07/10/2026
ICYMI | "Josani Agriculture Cooperative, Isinulong ang Market-Ready Kimchi sa pamamagitan ng Test Marketing sa Roxas!"
Setyembre 8-9, 2026 | Roxas, Palawan
Sa pagpapatuloy ng pagsisikap na gawing mas competitive, sustainable, at market-responsive ang mga enterprise ng Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) at Agrarian Reform Beneficiary Organizations (ARBOs), isinagawa ng Josani Agriculture Cooperative ang Market Engagement and Test Marketing for Josani Agriculture Cooperative’s Kimchi noong Setyembre 8–9, 2026 sa Roxas, Palawan.
Isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng Village-Level Farm-Focused Enterprise Development (VLFED) Program ng Department of Agrarian Reform (DAR), na naglalayong suportahan ang pagpapaunlad ng mga sustainable at market-oriented enterprise ng ARBs at ARBOs. Kabilang sa mga pangunahing prinsipyo ng programa ang hindi lamang pagpapalakas ng production capacity kundi pati ang patuloy na product development, market development, at pagtatatag ng sustainable market linkages.
Para sa Josani Agriculture Cooperative, ang market engagement ay mahalagang susunod na hakbang sa patuloy nitong pagpapaunlad ng kimchi production bilang value-adding enterprise. Matapos ang mga naunang interventions sa vegetable production, kimchi processing, at Current Good Manufacturing Practices (cGMP), patuloy na pinagbubuti ng kooperatiba ang kanilang produkto upang higit na mapataas ang kalidad at market acceptability nito.
Ngunit higit sa pagbuo ng isang produktong sa tingin ng producer ay mas mahusay, binigyang-diin ng aktibidad ang kahalagahan ng pakikinig mismo sa merkado. Sa isinagawang test marketing, direktang nakipag-ugnayan ang mga opisyal at designated representatives ng Josani Agriculture Cooperative, katuwang ang DAR, sa mga potensyal na buyers at market stakeholders sa Roxas,
kabilang ang mga retailers, restaurants at food establishments, at iba pang potential customers sa Roxas..
Sa halip na isang simpleng promotional o selling activity, naging consultative at field-based market engagement ang approach. Personal na ipinrisinta ng Josani ang kanilang enhanced kimchi at nakipag-usap sa mga potential market actors upang malaman ang kanilang aktuwal na requirements, preferences, at purchasing considerations.
Kabilang sa mga aspektong sinuri at pinagkunan ng feedback ang taste, aroma, color, texture, packaging, serving size, price, at overall acceptability ng produkto. Sinikap ding alamin ang perception ng merkado sa proposed selling price at ang mga posibleng purchasing arrangements.
Mahalagang bahagi ng aktibidad ang pangangalap ng structured feedback mula sa merkado. Ang impormasyong nakalap ay maaaring magsilbing batayan ng Josani sa susunod na mga desisyon hinggil sa product formulation, packaging, labeling, pricing, production volume, at marketing strategy.
Higit pa rito, ang actual purchase interest, inquiries, sample requests, sales, at potential orders ay nagsisilbing mga paunang indikasyon kung paano tinatanggap ng merkado ang produkto at kung aling market channels ang may potensyal para sa mas matatag na commercial relationships.
Sa pamamagitan nito, nagiging mas malinaw para sa Josani kung aling bahagi ng produkto ang dapat pang pagbutihin at kung anong uri ng buyers ang maaaring maging katuwang nito sa pagdadala ng kimchi mula sa cooperative enterprise patungo sa mas malawak na merkado. Kasabay ng pagpapaunlad ng kanilang produkto at pagpapalakas ng food safety practices, patuloy din ang kooperatiba sa paghahanda tungo sa regulatory compliance, kabilang ang hangarin nitong maging kwalipikado para sa Food and Drug Administration (FDA) License to Operate (LTO).
Sa kabuuan, ang dalawang araw na market engagement ay nagsilbing mahalagang tulay sa pagitan ng product development at aktuwal na market demand. Sa halip na umasa lamang sa assumptions, binigyan ang Josani ng pagkakataong marinig mismo ang boses ng merkado at gamitin ang mga nakalap na impormasyon sa paggawa ng mas evidence-based na business decisions.
Mula sa bukid, pinoproseso ang produkto. Mula sa merkado, hinuhubog ang direksiyon. At sa pamamagitan ng VLFED, patuloy na binubuksan ang mas maraming oportunidad para sa isang mas matatag at market-responsive na enterprise ng mga ARBO.
- Raul Joshua Belo, PIO