28/09/2021
𝗕𝗔𝗦𝗔𝗛𝗜𝗡 | 𝗗𝗲𝗽𝗘𝗱, 𝗵𝗶𝗻𝗶𝗵𝗶𝗸𝗮𝘆𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗴𝘂𝗿𝗼, 𝗸𝗮𝘄𝗮𝗻𝗶 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗴-𝘀𝗶𝗴𝗻 𝘂𝗽 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗞𝗲𝘆 𝗜𝗻𝗳𝗿𝗮𝘀𝘁𝗿𝘂𝗰𝘁𝘂𝗿𝗲
Setyembre 28, 2021 – Bilang paghahanda para sa paparating na Eleksyon 2022, hinihikayat ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang mga g**o at kawani na hindi pa nakapag-sign up para sa Philippine National Public Key Infrastructure (PNPKI) na magparehistro sa pamamagitan ng DepEd Learning Management System (LMS).
“During election season, data security is our biggest priority. We are thankful for the DICT as they allowed us to fast-track our registration for PNPKI to ensure the safety of our public school teachers in the elections next year,” pagbabahagi ni Kalihim ng Edukasyon Leonor Magtolis Briones.
Ngayong Setyembre 20, 2021, nakapagsumite na ang 537,654 o 53% ng lahat ng g**o at kawani ng DepEd ng kanilang aplikasyon.
Sa lahat ng mga aplikasyon, 362,572 o 36% sa kabuuang bilang ay na-validate na ng personnel officer at handa nang isumite sa Department of Information and Communications Technology (DICT).
Ang PNPKI digital signature ay bagong pangangailangan ng Commission of Elections (Comelec) para sa lahat ng pampublikong g**o na magsisilbi bilang Electoral Board Members. Bukas sa lahat ng empleyado ng gobyerno, mga ahensya, at pribadong mga indibidwal, ang PNPKI ay isang virtual key na hinahayaan ang mga gumagamit nito na i-encrypt o itago ang data sa isang code at naka-embed ang mahahalagang mga transaksyon tulad ng email exchange upang maprotektahan ito sa mga hackers. Ang PNPKI ay nagtataguyod ng tiwala sa mga ahensya ng gobyerno at sa pangako nitong ligtas na transaksyon sa publiko.
Makukuha ang PNPKI key o certificate sa pag-apply. Ito ay napakaliit na mga files, na inirerekomenda ng DICT na ilagay sa USB flash disk, na maaring i-download sa computer at i-activate sa ilang mga aplikasyon o mga transakyon kung saan ay mataas ang prayoridad sa seguridad.
Hinihikayat ng Kagawaran ang hindi pa nakakapagparehistro na mag sign up bago ang deadline sa Setyembre 30, 2021.
Sa kasalukuyan, nangunguna ang Region IV-A CALABARZON sa pinakamaraming bilang ng nasumiteng aplikasyon sa isang rehiyon na may 86,181, sinusundan ito ng Region VII na may 70,125, at Region V na may 55,998 nasumiteng aplikasyon ng mga kawani.
Para sa mga Schools Division Offices, SDO Tanjay City ng Region VII ang nangunguna sa lahat ng Division Offices na may pinakamaraming bilang ng validated na mga aplikasyon na may 106%, sinusundan ito ng Alaminos City at Ilocos Sur ng Rehiyon I na parehong may 98%.
Ang PNPKI digital signature ay panibagong pangangailangan ng Commission of Elections (Comelec) para sa lahat ng pampublikong g**o na magsisilbi bilang Electoral Board Members.
Sa pakikipagtulungan sa DICT, napabilis ng DepEd ang rehistrasyon ng mga g**o at kawani gamit ang DepEd LMS bilang online platform. Hinayaan nito ang Kagawaran na mag file ng mga bultuhang aplikasyon para sa mga digital certificates at para sa pag-aalis ng DICT na ng pagpasa ng mga kinakailangan.
Upang mag-rehistro at para sa iba pang impormasyon, pumunta sa http://bit.ly/Deped-PNPKI at punan ang application form para sa PNPKI certification bago ang deadline.
[Full article (English): https://www.deped.gov.ph/2021/09/28/deped-urges-teachers-personnel-to-sign-up-for-philippine-national-public-key-infrastructure/]