Local Government Unit of Presentacion, Camarines Sur

Call Directions Website Contact the organization

Local Government Unit of Presentacion, Camarines Sur Ini po an Official page kan Lokal na Gobyerno nin Presentacion. Pa Like asin Follow man po.

25/09/2026

📣 𝐈𝐌𝐏𝐎𝐑𝐓𝐀𝐍𝐓 𝐀𝐍𝐍𝐎𝐔𝐍𝐂𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Republic Act No. 12326.

AN ACT FIXING THE TERM OF OFFICE OF BARANGAY OFFICIALS AND MEMBERS OF THE SANGGUNIANG KABATAAN TO FIVE (5) YEARS, AMENDING REPUBLIC ACT NO. 12232 OR "AN ACT SETTING THE TERM OF OFFICE OF BARANGAY OFFICIALS AND MEMBERS OF THE SANGGUNIANG KABATAAN, AND FOR OTHER PURPOSES”

👉 5-year term for all Barangay and Sangguniang Kabataan Officials
📆 November 13, 2028 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections

Dahil dito, ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections sa November 2, 2026 ay hindi na itutuloy. Kinakansela na rin ng COMELEC ang Calendar of Activities, kasama na ang Filing of Certificates of Candidacy mula September 28 hanggang October 5, 2026, pati na rin ang mga kaugnay na Prohibitions on Disbursement of Public Funds, Transfer, Appointment, Promotions, Suspensions, atbp, at ang nakatakdang Election Period simula October 3, 2026.

𝗔𝗯𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗯𝘂𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀 𝗺𝘂𝗹𝗶 𝗻𝗴 𝗩𝗼𝘁𝗲𝗿 𝗥𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗴𝘀𝗶𝘀𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝗸𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 (𝟮𝗻𝗱) 𝗹𝗶𝗻𝗴𝗴𝗼 𝗻𝗴 𝗡𝗼𝘃𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿, 𝟮𝟬𝟮𝟲.

11/09/2026

𝐏𝐑𝐎𝐂𝐋𝐀𝐌𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐍𝐎. 𝟏𝟒𝟐𝟕 , 𝐬. 𝟐𝟎𝟐𝟔

Declaring the Regular Holidays and Special (Non-Working) Days for the Year 2027

Visit the Official Gazette website: https://www.officialgazette.gov.ph/IGJODZ

𝑭𝒊𝒆𝒍𝒅 𝒗𝒂𝒍𝒊𝒅𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒏𝒈 𝑬𝒙𝒊𝒔𝒕𝒊𝒏𝒈 𝑳𝒂𝒏𝒅 𝑼𝒔𝒆 𝑴𝒂𝒑 𝒏𝒈 𝑵𝑨𝑴𝑹𝑰𝑨 𝒂𝒕 𝑷𝒂𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍𝒂𝒂𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑷𝒓𝒆𝒔𝒆𝒏𝒕𝒂𝒄𝒊𝒐𝒏, 𝑪𝒂𝒎𝒂𝒓𝒊𝒏𝒆𝒔 𝑺𝒖𝒓, 𝒕𝒂𝒑𝒐𝒔 𝒏𝒂Matagum...
26/08/2026

𝑭𝒊𝒆𝒍𝒅 𝒗𝒂𝒍𝒊𝒅𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒏𝒈 𝑬𝒙𝒊𝒔𝒕𝒊𝒏𝒈 𝑳𝒂𝒏𝒅 𝑼𝒔𝒆 𝑴𝒂𝒑 𝒏𝒈 𝑵𝑨𝑴𝑹𝑰𝑨 𝒂𝒕 𝑷𝒂𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍𝒂𝒂𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑷𝒓𝒆𝒔𝒆𝒏𝒕𝒂𝒄𝒊𝒐𝒏, 𝑪𝒂𝒎𝒂𝒓𝒊𝒏𝒆𝒔 𝑺𝒖𝒓, 𝒕𝒂𝒑𝒐𝒔 𝒏𝒂

Matagumpay na naisagawa ng Pamahalaang Bayan ng Presentacion, Camarines Sur at ng National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) ang kanilang field validation ng ginagawang Existing Land Use Map ng nasabing bayan nitong Martes, 25 Agosto 2026, sa iba't ibang mahahalagang lugar at tanawin nito upang matiyak na tama ang ginagawang mapa.

