19/10/2026
PAUNAWA:
Ang pagpapanatili ng malinis na kapaligiran ay hindi lamang tungkulin ng mga opisyal ng barangay, kundi isang sama-samang responsibilidad ng bawat mamamayan.
Layunin ng Paunawa
Pagtutulungan (Bayanihan): Ang tagumpay ng clean-up drive ay nakasalalay sa aktibong pakikilahok ng bawat pamilya at residente.
Kalinisan sa Sariling Paligid:"Tapat Mo, Linis Mo" kung saan ang bawat isa ay responsable sa harap at paligid ng kani-kanilang tahanan.
Pag-iwas sa Sakit at Baha: Ang pagwawalis ng mga kalsada, paglilinis ng mga kanal, at tamang paghihiwalay ng basura ay tumutulong upang maiwasan ang dengue, leptospirosis, at pagbabaha.
Kaya ka-Barangay hinihikayat namin ang bawat isa na makiisa at makilahok sa ating WEEKLY CLEAN-UP DRIVE.Kahit sa pamamagitan lamang po ng "Tapat Mo,Linis Mo" program,upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa ating komunidad.