangalawa, namimiss ka na daw ng pinak**aganda mong kaibigan at namimiss ka na rin daw ni Mom at Dad at lagi nila akong kinukulit kung saan ka na daw, bakit hindi ka na nagpupunta sa bahay namin. Is that a valid explanation to your wonderful question, Ms? Alam mo, kahit nagtatampo ako kay Mommy dahil mas hinahanap ka pa nila kisa sa baby ko, pinuntahan pa rin kita dito."

"Alam ba ito, ng may birthday?"

Umiling ito, "Hindi, pero wala naman yong pakialam sa birthday niya; Eh kung hindi nga yon sinabihan ni Tita na magbibirthday siya ngayon, ay magtatrabaho na naman iyon magdamag sa opisina niya, same talaga kayong dalawa."

At inilagay nito ang mga palad sa bibig at nanlaki ang mga mata, puno ng gulatt; Nailing na lang si April dahil hindi na naman niya alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ng kaniyang kaibigan; Ilang segundo lang ay bigla itong ngumiti at sumigaw.

"Omg!!!!! Baka kayo talaga para sa isa't isa? Pareho kayong workaholic e, ilang dosenang anak ba ang binubuhay niyong dalawa?"

At hinampas na naman siya nito sa braso nang pagkalakas-lakas; Tiningnan naman ni April ang hinampas nito na braso niya at nakita niya na namumula ito. Ngunit hindi na lang niya iyon pinansin dahil sanay na siya sa kaibigan.

"Nakarami ka na, Luan pag ako talaga makaganti sa iyong bruha ka."

Nag-peace sign naman ito sa kaniya.
"Sory Na-man bff, pero sige na, pumunta ka na bukas ha? Susunduin kita sa house niyo para wala ka nang takas sa kagandahan ko."

Tumango na lang si April; Wala na siyang magagawa, panigurado naman na kahit anong gawin niyang pag-hindi ay kukulitin at kukulitin parin siya ng kaibigan.

Tumalon-talon naman ito pagkatapos niyang tumango, tila ba batang nabigyan ng kandy sa kaniyang naging tugon sa imbitasyon nito sa birthday ng pinsan.

"Sige na, bff, aalis na ako. babush, may gagawin pa ako."

Anito matapos tumalon-talon sa tuwa dahil sa kaniyang pagpayag.
"Sige, umalis ka na."

Nakatalikod na sana ito sa kaniyang direksyon, ngunit humarap muli nang narinig ang kaniyang sinabi.

"Hindi mo na talaga ako mahal, April, sige na, aalis na ako."

Kunwaring nagtatampo nitong sambit ngunit may ngiti sa labi: "Sige na, bff, mag behbeh time na kayo ng mga papeles mo."

Matapos iyon sabihin ay naglakad na si Luan papunta sa pinto ng opisina ng dalaga at lumabas mula doon, Pagkalabas ng kaniyang kaibigan ay nagbuntonghininga na lang ang dalaga, Kahit kailan talaga itong kaibigan niya; Dumako naman ang kaniyang paningin papunta sa invitation letter na nasa kaniyang mesa at tinitigan ang pangalan na nakaukit sa gold na letra ang pangalang Xheon Joele at sa gitna ng katahimikan ng malamig at tahimik na opisina ni April, isang tanong ang namuo sa kaniyang isipan.
"Sino ka ba talaga, Xheon Joele? Bakit napakapamilyar ng iyong pangalan sa akin?"

Para maalis ang mga katanungan sa kaniyang isipan ay kinuha na lang ni April sa ibabaw ng mga papeles ang kaniyang sign pen at pinaikot iyon sa kaniyang mga palad, habang nagbabasa ng mga kailangan ng kaniyang pirma.

Kinabukasan, alas-tres pa lang ng hapon ay nagsisimula na si April na iligpit ang kaniyang mga kagamitan dahil kailangan pa niyang mag-ayos para pumunta sa party ng pinsan ng kaniyang kaibigan.

Habang inilalagay ang kaniyang mga papeles sa kaniyang drawer sa loob ng kaniyang opisina ay napadako ang paningin ng dalaga sa orasan.

"Sa oras na ito nagtatrabaho pa sana ako."

Bulong ng dalaga sa kaniyang sarili at humugot ng malalim ngunit may bigat na buntonghininga; Matapos na mailigpit ang kaniyang mga gamit ay naglakad muna si April papunta sa sofa na nasa loob ng kaniyang office at humiga sa ibabaw niyon. Hindi niya namalayan na na e-pikit na pala niya ang kaniyang mga mata at nakatulog na siya.

