BLGU - Port Barton

Call Directions Website

BLGU - Port Barton This is the Official Page of Barangay Local Government of Bgy. Port Barton, San Vicente, Palawan, Ph

βš–οΈ LIBRENG NOTARYO PARA SA MGA JURAT-TYPE DOCUMENTS SA BARANGAY PORT BARTON!Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na ma...
08/10/2026

βš–οΈ LIBRENG NOTARYO PARA SA MGA JURAT-TYPE DOCUMENTS SA BARANGAY PORT BARTON!

Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mailapit sa mamamayan ang mga serbisyong legal, personal na nagtungo si Sangguniang Bayan Member Hon. Melvin C. Ballesteros sa tanggapan ni Atty. Penn Angelo R. Rombo sa Barangay Poblacion, San Vicente, Palawan, upang hilingin ang kanyang pakikiisa sa isasagawang Free Legal Services ng PLESP sa Barangay Port Barton.

Layunin ng inisyatibang ito na mabigyan ang mga residente ng pagkakataong makapagpanotaryo ng kanilang mga dokumento nang LIBRE, upang makatipid sa gastusin at hindi na kailangang bumiyahe pa patungo sa ibang lugar para sa naturang serbisyo.

βœ… POSITIBONG TUGON MULA KAY ATTY. ROMBO!

Agad namang pinaunlakan ni Atty. Rombo ang kahilingan ni SB Ballesteros at buong-pusong nagpahayag ng kanyang kahandaang makiisa sa programa sa pamamagitan ng personal na pagpunta sa Barangay Port Barton upang magkaloob ng LIBRENG NOTARIAL SERVICES, partikular para lamang sa mga JURAT-TYPE DOCUMENTS.

πŸ“„ ANO ANG MGA JURAT-TYPE DOCUMENTS?

Ito ay mga dokumentong nangangailangan ng panunumpa o pagpapatunay sa harap ng notaryo na ang mga nakasaad dito ay totoo, gaya ng:

βœ… Affidavit of Loss
βœ… Affidavit of Residency
βœ… Affidavit of Undertaking
βœ… Sworn Statements o Declarations
βœ… Iba pang dokumentong nangangailangan ng jurat

Ang pagtanggap at pagpapanotaryo ng dokumento ay nakabatay sa pagsusuri ng notaryo at sa umiiral na mga patakaran sa notarization.

πŸ“… ISKEDYUL NG LIBRENG NOTARYO

πŸ“† Petsa: Oktubre 22, 2026 (Huwebes)
πŸ•— Oras: 8:00 AM – 3:00 PM
πŸ“ Lugar: Barangay Gymnasium, Port Barton, San Vicente, Palawan

πŸ“Œ MAHAHALAGANG PAALALA:

1. Kinakailangan ang personal na pagharap ng mismong magpapanotaryo.
2. Magdala ng hindi bababa sa dalawang (2) kopya ng dokumentong ipapanotaryo.
3. Magdala ng valid government-issued ID at photocopy nito.
4. Huwag munang lagdaan ang dokumento hangga't wala sa harap ng notaryo.
5. FIRST COME, FIRST SERVED BASIS!

πŸ“£ INAANYAYAHAN ANG LAHAT NG RESIDENTE NG BARANGAY PORT BARTON na samantalahin ang pagkakataong ito upang makakuha ng libreng serbisyong notarial.

Ang inisyatibang ito ay patunay na sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan, pagtutulungan, at aktuwal na pagkilos, mas maraming serbisyong pampubliko ang maaaring mailapit sa ating mga kababayan.

Maraming salamat kay Atty. Penn Angelo Rombo sa kanyang positibong pagtugon at boluntaryong pakikiisa sa adhikaing ito!