Maghapong sinuyod ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan at ng mga kinatawan ng NAMRIA ang mga barangay Ayugao, Baliguian, Cagnipa, Pili, at Sta. Maria para makuha ang wastong impormasyon at datos na kakailanganin sa paggawa ng Existing Land Use Map sa ilalim ng 𝐸𝑛𝑣𝑖𝑟𝑜𝑛𝑚𝑒𝑛𝑡 𝑎𝑛𝑑 𝑁𝑎𝑡𝑢𝑟𝑎𝑙 𝑅𝑒𝑠𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒𝑠 (𝐸𝑁𝑅) 𝐷𝑎𝑡𝑎 𝐼𝑛𝑡𝑒𝑔𝑟𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛 𝑓𝑜𝑟 𝑀𝑎𝑝𝑝𝑖𝑛𝑔 𝑜𝑓 𝐸𝑥𝑖𝑠𝑡𝑖𝑛𝑔 𝐿𝑎𝑛𝑑 𝑈𝑠𝑒𝑠 𝑃𝑟𝑜𝑗𝑒𝑐𝑡.

Sa Barangay Ayugao, kanilang tinungo ang ginagawang Sanitary Landfill ng Presentacion na kasalukuyang nagsisilbing Residuals Containment Area o lagakan ng mga basurang hindi nabubulok at hindi na rin mapakikinabangan pa.

Sa Barangay Baliguian, pinuntahan nila ang Bali Boulevard, isa sa mga pangunahing lansangan ng naturang barangay na kung saan tanaw ang dagat, at ang Baliguian Falls, isang talon na nagsisilbing tanawin at pook-pasyalan na dinarayo ng mga tao mula sa loob at labas ng barangay.

Sa Barangay Cagnipa, kanilang tinungo ang Ugao Lakeside Resort, isang resort sa naturang barangay na malapit sa Gov. Felix A. Fuentebella National Highway na mayroong swimming pool at mga kuwarto para sa mga taong nagpapasyal doon.

Sa Barangay Pili, pinuntahan nila ang Municipal Public Cemetery na pangunahing libingan ng mga yumao sa Presentacion, at ang bagong tayo at pasinayang Municipal Fire Station na nagsisilbing bagong himpilan at tanggapan ng mga bumbero dito sa bayan.

Pinuntahan din nila sa Pili ang Presentacion Village na isang subdivision na binubuo ng socialized housing units para sa mga nasalanta noon ng Bagyong Yolanda, at ang Municipal Slaughterhouse na nagsisilbing katayan ng mga hayop na pinatatakbo ng Pamahalaang Bayan.

Sa Barangay Sta. Maria, kanilang tinungo ang Mini New Zealand View Deck na isang view deck sa tabi ng Gov. Felix A. Fuentebella Highway na tanaw ang luntiang pampang ng Pili River na binansagang Mini New Zealand dahil sa mala-New Zealand na anyo ng kapatagan nito, at ang I Love Presentacion View Deck na katabi rin ng nasabing highway na tanaw ang mabatong dalampasigan at asul na tubig-dagat ng Lagonoy Gulf.

Tinungo rin nila sa Sta. Maria ang ang Simbahan ni San Antonio de Padua na kasalukuyang pangunahing pook-sambahan ng Simbahang Katoliko Romano sa Presentacion, at ang isa sa mga Telecommunication Tower na nagbibigay ng signal sa mga mobile phone sa naturang barangay.

Binubuo nina Bb. Merlyn S. Soriano, RPF (Senior Remote Sensing Technologist), Bb. Justine D. Maaño, RPF (Remote Sensing Technologist II) at G. Jerome Gian Co ang mga kinatawan ng NAMRIA na sumama sa field validation.

Samantala, binubuo nina G. Faustino B. Indico, RCE, GE (Municipal Engineer), G. Elias B. Indico, Jr., GE (Officer-in-Charge ng Municipal Assessor's Office), Bb. Abegail N. Bolima, RCE (Zoning Officer II ng Municipal Planning and Development Office (MPDO)), Bb. Ellen A. Villanueva (Data Encoder ng Municipal Engineering Office (MEO)), G. Jesus Olarve (MEO Staffer), at G. Brylle John R. Presentacion (MPDO Staffer) ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan na sumama sa field validation.

