02/10/2026
๐ต,๐ฌ๐ญ๐ฏ ๐ฃ๐๐ ๐๐๐ฌ๐ ๐ก๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก ๐ก๐ ๐ง๐๐ฌ๐ง๐๐ฌ, ๐ฃ๐๐๐๐ช๐๐ก ๐๐ก๐ ๐ก๐๐ฃ๐๐๐๐๐๐ข๐ข๐๐๐ก ๐ก๐ ๐ง๐๐-๐ญ๐ฌ ๐๐๐๐ข ๐ก๐ ๐๐๐๐๐ฆ
Umaabot na sa 9,013 pamilya ang napagkalooban ng tig-10 kilo ng bigas sa ilalim ng Bawat Bayan Makikinabang Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Noong Setyembre 29, mayroong 4,261 pamilya mula sa limang barangay ang nakatanggap ng bigas. 2,508 pamilya naman ang napagkalooban ng bigas noong Setyembre 30 at 2,244 pamilya rin noong Oktubre 1.
Ang pamamahagi ng bigas ay pinondohan sa pamamagitan ng Local Government Support Fund (LGSF), na naglalayong makapaghatid ng tulong sa mga komunidad.
Ang pamamahagi ng bigay ay pinangangasiwaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), katuwang ang iba pang tanggapan sa ilalim ng pamahalaang panlalawigan, gayundin ang mga Lokal na Pamahalaang Bayan.
Ipinagpapatuloy naman ngayong Oktubre 2, ang pamamahagi ng bigas sa mga barangay ng Pamantolon, Pularaquen, Busy Bees at Sandoval sa bayan pa rin ng Taytay. | via Orlan C. Jabagat / Mga larawan mula sa