Sa gitna ng kaniyang malalim na pagkakatulog sa loob ng kaniyang opisina ay isang tunog naman ang nagpamulat ng kaniyang mga mata; Nasilaw pa siya sa liwanag na nagmumula sa ilaw na nagsisilbing tanglaw ng kaniyang opisina.

"Nakatulog ako?!"

Tanong na namutawi sa kaniyang labi, Kaagad na siyang bumangon mula sa kaniyang pagkakahiga sa sofa at kaagad na tumayo para kunin ang cellphone na kanina pa tumutunog sa loob ng kaniyang shoulder bag na nasa ibabaw ng kaniyang mesa.

"Hello?"

Pagod at tunog bagong gising niyang sagot sa nasa kabilang linya habang sinusuklay ang kaniyang nagulong buhok.

"Kukunin kita sa bahay niyo, 7 PM."

"O, okay......... Mag-ayos lang ako saglit at uuwi na ako."

"Nasa office ka pa? Grabe, alas-sais na ng hapon, babae, mostly sa mga nagtatrabaho ay alas-singko pa lang umuuwi na sa bahay nila; O siya, sige na, bye."

At binabaan na siya nito ng tawag, Dinampot na lang ni April ang kaniyang shoulder bag. naglakad papunta sa pinto ng opisina, binuksan ito, at dahan-dahang naglakad palabas, Pagkalabas niya sa kaniyang opisina ay kaagad na dumako ang kaniyang paningin sa desk ng kaniyang sekretary. her secretary's desk is already clean, April just sighed and walked slowly towards the elevator and pressed the ground floor. When she entered the inside of the elevator, the soft glow of the numbers flashed before her eyes rapidly. Seconds later she finally reached her destination, the door opened and she walked outside.

Outside. the surroundings is so silent, no one is around.

"Magandang hapon po, Ma'am."

Bati ng guard sa kaniya, nang nasa entrance na siya ng building at palabas na. Nag angat naman si April ng paningin sa taong bumati sa kaniya at binigyan ito ng maliit na ngiti.

"Magandang hapon din po, Kuya, mauuna na po Ako sa inyo, ha?"

Tumango naman ang kausap, Hindi na rin niya dinagdagan pa ang kaniyang salita at nagpatuloy na lang sa kaniyang paglalakad papunta sa parking area ng building at naglakad papunta sa kaniyang kotse na nagiisa na lang, dahil panigurado ay umalis na ang kaniyang mga empleyado, Ang kaninang puno ng mga motorsiklo at kotse na parking lot ay ngayon ay ang kaniyang kotse na lang ang nakaparck doon naghihintay sa kaniyang pagdating.

Nang nakalapit na ang dalaga sa kaniyang sasakyan ay kaagad na niyang binuksan ang driver's seat at pumasok nang dahan-dahan, Pagkapasok niya ay isinara na niya ang pinto, inilagay sa kabilang upuan ang kaniyang bag, kinuha ang kaniyang susi na nasa kaniyang bulsa at sinimulang paandarin ang kotse pauwi ng kanilang tahanan.

Pagkahinto ng kaniyang kotse sa kanilang parking area ay kaagad na kinuha ng dalaga ang susi na nasa ignition ng kotse at dinampot ang bag na nasa kabilang upuan: Binuksan ang pinto sa kaniyang left side at bumaba. Kaagad naman na bumati sa kaniya ang malakas at malamig na hangin sa labas dahilan ng pagpadpad ng kaniyang buhok sa kaniyang likuran, Hindi na lang iyon pinansin ng dalaga at tuloy-tuloy na lang sa kaniyang paglalakad papunta sa loob ng kanilang bahay Pagkapasok niya sa loob ay kaagad na siyang naglakad papunta sa hagdanan at diritso sa kaniyang kuwarto sa ikaapat na palapag ng bahay; Nang nasa ikaapat na siya na palapag ay huminto na si April sa kuwarto na malapit sa hagdan at binuksan ito.

Pagkabukas niya ng pinto ay isang malamig at madilim na kuwarto naman kaagad ang bumati sa kaniya, Itinaas naman ng dalaga ang kaniyang kaliwang k**ay at binuksan ang ilaw dahilan ng pagsabog nito sa buong kuwarto.