-𝗪𝗔𝗞𝗔𝗦-

𝑬𝒙𝒊𝒔𝒕𝒊𝒏𝒈 𝑳𝒂𝒏𝒅 𝑼𝒔𝒆 𝑴𝒂𝒑, 𝒑𝒊𝒏𝒂𝒈𝒑𝒍𝒂𝒏𝒖𝒉𝒂𝒏 𝒏𝒂 𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍𝒂𝒂𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑷𝒓𝒆𝒔𝒆𝒏𝒕𝒂𝒄𝒊𝒐𝒏, 𝑪𝒂𝒎𝒂𝒓𝒊𝒏𝒆𝒔 𝑺𝒖𝒓 𝒂𝒕 𝑵𝑨𝑴𝑹𝑰𝑨Pormal nang nagdaos...
25/08/2026

𝑬𝒙𝒊𝒔𝒕𝒊𝒏𝒈 𝑳𝒂𝒏𝒅 𝑼𝒔𝒆 𝑴𝒂𝒑, 𝒑𝒊𝒏𝒂𝒈𝒑𝒍𝒂𝒏𝒖𝒉𝒂𝒏 𝒏𝒂 𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍𝒂𝒂𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑷𝒓𝒆𝒔𝒆𝒏𝒕𝒂𝒄𝒊𝒐𝒏, 𝑪𝒂𝒎𝒂𝒓𝒊𝒏𝒆𝒔 𝑺𝒖𝒓 𝒂𝒕 𝑵𝑨𝑴𝑹𝑰𝑨

Pormal nang nagdaos ng pulong ang Pamahalaang Bayan ng Presentacion, Camarines Sur at ang National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) nitong Lunes ng umaga, 24 Agosto 2026, sa Conference Room ng Tanggapan ng Alkalde sa loob ng Munisipyo upang pagplanuhan ang paggawa ng Existing Land Use Map ng bayan.

Ayon kay Bb. Merlyn S. Soriano, RPF (Senior Remote Sensing Technologist) na siyang nanguna sa delegasyon ng NAMRIA, ang pagbuo ng Existing Land Use Map ay bahagi ng kanilang pambansang proyekto—ang 𝐸𝑛𝑣𝑖𝑟𝑜𝑛𝑚𝑒𝑛𝑡 𝑎𝑛𝑑 𝑁𝑎𝑡𝑢𝑟𝑎𝑙 𝑅𝑒𝑠𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒𝑠 (𝐸𝑁𝑅) 𝐷𝑎𝑡𝑎 𝐼𝑛𝑡𝑒𝑔𝑟𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛 𝑓𝑜𝑟 𝑀𝑎𝑝𝑝𝑖𝑛𝑔 𝑜𝑓 𝐸𝑥𝑖𝑠𝑡𝑖𝑛𝑔 𝐿𝑎𝑛𝑑 𝑈𝑠𝑒𝑠 𝑃𝑟𝑜𝑗𝑒𝑐𝑡.

Kasama rin sa delegasyon ng NAMRIA sina Bb. Justine D. Maaño, RPF (Remote Sensing Technologist II) at G. Jerome Gian Co para maisakatuparan ang naturang proyekto sa Presentacion. Layunin ng kanilang proyekto na makagawa ng mga updated na mapa para sa lahat ng bayan at lalawigan sa buong bansa.

Binigyang-diin din ng grupo na mahalaga ang tulong at kooperasyon ng Pamahalaang Bayan ng Presentacion, Camarines Sur. Target kasi ng NAMRIA na matapos ngayong taon ang mga mapa para sa buong Lalawigan ng Camarines Sur upang kagyat itong maipamahagi at magamit ng mga lokal na pamahalaan.

Samantala, kinatawan ni Kagawad Clara P. Saldo si Alkalde Jimmy V. Deleña na kasalukuyang nasa labas ng bayan para sa isang mahalagang opisyal na lakad. Nangako naman ang Pamahalaang Bayan na buong-puso itong tutulong sa proyekto sa pamamagitan ng paglalaan ng mga tauhan, panahon, at mga kinakailangang kagamitan upang matapos ang mapa.

Sa nasabing pulong, kinilala ng delegasyon ng NAMRIA ang mahalagang papel ng mga planner, mapper, at ng kababaihan ng Pamahalaang Bayan upang maisakatuparan ang mga layunin ng proyekto. Pinuri rin ng ahensya ang gobyerno lokal sa mabilis na pagsumite ng mga kinakailangang file at datos para sa paggawa ng mapa.

