Negosyo Center Pangasinan: Pozorrubio - LGU

Directions Contact the organization

Negosyo Center Pangasinan: Pozorrubio - LGU Republic Act No. 10644 otherwise known as the “Go Negosyo Act,”.

The Negosyo Center Program is responsible for promoting ease of doing business and facilitating access to services for Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs).

22/10/2026
21/10/2026

🔥 𝐌𝐀𝐆-𝐈𝐍𝐆𝐀𝐓 𝐒𝐀 𝐅𝐑𝐀𝐔𝐃 𝐋𝐏𝐆 𝐈𝐍𝐒𝐏𝐄𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐂𝐇𝐄𝐌𝐄!

Ngayong Consumer Welfare Month 2026, mahalagang maging mapanuri at alerto laban sa mga mapanlinlang na gawain na katulad ng LPG inspection scheme na nanlilinlang sa mga mamimili. 💙

📌 Tandaan ang mga sumusunod:
Huwag basta magbahagi ng personal na impormasyon o makipag-usap sa mga kahina-hinalang nag-aalok ng inspeksiyon. Walang sinuman ang maaaring pumasok sa inyong tahanan nang walang pahintulot. Huwag ding magpaloko sa mga nag-aalok ng LPG anti-leak o energy-saving devices na walang kaukulang awtorisasyon. Siguraduhing may PS Mark o ICC sticker ang binibiling LPG regulator at bumili lamang ng LPG accessories sa mga awtorisado at mapagkakatiwalaang LPG dealer.

Kung may kahina-hinalang insidente, agad itong i-report sa pinakamalapit na DTI Office o Negosyo Center sa inyong lugar. Maaari ring mag-email sa [email protected] o [email protected], o tumawag sa DTI Hotline 1-384.

Maging mapagmatyag, magtanong, at huwag mag-atubiling mag-report upang maprotektahan ang iyong sarili, pamilya, at komunidad laban sa panlilinlang.

Safe Products, Confident Consumers! 💙💛

19/10/2026

🏷️ 𝐓𝐀𝐌𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐄𝐒𝐘𝐎, 𝐊𝐀𝐑𝐀𝐏𝐀𝐓𝐀𝐍 𝐌𝐎!

Ngayong Consumer Welfare Month 2026, mahalagang maging matalino at mapanuri sa bawat pagbili! 💙

Ang Republic Act No. 7394 (Consumer Act of the Philippines) at Republic Act No. 71 (Price Tag Law) ay naglalayong protektahan ang mga mamimili at itaguyod ang patas na kalakalan. Tinitiyak ng Price Tag Law na dapat malinaw na nakasaad ang presyo ng mga produktong ibinebenta upang maging gabay ng mga mamimili sa kanilang pagbili.

📌 Tandaan: Kung magkaiba ang presyo sa shelf tag at sa cashier, ang mas mababang presyo ang dapat bayaran. Suriin ang presyo bago bumili at huwag kalimutang humingi ng resibo!

Safe Products, Confident Consumers! 💙

Address

Sison Street Poblacion III
Pozorrubio
2435

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Negosyo Center Pangasinan: Pozorrubio - LGU posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Negosyo Center Pangasinan: Pozorrubio - LGU:

Shortcuts

Share