πŸ“’ ATTENTION, TRANSPORT GROUP SECTOR! 🚨Inaanyayahan ang ating mga Tuktuk Drivers at Tourist Boat Operators na makiisa sa ...
08/10/2026

πŸ“’ ATTENTION, TRANSPORT GROUP SECTOR! 🚨

Inaanyayahan ang ating mga Tuktuk Drivers at Tourist Boat Operators na makiisa sa gaganaping:

TRANSPORT GROUP SECTOR SEMINAR ON ANTI-ILLEGAL DRUGS

πŸ“… October 21, 2026
πŸ“ Barangay Port Barton, San Vicente, Palawan

πŸ“£ PAANYAYA PARA SA ATING MGA KAPATID NA KATUTUBO (IPs) SA BARANGAY PORT BARTON! πŸ’šBilang bahagi ng pagdiriwang ng Indigen...
07/10/2026

πŸ“£ PAANYAYA PARA SA ATING MGA KAPATID NA KATUTUBO (IPs) SA BARANGAY PORT BARTON! πŸ’š

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Indigenous Peoples (IPs) Month 2026, ang San Vicente Rural Health Unit (RHU), katuwang ang IPMR Office, ay magsasagawa ng PhilHealth YAKAP Registration para sa ating mga kababayan sa Barangay Port Barton.

πŸ“… Oktubre 15, 2026 | Huwebes
⏰ 8:00 AM – 5:00 PM
πŸ“ Barangay Port Barton Gymnasium

Ang PhilHealth YAKAP (Yaman ng Kalusugan Program) ay naglalayong mailapit sa bawat Pilipino ang mahahalagang serbisyong pangkalusugan. Sa pamamagitan ng pagpaparehistro, mas magiging maayos ang access ng kwalipikadong miyembro at kanilang pamilya sa primary care at iba pang benepisyong pangkalusugan ng PhilHealth.

πŸ“Œ PAALALA: Huwag kalimutang magdala ng Valid IDβ€”mas mainam kung PhilHealth ID Cardβ€”at kopya ng Birth Certificate upang mapadali ang inyong registration.

πŸ‘‰ Tara na at magparehistro! Samantalahin natin ang pagkakataong ito para sa mas madaling access sa serbisyong pangkalusugan at mas protektadong kalusugan ng buong pamilya.

Katutubong Pilipino: Katuwang sa Mas Inklusibo, Matatag at Magandang Kinabukasan! πŸ‡΅πŸ‡­

07/10/2026

π—˜π—¬π—˜π—¦ π—›π—˜π—₯π—˜ 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ 𝗣𝗒π—₯𝗧 𝗕𝗔π—₯𝗧𝗒𝗑!!!

πŸ“’ PAANYAYA | LIBRENG LEGAL LECTURES AT KONSULTASYON SA PORT BARTONBilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mailapit sa ...
07/10/2026

πŸ“’ PAANYAYA | LIBRENG LEGAL LECTURES AT KONSULTASYON SA PORT BARTON

Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mailapit sa mamamayan ang serbisyong legal ng pamahalaan, magsasagawa ang Provincial Legal Office ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan, sa pamamagitan ng Provincial Legal Extension Services Program, ng FREE LEGAL LECTURES AND CONSULTATIONS para sa mga residente ng Barangay Port Barton at Barangay Caruray, San Vicente, Palawan.

πŸ“… OCTOBER 21–22, 2026
πŸ“ Port Barton Covered Gym

Ang aktibidad na ito ay hiniling sa pamamagitan ng Resolution No. 2026-783, na inakda ni Hon. Melvin C. Ballesteros, Sangguniang Bayan Member, bilang isang inisyatiba upang mabigyan ang ating mga kababayan ng mas malawak na kaalaman sa batas at direktang access sa libreng legal na payo at konsultasyon mula sa mga abogado.

πŸ”Ή DAY 1 – OCTOBER 21 | LEGAL LECTURES

MORNING LECTURE: Tatalakayin ang mahahalagang paksa tungkol sa VAWC, Anti-Trafficking in Person

PRIORITY INVITEES (AM LECTURE):
Barangay Officials
VAWC Desk Officers
Lupon Members
Barangay Tanod
BHWs

AFTERNOON LECTURE: Tatalakayin ang mahahalagang paksa tungkol sa Land Titling, Small Claims, at Solid Waste Management.

PRIORITY INVITEES (PM LECTURE):
Barangay Officials
Landowners
May-ari ng Tourism-Related Establishments

βš–οΈ DAY 2 – OCTOBER 22 | LIBRENG LEGAL CONSULTATION

πŸ•— 8:00 AM – 3:00 PM

BUKAS PARA SA LAHAT!
(FIRST COME, FIRST SERVED BASIS)

Maaaring magdala ng mga dokumentong may kaugnayan sa inyong legal na concern upang mas maayos itong masuri at mapayuhan ng mga abogado.

