25/09/2026
BSKE 2026 Postponedโผ๏ธ
Pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act No. 12326, na nagtatakda ng limang taong termino ng panunungkulan ng mga opisyal ng barangay at mga miyembro ng Sangguniang Kabataan.
Kasabay nito, hinikayat ng Pangulo ang mga kasalukuyang opisyal na gamitin ang karagdagang panahon upang higit na mapabuti ang serbisyo, tapusin ang mga nasimulang programa, at tugunan ang pangangailangan ng mga komunidad, pamilya at kabataan.
Ang dagdag na panahon sa panunungkulan ay dagdag na panahon para maglingkod at gampanan ang pananagutan sa taumbayan.