Dahan-dahan naman niyang isinara ang pinto sa kaniyang likuran at naglakad papunta sa banyo upang maligo; Pagkabukas niya ng pinto ay kaagad na bumukas ang ilaw sa loob nito. Naglakad naman ang dalaga papunta sa shower area, hinubad ang kaniyang mga saplot, at binuksan ang shower. Ilang sandali lang ang lumipas ay natapos na din siya sa kaniyang paliligo kaya naman ay kinuha na niya ang kaniyang towel na nasa ibabaw ng sink. She wrapped it around her and looked at herself in the mirror, saglit lang iyon at kaagad na siyang naglakad papunta sa pinto ng banyo, lumabas, at nagpunta sa kaniyang walk-in closet upang kumuha ng masusuot. Kinuha na niya ang isang red dress na may sleeveless at kita ang likod. Kumuha na rin ang dalaga ng kaniyang undergarments. Pagkatapos ay naglakad papunta sa kaniyang k**a at inilagay sa ibabaw niyon ang kaniyang mga bitbit.

Matapos siyang magbihis ng kaniyang damit ay inayos na din niya ang kaniyang mukha, ni Blow-dry lang niya ang kaniyang buhok at pinusod lang ito, naglagay lang din siya ng kaunting makeup sa kaniyang mukha lip tint at foundation at nagsuot na din si April ng contact lenses sa kaniyang mga mata.

Matapos gawin ang kaniyang pag-ayos ay tinitigan niya ang kaniyang sarili sa harap ng kaniyang vanity mirror. Tumitig naman pabalik sa kaniya ang isang babae na sopisticada, malayo sa babae na magulo ang buhok kanina.

"Okay na to."

Aniya sa kaniyang sarili, umikot lang sa huling pagkakataon at naglakad na papunta sa kaniyang k**a para damputin ang kaniyang bag. Nang nasa mga k**ay na niya ang shoulder bag ay bigla naman na tumunog sa loob ang kaniyang cellphone na kaniya namang kinuha kaagad at sinagot.

"Girl, nasa labas na ako ng gate niyo."

"Okay, papunta na ako."

Tugon ni April at hindi na naghintay pa ng sagot mula sa kaibigan at dali-dali nang naglakad palabas ng kaniyang silid at bumaba.
Pagkatingin niya sa labas ay nakita naman kaagad niya ang kotse ng kaniyang kaibigan na si Luan sa labas, isang itim na Raptor. Dahan-dahan na siyang naglakad palabas. Nang nakita siya nito ay bumaba ang bintana ng kotse.

"Hello: there."

At binuksan nito ang passenger's seat para sa kaniya. Naglakad naman si April papunta doon, binuksan ang pinto, at pumasok.

"Ang ganda.. natin ngayon ah?"

Tanong ng kaniyang kaibigan at tumingin saglit sa kaniya at tinaasan siya ng kilay bago nito sinimulang paandarin ang sasakyan.

"Bawal na ba magpaganda?"

Tanong ng dalaga at inayos ang pagkakalagay ng kaniyang bag sa kaniyang kandungan.

"Pwede naman, pero ang ganda mo lang talaga ngayon, Pati mga babae at gay magkakaroon ng identity crisis sa iyo e. Katakot ka, babae."

"Is it a compliment?"

"Maybe? But seryoso, girl, ang ganda mo."

"Thank you. Ikaw rin, Ann; By the way, pwedeng huminto sa mall saglit? May bibilhin lang ako."

Tumango naman ito ngunit nakadiritso pa rin ang tingin sa unahan, "Ano naman ang bibilhin mo?"

Umayos naman siya ng upo bago sinagot ang tanong nito, "Gift para sa pinsan mo."

"Yie, ikaw ha? Hindi ka pa girlfriend niyan, ma-effort ka na, how much more kung magiging girlfriend ka niya."

"Shut up, Luan Grace, Yang imahinasyon mo kahapon pa yan. Bakit mo ba ako tinutulak diyan sa pinsan mo? Eh hindi nga namin kilala ang isa't isa."

"Hindi pa ngayon, pero mamaya ipapakilala ko siya sa iyo; "

Hindi na lang siya nagsalita pa. Kung aangal pa siya ay panigurado mas lalo lang siyang aasarin ng kaniyang kaibigan. Ilang sandali ang lumipas ay huminto ang kotse nito sa isang mall at lumingon ito sa kaniya.

"Tara na."