Isang pagkakataon ito upang malaman ang inyong mga karapatan, maunawaan ang batas, at direktang makakuha ng legal na gabayβ€”nang LIBRE.

Huwag palampasin ang pagkakataong ito. Kita-kits sa Port Barton Covered Gym!

07/10/2026
πŸ‘΄πŸ‘΅ ELDERLY FILIPINO WEEK 2026 πŸ‘΅πŸ‘΄Ang Barangay Port Barton ay buong-pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng Elderly Filipino We...
06/10/2026

πŸ‘΄πŸ‘΅ ELDERLY FILIPINO WEEK 2026 πŸ‘΅πŸ‘΄

Ang Barangay Port Barton ay buong-pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng Elderly Filipino Week 2026 ngayong October 6, 2026

Sa temang:
β€œNakatatandang Pilipino: May Halaga at Karapatan, May Boses at Ambag sa Bayan.”

Patuloy nating kilalanin, igalang, at pahalagahan ang ating mga Senior Citizens na naging mahalagang bahagi ng ating pamilya at komunidad. ❀️

Suporta Para sa Seniors!
Mabuhay ang ating mga Nakatatandang Pilipino! πŸŽ‰πŸ‘΅πŸ‘΄

πŸ“ Barangay Port Barton, San Vicente, Palawan
πŸ‡΅πŸ‡­

πŸ“£ LIBRENG LTO THEORETICAL DRIVING COURSE (TDC) REGISTRATION!Inaanyayahan ang mga interesadong mamamayan ng Port Barton, ...
05/10/2026

πŸ“£ LIBRENG LTO THEORETICAL DRIVING COURSE (TDC) REGISTRATION!

Inaanyayahan ang mga interesadong mamamayan ng Port Barton, edad 16 taong gulang pataas, na wala pang Driver’s License o Student Permit, na magparehistro para sa LIBRENG 15-Hour TDC Certificate mula sa LTO.

πŸ“ Saan: Municipal Gym, Poblacion, San Vicente

πŸ“… Kailan: 1st Week ng Nobyembre (tentative)

πŸ‘₯ Slots: Unang 200 na makakapagparehistro lamang

βœ… Para ito sa mga nais kumuha ng Student Permit at magsimula ng tamang kaalaman sa ligtas at responsableng pagmamaneho.

πŸ‘‰ I-click ang link sa ibaba upang magparehistro:

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfz74vkT_qQ6qGBeVmyqhnsywzTL2nIoAiGIq2pZ6MVUH2nJw/viewform?usp=publish-editor

πŸ“Œ Paalala: Ang pagpaparehistro ay limitado lamang sa unang 200 slots. Magparehistro na habang may bakante pa!

TIGNAN | BARANGAY KALINISAN DAYNaging matagumpay ang isinagawang  BARKADA (Barangay Kalinisan Day) sa bahagi ng ilog ng ...
05/10/2026

TIGNAN | BARANGAY KALINISAN DAY

Naging matagumpay ang isinagawang BARKADA (Barangay Kalinisan Day) sa bahagi ng ilog ng Barangay Port Barton noong Oktubre 3, 2026.

Sa pamamagitan ng inisyatiba ng ating Punong Barangay, Hon. Marvin C. Ballesteros, ang aktibidad ay pinangunahan ng iba’t ibang ahensya at organisasyon sa barangay, kasama ang ating masisipag na mga boluntaryo.

Sa sama-samang pagtutulungan at pakikiisa, matagumpay na nalinis at naayos ang mga bahagi ng daan patungong Sitio Pagdanan, bilang bahagi ng patuloy na pagpapanatili ngkalinisan, kaayusan, at kagandahan ng ating komunidad.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naglaan ng oras at pagsisikap upang maging matagumpay ang gawaing ito!

Mabuhay ang Barangay Port Barton!

Sama-sama para sa malinis at maayos na komunidad!🌿

30/09/2026

Address

Purok Masigla
Port Barton
5309

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639171425115

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BLGU - Port Barton posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share