Kaugnay nito, ginawaran din ng training certificate sina G. Jason Q. Alsum, RCE, EnP (Municipal Planning and Development Coordinator) at G. Teodorico M. Collano, Jr. (Statistician II ng Municipal Planning and Development Office (MPDO)) matapos silang magtapos sa 𝑂𝑛𝑙𝑖𝑛𝑒 𝐵𝑎𝑠𝑖𝑐 𝐺𝑒𝑜𝑔𝑟𝑎𝑝ℎ𝑖𝑐 𝐼𝑛𝑓𝑜𝑟𝑚𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛 𝑆𝑦𝑠𝑡𝑒𝑚 (𝐺𝐼𝑆) 𝑇𝑟𝑎𝑖𝑛𝑖𝑛𝑔 𝑢𝑠𝑖𝑛𝑔 𝑄𝐺𝐼𝑆 noong nakaraang Hunyo 2026.

Namahagi rin ang NAMRIA ng communication, education, and public awareness materials para sa Gender and Development (GAD), katuwang ni Gng. Anne Margarette R. Bismonte (GAD Focal Person) ng Pamahalaang Bayan, sa lahat ng mga babaeng kasama sa pulong upang kilalanin ang kanilang mahalagang papel sa proyekto.

Sa mungkahi ni Gng. Regina A. Bea, RSW (Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer), itinuloy ang field consultation ng NAMRIA sa Conference Room sa ikatlong palapag ng Emergency Operation Center Building nitong hapon, parehong araw, upang alamin ang mga kailangang baguhin sa mapang ginagawa gamit ang QGIS at para magplano na rin sa gagawing field validation kinaumagahan ng Martes, 25 Agosto 2026.

Kasama sa isinagawang field consultation sina Gng. Bea, G. Alsum, G. Collano, Bb. Abegail N. Bolima, RCE (Zoning Officer II ng MPDO), G. Faustino B. Indico, RCE, GE (Municipal Engineer), G. Elias B. Indico, Jr., GE (Officer-in-Charge ng Municipal Assessor's Office), Gng. Trysie-Ann R. Anciano, RAgr, MSAS (Officer-in-Charge ng Municipal Agriculture Office), G. Nichole V. Bernabe (Information Technologist ng MDRRM Office), G. Brylle John R. Presentacion (MPDO Staffer), at ang mga kinatawan ng NAMRIA.

-𝗪𝗔𝗞𝗔𝗦-

03/07/2026
03/07/2026
The Municipality of Presentacion, Camarines Sur respectfully appeals to the public to support the 2027 Community-Based M...
02/07/2026

The Municipality of Presentacion, Camarines Sur respectfully appeals to the public to support the 2027 Community-Based Monitoring System (CBMS) with the Philippine Statistics Authority at the helm.

Per Section 3(a) of Republic Act No. 11315, otherwise known as the CBMS Act, the CBMS is an organized technology-based system of collecting, processing, and validating necessary disaggregated data that may be used for local planning, program implementation, and impact monitoring while empowering communities to participate in the process.

Moreover, the CBMS involves generation of data at the local level which serves as a basis in targeting households for government programs geared towards poverty alleviation and economic development.

Thus, everyone's participation will help the government build better programs, smarter communities, and informed decisions for every Filipino.

The Municipality of Presentacion, Camarines Sur wholeheartedly supports the conduct of the 2026 Annual Poverty Indicator...
02/07/2026

The Municipality of Presentacion, Camarines Sur wholeheartedly supports the conduct of the 2026 Annual Poverty Indicators Survey (APIS), under the leadership of the Philippine Statistics Authority.

Surveys related to the APIS shall commence this month. Stay tuned for more updates!

17/06/2026

🤘 The fiesta is over... or is it?!

Get ready for a night filled with powerful performances, electrifying music, and local talent taking center stage as bands battle it out for glory in the Battle of the Bands. 🎶🔥

Whether you're a music lover, a supporter of local artists, or simply looking for one more reason to celebrate, this is an event you won't want to miss.

📍 Join us and be part of the crowd that keeps the festival spirit alive.
🎤 Feel the music.
🤘 Cheer for your favorite band.
🎉 Let's make one more unforgettable memory together.

The fiesta may be ending, but the celebration continues. See you at the 10th Abaca Festival Battle of the Bands!

Address

Bagumbayan Street, LGU Compound
Presentacion
4424

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639620623757

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Local Government Unit of Presentacion, Camarines Sur posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Local Government Unit of Presentacion, Camarines Sur:

Shortcuts

Share