At binuksan nito ang pinto sa gilid; Sumunod na din si April, binuksan ang pinto sa kaniyang gilid, at bumaba ng kotse. Magkasama silang pumasok sa loob ng mall, wala man lang silang imikan na dalawa habang naglalakad papasok.
Nang nakapasok na sila ay lumingon sa kaniyang gawi ang kaniyang kaibigan, "Ano ang bibilhin mong regalo?"

Lumunok muna siya ng laway bago sagutin ang tanong nito, "Hindi ko alam e, ano ba ang mga gusto niya?"

Napaisip naman ito, inilagay ang isang k**ay sa ulo, at mas pinasinkit ang mga mata na singkit na, halatang hindi rin nito alam; Ilang sandali lang ay umiling ito.

"Hindi ko din alam e, we are not that very close din kasi, ganito lang kami, o?"
At pinaglayo nito ang dalawang daliri sa isa't isa; "Social distancing, sig**o mukha akong virus sa paningin niya."

"Ewan ko sa iyo, Ann."

At tinalikuran na niya ito, wala naman itong nagawa at sumunod na lang sa kaniyang paglalakad.

"Saan ba tayo pupunta?"

Tanong nito sa kaniya habang nasa kaniyang likod.

"Basta sumunod ka na lang sa akin."

Hindi naman na tumugon ang kaibigan sa kaniya. Ilang sandali lang din ang lumipas ay nakita naman kaagad niya ang shop na kaniyang hinahanap; Naglakad naman si April papunta doon. Pagpasok niya sa store ay walang masyadong tao, nang nabasa ng kaniyang kaibigan ang sign ng store ay nagreklamo ito sa kaniyang likod.

"Bakit dito? Akala ko naman kung saan, Hindi yon mahilig sa relo."

Anito. Hinarap naman ito nang dalaga, "Eh ano ba ang gusto niya?"

Nagkamot naman ito ng ulo, "Hindi ko rin alam, pero ayaw niya sa relo."

Umikot naman ang dalaga at hinarap ang kaniyang kaibigan.

"Okay."

Nauna naman itong naglakad sa kaniya palabas ng store at nakasunod lang si April sa kaniyang kaibigan.

Nakarating naman sila sa isang section ng mall kung saan nakahilira ang mga mamahaling bolpenns Humarap sa kaniya si Luan at nagsalita.

"Dito ka na lang bumili."

Napatango na lang si April at dumako ang paningin sa mga pen na nasa kaniyang harap, May isang pen naman siyang nakitaβ€”gold ang disenyo nito, naalala naman niya ang sulat sa sobre. Napansin naman ni Luan ang kaniyang pagtitig sa pen na iyon.

"Sure ka? Bibilhin mo yan?"

Nag-angat naman siya ng paningin sa kasama: "Bakit naman?"

"Eh kasi ang mahal niyan, girl."

"I don't care, diba nga sabi mo subsob ang pinsan mo sa work niya? Kaya yan ang bibilhin ko para sa kaniya."

Hindi na lang nagsalita ang kaibigan at napatango na lang at ngumiti. Lumapit naman sa kanila ang isang sales man.

"Alin po diyan ang bibilhin niyo?"

Tumingin naman siya sa gold pen na nasa itaas ng lagayan, "Okay po, Ma'am, would you like to put something on that pen?"

Tumango ang dalaga. "Yes, please."

Kinuha naman iyon ng sales man at tumitig ito sa kaniya.

"Ano po ang name?"

"Xj."

Tumango naman ang sales man sa kaniya.. "Okay po, Ma'am, wait lang po saglit."

Tumango naman ang dalaga. Umalis naman saglit ang sales man, pagkaalis nito ay bigla siyang hinampas ni Luan at bumulong sa kaniya.

"Girl, grabe ka ha! Kaya mong gumastos ng 100k para lang sa gift para sa tao na hindi mo naman kilala, sana all."

Ngumiti lang si April sa kaibigan, "Okay lang yon."

Hindi naman na nakasagot pa si Luan dahil bumalik na din kaagad ang sales man at ibinigay sa kaniya ang isang box. Kinuha naman ni April ang kaniyang card sa kaniyang bag at ibinigay iyon sa staff ng store.

Matapos nilang bumili ay lumabas na din sila ng kaniyang kaibigan sa mall at bumalik na sa kotse para pumunta sa birthday party ng pinsan Nito.

Address

Polomolok
9405

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Empire Heart Romances posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Empire Heart Romances:

Share

Category


Other Libraries in Polomolok

Show All